Professional Documents
Culture Documents
PAMAGAT
Hiblang Abo
III. BUOD
Lugmok na nakaupo si Huse sa silya. Nag-iisa. Nakapako ang tingin sa sahig.
binabaybay ng lipaking palad ang hilatsa ng puluhan ng lumang tungkod. Naglalakbay
ang tingin sa mga bakanteng kama. Babalong sa mata ang luhang hindi malaglag-
laglag. Mapupuna mo sa mga kilos ni Huse na naaalala niya ang mga kasama niya sa
silid na iyon at mahahalata mo din na siya ay nalulungkot dahil sa mga nangyari noon.
Naalala niya ng una niyang makaharap si Misis Salvacion sa opisina nito. Paulit-ulit
siyang tinanong nito tungkol sa kanyang pagkatao. Nang umupo si Huse sa silya na
nakaharap sa mesa ay bigla niyang naalala ang tatlong matanda na kanyang kasama.
Sa dilim, muling mabubuhay ang ala-ala. Isa-isang pumasok sina, Blas, may 70
na taong gulang; Sotero, may 75 na taong gulang; at Pedro, may 72 na taong gulang.
Aayusin ng tatlo ang kanilang higaan. Makikita dito na si Sotero ay nangungulila sa
kanyang bunsong anak na si Victoria. Gabi-gabi ay napapanaginipan ni Sotero si
Victoria. Ang kanyang anak na si Victoria ay hindi na niya nakita simula ng siya ay
makulong.
Ang apat na matanda ay laging nagtatalo. Ito ay dahil kay Sotero. Hindi pa rin
matanggap ni Sotero na ang kanyang anak ay patay na. Si Blas ay ang laging
nakakasagutan ni Sotero. Tuwing gabi na lamang kasi ay hindi maayos ang tulog nila
dahil kay Sotero.
IV. PAGSUSURI
A. Uring Pampanitikan
Ang akdang ito ay isang dula. Bagama’t ito’y isinapelikula, nauna itong
naisulat ni Rene Villanueva bilang isang dulang trahedya.
Ang Dulang Trahedya ay isang uri ng dula na kung saan ang simula ng
kuwento hanggang sa wakas nito ay humantong sa pagkasupil ng pangunahing
tauhan o bayani sa kwento.
B. Istilo ng paglalahad
B. Talasalitaan
7. Nakabubulahaw – nakaiistorbo
8. Sukal – pabigat
9. Katiting - kaunti
A. TAUHAN
a. Pangunahing tauhan
b. Pantulong na tauhan
B. Tagpuan
Isang silid sa institusyon ng abandonadong matatanda –
isa itong abuhing silid na may mga inaamag na dingding at
nagsisimula ng mabakbak ang pintura. Dito isinasaysay ni Huse
ang kaniyang mga mapapait na napagdaan noon nung kasama
niya pa ang tatlong matatanda (Blas, Sotero at Pedro) sa mismong
silid na iyon.
C. Galaw ng pangyayari
Kung ako ang tatanungin sa aking palagay ang dulang ito ay
isang dulang makatotohanan sapagkat ang ilan sa mga pangyayari
o eksena dito ay nagaganap ngayon sa atin.
Hindi lamang ito isang makatotohanang dula, ito ay
nakapokus sa pagpapaliwanag ng mga nararamdaman ng isang
matanda, kung paano sila mabuhay sa kabila ng lahat ng
karamdaman at emosyonal na paghihirap.
VI. SARILING REAKSYON
Marahil gustong ipaalala ni Rene Villannueva sa lahat na halos lahat
ay dadaan din sa pagiging isang matanda. Gusto niya ipakita ang
nararanasan ng isang matanda – ang kanilang mga pangungulila sa pamilya
at ang nararamdaman nilang dalamhati sa pagiging mapag-isa. Marahil gusto
niyang ipangaral sa lahat na dapat nating alagaan sila, anuman ang
mangyari, dahil kahit papaano ay kapamilya pa rin natin sila.
a. Mga teoryang nakapaloob
VII. BISANG PAMPANITIKAN
a. Bisa sa Isip
b. Bisa sa Damdamin
Sa totoo lang, talagang nakapapanlumo ang sinapit ng mga
matatanda sa dula. Napakahirap ng kanilang pinagdadaanan sa
home for the ages kasama ang pangungulila sa pamilya, nakikita
ang sariling nahihirapan at ang bingit ng kamatayan. Kalunus-lunos
ang kanilang sinapit sa huli, na talagang makakapagpabagabag sa
iyong damdamin.
c. Bisa sa Kaasalan
Mababatid mong gusto ng may-akda na pangalagaan ang
ating mga lolo at lola. Huwag nating silang bayaang nag-iisa sa
ganoong mga institusyon, dahil bagama’t mayroon sila ng kanilang
mga kailangan, (pag-aalaga sa kalusugan, pagkain, tubig atbp.)
wala ritong pagmamahal galing sa pamilya na siyang kanilang
tunay na kailangan.
d. Bisa sa Lipunan
B. Pilosopiyang Pilipino
“Sapagkat sa kaniyang kaiklian, buhay’y darating sa kaduluduluhan –
bawat sandali’y dapat pakaingatan; pagkat ang dalamhati’y nasa huli
kailanpaman.”
C. Kahalagahang Pangkatauhan
IX. IMPLIKASYON
a. Kalagayang panlipunan
b. Kalagayang pangkabuhayan
c. Kalagayang Pansarili