You are on page 1of 5

Mary Antoinette S.

Parcasio October 3, 2022


DM1- Pahinungod P. I 100

Dr. Jose Rizal: Paginas de la realidad


(Dr. Jose Rizal: Mga pahina ng reyalidad)

Ang Noli Me Tangere at El filibusterismo ay ilan lamang sa mga taniyag na mga librong isinulat

ni Dr. Jose Rizal. Ngunit itong nagdaang panahon, unti-unti na itong pinagsasawalang bahala at hindi

nabibigyang diin kung gaano ito nagbigay pag-asa sa bawat mamayang pilipino laban sa mga dayuhang

nanakop sa ating bansa. Marami sa mga mag-aaral ang hindi sang-ayon sa pagkakaroon ng Rizal bilang

asignatura lalo na sa mga kursong hindi naman nauugnay dito. Isa ako sa mga estudyanteng minsan

nang sumakit ang ulo dahil sa kurikolum na Rizal. Ang pagkahaba-habang akda at malalalim na salitang

nakapaloob dito ay siyang nakakapanlumo. Ngunit kung titignan natin ito sa ibang anggulo, hindi natin

lubusang mauunawaan ang mga nangyayare sa kasalukuyang panahon kung hindi natin babalikan at

pag-aaralan. Ang mga akda ni Rizal ang siyang nagbigay daan upang mamulat tayo sa reyalidad ng

mundo at hindi malayong kung ano ang mga naranasan ni Rizal at ating mga ninuno noong unang

panahon ay magkasingtulad pa rin ng nararanasan natin ngayon kahit na tayo’y malaya na sa kamay ng

mga dayuhan. Gaya nga ng isa sa kataga sa kanyang librong El Filibusterismo, “Pasasaan pa ang

kalayaan kung ang mga alipin ngayon ay siya din namang mang-aalipin bukas”. Hindi maikakailang

ang Pilipinas ay nakakaranas pa rin hanggang ngayon ng pang-aalipin ngunit hindi na sa mga dayuhan

bagkus ito’y ating nararanasan sa kamay na bakal ng sarili nating mga kababayan.
Bakit nga ba mahalagang pag-aralan ang mga akdang isinulat at ipinamana sa atin ng magiting

na bayani na si Dr. Jose Rizal? Sa reyalidad, ang pag-aaral sa asignaturang Rizal ay nakasaad sa

Republic Act 1425, na tinatawag ding Rizal Law, ito ay nag-aatas na ang mga gawa, mga sinulat, at

buhay ni Dr. Jose Rizal ay ituturo sa mga paaralan, bilang pagkilala sa kaniyang kagitingan at dahil na

rin sa kaniyang mga akda na may malaking kontribusyon sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa.

Layunin ng batas na ito na maipasa sa mga kabataan ngayon ang kahalagahan ng nakaraan. Ang

kabuuang mensahe ng nobela ay nagbibigay payo kung paano haharapin ang mga isyung kinakaharap ng

lipunan ngayon at kung ano ang ating tungkulin sa ating bayan na siyang dapat malaman ng mga

estudyante lalo na ngayon at tumitindi ang pagkakaroon ng problema sa ating lipunan. Ang edukasyon

ay isang mahalagang bahagi sa kalayaan at tagumpay para sa isang indibidwal at sa kabuuang bansa.

Ang batas Rizal ay ang daang ginamit upang mamulat ang mga kabataan sa reyalidad na tinatamasa ng

ating lipunan. Ito ay syang instrumento upang mabuksan ang natutulog na pusong maka-pilipino.

Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay naglalaman ng mga pananaw ni Dr. Jose Rizal sa

iba’t ibang isyung kinakaharap ng Pilipinas, ang mga ito’y isyu sa pamahalaan, pamilya, edukasyon,

ekonomiya, kasarian at iba pang nakaka apekto sa pag-unlad ng ating bansa. “Ang pamahalaan ay

itinayo para tumugon sa kapakanan ng mga tao…. dapat muna silang sumunod sa manipestasyon ng

mga mamamayan na mas nakakalam ng kanilang mga pangangailangan…. Sila’y may mga

pagkakamali rin at di dapat balewalain ng iba” saad ni Isagani sa kabanata 15 ng El Filibusterismo.

Ang pagsasawalang bahala ng gobyerno sa kanilang mga mamayan ay siyang nagpapatunay na kahabag-

habag ang sinasapit ng mga pilipino sa kanilang kamay. Kabilang si Rizal sa kilusang reporma at

propaganda laban sa diskriminasyon na nararanasan ng mga pilipino sa kamay ng mga espanyol at

hanggang ngayon ang kilusang reporma ay umiiral pa rin, ngunit ang pagbubukas ng iyong saloobin

patungkol sa kanilang maling ginagawa at paghingi ng pagbabago o reporma ay nangangahulugang ikaw


ay kalaban ng goberno na nagreresulta ng kaliwa’t kanang red-tagging o mas malala ay nagreresulta ng

tahasang pagpaslang. Kaliwa’t kanang panlilinlang at pambubulag gamit ang kanilang matatamis na

salita sa mga taong bayan, at ang mas masahol pa ay ginagawang mangmang ang kanilang nasasakupan.

May mga pilipino pa ring hanggang ngayon ay umaasa sa kanilang pangakong pagbabago, ngunit sa

panahon ngayon hindi natin mararanasan ang pagbabago kung ang mga nasa pinakataas na posisyon ang

siyang may problema.

Masasabi nating kakambal ng pagkakaroon ng bulok na sistema ng pamahalaan ang pagkakaroon

ng bulok na sistema sa hustisya. Gaya nalamang ng sinapit ni Simoun, ang kaapihan at labag sa

katarungan ang siyang nagdudulot ng paghihiganti. Marami sa ating mga kababayan ang hirap makamit

ang hustisya lalo na kung ikaw ay mahirap. Nagmimistulang negosyo nalamang ito para sa mga

makapangyarihan at lunod sa salapi. Kaya nama’y mas gugustuhin nalamang ng mga salat sa pera ang

maghiganti o kaya nama’y maging sunud-sunuran at ibasura ang kanilang prinsipyo at karapatan para

mabuhay. Noon pa man laganap na ang korupsyon, at ito’y atin pa ring pinagdudusuahan. Ang

mayaman ay lalong yumayaman at ang mahirap ay lalong naghihirap. Ang buwis na binabayaran na

pinagpapaguran ng taong bayan ay siyang ikinalulugod ng mga nasa posisyon kaya naman pababa nang

pababa ang ekonomiya ng Pilipinas.

Kasabay pa nito ang pagkakaroon ng diskriminasyon at pang-aabuso sa kasarian lalong-lalo na

sa mga kababaihan at mga myembro ng LGBTQI. Kalunos-lunos ang sinapit ni Maria Clara at iba pang

mga kababaihan, nagmistula silang mga pipi at mga alila na walang ginawa kundi ang mag rosaryo at

magsilbi sa mga prayle. Ito’y ipinaglaban ni Rizal dahil naniniwala siya na hindi lamang ang mga lalaki

ang may kakayahang ipaglaban ang kalayaan ng ating bayan, na siyang ipinaglalaban at iginigiit

hanggang ngayon. Marami pa rin ngayon ang walang bilib sa kakayahan ng mga kababaihan lalong-lalo

na sa pagiging lider, mahina pa rin ang turing nila dito.


Kung ating siyasatin, maraming mga kabataan ngayon ang manhid, bulag, at mababa ang

kaalaman pagdating sa kanilang papel sa bayan. Nag mistulang kadagdagan pa ang mga kabataan

ngayon sa problema sa ating lipunan. Nagsusumiklab sa kanilang mga puso ang takot, takot na

makatanggap ng diskriminasyon at paniniil at nagmimistula silang mga bulag na tagasunod na lamang sa

agos ng bulok sa sistema. Kaya naman hindi lamang ito dahil sa batas na naisa-patupad, mayroon pang

mas malalim na dahilan kung bakit kinakailangan pa ring pag-aralan ito. Ito ay isa sa mga nagsisilbing

ebidensyang pangkasaysayan, at bawat pahina ng mga nobela ay naglalaman ng mga katotohanang

hanggang ngayon ay ating ipinaglalaban. Kilala si Dr. Jose Rizal bilang tagapaglaban ng kalayaan at

karapatang pantao ng mga pilipino at batid niya kung kagano kalakas ang kakayahan ng bawat kabataan

na magsimula ng pagbabago sa ating lipunan. Ang mga kabataan ang siyang susi upang maipag-patuloy

ang nasimulan ng ating pambansang bayani. Ang sakripisyo niya sa ating bayan ay hindi

nangangahulugang pagtatapos ng kaniyang pahina bagkus ito ay simula pa lamang ng bagong kabanata

na ipagpapatuloy ng mga kabataan sa mga sususnod pang henerasyon.

You might also like