You are on page 1of 1

Paghihirap ng Magulang

Naisip mo ba kung gaano nagpapakahirap ang iyong mga magulang para


lamang masustentuhan ang iyong mga luho? ‘di ka ba kinikilabutan sa tuwing
ika’y hihithit ng sigarilyo at tutungga ng serbesa habang ang iyong ina ay
nagkakandakuba na sa kakalaba? Hoyyy! Maawa ka naman, hindi porke
pinagbibigyan ka ay aabuso ka! Bakit? Dahil mahal ka ng iyong magulang? Dahil
ginagawa nilang lahat mapasaya ka lamang? Ngayon pa lang pag bulay-bulayan
mo na, nang maisip mo kung ano dapat ang pagtuunan ng pansin at ipagsawalang
bahala. Huwag laging sarili mo! ‘wag kang self-centered hindi yan makabubuti sa
iyo.

Unang una ay isama mo naman sa mga prayoridad mo ang magulang mo,


hindi yang syota mo na pabili noon, pabili nito. Na para mabili mo ay
magsisinungaling ka kay Nanay na may proyekto sa eskuwelahan. Nakakaloko
hindi ba? ‘di ka man lang nakonsensya. Kailan kaya darating yaong araw na
mapagtatanto mo lahat ng hirap ng iyong ama’t ina? Kapag sila’y nakalatay na at
hindi na makabangon dahil sa sobrang pagod at may dinaramdam na? Kapag hindi
na sila makapagbigay ng sustento dahil sarili nilang katawan ay inaabuso nila para
lamang sa’yo?

Mag-isip ka, bigyan mo sila ng halaga dahil wala naman silang ibang inisip
kundi pahalagahan ka, iisa lang naman ang dalangin nila, ang maging responsable
ka at makatapos dahil kapag ikaw ay matagumpay na ikaw din mismo ang aani at
magpapakasasa, na sana lang talaga maalala mo pa sila at masuklian ang lahat ng
pinagdaanang dusa. Kaibigan mahalin mo ang magulang mo dahil balang araw
magiging katulad ka rin nila na ama/ ina na walang ibang iisipin kundi ang
kapakanan ng mga supling mo.

You might also like