You are on page 1of 4

I.

PAMAGAT NG EPIKO: DARANGAN


II. MAY AKDA: EPIKO NG MGA MUSLIM NA ISINALIN NI G.FRANK
LAUBACK
III. TAON NG PAGLATHALA: NASULAT BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

IV. BUOD NG EPIKO

Magkapatid si Prinsipe Madali at Prinsipe Bantugan, ngunit mas napapansin ang huli dahil sa kanyang
magandang katangian. Dahil sa angking katalinuhan ni Prinsipe Bantugan mabilis siyang natutong gumamit ng
sandata at laging napupuna ng kanilang guro ang kanyang angking kagalingan. Nakita ang kanyang kakaibang taglay
na lakas dahil sa murang edad pa lamang ay mag-isa niyang napatay ang malaking buwaya na kumitil sa buhay ng
napakaraming tao sa kaharian. Hindi sila makapaniwala na nagawa niyang patayin ang halimaw ng walang kaagapay.
Nang binata na, siya ang naging pinakamagaling na sundalo ng kaharian, laging wagi sa mga labanan. Nang
mamatay ang kanilang ama, si Prinsipe Madali ang namuno ngunit nagkaroon ng protesta ang mga tao sapagkat
nais nilang si Prinsipe Bantugan ang tumayong hari. Alam ni Prinsipe Bantugan ang hinaing ng taumbayan ngunit
alam niya na mas karapat-dapat ang kanyang kapatid, ipinaliwanag niya sa mga tao at sa mga kawal na dapat lamang
na si Prinisipe Madali ang mamuno sapagkat napag-aralan niya ng mabuti ang pamamalakad sa gobyerno.
Nagpakumbaba man siya ay naging masama parin siya sa mata ng kanyang kapatid sa kadahilanang kinain ito ng
inggit at poot hanggang sa naghayag ang hari ng kautusan na “Hindi ko gusto na kahit sino ang nakikipag-usap sa
aking kapatid, sinuman ang makitang nakikipag-usap sa kanya ay parurusahan ng malubha”. Nalungkot si Prinsipe
Bantugan sa ginawa ng kapatid, lumayo lahat ng tao sa kanya na pati narin ang mga taong mahal niya ay umiiwas
narin. Hindi tumagal ay nagpasya siyang lisanin ang kaharian at nanirahan sa malayong lugar at doon na nanatili
habambuhay.

V. MGA TAUHAN

a. PANGUNAHING TAUHAN
Prinsipe Bantugan- ang nakababatang kapatid ni Prinsipe Madali, siya ay may angking kakaibang lakas na
hinahangaan ng lahat ng tao sa kaharian higit sa lahat siya’y isanag mapakumbabang kapatid.
b. PANGALAWANG TAUHAN
Prinsipe Madali- ang naging hari ng kaharian at kapatid ni Bantugan na kinain ng inggit dahil sa angking
kahusayan ng nakababatang kapatid.
c. PANTULONG NA TAUHAN
Guro- ang naging guro ni Bantugan na laging pumupuna sa kaniyang katangi-tanging kahusayan at
katalinuhan.
Matanda sa pamilihan at isa pang matandang lalaki- mga taong nag-uusap ng hindi pag sang-ayon sa
pagiging hari ni Madali sapagkat mas karapat-dapat raw si Bantugan.

VI. TAGPUAN

Malayong kaharian ng Mindanao- kung saan naninirahan ang magkapatud na Madali at Bantugan at
pinamumunuan nang maayos ang kanilang kaharian.
VII. TEORYANG NAKAPALOOB

BAYOGRAPIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang
bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at
lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Narito ang patunay sa akda:

Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya ang sarili na parang mayroong
nakakahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit ang mga kababaihan. Kahit ang mga taong kanyang
minahal. Walang gustong kumausap sa kanya sa takot na baka makulong maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya
matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipe na lisanin ang kaharian at manirahan sa malayong lugar kung saan siya
nanirahan habambuhay.
Sa paraan ng pagkakasulat ng akda ay mababatid ang hirap at pighati na naramdaman ng pangunahing tauhan nang
mag-utos ang hari na kung sinuman ang pumansin at tumingin sa kanya’y malupit na parurusahan na para bang siya ay
may nakakahawa at nakamamatay na sakit.

REALISMO
Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon
sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa paksang
sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

Narito ang patunay sa akda:

Dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan.


“Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking kapatid na si Prinsipe Bantugan. Sino man
ang makita na nakikipag-usap sa kanya ay ipapakulong o kaya ay parurusahan ng malubha.”

Nais ipahiwatig ng may akda na kahit na anong mabuti ang gawin mo sa iyong kapwa basta’t ikaw ay mas
nakaluluwag o mas mataas ang tingin ng tao ay gagawa at gagawa ang ibang tao ng masama sayo ng dahil lang sa inggit
at hihilahin ka pababa para lamang sila ang mas mapansin kaysa sa iyo. Sa pahay na ito ng may akda ay nasasalamin
ang katotohanang nangyayari sa atin kapaligiran/mundo.

VIII. PAKSANG DIWA


Ang paksa ng akda ay maipakita ang mayaman na kultura ng mga Muslim ng pasalaysay na patula hinggil sa
kabayanihan ng mga nasa Magindanaw, mga gawaing kahanga-hanga at di sukat mapaniwalang kabayanihan at
kagitingan ng mga mandirigmang Muslim.

IX. ISTILO AT PAGKAMASINING


Ang akda ay sinalin mula sa wikang Maranaw. Dapat nating malaman na ang isang akdang pampanitikan ay may sariling
buhay at may kulturang pinagmulan. Nasa porma o kaayusan ang kasiningan ng isang akda. Lalung-lalo na kung ang
akdang iyong lilikahain ay galing sa pagyabong at kagandahan ng kulturang mayroon ka.

Ang istilo ng pagkakasulat ng akdang ito ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o karanasan sa buhay. Ito ay angkop
sa antas ng pag-unawa ng mga mambabasa.

X. PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN

a. KAHALAGAHANG SOSYAL AT PANGKABUHAYAN

Ang karapatan ng taong sumalungat sa kung ano ang desisyon ng mas nakatataas.(Hal:gobyerno)

Narito ang patunay sa akda:

Nang mamatay ang kanilang ama, si Prinsipe Madali ang namuno ngunit nagkaroon ng protesta ang mga
tao sapagkat nais nilang si Prinsipe Bantugan ang tumayong hari.

Sa pagkakataong iyan ay nagprotesta ang mga taumbayan sa pagkakaupo ni Prinsipe Madali bilang hari
sapagkat alam nila na mas makabubuti at karapat-dapat si Bantugan upang maging kanilang Hari dahil sa angkin
nitong talino at pambihirang-lakas bukod pa ritoy mababanaag sa akda na siya rin ay may mabuting puso.

b. KULTURANG FILIPINO

Na kung sinuman ang panganay o mas nakatatanda ay siyang mas may karapatan sa mana/kapangyarihan
kapag ang mga magulang ay pumanaw na.

Narito ang patunay sa akda:

Nang mamatay ang kanilang ama, ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang hinirang
na bagong hari.

Isinasaad na pangungusap na iyan na si Madali ang humalili sa puwesto ng kanilang Amang Hari sapagkat siya
ang nakatatanda, na walang nagawa ang protesta ng mga tao at sumunod na lamang kahit na alam ng lahat na
mas magagampanan ng mas nakababatang kapatid ang tungkulin dahil sa mga katangian nito.

c. SIMBOLISMONG FILIPINO
Prinsipe Bantugan- kung saan nangibabaw ang kanyang pagka-mapagpakumbaba kahit na nalaman niyang
nagprotesta ang taumbayan sa pagkakaupo ng kanyang nakatatandanag kapatid nilang hari, na siya pang
nagpaliwanag sa kanilang si Madali ang mas makabubuting mamuno at piniling umalis na lamang ng siya’y
gawan ng masama ng kapatid kaysa lumaban pa.

d. KAHALAGAHANG PANGKATAUHAN
Ipinapakita ng may akda ang katotohanan sa ating lipunan o pamilya. Hindi maiiwasan na may mas nakahihigit
sa’yo sa mga kasapi mo sa pamilya na kung saan maaaring pag-ugatan ng galit at maaaring pagmulan ng
kasamaan, kung nakain nan g inggit ang iyong katauhan ay makagagawa ka na ng mga bagay na hindi wasto
kung saan ang mas malala pa’y magbunga ng kasalanan na hindi mo akalaing iyong magagawa.

XI. PARAAN NG PAGKAKASULAT


Ang pagkakasulat ng akda ay salamin ng kultura ng mga Maranaw. Ipinakita ditto ay yaman ng kanilang
kultura na magandang bagay na pinaghugutan ng may akda hindi lamang upang maglibang kundi para rin
mapreserba ang mayamang kulturang meron sila.

XII. PAGWAWASTO NG EPIKO


Maganda ang daloy ng epiko, subalit nakakapanibugho ang wakas nito, naging Malabo ang paglalahad ng
kinahantungan ni Prinsipe Bantugan na sinabi lamang na nagpunta sa malayo at doon na nanirahan
magpakailanman.

XIII. PANGKALAHATANG PUNA AT MUNGKAHI


Ang akda ay nakakapukaw ng pansin ng mga mambabasa dahil sa nakakapanghikayat nitong umpisa na hindi rin titigilan
ng mambabasa hanggang saw akas dahil sa magandang balangkas ng bawat sitwasyon sa epiko na talagang tatapusin ng
mambabasa. Na kung saan, pagkatapos nilang basahin ang akda ay maiiwanan ang isang napakalaking tandang pananong
sa kanilang isipan sa kung anong nagging wakas ng buhay ng pangunahing tauhan.

You might also like