You are on page 1of 2

I.

PAMAGAT: LOLA, 5 IBA HULI SA PAGGAMIT NG DROGA SA PASAY


II. TAGA-ULAT: ANJO BAGAOISAN, ABS-CBN NEWS
III. TAGPUAN: MARICABAN, PASAY
IV. SANGKOT SA BALITA:
LULU
- 62 anyos na babae, pinakamatanda sa anim na nahuling gumagamit ng droga.
LIMA PANG KASAMA NI LULU
- Sinasabing kasama ni Lulu na gumagamit ng droga sa kanyang bahay na ginawa nilang drugden.

V. BUOD:

Arestado sa Pasay City noong gabi ng Miyerkules ang anim na tao, kabilang ang isang 62 anyos na babae
na naaktuhan umanong gumagamit ng droga sa loob ng isang bahay sa Barangay 178.

Pinakamatanda sa mga naaresto si alyas Lulu. Kasama umano nitong gumagamit ng shabu ang lima pa,
ayon sa mga pulis.

Ayon kay Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City police, nakatanggap sila ng sumbong mula sa isang
concerned citizen tungkol sa umano'y drug session sa bahay kaya sinalakay ito ng mga pulis.

Nang maaresto ang mga suspek, nakuha ang 5 sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Aminadong gumagamit ng shabu si Lulu pero depensa niya, hindi siya naaktuhang gumagamit ng droga
dahil naglalaro lang umano sila ng tong-its nang hulihin sila ng pulis.

Kuwento niya, napapagamit daw siya ng droga para umano sa trabaho niyang paglalabandera.

Itinanggi rin ng isa sa mga naaresto na si alyas Letty na kasama siya sa session dahil tulog umano siya
noon.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang anim na nahuli.

VI. TEORYANG NAKAPALOOB


REALISMO
Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang
bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

Nakakalungkot isipin kung gaano na kinakain ng droga ang lipunan, isa ito sa mga realidad na dapat nating
harapin, sa balita pati isang matandang babae gumagamit narin ng bawal na gamut. Ipinakita lamang nito
na kahit napakahigpit na ng ating gobyerno ay nagagawa parin nilang ipagpatuloy ang kanilang maling
ginagawa.

VII. PAKSANG DIWA


Ang paggamit ng droga at ang paglaganap nito sa lipunan bata man o matanda.
VIII. ISTILO AT PAGKAMASINING
Ang pagkakasulat ng balita ay nakakakuha ng atensyon hindi lang dahil sa ulo ng balita kundi dahil
gumamit ang tagapag-ulat ng mga salitang makatawag-pansin at kayang basahin ng lahat ng uri ng
mambabasa.

IX. PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN


a. KAHALAGAHANG SOSYAL AT PANGKABUHAYAN
Nabanggit sa akda na:
Kuwento niya, napapagamit daw siya ng droga para umano sa trabaho niyang
paglalabandera.

Nakakalungkot isipin na bakit tayo humantong sa ganitong klase ng kaparaanan, na kailangan pang gumamit ng
droga para lamang magawa ang trabaho. Hindi na ito bago sa ating pandinig sapagkat ang ganitong balita ay
naglipana na kahit saan.

b. KULTURANG FILIPINO
Nabanggit sa balita na mayroon lamang dumulog sa kanilang ahensya kaya’t nalaman nila ang
pangyayari:

Ayon kay Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City police, nakatanggap sila ng
sumbong mula sa isang concerned citizen tungkol sa umano'y drug session sa bahay kaya
sinalakay ito ng mga pulis.

Nasa kultura nating mga Pilipino ang pagiging mapagmalasakit sa kapuwa.

c. SIMBOLISMONG FILIPINO
TONG-ITS
- Talamak na pampalipas oras nating mga Pilipino.

d. KAHALAGAHANG PANGKATAUHAN
Ang paggamit ng droga ay lubhang nakasasama. Hindi lang ang sarili mo ang iyong winawasak
kundi lahat ng aspekto ng buhay mo. Magiging isang malaking impyerno ang buhay mo kapag ika’y
nalulong dito. Masasabing nakapagbibigay ito ng panandaliang aliw at paglimot pero kapalit nama’y
maaaring buhay mo o ng ibang taong nakapaligid sa’yo.

X. PARAAN NG PAGKAKASULAT
Mahusay ang pagkakasulat ng balita, piling-pili ang mga detalye at impormasyong nakalahad.

XI. PANGKALAHATANG PUNA AT MUNGKAHI


Malaki ang naitutulong ng balita sa’tin. Lalung-lalo na sa ating pang araw-araw na pamumuhay.
Lahat ng nangyayari sa mundo ay ating nalalaman. Sa balitang ito, nakapagtataka lamang na mayroon
paring naglalakas-loob na gumawa nito sa kabila ng adhikain n gating pangulo na sugpuin ang droga sa
Pilipinas. Ito’y lubhang nakaaalarma sapagkat patunay ito na ang ibang tao ay wala nang kinatatakutan at
pinakikinggan.

You might also like