You are on page 1of 4

Glorilyn C.

Panela
(BSMA 1-12)

SA DIMAS AYARAN

Ang dulang musikal na pinamagatang Dimas Ayaran ay nakabatay sa talambuhay ni Dr.


Pio Velenzuela. Sa musikal na ito, nagsama sama ang iba't ibang mga magagalinh na mang aawit
sa Pilipinas, maging ang isa sa pinakasikat na rapper sa pilipinas na si Loonie.

Si Dr. Pio Valenzuela ay isang manggagamot na naging isa sa mga pinakamataas na


pinuno ng katipunan. Katulad ng ibang mga aktibista at mga rebolusyonaryo, ang naging takbo
ng kanyang buhay. Sa dulang musikal na ito, inilathala ang buhay ni Dr. Pio Valenzuela mula sa
kanyang pagkamulat, pagkilos, pagtatasa, pagkagapi at pagkakatalaga.

Sa bahagi ng kanyang buhay kung saan siya ay namulat, nakasaad doon na ang isang tao,
partikular ang isang kabayaan, ay dapat mangarap na matuto hindi lamang sa kaniyang
pansariling kaginhawaan. Mag-aral at matuto para sa bayan, upang maipagtanggol ang mga
naapi at mapagsilbihan ang sariling bayan. Si Dr. Pio ang kumausap kay Rizal upang tumulong
sa plano ng katipunan na banhon at laban mula sa mga awtoridad ng Espanyol. Siya rin ang
naging daan umpang maipamahagi sa marami ang Kalayaan, ang unang pahayagan ng mga
Katipunero. Nang dahil dito, marami ang naidagdag saga kasapi ng kanilang samahan. Ngunit
dahil rin sa mga ito, siya ay nakulong. Kusa siyang sumuko sa mga awtoridad ng kanyang
nalaman na siya ay minamanmanan na. Ginawa niya ito upang hindi na madamay pa ang
kanilang samahan na maaring maging sagabal sa kanilang plano. Pagkatapos ng ilang taong
pagkakakulong siya ay nakalaya. Ilang taon ang nakalipas at siya ay naging alkalde ng isang
malaking musipalidad.

Naging mahalaga ang naging papel ni Dr. Pio Valenzuela sa pagkakalaya ng Pilipinas
mula sa kamay ng mga Espanyol. Mula sa dulang musikal na Dimas Ayarang, malinaw na
ipinakita ang kahalagahan ng pagkamulat ng mga mata ng mga Pilipino. Naging mahalagang
instrumento ang kanilang ipinakalat na pahayagan upang mapalawak nila ang kanilang kilusan.
Nang dahil sa ipinakalat nilang pahayagan, maraming mga Pilipino ang nagising ang kanilang
paninindigan para sa bayan. Gaya ng isang linya sa dula, "Dr. Pio, himukin ang lahat , ahora
mismo!", Kumbinsihin ang taong bayan at palakasin ang loob lalo na kung ang mga mahihina ay
pinagmamalabisan.

Sa panahon ngayon, ito ang ating kaylangan, boses ng taong bayan. Kamakaylan lamang
ay napirmahan na ng Pangulong Duterte ang ani-terror law na nagsasaad na ang pagsasalita ng
taliwas sa gobyerno ay ipinagbabawal, maging ang pagpapakalat ng mga ito. Ipinagbabawal na
rin ang pagsasagawa ng protesta. Ang batas na ito ay malinaw na pumapatay sa kalayaan ng mga
Pilipino sa malayamg pamamahayag. Ang batas na ito ay nagbibigay ng takot sa mga Pilipino
upang punain ang paglukulang ng gobyerno. Gaya na lang ng sa kung saan napupunta ang mga
inutang na pera na para sa pagpigil ng pandemya sa Pilipinas. Ang pagpuna sa naging desisyon
ng pangulo na patawarin ang Chief of Police na si Sinas at ng senator na si Senator Koko
Pimental. Paano na lamang maririnig ang boses ng mga Pilipino kung pilit na itinitikom ng
gobyerno ang kanilang bibig ? Marahil ang mga actibista na gaya ni Dr. Pio, ay naging
matagumpay sa pagpapamulat ng katutunan kaya ganoon na lamang kaalarma ang gobyerno at
nagawa nilang ipasara ang ABS-CBN na isa sa pinakamalaking tagapahayag at nagawang
gumawa ng batas upang itikom ang mga bibig ng mga aktibistang uhaw sa pagbabago.

Kung ating susuriin gamit ang teoryang realismo, mapapansin natin na ang pangyayaring
naihayag sa musikal na ito ay patuloy pa rn na nangyayari sa panahon ngayon. Ayon sa isang
artikulo mula s University of Cebu,"Ang teorya ng realismo ay tumatalakay sa katotohanan sa
lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng
kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at
gobyerno. Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay. "
Nangangahulugan lamng na sa realidad ng buhay, ang kurapsyon at katiwalian ay hindi maaalis
dahil mayroon at mayroon pa ring mga malalakas na tao ang patuloy na aapakan at gagimitin ang
mga tao na nasa ibaba. Oo nga at ito ang katotohanan ng buhay, ngunit paano kung ang mga
pinuno na siyang ating pinakainaasahan na lalaban sa mga panlipunang problemang mga ito ay
sila palang mga kabilang dito. Katulad ng nangyari sa kasaysayan , maraming mga tao anh
matagal nang nagbubulag bulagan asa mga usapin na mga ito. Ang karamihan pa nga ay
ipinagtatanggol ang mga tiwaling mga politiko.
Sa pagpapasara ng ABS CBN at pagsasabatas ng anti-terror law, tila ba ang nakaraan ay
muling nagbabalik. Kapag ikaw ay nagsulat o nagbahagi ng salitang nakakapaghimok ng mga
rebolusyonaryong tao, ikaw ay huhuliin at pilit na papatahimikin. Hindi ba at ganoon ang sinapit
ni Dr. Pio? Siya ay hinuli dahil ang mga nasa itaas ay natatakot na baka ang mga tao ay mamulat
sa totoong nangyayari sa lipunan. Ang masakit lamang na isipin ay ang katotohanan na ang
panahon na iyon, banyaga ang kalaban, ngunit ngayon, kapwa Pilipino na rin natin. Kung sino pa
ang inaasahan natin na magtatanggol sa ating bayan, ay sila pang mga nag-uusig sa sarili nilang
bayan. Sila pang naging tuta ng mga banyagang nais akinin ang ating bayan. Sabi nga sa dula,
mag-aral para sa sariling bayan. Ngunit sa mga taong mga ito na nakapag-aral, ginamit nila ang
kanilang mga matutunan upang akinin ang ating bayan. Sabi nga nila "History repeats itself",
kapag ang gobyerno ay nakikita na ang mga mamamayan ay unti unti nang nagigising , gagawa
sila ng paraan upang sila ay patahimikin. Mula sa kanta no Freddie Aguilar na Bayan Ko, ang
mga linyang

"Ibon mang may layang lumipad,kulungin mo at umiiyak". Aking inaasahan na sa


ginawang hakbang ng gobyerno ito upang patahimik ang taong bayan, sana ay mas uminit ang
makabayang damdamin ng mga Pilipino upang mas ipaglaban nila ang kanilang karapatan bilang
mga mamamayan ng Pilipinas. Aling ipinagdarasal na sana ay hindi matakot ng tuluyan ang mga
tao sa bantang inihahahtid ng batas na ito. Umaasa ako na ang mga Pilipino ay hindi masindak at
sa halip ay lalong magkaroon ng ibayong tapang upang panindigan ang sa tingin nila ay tama.
Para naman sa mga taong patuloy pa ring naniniwala at aumusupurta sa katiwalian ng gobyerno.
Sana ay magising na sila sa kanilang pagkakatulog. Sana ay tuluyan nang pumasok sa kanilang
isip na kaylangan na natin ng pagbabago. Kaylangan na nating lumaya.

Minsan ng naranasan ng mga Pilipino ang pangyayari na katulad nito sa kamay rin
mismo ng isang Pilipinong pinuno. Sa mga panahon na iyon, sa ilalim ng batas militar,
maraming mga bibig ang naitikom maraming mga karapatan ang naapakan. Ayon sa Amnesty
International, 70,000 na katao ang ikinulong, 34,000 ang labis na pinahirapan o tinortyur, at
3,240 ang pinatay sa pamamalagi ng martial law mula 1972 hanggang 1981. Ilan sa mga ginamit
bilang pagpapahirap ang rape, pangunguryente, water cure, at strangulation. Ito ang mga
nangyari noon na hindi impossibleng muling mangyari. Dahil sa ilalim ng bagong batas na
pinirmahan, maaring mahuli ang isang tao kapag siya ay tumutuligsa sa pamamalakad ng
gobyerno kahit walang sapatna ebidensya. Kahit simpleng kutob lamang ay maari nilang ikulong
ang isang tao. Sa ilalim ng bagong batas na ito, hindi malabo na ang mga militar ay aabusuhin at
maarin rin nilang gamitin para sa kanilang pansariling kagustuhan. Nakakatakot isipin na sa sarili
nating bansa ang mga militar at gobyerno na siyang dapat na nagtatanggol at nagproprotekta sa
atin ay sila pang nagbibigay ng takot sa mga Pilipino.

Sa mga mambabatas o mga senador na nagaasabing handa silang mamatay para sa


pangulo, paa sa akin, sila ay tila bang mga asong sunudsunaran sa kanilang amo. Sabi nga ng
namayapang senator na si Senator Miriam Santiago, "I don't mind dying for the Filipino yputh
and nation, buy I very don't want to die for politicians." Sana ay ganito ang pag-iisip ng mga
namamahala sa atin. Ayun nga sa dulang Dimas Ayarang, ialay sa bayan ang karunungan na
mayroon tayo. Dapat ang sambayanang Pilipino ang pinagsisilbihan natin at hindi ang mga
pulitikong takot sa pamumuna at walang ibang ginawa kundi ang nakawin ang kaban ng bayan.
Walang ibang ginawa kundi ang sisihin ang mga mamamayan sa kakulangan nila sa oras ng
pandemya. Walang ibang ginawa kundi ng gamitin ang kanilang posisyon upang makaiwas sa
batas at sa kaparusahan bunga ng baglabag nila sa batas.

Sa dulang musikal na ito ,maraming mensahe at mga napapanahong usapin ang makikita.
Maraming mga napapanahong usapin ang makikita na maaaring maging sagot mga tanong natin
kung bakit nga ba nangyayari ang mga bagay bagay. Ang dulang ito na nagtatalambuhay ng
buhay ni Dr. Pio Valenzuela ay tila nagsasadula rn ng mga nararanasan ngayon ng mga Anak ng
Bayan.

Reperensiya: University of Cebu- Lapu-Lapu & Mandaue (2019) Teoriyang Realismo. p. 1-4

You might also like