You are on page 1of 12

MGA KRIMENG NANGYAYARI SA UNANG DISTRITO NG

ILOCOS SUR

Isang Sulating Pananaliksik na Iniharap kay

Gng. Imelda Nesperos

Ng Kagawaran ng Filipino

University of Northern Philippines

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan ng Asignaturang

Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Nina:

MARZAN, GERALD D.

MAMORNO, MARK NHEL B.

PRUDENCIO, KENNETH CHARLES A.


MGA KRIMENG NANGYAYARI SA UNANG DISTRITO NG ILOCOS SUR

TALAAN NG NILALAMAN

PANIMULA

PAGPAPHAYAG NG SULIRANIN

SAKLAWAT LIMITASYON

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

BALANGKAS KONSEPTUWAL

KATUTURAN NG MGA TALAAN

PARAAN NG PAG-AARAL

MGA HAKBANG NA NAGING PATNUBAY NGMANANALIKSIK SA PAG-AARAL

PINAGMULAN NG DATOS

SANGGUNIAN

TALATANUNGAN
MGA KRIMENG NANGYAYARI SA UNANG DISTRITO NG ILOCOS SUR

PANIMULA

Ang krimen, kabuhungan o sala ay isang gawaing mapaparusahan ng batas o

itinuturing na masamang gawain. Isa itong paglabag sa pangkaraniwang batas o

batas publiko (halimbawa na ang itinatadhana ng Kodigo Penal o Binagong

Kodigo Penal o sistemang legal). Maaari rin itong isang pagtrato o kalagayang

hindi makatarungan o hindi makabatas. Mabibigyang kahulugan din ito bilang

isang maling gawaing itinuturing ng isang estado o ng Kongreso bilang isang

pelonya (felony sa Ingles) o isang kasalanang hindi gaanong mabigat

(misdemeanor sa Ingles, na may kahulugang "pag-uugaling masama") na ang

parusa ay maaaring multa o pagkakakulong sa lokal na kulungan. Sa

pangkalahatang diwa, ang krimen ay kinabibilangan ng lahat ng mga paglabag,

subalit sa diwang limitado ay nakatuon lamang sa pelonya. Ang unang distrito ng

Ilocos Sur ay kabilang sa mga orihinal na kinatawan ng distrito mula 1907 na hindi

kailanman nagbago sa sakop ng teritoryo. Ang unang distrito ng Ilocos Sur ay

binubuo ng mga sumusonod na lugar kagaya ng Ciudad ng Vigan, at ang mga

Munisipalidad ng Magsingga, Cabugao, San Juan, Santa Catalina, Santo

Domingo, Sinait, Bantay, Caoayan, San Vicente at ang San ildefonso na may

kabuoang papulasyon na 292,280 sa taon na 2015 Sa panahon na ikinakaharap

natin ngayon, laganap na ang krimen at karahasan sa iba’t ibang lugar lalo na sa

mga pampublikong palakaran.

Sa panahon ngayon, tumataas na ang bilang ng krimeng nagaganap sa loob

ng bansa. Hindi lamang ito kinasasangkutan ng mga salat sa buhay, kundi pati
MGA KRIMENG NANGYAYARI SA UNANG DISTRITO NG ILOCOS SUR

narin ng mga nakakaangat. Dahil dito, kabilang ang Pilipinas sa isa sa mga bansa

na mayroong pinakamaraming nagaganap na krimen taon-taon sa buong mundo.

Kapansin-pansin ang mga krimeng nagaganap ngayon, tulad ng: pagpatay,

pagnanakaw, panggagahasa, panloloko. Maraming Pilipino ang natatakot,

naaalarma, at nangangamba. Sino ba sa atin ang hindi apektado ng krimen?

Laging itong laman ng mga pahayagan, telebisyon, at radyo.

Hindi natin maitatago ang katotohanan na may dahilan ang mga taong ito kung

bakit patuloy nilang ginagawa ang mga bagay na alam naman nilang mali. Sabi

nga ng karamihan, “nothing happens by chance” at “everything happens for a

reason.” Hindi naman natin pwedeng sabihin na ‘trip’ lang nila kung kaya sila’y

nagnanakaw, nanloloob o pumapatay, kumbaga ayon nga sa ibang kabataan,

“kanya-kanyang trip ‘to, walang basagan ng trip.” Hindi rin tama na sabihin natin

na nasa dugo na nila o nasa lahi na ng kanlang pamilya ang gumawa ng krimen

dahil hindi naman ito “hereditary inborn”. Mali ring sabihin na pangarap ng isang

indibidwal mula nung siya’y bata pa na maging magaling na manggagawa ng

krimen. Walang pinipiling edad ang paggawa ng krimen. Kung tutuusin mas

maraming mga kabataan ang nasasangkot sa pag gawa ng krimen, lalo na sa

panahon ngayon. Ang pabata ng pabata na gumagawa ng krimen ay higit na

nakakaalarma. Madalas nating nababalitaan sa ating telebisyon, radyo o

pahayagan ang pagkakasangkot ng mga kabataan sa nakawan, o panloloob.

Kung ang ganitong pangyayari ay magpapatuloy, papaano na lamang matutupad

ang iniwang kataga sa atin ng ating Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal,
MGA KRIMENG NANGYAYARI SA UNANG DISTRITO NG ILOCOS SUR

“Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.” Ilang beses na ba nating narinig ang

mga katagang ito? Ilang milyong beses na marahil ito naisulat o sinabi ng mga

Pilipino, may pangalan man o karaniwang mamamayan man. Maraming

nagsasabi na gasgas na nga yatang maituturing ang mga pahayag na ito ng ating

pambansang bayani. Bagamat palasak na, tila yata hindi parin nauunawaan ng

marami sa ating mga kabataan ang tunay na kahulugan nito. Ang mga kabataan

ngayon na tinutukoy ni Gat. Jose Rizal ay patuloy na nakikisangkot sa

pagnanakaw, panloloob at paggawa ng krimen. Syempre, hindi tamang basta na

lang natin husgahan ang mga kabataang ito at sabihing sila ay salot sa lipunan.

Nakatitiyak kami na sa lahat ng mga ito ay may kanya-kanyang dahilan ang mga

kabataang ito kung kaya’t hindi tama na basta na lang natin sila husgahan at

sabihing sila ay mga salot ng lipunan.

Natanong niyo na ba sa inyong sarili kung bakit nila nagagawa ang mga bagay

na ito? Marahil madami sa atin ang tinigtignan lang sila bilang mga masasamang

tao at walang ginawang tama. Ngunit, sa negatibong panig na lang ba natin sila

lagi titignan? Maaaring ang paggawa nila ng mga bagay na iyon ay hindi nila

ginusto. Walang bagay na ginagawa ng walang dahilan.Ngunit dahil sa kahirapan

na matagal na nilang pinagtitiisan, tuluyan na silang sumuko at nawalan ng

pag-asa kung kaya’t napilitan na lamang na gumawa ng krimen alang-alang sa

kanilang mga pamilya na umaasang matutugunan ang kanilang kumakalam na

sikmura.
MGA KRIMENG NANGYAYARI SA UNANG DISTRITO NG ILOCOS SUR

Naniniwala kami na magbabago pa ang mga ganitong mga taong gumagawa ng

krimen, maging sila man ay may mga konsensiya din na nag-uudyok sa kanila

kung tama ba o mali ang kanilang ginawa o gagawin. Naniniwala kami na sila din

ay binabagabag ng kanilang konsensya o budhi sa t’wing sila ay gagawa ng

krimen, ngunit dahil sa pagnanais na tugunan ang kumakalam na sikmura ng

pamilya at ng kanilang mga pangangailangan, nilalalabanan nila ang

pagkabagabag ng sarili nilang konsensiya hanggang sa maging manhid ang

kanilang puso’t pagkatao, kung saan hindi na sila tinatablan at binabagabag ng

kanilang konsensya. Batid nila na ang kanilang ginagawa ay hindi tama at

masama. Ngunit, para sa pamilya, nagagawa nilang tigasan ang kanilang mga

mukha hanggang sa dumating ang panahon na sila ay masanay na sa kanilang

maling gawain at mawalan ng takot sa posibleng mangyari sa kanila.Ayon nga sa

iniwang kataga ng dakilang pilosopo na si Aristotle, “Poverty is parent of crime and

revolution.” Bakit ba mayroong mga nag rerebelyon? Iyon ay dahil nais nilang

magkaroon ng pagbabago. Bakit? Marahil sila mismo ay nakakaranas ng

kahirapan. Bakit mayroong mga aktibista? Mga aktibistang patuloy na

nagbabangon ng mga suliranin at usaping pang lipunan para pagtuunan ng pansin

gating gobyerno, dahil alam mismo nila sa kanilang sarili na may maling sistemang

nagaganap sa ating lipunan. Sa katulad na paraan kung bakit laganap ang krimen

ngayon sa ating lipunan ay dahil sa kahirapan.


MGA KRIMENG NANGYAYARI SA UNANG DISTRITO NG ILOCOS SUR

PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang masagutan ang mga katanungan,

makapangalap ng impormasyon at malaman ang mga opinyon ukol ditto.

Naglalayon ito na masagutan ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang mga epekto ng krimen sa mga tao ng Iocos Sur?

2. Ano ang pinaka”common” na krimen na nagaganap?

3. Anong dahilan kung bakit nila nagagawa ang mga ito?

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pukos ng pananaliksik na ito ay para malaman at maintindihan ang resulta

ng pag-aaral at ang epekto nito sa mga tao. Ang mga nagging respondent sa

pag-aaral ay ang mga pulis sa unang distrito ng Ilocos Sur.

Ang kabuuang respondent ng pag-aaral na ito ay may bilang na labing-limang

mga pulis na siyang napili na sasagot ng makatotohanan sa sarbey na ibinigay.

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ang mga sumusunod na pahayag ay batay sa mga isinagawang pag-aaral at

na may kaugnayan sa isinagawang pananaliksik.


MGA KRIMENG NANGYAYARI SA UNANG DISTRITO NG ILOCOS SUR

Ayon kay Presidente Marcos (1965-1986), “Nadagdagan at naging 24 ang mga

krimeng may parusang kamatayan, kabilang na ang subersyon, arson, hijacking,

illegal fishing, cattle rustling, unlawful possession of firearms, atbp.”

Ayon din sa kanya, “Deterrence” ang naging opisyal na kadahilanan sa

pagpataw ng death penalty. Ito rin ang gagawing batayan sa pagpataw ng Batas

Militar noong 1972.

Ayon kay Presidente Corazon Aquino (1986-1992), “Sa ilalim ng 1987

Saligang Batas, inabolish ang parusang kamatayan. Lahatng sentensyang

kamatayan ay ibinaba sa reclusion perpetua. Ngunit noong 1988,nagsimulang

mag-lobby ang militari na ibalik ang parusang bitay para sa mgakrimeng kaugnay

ng insurgency.

Ayon kay Presidente Fidel Ramos (1993-1998), “Bilang reaksyon sa mga

krimeng “high - profile”, nagkarooon ng sapantahang tumataas ang

karumal-dumal na krimen.”

Ayon din sa kanya, “Ipinasa ang RA 7659 noong Disyembre 1993 diumano

upang masugpo ang sinasabing tumataas na kriminalidad.”

Ayon kay Presidente Joseph Estrada (1998-2001), “Noong 1999, kung kailan

naganap ang karamihan sa execution, tumaas naman ang bilang ng krimen sa

bansa ng 15.3% kumpara sa nakaraang taon.”


MGA KRIMENG NANGYAYARI SA UNANG DISTRITO NG ILOCOS SUR

Ayon kay Presidente Gloria Arroyo (2001-2010), “Noong Septyembre 2006

naman, nilagdaan ng Pilipinas ang Second OptionalProtocol sa International

Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR). Kinikilalang kasunduang ito ang

karapatan ng isang tao laban sa parusang kamatayan.Ipinagbabawal ng Protocol

ang pagpataw ng parusang kamatayan sa sinumangmamamayan ng isang

bansang lumagda sa nasabing protocol.”

BALANGKAS KONSEPTUWAL

Isang balangkas na binuo ng mga mananaliksik upang magsilbing batayan sa

isinagawang pag-aaral.

INPUT PROSESO AWTPUT

Hinahangad ng mga Magbabahagi ng Hinahangad ng


mananaliksik na sarbey kwestyuner mga mananaliksik
malaman ang ang mga na malaman sa
epekto at sanhi sa mananaliksik kung pananaliksik na ito
mga ng mga
saan ito ay sa kung gaano kalaki
krimeng nagaganap
paraan ng random ang epekto nit sa
sa unang distrito ng
Ilocos Sur kung
sampling sa mga tao at gaano
kaya’t sila ay labing-limang mga karami ang mga
nagsagawa ng pulis ng unang nagaganap na
paglilimbag ng distrito ng Ilocos Sur krimen sa unang
sarbey na upang makakuha ng distrito ng Ilocos
naglalaman ng mga mga datos o Sur.
latanungan hingil sa I,pormasyon na may
nasabing paksang kinalaman sa
pinag-aralan. paksang tinatalakay.
MGA KRIMENG NANGYAYARI SA UNANG DISTRITO NG ILOCOS SUR

KATUTURAN NG MGA TALAAN

KRIMEN - isang gawaing mapaparusahan ng batas o itinuturing na

masamang gawain.

RAPE - isang uri ng sekswal na pag-atake na kadalasang kinasasangkutan

ng pakikipagtalik o iba pang mga anyo ng sekswal na pagtagos na isinagawa

laban sa isang tao na walang pahintulot ng taong iyon.

KIDNAPPING - ang labag sa batas na pagdadala at pagkakulong ng isang tao

na labag sa kanilang kalooban.

HOLDUP - isang pagnanakaw na isinasagawa sa paggamit ng mga banta o

karahasan.

CARNAPPING - ang pagkilos ng pagnanakaw ng kotse.

AKYAT-BAHAY - isang miyembro ng isang gang na umaakyat sa mga bahay

upang makuhanan ng mga bagay sa loob.

PARAAN NG PAG-AARAL

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksk, ngunit ang napiling

gamitin ng mga mananaliksik ay ang descriptive survey research design na

gumagamit ng talatanungan para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mga

mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas
MGA KRIMENG NANGYAYARI SA UNANG DISTRITO NG ILOCOS SUR

mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa mga pulis ng unang distrito ng

Ilocos Sur.

MGA HAKBANG NA NAGING PATNUBAY NG MANANALIKSIK SA

PAG-AARAL

Ang mga sumusunod na hakbang ang nagsilbing patnubay ng mga

mananaliksik upang maging matagumpay ang pag-aaral:

1. Buuin at tukuyin ang mga suliranin.

2. Lumikha at magbahagi ng mga kwestyuner/sarbey na inaprubahan ng

guro.

3. Pagbasa at pangangalap ng mga kaugnay na literature mula sa libro at

internet.

4. Tuluyang tapusin at ipamahagi ang isinagawang pag-aaral.

PINAGMULAN NG DATOS

Ang mga datos na ginamit ng mga mananaliksik ay mula sa resulta ng sarbey

o kwestyuner sa ipinamahagi sa mga Pulis ng unang distrito ng Ilocos Sur. Ang

kwestyuner ay naglalaman ng sampung katanungan na kung saan ay may

kinalaman sa suliraning nais masagutan.


MGA KRIMENG NANGYAYARI SA UNANG DISTRITO NG ILOCOS SUR

SANGGUNIAN

https://www.scribd.com/doc/94249382/Ang-Krimen-Sa-Ating-Bansa

https://www.academia.edu/23350188/Sanhi_ng_krimen

https://www.slideshare.net/letly13/mga-uri-ng-kriminalidad-54124277

https://peculiarmemories.wordpress.com/2016/08/04/paksa-ang-mga-dahilan-sa-

paglaganap-ng-kriminalidad-at-solusyon-ng-karahasan-sa-colon-street/

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102003482

You might also like