You are on page 1of 1

LICLICAN, May Angelhyn R.

FIL3 3:00-4:30 TTH


MAYANGYANG, Sabina L. 03/26/19
LIW-AGAN, May Ann B.

HUSTISYA
Sa panahon ngayon, maraming krimen ang laganap sa ating bansa. Isa na dito ang
pangagahasa na karaniwan ay menor de edad ang mga biktima sapagkat karamihan sa mga
kabataan ngayon ay marupok, madaling magtiwala, at mahilig sumunod sa uso nang dahil sa
impluwensya ng social media. May mga kaso pa na nauuwi sa karumal-dumal na pangyayari tulad
ng pagpapahirap at pagpatay sa biktima. Maaring sanhi ito ng paggamit ng ipinagbabawal na
gamot, pagkalasing, at sa bihirang sitwasyon ay pwedeng gawin ito ng isang taong may
pagkukulang sa pag-iisip. Ngunit, sila ba ay may eksempsyon sa pagkakakulong?
Ang taong may pagkukulang sa pag-iisip na nakagawa ng kahalayan ay maaring makulong.
Ngunit, ayon sa Article12 ng Revised Penal Code, sila ay eksempted sa Criminal Liability kung
sila ay napatunayan na may kakulangan sa pag-iisip sa oras na naganap ang karahasan, ngunit sila
parin ay mapaparusahan ng Civil Liability. Ibig sabihin, magbabayad parin ang may sala ng
kaukulang danyos batay sa aktong ginawa at sa mga sirkumstansya nito. Ayon sa batas ng
Pilipinas, habang siya ay nasa kustodiya ng pulis, siya ay kailangang sumailalim sa eksaminasyon
ng psychiatrist na ang resulta ay magtatakda kung saan siya nararapat. Kung ang resulta ay
nagsasaad na hindi siya maaring makulong sa bilangguan, ipinapaubaya muna siya sa institusyon
tulad ng mental hospital hanggang siya ay gumaling. Sa oras na maari na siyang lumabas ng
ospital, siya ay ibabalik sa bilangguan at makukulong hanggang sa matapos ang kanyang kaso at
mapatunayan na siya ay may sala.
Sa bawat bagay ay may proseso na kailangang sundin. Iba-iba man ang pananaw ng tao, ang
batas parin ang magdidikta ng hatol. “Dura lex sed lex” na nangangahulugan na “it is harsh, but
it is the law”. Sapagkat ang bawat kasalanan ay may kaakibat na kaparusahan, at lahat naman
tayo ay nabiyayaan ng magandang pag-iisip upang kilalanin ang tama at mali. Samakatuwid, ang
pangangahasa ay isa nang publikong krimen, hindi kinikilala ng bagong batas ang pagpapatawad
ng biktima bilang dahilan para i-dismiss ang kaso o mawalan ng kriminal na pananagutan ang
maysala.

You might also like