You are on page 1of 16

KAKAYAHANG PAGGANAP SA

PAGBASA AT PAGSURI NG IBAT IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK
Ikatlong kwarter 2016 - 2017

Dulot ng Noli Me Tangere sa Kasalukuyan

Pagbabago at Paniniwala sa Kultura

Masdan ang Kapaligiran

Rivera, Armina Nicole C.


11- STEM 5

G. Aris A. Algonahota, LPT


Guro

Ika-16 ng Enero, 2017


Buod ng Noli Me Tangere
Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng
kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay
nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan
Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso,
Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa
lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang
dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya
pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang
lalakarin.

Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan


ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw
sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang
gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di
nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya
bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay
ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa
pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa
bayang yaon.

Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso,


na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal.
Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may
isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito
ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang
nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang
bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador
kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na
kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit
nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa
bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon.
Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa
kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga
Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng
tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.

Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang


ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama
na magpatayo ng paaralan. Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng
paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni
Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang
nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata. Sa
pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling
pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito
papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya
nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at
napigilan ito ni Maria Clara. Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing,
namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan
at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa
pagtatanggol sa bayan.

Source: Noli Me Tangere


Dulot ng Noli Me Tangere Sa Kasalukuyan

Ang pag-aaral ng Noli Me Tangere ay sinulat ng ating Pambansang


Bayani na si Jose Rizal upang imulat sa ating mga Pilipino ang mga problema
at suliranin ng Pilipinas. Pinag-uusapan dito ang napakaraming suliranin ng
bayan na hindi natutugunan ng mga mamamayang Pilipino sapagkat sila ay
nabubulag lamang mula sa katotohanan. Sabi nga ng Matandang Pari batay
sa libro, Sadyang kailangan tayong kalabanin at gisingin upang
malantad ang ating mga kasamaan at kahinaan, sa ganitoy lalo
tayong mapapabuti (Kab. 9, Noli Me Tangere). Dahil hindi sa lahat ng
bagay at oras ay palagi na lamang tayo magpapa-api sa mas
makapangyarihan.

Sa katauhan ni Ibarra ay nakita ko ang personalidad ni Jose Rizal.


Isang edukado, matipuno, matapang, maka- Diyos at pagiging makabayan.
Dahil sa Noli Me Tangere ay naging inspirasyon ko si Jose Rizal sa lahat ng
aking ginagawa kung saan nakatulong pa ang libro sa aking pag-aaral upang
makagawa ng mga pagbabago sa ating bayan. Naging batayan rin ang Noli
Me Tangere upang makita ang mga suliranin sa bayan at kung ano ang
maaaring mga solusyon dito.

Totoo ngang mayroong pagkakaiba ang bayan noon, sa bayan ngayon


ngunit dahil sa Noli Me Tangere ay natutununan ko na mayroong mga bagay
na problema noon ay patuloy pa ring isang problema hanggang ngayon
katulad na lamang ang pagkakaroon diskriminasyon sa tao, korupsyon, pag-
aalsa, mga hindi makatuwirang batas, mga umaayon sa makapangyarihan,
mga lihim na gawain at iba pa.
Matapos kong basahin ang isinulat ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere,
ako ay napa-isip na madalas sa nilalaman ng Noli Me Tangere ay tungkol sa
Pag-ibig, dito mababasa at
malalaman kung ano ang pag-ibig ng ina sa anak, pag-ibig ng lalaki sa babae
at kung ano pa. Dito mo rin mababasa kung ano merong gobyerno tayo noon
at kung paano binulag ng pera ang katotohanan. Dito mo mababasa
kung gaano makapangyarihan ang pag-ibig na kahit malayo man kayo sa
isat-isa at kung tunay ngang inyong pag-iibigan ay hindi ito mawawala at
mananatili ang inyong pag-iibigan tulad ni Maria Clara at Crisostomo Ibarra
na kahit si Ibarra ay nasa ibang bansa nagawa paring ibigin ni Maria Clara at
walang sinumang makakapigil sa kanya. Mababasa mo rin dito kung gaano ka
halaga ang pag-ibig ng ina sa anak. Tulad ng pag-ibig ina nina Crispin at
Basillio sa kanila, na handang gawin ng isang ina ang lahat-lahat kahit
siyay pahirapan, magutom, masktan bastat malaman niya lang na maganda
ang sitwasyon ng kanyang mga anak. Napakahalaga sa isang pamilya ang
pag-iibigan, dahil ang pag-ibig ay nagpapalakas sa atin, na kahit
anong problema, pagsubok ang ating salubungin ay malalampasan natin ito
kung tayoy nag-iibigan ng tunay. Sadjang makapangyarihan ang pag-ibig,
dahil kaya nitong baguhin an gating pagkatao, bigyang kulay ang malungkot
nating buhay, matutubab din nating magsakripsiyo makamit lamang ang pag-
ibig na inaasam, kahit anong pagsubok sa atin ng tadhana ay malalampasan
natin ito basta tunay ang iyong pag-ibig.

Ngunit minsan ang pag-ibig ay nagdadala sa atin sa kapahamakan tulad


ng paghihigante, pagpatay at marami pang iba. Marami sa uri ng pag-ibig
mababasa mo sa Noli Me Tangere ngunit ang isa sa pinakamahalagang
samsamin na pag-ibig ng mga Pilipino ay ang pag-ibig sa Bayan, muslim ka
man o kristiyano ay dapat mong mahalin ang iyong bayang sinilanga. Dahil
kung kinakahiya mo ang iyong pinanggalingan mas malansa ka pa sa
malansang isda ang tingin sa iyo ng ibang tao. Pag-ibig kaya ring bilhin ng
salapi, ngunit ang pag-ibig na nabibili ng salapi ay hindi tunay at iyon ay
panlabas na anyo lamang ng pag-ibig.

Nabasa ko rin dito na ang pera ang umiikot sa ating Lipunan noon, kung
wala kang pera lahat ng sasabihin mo ay mali kahit na yung ninanais mo ay
para sa iyong Lipunan at kung marami kang pera lahat ng sasabihin mo ay
tama at itoy pakikinggan pa ng ating pamahalaan, kung minsan pa nagiging
banal, dahil ang pera ay nakakbili ng kabanalan katulad ng mga Santo at
Santa noon. Bakit ba ganitong uri ng Lipunan ang isinulat ni Dr. Jose Rizal na
kayang lokohin ang mga tao, gawing tama ang mali, mag-alipin ng mga tao
at yung iba ay gawing sunod-sunuran dahil sa pera.

Mula noon hanggang ngayon ay sadyang makapangyarihan ang pera,


kayang takpan ng pera ang iyong kasalanang nagawa, at kung ikaw ay
mahirap wala kang silbi sa iyong lipunan parang ikaw ay isang buhay na
patay na ang ibig sabihin ay buhay ka pa ngunit kung wala kang pera ay
patay ang tingin sa iyo ng pamahalaan, tao at batas. Ganyan
kamakapangyarihan ang pera noon sa atng lipunan at hanggang ngayon.
Sadjang makabuluhan ang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal akalain mong
itoy totong nagyari sa ating bansa ngunit ito ay kathang isip lamang ni Rizal.
Sadyang malawak ang pag-iisip ni Rizal kahit sa mura niyang isipan siyay
nakakagawa ng tula, nobela at aklat.
Sa lahat, Ang Noli Me Tangere ay hindi lamang isang libro, asignatura
at nakapagbibigay ng impormasyon kundi nagbibigay din ito ng tulong upang
mabuksan ang ating kaiisipan na gumawa ng mga magagandang pagbabago
sa ating bayan. Bilang isang mag-aaral ay nakakatulong ang pag-aaral ng
Noli Me Tangere sa paghubog ng katayuan natin dito sa atin bayan. Makikita
natin na magsisimula lamang ang pagbabago sa ating mga kabataan.
Maganda ang nilalaman ng Noli Me Tangere na gustong ipahiwatig ang mga
problema sa ating bansa. Gusto lamang nitong isaad na ang kanser ng
lipunan ay kailangan nang mawala sa pamamagitan ng edukasyon.
Edukasyon na bubuo sa pagkatao ng isang mamamayang Pilipino na
makakagawa ng mga magagandang pagbabago dito sa bayan na kapag
nagpatuloy ay maiaangat na ang kinabukasan nito at magiging kilala bilang
maunlad na bayan at hindi bilang lupa ng problema.
Saan Tayo Nagmula?

Isinulat ni: Jaycee Costales

Maraming tao ang tinuruan na nagkataon lamang ang buhay sa lupa.


Itinuro sa kanila na ang lahi ng tao, na kumpleto sa emosyonal, intelektuwal,
at espirituwal na kakayahan, ay basta na lamang lumitaw sa pamamagitan
ng ebolusyon.

Pero isipin ito: Kung talagang walang Maylalang at basta na lamang


tayo sumulpot sa pamamagitan ng ebolusyon, sa diwa, ay ulila ang
sangkatauhan. Walang mapagkukunan ng nakatataas na karunungan ang
sangkatauhanwalang tutulong sa atin sa paglutas sa ating mga problema.
Sa karunungan ng tao tayo aasa para mapigil ang pagkasira ng kapaligiran,
malutas ang mga alitan sa pulitika, at matulungan tayo sa ating personal na
mga problema.

Magkakaroon ka ba ng kapayapaan ng isip kung sa tao lamang tayo


aasa? Kung hindi, ang sinasabi naman ng Diyos ang pag-isipan mo. Hindi
lamang ito mas maganda, kundi mas makatuwiran.

Kung Ano ang Sinasabi ng Bibliya

Itinuturo ng Bibliya na talagang nilalang ng Diyos ang tao. Hindi tayo


nagmula sa walang damdamin at walang isip na ebolusyon. Sa halip, tayo ay
mga anak ng isang maibigin at matalinong Ama. Pansinin ang malilinaw na
pananalitang ito sa Bibliya.

Genesis 1:27. Pinasimulang lalangin ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang


larawan, nilalang niya siya ayon sa larawan ng Diyos; nilalang niya sila na
lalaki at babae.

Mateo 19:4-6. Hindi ba ninyo nabasa na siya na lumalang sa kanila mula sa


pasimula ay ginawa silang lalaki at babae at nagsabi, Sa dahilang ito ay
iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ang kaniyang ina at pipisan sa kaniyang
asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman? Kung kaya hindi na sila
dalawa, kundi isang laman. Kaya nga, ang pinagtuwang ng Diyos ay huwag
paghiwalayin ng sinumang tao.

1 Juan 3:2 Mga minamahal, ngayon ay mga anak tayo ng Dios, at hindi pa
nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin na kung siyay
mahayag, tayoy magiging katulad niya: sapagkat siyay ating makikitang
gaya ng kanyang sarili.

Panig ng Siyensiya

Ayon sa pag-aaral ni H. Otley Beyer at Jaime C. de Veyra, ang mga


unang tao sa Pilipinas ay mula sa pangkat na nandayuhan. Silay ang mga
pangkat ng Pygmies, Indonesians, Malays, Dawnman at iba pa. Iniuugnay nila
ito sa teoryang tungkol sa tulay na lupa na sinasabing tumawid ang mga tao
kasama ang mga hayop na katulad ng mga butong labi na natagpuan sa
Gitnang Asya. Sa paniniwalang totoo ang tulay na lupa, makabubuo tayo ng
haka na magkakaugnay ang Palawan, Mindoro at Luzon pati na rin ang Samar
at Leyte. Sa ganitong kalagayan, masasabing ang mga tao noon ay palipat
lipat sa ibat ibang mga pulo at naniniwala ang mga mananalaysay na nang
matunaw ang mga yelo ay nawala na rin ang mga tulay na lupa at nanatili
ang mga manlalakbay sa kapaligiran nilang pinakibagayan.

Kung alam nating tayo ay nilikha at nagmamalasakit sa atin ang ating


Maylalang, tiyak na aakay ito sa tunay na kapayapaan ng isip. Pero higit pa
ang kailangan upang mapanatiling panatag ang ating kalooban.

Source: http://jayceecostales.blogspot.com/

Pagbabago at Paniniwala sa Kultura

Ang bawat tao ay may kinabibilangang kultura na siyang kinalakhan


niya at nagtuturo sa kanya sa mga papel na dapat niyang gampanan sa
lipunan at kung paano niya ito maisasagawa sa pamamaraang maituring na
kanais-nais higit sa lahat ang kulturang ito ang kanyang sandigan at gabay sa
kanyang paglalakbay tungo sa makabuluhang buhay. Ang kultura ay likas, ito
ay maibabatay sa paraan ng pangaraw-araw na gawi at pamumuhay na
pinaniniwalaan o kinasanayan ng bawat indibidwal sa isang pook o lugar. Ang
Pilipinas noon ay mayroon ng sariling kultura bago pa man dumating ang
mga banyagang mananakop at sa pagdaan ng panahon lalo itong pinalawak
at nilinang ng mga henerasyon. Ang mga kulturang ito ay nagpapatunay
kung sino tayo ngayon. Ngunit bakit parang hindi na natin ito napapansin at
binibigyan ng halaga ngayon.

Nagbabago ang hilig at pangangailangan ng tao at hindi


tayo makukuntentokung ano lamang ang mayroon sa atin ngayon. Ang
hiyerarkiya ng pangangailanganng isang teorya sa sikolohiya na ipiniresenta
ni Abraham Maslow sa kanyang nilathala noong 1943 na A theory of
Human Motiation. Ang teorya ni Maslow ay nagkakaroon ng epekto sa pag-
aaral ng mga kaugalian ng tao at kinakailanganmatutunan ito ng bawat isa sa
atin.

Mayroong kani-kaniyang paniniwala ang ating mga ninuno tungkol sa


pinagmulan ng lahing Pilipino. Tayo daw ay nagmula sa Alamat ni Malakas at
Maganda na sinasabing mula sa luwad na niluto at binigyang buhay sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng buho ng kawayan. Gayunpaman, mainit
pa rin pinagdedebatehan ang usaping ito. Sa tekstong ito, matutunghayan at
maisasaisip kung gaano nga ba sila kahalaga upang makamit natin ang
kaunalaran, kaalaman, at kahusayan na ating tinatamasa ngayon sa ating
henerasyon. "Saan nga ba tayo nagmula?" at "Paano nga ba nahubog ang
mga tao sa kasalukuyang panahon? Ito ay ilan lamang sa mga tanong na
umiikot sa inyong kaisipan na minsan hindi natin maiiwasang isipin. Sa
modernong panahon, maaring napalitan na nga ng iba't ibang teknolohiya
ang ating tradisyunal na kultura noon, ngunit dapat parin nating alalahanin at
isipin kung paano nga ba natin nakamit ang kaunlaran mula sa paggamit ng
bato, hanggang sa ating modernong panahon na ating tinatamasa ngayon.
Ayon nga sa Bibliya, Mga minamahal, ngayon ay mga anak tayo ng
Dios, at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman
natin na kung siyay mahayag, tayoy magiging katulad niya:
sapagkat siyay ating makikitang gaya ng kanyang sarili. [1 Juan
3:2.]
Ang mga kilalang mananalaysay sa panig ng Siyensya na sina H. Otley
Beyer at Jaime C. de Veyra ay mayroong ibang pinaniniwalaan. Ayon sa
kanilang pag-aaral, ang mga unang tao sa Pilipinas ay mula sa pangkat na
nandayuhan. Silay ang mga pangkat ng Pygmies, Indonesians, Malays,
Dawnman at iba pa. Iniuugnay nila ito sa teoryang tungkol sa tulay na lupa
na sinasabing tumawid ang mga tao kasama ang mga hayop na katulad ng
mga butong labi na natagpuan sa Gitnang Asya. Samantala, kung nagkaisa
sina Beyer at de Veyra sa paniniwalang totoo ang tulay na lupa, makabubuo
tayo ng haka na magkakaugnay ang Palawan, Mindoro at Luzon pati na rin
ang Samar at Leyte. Sa ganitong kalagayan, masasabing ang mga tao noon
ay palipat lipat sa ibat ibang mga pulo at naniniwala ang mga mananalaysay
na nang matunaw ang mga yelo ay nawala na rin ang mga tulay na lupa at
nanatili ang mga manlalakbay sa kapaligiran nilang pinakibagayan.

Sa ngayon, maliwanag na mahihinuha na ang mga unang tao sa


Pilipinas ay namuhay na may sariling kultura. May mga kasangkapan silang
bunga, palamuti sa katawan, mga armas at makinis na mga gamit. Sa mga
gamit na natagpuan, masasabi na sila ay mangingisda at nakapag-imbak ng
pagkain.
Global warming mawawala na?
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN Ni Ramon M. Bernardo| Updated
September 14, 2014

Isang itinuturing na magandang balita ang napaulat nitong linggong ito ang
isang report ng isang scientific panel ng United Nations na nagsasaad na
muling kumakapal at nakakabawi na ang Ozone layer na nagsisilbing
depensa ng daigdig laban sa mapaminsalang ultraviolet rays ng araw o solar
radiation na nagdudulot ng sakit na kanser at sumisira sa mga pananim at
nagdudulot ng iba pang problema sa mundo tulad nga ng tinatawag na global
warming.

Bawat taon, nasa 6.5 milyong pagkamatay sa mundo ang iniuugnay sa


polusyon sa hangin, at malaki ang posibilidad na lumaki pa ang bilang na ito
sa mga susunod na dekada hanggang hindi kumikilos ang sektor ng enerhiya
upang bawasan ang emissions. Mula kasi noong 1970s, numinipis at
nagkakaroon ng butas ang ozone layer na ito na ang sinisisi ay ang man-
made na chlorofluorocarbons (CFC) na nagpapalabas ng chlorine at bromine
na sumisira sa ozone molecules sa mataas na himpapawirin. Nang
magpalabas ng alarma ang mga scientists, nagkaisa ang mga bansa sa
buong mundo sa isang tratado noong 1987 na ihinto ang paggamit ng CFC na
ang mga kemikal ay ginagamit sa mga refrigerants at aerosol can.

Sa kalkulasyon ng UN, kung hindi nagkaroon ng kasunduan ang mga bansa,


magkakaroon ng ekstrang dalawang milyong kaso ng skin cancer taun-taon
sa buong mundo pagsapit ng 2030. Pero kakatwa na, ayon sa report,
tumutulong sa muling pagbuo ng ozone layer ang mga greenhouse gases na
nagkukulong ng mga init na itinuturing na pangunahing sanhi ng global
warming. Ang tumataas na lebel ng carbon dioxide at iba pang gas ay
nagpapalamig sa upper stratosphere at ang mas malamig na hangin ay
nagpapakapal sa ozone. Sinasabi naman ng ilang scientist na nakaaambag sa
global warming ang mga kemikal na ipinalit sa CFC.
Ibig sabihin, hindi lang itong mga kemikal sa CFC ang nagiging sanhi ng
global warming. Meron pang iba. Ang ikinagagalak lang daw ng mga scientist,
kung nagkakaisa at kumikilos ang lahat ng mga bansa, mapapangalagaan
ang kapaligiran at ang buong mundo. Ipinahihiwatig lang sa report ng UN
panel na nakaambag ang naging hakbang ng mga bansa mula noong 1987
para mapigilan ang tuluyang pagkasira ng ozone layer. Sana nga, tuluy-tuloy
na ito.

Source: www.balita.net.ph

Masdan ang Kapaligiran

Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito


nanggagaling lahat ng bagay na ating ikanabubuhay. Ito ay maganda at
kapakipakinabang. Mula sa pagkain, tirahan, gamot at marami pang iba. Dito
rin nanggagaling ang ating kaalaman na dahil sa kuryosidad sa
napakahiwagang nilikha ng Diyos, nasusubok natin ang hangganan ng ating
kaalaman.

Dito sa ating bansa, napakataas ng ating biodiversity. Marami


tayong mga hotspots na tinatawag na mapapakinabangan natin para lumago
at lumawak ang turismo sa ating bansa. Mayaman din tayo sa likas na
yaman. Ang ilang sa mga ito ay hindi pa natin alam kung paano gagamitin at
ang ilan ay di pa natin natutulakasan.

Sa kasalukuyang panahon nakaaalarma na ang nangyayari sa


ating kalikasan ngayon dahil sa ating kapabayaan. Dahil kung anong ginanda
noon ay iyon naman ang kinabaliktaran sa panahon natin ngayon sapagkat
hindi natin napapangalagaan ng maayos.

Madalas nating magamit ang salitang kalikasan tulad na lang pag


tayo ay sinasamaan ng tiyan, nasasabi natin na ako ay tinatawag ng
kalikasan. Sa mga taong hindi kaagad makakaintindi ng ibig sabihin ay
aakalaing tao ang kalikasan. Pero hindi nila alam na ang kalikasan ay ang
ating ginagalawan. Ang kalikasan ay madalas na nababalita sa atin dahil ito
ay may mabuti at masamang naidudulot sa atin depende sa ating
pangangalaga. Mararapat nating pangalagaan ang ating kalikasan sapagkat
itoy biyaya ng diyos. Huwag nating pabayaang masira ang ating kalikasan
dahil ito ay ating yaman at maaaring magkaroon ng hindi tamang
pagkabalanse sa atin na pwedeng magdulot ng panganib.

Sa panahon ngayon kitang- kita at damang- dama natin ang lupit


ng kalikasan. Buhay ang sinisingil sa atin pag itoy gumanti. Bagyo, pagguho
ng lupa, lindol at pabago bago ng klima ay ilan lamang bunga ng ating
pagpapakabaya sa kalikasan. Tulad na lamang ng bagyong Ondoy, ang
daming buhay at ari-arian ang nasira niya. Halos burahin ang Pilipinas sa
mapa. Hanggang ngayon ay bakas na bakas pa rin ang kaniyang ginawa.
Landslide na binabaon ng buhay ang tao, na para kang inilibing ng buhay.
Pabago pabago ng klima na nagdudulot ng sakit hanggang sa mahantong sa
kamatayan at nakakaapekto rin sa ting mga pananim na nagbubunga ng
kakapusan ng pagkain hanggang sa magmahalan ang mga ito. Lindol na
kumikitil ng buhay at ari arian. Sa makatuwid hindi biro pag nagalit ang
kalikasan. Dapat tayong kumilos upang maayos natin ang mga suliranin sa
usaping kalikasan. Magtanim tayo ng mga puno upang mabawasan ang
pagbaha at mga landslide na maaring mangyari sa mga kalbong
kabundukan at para na rin mabawasan ang init ng ating mundo o maiwasan
ang global warming. Iwasan din nating magtapon ng basura sa mga
yamang tubig upang makaiwas sa pagkamatay ng mga isda. At para rin hindi
dumumi o mamatay ang yamang tubig. Huwag din gumamit ng mga dinamita
sa pangingisda nang hindi masira ang ating mga koral na bato. Iyan lamang
ang mga ilang halimbawa upang makaiwas sa mga delubyong kayang ibigay
ng kalikasan.

Pangalagaan natin ang kalikasan sapagkat dito rin nanggagaling ang


ating mga pangangailangan lalot higit ang hangin na ating inihihinga. Sa
tulong ng mga ahensya ng pamahalaan mas mapapadali ang pagsagip sa
ating inang kalikasan. Makakatulong rin ito sa mga susunod pang
henerasyon, sanay masaksihan pa nila ang tunay na kagandahan ng ating
minamahal na kapaligiran. At sa ganitong pamamaraan matutulungan din
natin na magising mula sa matagal na pagkakahimlay ang ating bansang
Pilipinas.

Ang kakulangan natin ng kaalaman sa kahalagahan ng kalikasan,


abusadong paggamit nito at walang disiplina at limitasyon pagpapatayo ng
mga inprastraktura, maling paraan pagtatapon ng basura, mali paraan ng
pangingisda ang naging dahilan kung bakit nagkakaroon ng di inaasahang
mga sakuna. Halos taon-taon tayong nakakaranas ng matinding pagbaha,
landslide, phenomena at pagbabago ng klima. Tayong mga mamamayan at
lahat ng nabubuhay dito sa mundo ang naaapektuhan ng mga sakuna at
hindi magandang pagbabagong ito.

Nararapat lamang na pangalagaan ang ating mga likas na yaman


sapagkat dito tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan sa ating
pamumuhay at dito rin nakasalalay ang ating kaligtasan. Huwag na nating
antayin pa na mailagay sa panganib ang buhay natin, at magkaroon ng
realisasyon sa kahalagahan ng kalikasan.

Simulan natin sa ating sarili, sa sariling bakuran at sa maliit na


komunidad. It will make a difference. Kumilos na tayo habang pwede pa
nating isalba at maenjoy ang biyayang binigay sa atin ng Panginoon.

Pagmasdan ang paligid. Tumingala sa kalawakan. Damahin ang


hanging dumadampi sa balat. Tingnan ang lupang tinatapakan, Pansinin ang
lawak at masasabing Kayganda ng kapaligirang ipinagkaloob ng Maykapal
sa kanyang nilikha! Malalawak ang kabukiran, kagubatan at karagatang
nagtataglay ng makukulay na kaanyuan. Paraisong kaysarap tirahan! Hindi
mapipigilan ang mabilis na pag-inog ng mundo. Mabilis din ang pagdami ng
kanyang nilalang na may taglay na talinong paunlarin ang buhay. Hindi
tumigil sa paghanap ng mga paraan upang mailagay ang buhay sa
magandang kalagayan. Ayon sa Balita.Net.Ph, BAWAT taon, nasa 6.5
milyong pagkamatay sa mundo ang iniuugnay sa polusyon sa
hangin, at malaki ang posibilidad na lumaki pa ang bilang na ito sa
mga susunod na dekada hanggang hindi kumikilos ang sektor ng
enerhiya upang bawasan ang emissions.

Lingid sa kaalaman, nabulabog ang kalikasan. Sa mga interaksyong


nagaganap, napipinsala ang pisikal na kapaligiran. Oo ang tahimik na
biktima. Hindi ito kataka-taka, Nilikha ang kapaligiran upang magsilbi at
mapakinabangan ng tao. Masdan ang kapaligiran. Ang mga bukiring
malalawak ay lumiliit na dahil sa mga gusaling itinayo. Maging ang halaman
at hayop ay naaapektuhan ng mga pagbabagong ginagawa ng tao sa
kanyang paligid. Maliwanag sa atin ang katotohanang ang kapaligiran ay para
sa tao at ang tao ay para sa kapaligiran. May tungkulin ang taong
pangalagaan ang mga ito para rin sa patuloy niyang kapakinabangan. Dahil
sa mga pang-aabuso at kapabayaan sa kapaligiran, nagiging sanhi ito ng
pagkamatay ng ibat ibang bahagi ng kalikasan. Ito ang dahilan kung bakit
may polusyon ng hangin, tubig at lupa sa maraming lugar sa daigdig.

Ang polusyon ay nagdudulot ng ibat ibang uri ng sakit. Palasak na


senaryo ngayon ang maraming taong naoospital. Hindi tuloy nagiging
epektibong mamamayan. Nakapipinsala rin ito sa kabuhayan ng mga
magsasaka at mangingisda kayat nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa.
Maraming senaryo na tayong nasaksihan kung paano nilapastangan ang
paraisong kaloob ng maykapal. Napaluha na rin tayo sa mga nasabing
senaryo. Magkatuwang ang tao at kapaligiran sa pagkamit ng kaunlaran. May
kakayahan ang taong harapin ang suliranin at kakayahang lumutas sa mga
suliranin sa kapaligiran. Pagyamanin at di patayin ang likas na yamang
kaloob ng Diyos sa atin. Laging isaisip may ginto sa paligid na dapat
pahalagaan.

You might also like