You are on page 1of 3

I. PANGALAN: AMADO V.

HERNANDEZ
II. TAGPUAN:
HAGONOY, BULACAN
- Lugar kung saan siya ipinanganak.
TONDO, MANILA
- nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-
ugnayan (American CorrespOndence School).

III. BUOD
Si Amado Vera Hernandez ay isinilang noong ika-13 ng Setyembre taong 1903. Ipinanganak siya
sa Sagrada familia sa Hagonoy , Bulacan subalit siya ay lumaki sa Tondo, Manila kung saan nakapag-aral
siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American
Correspndence School).

Si Amado V. Hernandez ay tinaguriang “Makata ng mga Manggagawa” sa ating panitikan sa


kadahilanang sinasalamin ng kanyang mga tula ang marubdob na pagmamahal sa mga dukhang
manggagawa. Siya ay naging isang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa. Pinuna niya at sinuri ang
kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng amerikano. Nakipag-
ugnayan siya sa mga komunista na siyang naging sanhi ng kanyang pagkakakulong.

Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong aktres na si Atang de la Rama. Siya ay batang ama
at nagka anak sa maagang edad. Ang mag-asawa ay kapwa binigyan ng pagkilala. Kinilala bilang
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan si Amado V. Hernandez, samantalang si Atang de la Rama
naman ay kinilala para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin.

Si Amado V. Hernandez ay naging tagapagsulat sa babasahing Watawat. Nang lumaon ay nagsulat


siya ng para sa mga Pagkakaisa at naging patnugot ng Mabuhay. Napukaw ng kaniyang mga sulatin ang
pansin ng mga dalubhasa sa wikang Tagalog at ilan sa kaniyang mga salaysayin at tula ay napabilang sa
mga antolohiya, katulad ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at ng Talaang Bughaw ni Alejandro
Abadilla.

Noong 1922, naging kabahagi si Hernandez ng samahan pampanitikan na Aklatang Bayan na


kinabibilang ng mga kilalang manunulat sa Tagalog na sina Lope K. Santos at Jose Corazon de Jesus.
Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga
manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan,
naisulat niya ang "Isang Dipang Langit", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula .Nakilala rin si Hernandez
sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang
maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na pinamagatang "Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang
Kuwento".

IV. TEORYANG NAKAPALOOB


BAYOGRAPIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.
Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing
katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Ang buhay ni Amado ay naging napakahirap nang dahil sa kanyang ipinaglalaban, siya ay isang huwarang
manunulat at taong makabayan. Masasabing mahal niya ang kanyang bansa pati narin ang kanyang kapwa
Pilipino.

V. PAKSANG DIWA
Ipinapakita sa buhay ni Amado na kahit anong maging hadlang sa’yo ay ipagpatuloy ang iyong
hangarin basta’t ikaw ay may magandang motibo at magandang hangarin.

VI. ISTILO AT PAGKAMASINING


Maganda ang pagkakasulat sa talambuhay ni Amado sapagkat hindi ito pumili ng magagandang
sitwasyon lamang sa katauhan ng persona bagkus pati ang negatibong parte ng kanyang buhay ay inilagay
sa akda.

VII. PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN


a. KAHALAGAHANG SOSYAL AT PANGKABUHAYAN
Ipinaglaban ni Amado ang karapatan ng mga manggagawa gamit ang kanyang mga akda, hindi
lingid sa ating lipunan na kung sino pa ang mga manggagawang nasa mababang antas ay sila pa ang
mas hinihila pababa kaya’t napakalaking tulong ni Amado upang margining ang boses ng mga
manggagawa at mabigyang-pansin sa lipunan.

b. KULTURANG FILIPINO
Ang pagiging matapang at pagsiwalat sa mga katiwalian at pang-aabuso sa kapuwa. Likas sa ating
mga Pilipino na manindigan lalo na’t alam natin namay mga taong nasasaktan dahil sa ginagawang mali
ng ibang tao (gobyerno, mataas na opisyal, amo). Mayroon at mayroong tao ang mag aaklas at
ipaglalaban ang karapatan nito.

c. SIMBOLISMONG FILIPINO
KULUNGAN
- Kapag ang isang tao ay nalugmok sa dusa at ibinababa ay mas lalong lumalakas ang loob at mas
nabubuhayan ang loob upang lumaban.

d. KAHALAGAHANG PANGKATAUHAN
Si Amado Hernandez ay repleksyon ng isang matapang at matatag na tao, sa likod ng lahat ng
pinagdaanan ay ipinagpatuloy parin niya ang bokasyon na kanyang nasimulan na kahit ito’y maging
dahilan ng pagkapamak niya. Siya’y nagpatuloy sa pagsusulat kahit nasa kulungan na.

VIII. PARAAN NG PAGKAKASULAT


Ang paraan ng pagkakasulat ng talambuhay ay nakasentro sa mga akda ni Amado at sa kaniyang
pinagdaaanan sa larangan ng pagsulat, kung saan nakikita at maaaring makisimpatya ang
mambabasa sa pangyayaring naganap sa buhay nito.
IX. PAGWAWASTO NG TALAMBUHAY
Kung may iwawasto man ako’y ang paglagay ng pangalan ng anak ni Amado at ang kalagayan ng
kanyang pamilya,. Pati narin ang pagpapatuloy ng kaniyang buhay pagkalabas sa kulungan.

X. PANGKALAHATANG PUNA AT MUNGKAHI


Maayos at maganda ang pagkakasulat sa talambuhay yaon nga lang ay nakasentro lamang ito sa
buhay pagsulat ng persona kung saan hindi masyadong napagtuunan ng pansin ang kaniyang personal na
buhay, pati narin nang lumabas siya sa kulungan hindi naging malinaw kung anong nangyari sakanya
pagkatapos.

You might also like