You are on page 1of 46

Filipino 9

Ikaapat na Markahan

LEARNING ACTIVITY SHEETS

1
GAWAING PAGKATUTO
Kaligirang Pangkasaysayan ng akdang Noli Me Tangere
Panimula ( Susing Konsepto) Kilala mo ba kung sino ang ating pambansang
bayani? Ano sa tingin mo ang napakahagang naiambag niya sa ating bansa? Sa
araling ito ay magkakaroon ka ng malalim na kaalaman kung paano nabuo o nasulat
ang nobelang Noli Me Tangere.
Malalaman mo rin mula sa araling ito ang tunay na mga dahilan kung bakit naisatitik
ang nag-aapoy na damdamin ni Rizal na gumising sa damdamin ng mga mamayang
Pilipino sa matagal na pagkakahimlay nito sa mga pang-aaping ginagawa ng mga
Espanyol sa bansa.
Matutunghayan din sa araling ito ang mga pinagdaanan ni Rizal, maging sa kaniyang
pamilya bago niya ganap na naipalimbag ang nobela. Tatalakayin din dito ang mga
hakbang na ginawa ng pamahalaang Espanyol upang hadlangan ang pagpapakalat at
paglimbag sa akdang ito nang sa gayon ay hindi ito mabasa ng mga Pilipino.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng: Pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat nito; Pag-iisa-isa sa
mga kondisyon ng lipunan sa panahong naisulat ito; Pagpapatunay sa pag-iral pa ng
mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa lipunang Pilipino. F9PN-Iva-b-56
Alam mo ba...
Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Ang Noli Me Tangere ay ang kauna-unahang nobelang isinulat ni Rizal.
Magdadalawampu’t apat na taon pa lamang siya nang isulat niya ito. Ang nobelang
ito ang maituturing na walang kamatayan kung paanong walang kamatayan ang
kabayaniahan ni Jose Rizal. Ayon kay Dr. Blumentritt, ang Noli Me Tangere ay
“Isinulat sa dugo ng puso”. Ngunit ano nga ba ang layunin ni Rizal sa pagsulat niya
ng nobelang ito? Narito ang kaniyang paliwanag: “ Ang mga salitang Noli Me
Tangere, na sinipi sa Ebanghelyo ni San Lucas (na dapat ay Ebanghelyo ni San Juan
20:13-17), ay nangangahulugang “huwag mo akong salingin.” Ang aklat ay
naglalaman ng mga bagay na hanggang sa kasalukuyan ay walang sinumang
makapangahas na bumanggit. Ang mga bagay na iyon ay napakaselan kaya’t walang
makasaling man lamang. Pinangahasan kong gawin ang di-mapangahasang gawin ng
sinuman.
Sinagot ko ang mga paninirang-loob ng daan-daang taon na ikinulapol sa amin at sa
aming bayan. Inilarawan ko ang kalagayan ng lipunan at ang ayos ng pamumuhay
roon, ang aming mga paniniwala, mga pag-asa, mga hangarin, mga karaingan, mga
2
pagdadalamhati. Itinambad ko ang mga pagpapaimbabaw na sa balatkayong
relehiyon ay siyang nagpahirap at nagmalupit sa amin.
Ipinakilala ko ang kaibahan ng tunay sa di-tunay na relehiyon sa relihiyong ang
kinakalakal ay ang Banal na Kasulatan upang mapagsalapi, upang kami’y
papaniwalain sa mga kaululang sukat ikahiya ng Katolisismo kung kaniya lamang
malalaman. Inangat ko ang tabing upang ipakita kung ano yaong nasa likod ng mga
madaya at nakasisilaw na pangako ng aming pamahalaan. Sinabi ko sa aming mga
kababayan kung ano-ano ang aming mga kapintasan, ang aming mga bisyo, ang
aming pagwawalang-bahala sa mga pagdaralita roon na nagpapakilala ng karuwagan
at tunay na masisisi sa atin.
Saanman ako makakita ng kabaitan, ito’y aking ipinagbabansag at pinag-uukulan ng
karampatang paggalang. Ang mga pangyayaring aking isinalaysay ay pawang
katotohanan at tunay na nangyari; ang mga iyon ay maaari kong patunayan. Maaaring
ang aklat ko ay may mga kapintasan kung sining at ganda ang pag-uusapan; iyan ay
hindi ko itatanggi; datapwa’t ang hindi matutulan ay ang kawalan ng pagkiling ng
aking pagsasalaysay.”
Bakit kaya naisip at nawika ng ating pambansang bayani ang lahat ng ito? Musmos
pa lamang siya ay nasaksihan na niya ang kalunos-lunos na kondisyon ng Pilipinas
dahil sa pang-aalipin ng mga Espanyol. Sa sarili niyang bayan, sa Calamba, unti-
unting namulat ang kaniyang mata sa kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino.
Naligalig siya sa pangaraw-araw na kalupitan ng mga Espanyol. Nasaksihan niya
kung paanong ang matatandang lalaki ay hinahagupit ng mga guardia civil kung hindi
wasto ang pagsaludo sa kanila, kung hindi nag-aalis ng sombrero kung sila’y
mapapadaan sa harapan nila; ang pagmamalupit sa mga babae at maging sa mga bata.
Naging biktima rin ng kalupitan at kawalang- katarungan ang pinakamamahal niyang
ina, si Donya Teodora. Ibinilanggo siya sa maling paratang na kasabwat ng kapatid
na si Jose Alberto sa tangkang paglason sa asawa nitong huli. Hindi pa napapawi ang
kalungkutan sa pamilyang Rizal dahil sa pagkabilanggo ni Donya Teodora ay
nagkaroon ng pag-aalsa sa Cavite na ibinintang kina Padre Burgos, Gomez, at
Zamora, kasama ang ibang lider na Pilipino.
Ang tatlong paring martir ay binitay sa pamamagitan ng garote sa Bagumbayan. Ang
mga pangyayaring ito’y nagpakilala kay Rizal na nangangailangan ng malaking
pagbabago ang kaniyang bayan- pagbabagong sa pamamagitan lamang ng karunugan
at ng edukasyon matatamo. Kaya nang mabasa niya ang aklat na The wandering Jew
(Ang Hudyong Lagalag) ay nabuo sa kaniyang puso na sumulat ng isang nobelang
gigising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at magsisiwalat sa kabuktutan at
pagmamalupit ng mga Espanyol.
Kaya bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya itong isulat sa Madrid at doo’y
natapos niya ang kalahati ng nobela. Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris

3
noong 1885 at natapos ang sangkapat. Natapos naman niyang sulatin ang huling
ikaapat na bahagi ng nobela sa Alemanya noong Pebrero 21, 1887.
Mula nang simulan niyang isulat ang Noli Me Tangere ay nagsimula nang magtipid
si Rizal. May pagkakataong dalawang beses lamang siyang kumain sa maghapon sa
maliit lamang na restawran. Ito ay ginawa niya sa paglalayong makaipon ng salaping
magugugol para sa pagpapalimbag ng nasabing nobela. Natapos niya ang Noli Me
Tangere ngunit wala siyang sapat na halaga upang maipalimbag ito. Mabuti na
lamang at dumalaw sa kaniya si Maximo Viola na nagpahiram sa kaniya ng salapi na
naging daan upang makapagpalimbag ng 2,000 sipi nito sa Imprenta Lette sa Berlin,
Albanya noong Marso 29, 1887.
Maraming humanga sa katalinuhang ipinamalas ni Rizal sa pagsulat niya ng Noli Me
Tangere ngunit marami rin ang nagalit sa kaniya lalo na ang mga Espanyol. Gayon na
lamang ang pangamba at takot ng kaniyang mga kababayan, lalo na ng kaniyang
buong pamilya, dahil sa ibinunga ng kaniyang Noli nang ang mga sipi nito ay
makarating sa Pilipinas. Nabalitaan nila ang balak na pag-uwi ni Rizal sa Pilipinas
dahil dito’y lalo silang nangamba na baka siya ay mapahamak sa kamay ng mga
taong nagagalit sa kaniya. Ngunit dahil sa kaniyang matitibay at mahahalagang
dahilan ay inibig niyang makabalik sa Pilipinas.
Una, nais niyang bumalik sa Pilipinas dahil sa hangarin niyang maoperahan ang
kaniyang ina dahil sa lumalalang panlalabo ng kaniyang mata; pangalawa ay upang
mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera ang kaniyang
mga sulat mula taong 1884 hanggang 1887; at panghuli, ibig niyang malaman kung
ano ang naging bisa ng kaniyang nobela sa kaniyang bayan at mga kababayan. Nang
magbalik siya sa Pilipinas sa unang pagkakataon noong Agosto 6, 1887, si Rizal ay
agad na nagtuloy sa Calamba upang maoperahan ang kaniyang ina. Samantala
habang siya ay nasa Pilipinas, ang kaniyang Noli Me Tangere ay isinailalim sa
masusing pagsusuri ng kaniyang mga kaaway. Ito ay ipinasuri sa isang sadyang
Komisyon, na matapos magsuri ay nagpasyang dapat ipagbawal ang pag-aangkat,
pagpapalimbag, at pagpapakalat ng mapanganib na aklat na iyon sa Pilipinas.
Bilang hakbang sa pag-iingat, si Rizal ay pinabantayan ni Gobernador-Heneral
Terrero kay Tenyente Jose Taviel de Andrade upang maligtas siya sa mga tangka ng
kaniyang mga kaaway. Hindi nagtagal ay pinayuhan siya ng nasabi ring gobernador
na umalis na muli sa Pilipinas alang-alang sa kaniyang pamilya at buong bayan.
Umalis siya sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero, 1888. Sa kaniyang pag-alis ay
nagpunta siya sa Hong Kong, Hapon, San Francisco at New York sa Estados Unidos,
at London sa United Kingdom. Habang siya ay nasa ibang bansa ay iniukol ni Rizal
ang kaniyang panahon sa pagsulat ng mga tugon sa mga tuligsa sa kaniya. Ang una’y
tinugon niya ang mga polyeto ni Fray Rodriguez ( ang kahulugan ng Fray o prayle ay
paring Kastila) laban sa kaniyang Noli Me Tangere. Inilagay niya sa katawa-tawang
anyo ang naturang pari sa sinulat niyang La Vision de Fray Rodriguez. Ang kaniya
namang Por Telefono ay laban kay Fray Salvador Font na nanguna sa lupong
4
nagsiyasat at gumawa ng ulat upang ipagbawal na basahin ang Noli ng sinumang
Pilipino.
Pag-unawa sa binasa:
Sagutin nang buong husay ang mga tanong na nasa kahon at isulat ang kasagutan sa
espasyo na nakalaan para sa iyo sa ibaba.
1.Bakit pinamagatang Noli Me Tangere ang nobela? Naangkop kaya ang pamagat na
ito sa nilalaman ng nobela? Ipaliwanag?

2. Bakit itinuturing na walang kamatayan ang nobelang Noli Me Tangere?


Sumasang-ayon ka ba rito? Bakit?

3. Ano-ano ang mga pangunahing layunin ni Rizal sa pagsusulat niya ng nobelang


ito? Masasabi mo bang nagtagumpay siya sa mga layuning ito batay sa kalagayan ng
bansa at mga Pilipino sa ngayon?

4. Ano-anong mga pagtitiis at paghihirap ang naranasan ni Rizal habang isinusulat


niya ang Noli Me Tangere?

5. Ano-ano ang ginawa ng pamahalaang Espanyol upang mahadlangan ang


pagpapalimbag at pagpapakalat ng mga sipi ng Noli Me Tangere? Paano ito hinarap
ni Rizal?

Gawain:
Panuto: Ngayong nalaman mo na ang kaligirang pangkasaysayan ng obra maestra ni
Rizal na Noli Me Tangere, isagawa ang sumusunod na panutong nasa loob ng kahon.
1. Ilarawan gamit ang sariling pananalita ang kondisyon/ kalagayan ng ating
lipunan sa panahong isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere.

2. Ilahad ang sariling pananaw kung bakit sa kabila ng nakaambang panganib sa


buhay ni Rizal ay itinuloy pa rin niya ang pagsulat ng Noli Me Tangere. ( Sa
aking paniniwala...... )

3. Isa-isahin ang mga bagay na ginawa ng mga Espanyol para mahadlangan ang
pagkakalimbag ng Noli Me Tangere
5
4. Magbigay-patunay na hindi nga nagkamali si Rizal sa kaniyang pagsulat at
pagkakalathala sa nasabing nobela dahil sa naging epekto nito sa mga
nakababasa noon, at magpahanggang ngayon.

GAWAING PAGKATUTO
Kontekstuwal na Pahiwatig sa Pagbibigay ng Kahulugan
Panimula (Susing Konsepto) Sa pagkuha ng kahulugan ng salita sa isang
pahayag ay maaaring magamit ang pahiwatig na kontekstwal ( context clues)
sapagkat nakukuha ang kahulugan ng isang salita sa kung paano ito nagamit sa loob
ng pangungusap o pahayag.
Ito ay may mga anyo: a) kahulugan- ang kahulugan ng salita ay makukuha sa ibang
bahagi ng pahayag o pangungusap. b) karanasan- sa karanasang nabanggit sa isang
pangungusap ay maaaring matukoy ang kahulugan ng salita. c) salungatan- ang
salita ay may kasingkahulugan o may kasalungat. d) pahiwatig- sa pamamagitan ng
pagpapakita ng sanhi at bunga ay nalalaman ang kahulugan ng salita. e) tono- ang
tono ng pagbigkas ay nakatutulong sa pagbibigay ng kahulugan ng salita.
Sa araling ito, ikaw ay makatutukoy ng kontekstuwal na pahiwatig sa
pagbibigaykahulugan ng mga pahayag o pangyayari sa akdang Noli Me Tangere,
Kabanata I.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda Natutukoy ang mga kontekstuwal
na pahiwatig sa pagbibigay- kahulugan. F9PT-IVa-b-56

KABANATA I
Isang pagtitipon ang inihanda ni Don Santiago sa kanyang bahay na nasa tabi ng ilog
ng Binundok at sa daang Anluwage. Siya ay kilala sa bansag na Kapitan Tiago at
higit na kilala siyang maginoo at bukas ang palad sa pagtulong sa kapwa. Halos puno
ng tao ang kabahayan. Magkakasama sa isang pulutong sina Padre Sibyla, Padre
Damaso, isang nakapaisano, at isang kawal.
Kaaalis ko pa lamang sa bayang San Diego, pagkatapos ng 20 taong panunungkulan.
May 6,000 mamamayan doon at ang lihim ng bawat isa’y batid ko. At nang ako’y
umalis, sino ang naghatid sa akin? Ilang matatandang babae at ilan ding
hermano tercero, gayong 20 taong nanirahan ako roon.
Wala pong kinalaman iyan sa desestanco ng tabako.

6
Nabigla si Padre Damaso at halos mabitawan ang hawak na kopita.
Ano? Hindi kayo nakaiintindi. Hindi ba ninyo nalalamang mali ang pagbabagong
ginagawa ng mga ministro?
Naniniwala ba kayo?
Gaya ng paniniwala ko sa Ebanghelyo. Ang mga Indio ay mapagpabaya.
Ipagpatawad ninyo ang di ko pagsang- ayon. Ang inyong sinasabi’y pumukaw sa
aking damdamin. Likas po ba sa mga taong iyan ang pagkapabaya o iyo’y pagtatakip
lamang sa pamamahala ng mga sumakop, na aking narinig sa isang manlalakbay?
Si G. Laruja ang magpapatunay sa inyong ang mga Indio ay mangmang at
mapagwalang- bahala.
Iyan ang totoo. Wala nang hihigit pa sa mga Indio sa kamangmangan at pagkawalang
utang na loob.
Napagawi ang usapan ng pulutong sa paglilipat kay Padre Damaso sa ibang bayan
pagkatapos makapagsilbi sa San Diego.
Padre Damaso, kayo’y 20 taon sa bayan ng San Diego. Hindi ba kayo nasiyahan
doon?
Hindi! Kung walang kalayaan ang magkura ay mapapahamak ang bayan.
Ano ang ibig ninyong sabihin?
Iyan ang sanhi ng mga kapahamakan. Ang mga ereheng kaaway ng Diyos ay
pinanigan ng pamahalaan.
Ang tenyente’y muling nagtanong. Hinarap siya ni Padre Damaso at mariing
nagsalita.
Kapag ang Kura’y nagpahukay ng isang bangkay ng isang erehe, kahit na ang hari’y
walang karapatang makialam ni magparusa.
Dapat ninyong malaman na ang heneral ay kinatawan ng hari. Bawiin ninyo ang
inyong sinabi, kung hindi, bukas na bukas di’y malalaman iyan ng Heneral.
Nagkainitan sina Padre Damaso at ang tenyente. Namagitan si Padre Sibyla sa
dalawa.
Siya nga’y hindi nangungumpisal, ngunit isang kasinungalingan ang sabihing siya’y
nagpatiwakal. Matapat siya sa kanyang tungkulin sa Diyos at sa lipunan. May
kaisaisang anak na nasa Europa kaya walang dahilan upang siya’y magpatiwakal.
Nang dumating ang kura sa San Diego ay ipinabugbog ang koahutor at ipinahukay
ang bangkay upang ibaon sa ibang pook. Nang mabatid ito ng Heneral ay inilipat sa
isang bayan si Padre Damaso.

7
Pagkatapos ay lumayo ang tenyente. Unti- unting nagbalik ang katiwasayan sa
bulwagan. Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin gaya ng mag- asawang sina
Dr. De Espadaῆa at Donya Victorina.
Gawain:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng bawat salitang nasalungguhitan sa bawat
pangungusap batay sa konteksto nito. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Pagkatapos ay lumayo ang tenyente. Unti- unting nagbalik ang katiwasayan sa
bulwagan.
A. Kaginhawaan B. Kapayapaan
C. Kasiguraduhan D. Kaligtasan
2. Ipagpatawad ninyo ang di ko pagsang- ayon. Ang inyong sinasabi’y pumukaw sa
aking damdamin.
A. Gumising B. Nagpatibok
C. Nawawala D. Natutulog
3. Iyan ang sanhi ng mga kapahamakan. Ang mga ereheng kaaway ng Diyos ay
pinanigan ng pamahalaan.
A. Pinaniwalaan B. Pinatotohanan
C. Kinampihan D. Inayawan
4. Napagawi ang usapan ng pulutong sa paglilipat kay Padre Damaso sa ibang bayan
pagkatapos makapagsilbi sa San Diego.
A. Manahan B. Magtrabaho C. Makatulong D. Maglingkod
5. Wala nang hihigit pa sa mga Indio sa kamangmangan at pagkawalang utang na
loob.
A. Kagandahang loob B. Pasasalamat
C. Pagkakautangan D. Responsibilidad

8
GAWAING PAGKATUTO
Pagkakatulad/Pagkakaiba ng Binasang Akda sa Napanood na
Nobela
Panimula (Susing Konsepto
Ang telenobela ay isang nobelang napanonood sa telebisyon. Tulad ng
mga nababasa sa mga aklat ito ay binubuo ng mga kabanata. Sa bawat
kabanata ng isang nobela ay naiuugnay natin ito sa tunay na buhay
napapanood man ito o nababasa. Ang pagkakaiba lamang ng telenobela sa
nobelang nababasa ay napapanood ito at nakikita ang aktwal na mga
pangyayari. Ito ay nangangailangan ng pokus sa panonood nang sa gayon
ay di mawala sa kuwento. Samantalang sa pagbabasa ay nakasalalay sa
imahinasyon ng nagbabasa ang mga lugar, eksena at mga pangyayaring
tinutukoy sa kuwento. Pinalalakbay nito ang ating isipan. Napanonood o
nababasa man ang isang nobela ito ay parehas ang kanilang tunguhin_ ang
manlibang, magbigay- aral, magpabatid at marami pang iba. Sa tulong ng
nobela ay napauusbong ang kasanayang panonood (telenobela) at
kasanayang pagbabasa. Sa aralin ngayon, ikaw ay makapagbibigay ng
patunay na may pagkakatulad o pagkakaiba ang binasang akda sa ilang
napanood na telenobela.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda Nabibiyang- patunay na may pagkakatulad/
pagkakaiba ang binasang akda sa ilang napanood na telenobela. F9PD-Iva-b-55
Si Crisostomo Ibarra ( Kabanata 2)
Biglang natigilan si Padre Damaso, hindi dahil sa mga magagandang dalaga hindi rin
dahil sa Kapitan Heneral at sa mga alalay nito, kundi dahil sa pagdating ni Kapitan
Tiago na hawak pa sa kamay ang isang binatang luksang-luksa ang kasuotan.
"Magandang gabi po sa inyong lahat! Magandang gabi po, Padre!" ang bati ni
Kapitan Tiago na humalik sa kamay ng alagad ng Simbahan. Inalis ng paring
Dominiko ang suot na salamin at sinipat ang binata, samantalang namumutla naman
at nanlalaki ang mga mata ng paring Pransiskano.
Ikinararangal kong ipakilala sa inyo ang anak ng yumao kong kaibigan, si Don
Crisostomo Ibarra!" patuloy ni Kapitan Tiago. "Kararating lamang niya mula sa
Europa, at siya'y aking sinalubong.
9
Pagkarinig sa pangalan, hindi naitago ng mga panauhin ang kanilang paghanga sa
binata. Nakalimutan tuloy ni Tenyente Guevarra na batiin si Kapitan Tiago. Nilapitan
ang binata, at sinuri mula ulo hanggang paa. Si Ibarra'y mataas kaysa karaniwan,
malusog at mukhang edukado. Bakas sa kanyang mukha ang pagiging magiliw,
matapat, at masayahin. Kayumanggi ang kulay ngunit mamula-mula ang pisngi.
Kababakasan iyon ng lahing Kastila.
"Aba!" may pagtataka ngunit masayang bati ni Ibarra. "Ang kura ng aking bayan!
Padre Damaso, ang matalik na kaibigan ng aking ama! Napatingin ang lahat kay
Padre Damaso.
"Hindi ka nagkakamali!" agaw ng prayle. "Ako nga si Padre Damaso, ngunit kahit
kailan ay hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama. Danan-dahang
iniurong ni Ibarra ang iniabot niyang kamay sa pari.
Nagtatakang tinitigan ang kausap. Tumalikod siya upang harapin ang pormal na anyo
ng tenyenteng patuloy pa ring nakamasid sa kanya.
"Kayo nga ba ang anak ni Don Rafael lbarra?"
Yumukod si lbarra. Bahagyang napakislot ang Pransiskano sa kinauupuan at
tinitigan ang tenyente mula ulo hanggang paa.
"Maligayang pagdating! Sana'y higit kayong maging mapalad kaysa sa inyong ama.
Nakilala ko at nakasama ang inyong ama, at masasabi kong siya'y mabuti at marangal
na tao," wika ng tenyente na nangangatal ang tinig.
Naantig ang damdamin ni Ibarra sa narinig "Ginoo, dahil sa papuri ninyo sa aking
ama ay nawala ang aking alinlangan tungkol sa mga bagay na hindi ko pa
naliliwanagan.
Napaluha ang militar tumalikod at lumakad papalayo.
Napansin ni lbarra na nag-iisa siya sa gitna ng sala. Lumapit sa mga kadalagahan at
nagwika, "lpahintulot ninyo sa akin na labagin ko ang mahigpit na tuntunin sa
pakikipagkapwa. May pitong taon akong wala sa sariling bayan at sa aking
pagbabalik ay hindi ko matiis na hindi batiin ang pinakamahalagang hiyas ng aking
bayan, ang mga babae. Nakaramdam ng kaunting pagkapahiya nang wala ni isa man
sa mga kadalagahan ang kumibo. Matapos ang sandaling pag-aalinlangan, tinungo
niya ang nagkakatuwaang kalipunan ng mga kalalakihan.
"Mga ginoo," aniya. "Ipagpatawad po ninyo kung gamitin ko ang isang kaugalian sa
Alemanya, hindi sa ibig kong dalhin ang kaugaliang iyon kundi dahil lamang sa
hinihingi ng pagkakataon na kapag dumalo ang isang tao sa pagtitipon at wala siyang
kakilala ni isa man ay siya mismo ang magpapakilala ng kanyang sarili. Nakabati na
ako sa mga kababaihan at ngayon nama'y gusto ko kayong batiin. Ako po si Juan
Crisostomo Ibarra y Magsalin."

10
Nagpakilala rin ang iba ng kani-kanilang pangalan. Humahangos na dumating ang
isang lalaking may masayang mukna, nakabarong tagalog na brilyante ang butones at
nakangiting lumapit kay lbarra.
"Ginoong lbarra. Nais ko po kayong makilala. Kaibigan ko po si Kapitan Tiago at
nakilala ko ang iyong ama. Ako po Si Kapitan Tinong, taga-Tundo. Maaari po bang
makasalo namin kayo bukas sa isang tanghalian?
Nalugod si Ibarra sa kagandahang-loob na ipinakita ng matanda. Nakangiti niya itong
kinamayan.
"Salamat po. Ngunit bukas po ay patungo ako sa San Diego."
"Sayang! Kung gayon, hihintayin ko po ang inyong pagbabalik."
"Nakahanda na po mesa! ang ang sabi serbidor ng Café La Campana. Sunud-sunod
na lumapit sa mesa ang mga bisita, ngunit ang mga babae ay kailangan pang piliting
isa-isa, lalo na ang mga Pilipina.

Gawain Sagutin Natin: Isulat sa patlang ang kasagutan.


1. Sino si Crisostomo Ibarra? Isa- isahin ang kanyang mga katangian.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Makatwiran ba ang bagong paraan ng pagpapakilala ni Ibarra ng sarili?


Patunayan.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

11
GAWAING PAGKATUTO
Paglalahad ng Sariling Pananaw, Kongklusyon at Bisa ng
Akda sa Sarili at sa Nakararami

Panimula (Susing Konsepto) Sa ating pang-araw-araw na buhay, tayo ay


nabibigyan ng pagkakataon na maglahad ng ating sariling pananaw, konklusyon at
saloobin sa isang paksa. Mahalaga na sa ating paglalahad ay mabigyan-linaw ang
isang konspeto o kaisipan, bagay o paninidigan upang lubos na maunawaan ng
nakikinig o nagbabasa. Sa pamamagitan ng paglalahad nabibigyan ng pagkakataon
ang isang tao makatuklas ng isang ideya o kaisipan na makapaghahatid sa kaniya ng
kalinawan at kasiyahan sa paksang pinag-uusapan.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda Nailalahad ang sariling pananaw,
kongklusyon at bisa ng akda sa sarili at sa nakararami (F9PS-Iva-b-58)

Gawain
Panuto: Unawain at sagutin nang buong husay at may katapatan ang mga nailahad na
katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa mga inilaang linya.
1. Alin sa mga katangian ni Dr. Jose P. Rizal ang nais mong tularan? Bakit?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na gumawa ng kabayanihan sa iyong


kapwa, pamayanan o bansa, ano-ano ang mga ito?
2.1 Kapwa
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________

2. 2 bayan/pamayanan
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

12
____________________________________________________________________
________

GAWAING PAGKATUTO
Paggamit ng mga Angkop na Salita/Ekspresyon sa
Paglalarawan, Paglalahad ng Sariling Pananaw, Pag-iisa-isa
at Pagpapatunay
Panimula (Susing Konsepto)
Mahalaga na maglahad ng sariling opinyon dahil dito mo naipapahayag ang
nararamdaman mo at nakakapagbigay ka ng mga idyea na maaaring makapagbago ng
pananaw ng isang indibidwal. Mahalaga ito sapagkat mabibigyan mo ng linaw ang
mga bagay-bagay.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nagagamit ang mga angkop na salita/ekspresyon sa paglalarawan, paglalahad ng
sariling pananaw, pag-iisa-isa at pagpapatunay (F9WG-IVab-57)

13
GAWAING PAGKATUTO
Pagtukoy sa Kahalagahan ng Bawat Tauhan sa Nobela
Panimula
Ang bawat tauhan sa isang nobela ay may mahalagang papel na ginagampanan
masama man siya o mabuti. Hindi mabubuo ang isang pangyayari kung wala ang
mga tauhan dahil sila ang nagbibigay-buhay sa bawat kuwento. Sila ang mga
gumaganap at nagsasalita.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela. (F9PN-IVc-57)
Basahin Mo
Karanasan ng Isang Guro
(Kabanata 19)
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag.
Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra
at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon
ang labi ni Don Rafael. Sang –ayon sa kaniya, kasama si Tenyente Guevarra noong
itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging magawa noon kundi makipaglibing.
Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Noong bagong salta ito sa San Diego, ang
Don ang tumustos sa kaniyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro
kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng
magagastos.
Malaki ring problema aniya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga
taong nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga
pangangailangan ng mga batang nag-aaral katulad ng mga libro na karaniwang
nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya lamang ng mga bata sa mga
nilalaman nito kaya wala ring pagkatutong nagaganap. Dahil din sa kakulangan ng
mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng
karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa nang malakas. Ito ay
nakakabulabog sa kura, kaya nakatitikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro.
Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kaniyang ginawa,
madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang kastila. Pero siya ay nilait ni Padre
Damaso sa pagsasabing ang wikang kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang
mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay Tagalog.
14
Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di-marunong
bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kaniyang mga
estudyante. Labag man sa kaniyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod
kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng wikang Kastila para sa kaniyang
pansariling interes.
Sobra ang pakikialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit
ng pamalo sa pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kaniya ang
paggamit ng pamalo sapagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa kaniyang
kalooban, sumunod din siya sapagkat mismong mga magulang ay napaniwala ni Pari
Damaso na ibalik ang pamalo sa pagtuturo. Dahil sa naging sukal sa kalooban ang
pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay gumaling at bumalik sa serbisyo,
kakaunti na lamang sa kaniyang mga tinuturuan ang pumapasok. Sa kaniyang
pagbabalik, nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Pari Damaso. Nabuhayan siya ng
pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang Tagalog ang mga aklat na nasusulat sa
wikang Kastila.
Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo, pagsasaka, kagandahang
asal na hango sa Urbanidad ni Hurtensio at Felisa at sa Kasasysayan ng Pilipinas.
Pero, sa lahat ng mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon, ayon sa
bagong kura nang ipatawag niya ang guro. Nangako si Ibarra na tutulungan niya ang
guro sa pamamgitan ng pulong sa tribunal na kaniyang dadaluhan sa paanyaya ng
tinyente mayor.Doon niya isasangguni ang sitwasyon.
Gawain
Panuto: Ilahad sa mga kahon sa ibaba ang mga tauhan sa binasang akda. Ilarawan
ang kanilang katangian at tukuyin ang kanilang kahalagahan sa nobelang binasa.

15
GAWAING PAGKATUTO
Paggamit ng tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian
Panimula (Susing Konsepto)
Bilang mag-aaral sa Ikasiyam na Baitang, ikaw ay inaasahang marami na ring
naipong mga kaalaman mula sa mga nakaraang taon ng iyong pag-aaral.
Ang mga sumusunod na mga aralin ay sadyang ginawa upang maipagpatuloy ang
iyong pag-aaral at lalo pang mapaunlad ang iyong kaalaman at kaalaman ukol sa
panitikan. Maaaring humingi ng gabay at tulong sa inyong mga magulang at kapatid.
Kasanayang Pampagkatuto
Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay katangian F9WG-IVc-59

Basahin mo.
PANG-URI
Ang pang-uri ay bahagi ng pananalitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip.
Halimbawa: mataba, payat, dilaw, mahaba, matamis, malinis, bughaw, itim, bata,
tunay at iba pa
May tatlong Antas ang Pang-uri
1. Lantay – kung saan ang isa o mahigit pang pangngalan o panghalip ay
nagtataglay ng iisang katangian.
Hal: 1. Si Dave ay mataba.
2. Mahaba ang buhok ni Ate.
3. Matamis ang mangga.
2. Pahambing – kung saan dalawang pangngalan o panghalip o dalawang
pangkat ang pinaghahambing.
May dalawang uri ng paghahambing
1. Pahambing na Magkatulad: Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing
ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping ka-, magka-, kasing-,
magkasing-, at iba pa.
Halimbawa:
16
1. Magkasingganda ang India at Singapore.
2. Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bansang Japan sapagkat sila ang
sentro ng teknolohiya.
2. Pahambing na di-magkatulad: Nagsasaad ito ng diwa ng di- magkatulad na
paglalarawan o katangian
a. pasahol- may mahigit na katangian ang pinaghahambingan
Halimbawa: Mas mataba si David kaysa kay Maria.
b. palamang- may higit na katangian ang inihahambing sa pinaghahambingan
Halimbawa: Di-gaanong mahaba ang buhok ni Nanay kaysa kay Ate.
3. Pasukdol -ang pangngalan o panghalip na pinag-uusapan ay inihahambing
sa dalawa o mahigit pang pangngalan/ panghalip
Halimbawa:
1. Pinakamataba si Zimo sa kanilang tatlo.
2. Pinakamaiksi ang buhok ni Diosa sa kanilang magkakapatid

Gawain:
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang
lantay, pahambing o pasukdol sa patlang nakalaan sa iyo bago ang bilang.
_______ 1. Pinakadakilang pag-ibig ang pag-aalay sa sariling buhay para sa bayan.
_______ 2. Masagana ang ani ng palay sa taong ito.
_______ 3. Di-gaanong matamis ang manga rito na gaya sa Guimaras.
_______ 4. Si Lucy ay mas malikhain kaysa sa nakatatanda niyang kapatid.
_______ 5. Sintanda ng aking ate ang guro namin sa panitikan.
_______ 6. Mas malambot ang espongha kaysa sa puso niya.

Basahin mo:
Kabanata 20:
Ang Pulong sa Tribunal
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na
pulungan ng mga may kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang dumating sina Ibarra
at ang guro, nagsisimula na ang pagpupulong. May dalawang pangkat na nakapaligid
sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian sa bayan. Ang conserbador ay pangkat ng
mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga
kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa
17
pagdaraos ng pista ng San Diego. May labing -isang araw na lamang ang nalalabi at
pista na. Tinuligsa ni Don Filipo ang Tinyente Mayor at Kapitan dahil malabo pa ang
mga paghahanda sa piyesta.
Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilyo, isang
mayaman na nakalaban ni Don Rafael. Walang binasa at walang kawawaan ang
talumpati niya. Dahil dito, isinahapag ni Don Filipo ang isang mungkahi at talaan ng
mga gastos. Ang mungkahi niya ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa
liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggong singkad. Ang
dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-
P200 bawat gabi. Kailangan din ang mga paputok na paglalaanan ng P1,000.
Binatikos si Don Filipo sa kaniyang mga mungkahi, kung kaya’t iniatras niya ang
mga ito.
Sumunod na nagpananukala naman ay ang Kabesa na siyang puno ng mga
matatanda. Ang kaniyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok
(3) ang magpapalabas ng komedya ay taga-San Diego at ang paksa ay sariling ugali
upang maalis ang mga masamang ugali at kapintasan.
Nawalang saysay din ang panukala ng Kabesa sapagkat ipinahayag ng Kapitan na
tapos na ang pasya ng Kura na tungkol sa pista. Ang pasya ng Kura ay ang pagdaraos
ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo. Ito
ang gusto ng Kura, kaya sumang-ayon na lamang ang dalawang pangkat.
Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa ulumbayan ng
lalawigan upang lakarin ang isang mahalagang bagay.
Gawain
Panuto: Ayusin ang mga nakatalang pahayag ayon sa mga naganap na pangyayari sa
akdang binasa. Isulat sa patlang ang bilang 1 hanggang 7.
_____ Tumayo si Don Filipo at iniharap ang mungkahing badyet sa plenaryo.
_____ Ipinaliwanag ng Kapitan na dapat ang gusto ng kura ang masunod sa
programang gagawin sa araw ng pista.
_____ Pumasok si Ibarra at ang guro sa tribunal.
_____ Tumindig at humingi ng pahintulot sa Kapitan Basilio na siya ang unang
magsalita.
_____ Tumayo ang kabisa at iminungkahi sa pulong na magpalabas ng hing
pangkaraniwang napanonood araw-araw.

18
GAWAING PAGKATUTO
Pagbabahagi ng sariling damdamin tungkol sa tinalakay na mga
pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan.
Panimula (Susing Konsepto)
Bilang mag-aaral sa Ikasiyam na Baitang, ikaw ay inaasahang marami na ring
naipong mga kaalaman mula sa mga nakaraang taon ng iyong pag-aaral.
Ang mga sumusunod na mga aralin ay sadyang ginawa upang maipagpatuloy ang
iyong pag-aaral at lalo pang mapaunlad ang iyong kaalaman at kaalaman ukol sa
panitikan ng. Maaaring humingi ng gabay at tulong sa inyong mga magulang at
kapatid.
Kasanayang Pampagkatuto
Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring naganap sa
buhay ng tauhan. F9PN-IV-58

KABANATA 25: Elias at Salome


(Buod)
Kung hindi nag-iba ng landasin ang mga guwardiya sibil, maaaring natagpuan
nila ang taong kanilang hinahanap, sa isang dampang nakalagak sa mataas na pook sa
may baybayin ng isang lawa. Naroon sa batalan ng kubo si Salome, ang dalagang
nanahi. Dumating si Elias, ang piloto ng bangkang hanap ng mga Kastilang
guwardiya sibil. Sa buong akala ni Salome, lilitaw si Elias mula sa lawa, subalit hindi
ito ang nangyari dahil sa nakakilala kay Elias.
Napag-usapan ng dalawang nagsusuyuan sina Crisostomo Ibarra at si Maria
Clara na anak ni Kapitan Tiago. Nagkaroon ng pamamaalam. Lilisanin ni Elias ang
pook, at ibig ding umalis ni Salome upang manirahang kapiling ng mga kamag-anak
sa Mindoro. Kung hindi lamang sa kanilang mga kapalaran, maaaring matagal nang
nagpakasal ang dalawang magkaibigan sa puso. Ibig sanang makapiling ni Salome si
Elias, na alayaa siya nito sa paglipat sa Mindoro, subalit walang alayaan si Elias na
gawin ito dahil sa mga kaganapan noong araw na iyon bago sila muling magkita.
Hiniling ni Elias na pahalagahan ni Salome ang ari pa nitong kabataan at kagandahan
upang makakita ng kapalit ni Elias para maging kaisang-dibdib.
Hinikayat naman ni Salome, na sa kaniyang paglayo, na gamitin ni Elias ang
tahanan ni Salome bilang kaniyang tirahan at tulugan, bilang pagaalala nila sa isa’t
isa habang magkalayo. Isang gawaing maituturing ni Salome sapat na upang
maituring na magkasama pa silang dalawa sa kabila ng kanilang magiging
pagkakalayo sa isa’t isa. Sa halip, kumalas si Elias sa pagkakayakap kay Salome.
Mabilis siyang lumuwas at naglaho sa mga anino ng mga puno. Sinundan lamang ni
Salome ng tanaw ang papalayong si Elias, nakikinig sa mga humihina nang mga
yabag ng lalaking kaibigan.

19
Gawain
Bukod sa mga sundalo at kapulisan , sino-sino pa para sa iyo ang maituturing
na mga Elias ng makabagong panahon sa ating lipunan? Sila ang mga taong handang
isakripisyo ang sariling kaligayahan at kapakanan alang-alang sa kabutihan ng mga
nakararami. Itala ang iyong sagot sa graphic organizer na makikita sa ibaba. Gawin
mo na ring gabay sa pagsagot ang rubric na sadyang inilaan para sa gawaing ito.

20
GAWAING PAGKATUTO
Paglalahad ng sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa
magulang, sa kasintahan , sa kapwa at sa bayan.
Kasanayang Pampagkatuto
Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pagibig sa
magulang, sa kasintahan , sa kapwa at sa bayan. F9PB-IVd-58

Nagpaliwanag si Padre Damaso, Noche Buena at ang Katapusan


(Mga Kabanata LXII, LXIV at LXV
(Buod)
“Mamamatay akong hindi mamamalas ang pagsikat ng araw sa aking bayan
.Kayong makakakita sa pagbubukang-liwayway, malugod ninyo siyang tanggapin, at
inyong gunitain ang mga nabuwal sa dilim ng gabi”
-Elias sa Noli Me Tangere
Nalaman ni Maria Clara sa mga ulat sa pahayagan na nalunod daw si Ibarra.
Dahil dito’y ninais na niyang umurong sa kasal kay Linares. Sinabi niya ang planong
ito kay Padre Damaso na labis na ikinabalisa ng huli. Humingi ng patawad si Padre
Damaso sa ginawa niyang panghihimasik sap ag-iibigan nina Maria Clara at Ibarra.
Sinabi niyang iniisip lang niya ang kinabukasan ni Maria Clara at ayaw niyang
Makita itong namimighati dahil sa pag-aasawa ng isang Pilipino at maging isang
sawimpalad na ina. Subalit paninindigan ni Maria Clara ang kagustuhang umurong sa
kasal at magmomongha kung hindi , siya magpapatiwakal. Walang nagawa ang
nababalisang pari kundi sumunod sa kagustuhan ng dalaga.
Sa kabilang dako, isang pamilya sa bundok ang nakatagpo at tumulong kay
Basilio. Isang araw bago mag noche Buena ay nagpaalam ang bata upang puntahan
ang kanyang ina at ibigay ang pinakamahalagang regalo-ang pagbabalik ng kanyang
anak. Ayaw pa sana siyang payagan subalit naunawaan ng matanda ang kagustuhan
ng bata. Pagdating sa bayan ay nalaman ni Basilio na nabaliw ang kanyang ina.
Hinanap niya ito subalit nang magkita sila ay hindi naman siya nakilala ng ina.
Tumakbo si Sisa at napunta sa mahiwagang gubat ng mga Ibarra.
Sinundan siya ni Basilio subalit hindi pinagbuksan ni Sisa ang anak kaya’t
napilitan itong umakyat sa bakod at tumalon. Sa pagkakita sa duguang anak ay
nagbalik ang katinuan ni Sisa at pinaghahagkan ang anak subalit iyon na pala ang
huling pag-uulayaw ng mag-ina sapagkat nang magising si Baasilio ay patay na ang
ina.Isang di-kilalang lalaking sugatan at malapit na ring mamatay ang nakita niya at
naghabilin ng gagawin kapag siya’y namatay. Sa pagwawakas ng nobela , ang lahat
halos ng tauhan ay naiwang sawimpalad maliban sa alperes na ankabalik sa Espanya
aat nataas ang ranggo at kay Padre Salvi na nagkaroon ng bagong posisyon.
Napabalitang si Maaria Clara ay patay na subalit ang mga balitang tulad nito
21
patungkol sa kanya ay hindi makompirma. Ang kaawa-awang kuwento tungkol sa
sawimpalad na si Maria Clara sa kanyang pagmomongah ay itinago na lamang ng
makakapal na bakod ng monastery hanggang saw ala nang nabalitaan tungkol sa
kanya.

Unawain Mo:
Sa araling ito’y patapos na ang ating pagtalakay sa Noli Me Tangere. Hindi
maikakailang ang isang damdaming labis na lumutang ay ang PAG-IBIG. Katunayan,
hindi lang isang uri ng pag-ibig, kundi maraming uri ang namayani sa kabuoan ng
nobela tulad ng:
❖ Pag-ibig ng magulang sa anak, tulad ng ipinakita ni Sisa para sa mga anak na sina
Crispin at Basilio.
❖ Pag-ibig ng anak sa magulang, tulad ng ipinakita ni Basilio para sa ina at gayundin
ang ginawang sakripisyo ni Maria Clara para mapanatili ang lihim ng ina at ng tunay
na amang si Padre Damaso.
❖ Pag-ibig sa isang pinakamamahal, tulad ng wagas na pag-ibig na ipinakita ni
Ibarra para kay Maria Clara.
❖ Pag-ibig sa bayan at sa isang kaibigan, tulad ng ipinakita ni Elias nang tumanggi
siya sa alok ni Ibarra na sila’y mangibang-bayan at magturingang magkapatid
gayundin nang iligtas niya si Ibarra sa iba’t ibang pagkakataon.

Gawain: Baon ang kaisipang ito, ilahad mo naman ang iyong sariling pananaw ukol
sa pag-ibig sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na katanungan.
➢ Base sa mga halimbawa ng pag-ibig na nakalahad sa itaas, ano ang tunay na
kahulugan ng pag-ibig?
____________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________
➢ Sinasabi sa Biblia sa 1Corinto 13:13 na, “Kaya’t ang tatlong ito ang mananatili;
ang pananampalataya, pag-asa at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay
pag-ibig.”
____________________________________________________________
Totoo nga bang dakila ang pag-ibig?
____________________________________________________________
Ano-anong bagay ang nagagwa ng tao na nagpapakitang dakila ang pag-ibig?
Magbigay ng mga halimbawa.
____________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________________
➢ Nakadama ka na rin ba ng pag-ibig? ____________________
Kanino o kani-kanino?
____________________________________________________________
22
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Ano-anong sakripisyo ang kaya mong gawin para sa taong iyong iniibig?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
GAWAING PAGKATUTO
Antas ng Pormalidad ng Salita

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Napapangkat ang mga salita ayon sa antas ng pormalidad ng gamit nito (level of
formality) F9PT-IVd-58

Basahin:
Labis na nababalisa ang mahiyaing si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham
mula kay Donya Victorina na nagsasaad ng ganito:

Mahal kong pinsan,


Sa loob ng tatlong araw ay gusto kong malaman sa iyo kung napatay ka na ng
tenyente o napatay mo siya. Ayaw kong lumipas pa ang isang araw nang hindi
lumalasap ng parusa ang hayop na iyon. Kapag hindi mo siya hinamon ng duwelo ay
ipagtatapat ko kay Don Santiago na hindi ka naging pansariling kalihim ng punomg
ministro o kabiruan niya, o nakikihalubilo sa gobernador-heneral. Ipagtatapat ko rin
kay Clarita na pulos ka kayabangan at hindi kita bibigyan kahit isang sentimo. Pero
kapag hinamon mo ng duwelo ang tenyente ay ipinangangako kong ibibigay ko ang
lahat mong hihilingin. Umaasa akong nahamon mo na siya. Ayaw ko ng kung ano-
anong pagdadahilan.
Ang nagmamahal mong pinsan,
Victorina de los Reyes Espadaňa
Sampaloc, Lunes, Ika-7 ng gabi
Nagiging grabe ang sitwasyon. Kilala ni Linares ang ugali ni Donya Victorina
at kayang gawin nito ang banta. Ang pakiusapan siya ay para nang pinakiusapan ang
isang inspector ng customs na desididong magbintang na may ipinupuslit kang
kalakal. Sayang lamang ang pakiusap … lalo namang masamang magsinungaling sa
kaniya. Wala ng ibang paraan kundi hamunin ng duwelo ang tenyente.
“Pero paano?” usal niya sa sarili habang palakad-lakad at bumaba at umakyat .
“Sakaling mainit ang ulo ng tenyente pag pinuntahan ko? E, kung ang ginang niya
ang maratnan ko? At sino ang papayag na maging alalay ko sa duwelo? Ang kura
paroko? Si kapitan Tiago? Bakit ba ako nakinig sa hayop na babaing ‘yon! Kanino
bang ideya itong napasok-pasukan kong ito? Ang magyabang . . . magpanggap? Ano
na ang sasabihin sa akin ni Binibining Clarita? Ito ang napala ko sa pagkukunwari at
paghahambog na pansariling kalihim ng lahat ng miyembro ng gabinete!”
Nasa ganitong balisang pag-iisip si Linares nang dumating si Padre Salvi.
Payat ngayon at putlain ang pari, ngunit may kislap ang kaniyang mga mata at may
mahiwagang ngiti sa kanyang labi.
23
“Nag-iisa ka, Ginoong Linares?” bati niya sa kastilang Binata at lumakad na
palapit sa salas na kariringgan ng tugtugin sa piyano.
Sinikap ni Linares na ngumiti.
Si Don Santiago?” dugtong na tanong ng kura paroko.
Lalapit naman si Kapitan Tiago. Lumapit sa pari at humalik sa kamay nito.
Kinuha ang baston at sombrero ng pari at ngumiti matapos basbasan.
“Making kayo,” wika ng pari habang pumapasok sa salas na sinisundan nina
Linares at Kapitan Tiago. May magandang balita ako sainyong lahat. Tumanggap ako
ng sulat mula Maynila na nagpapatunay sa sulat na ipinabasa sa akin kahapon ni
Ginoong Ibarra. Samakatwid, Don Santiago, ay hindi na ekskumulgado si Ginoong
Ibarra at wala nang sagabal sa kasal.”
Si Maria Clara na nakaupo sa harap ng piyano sa pagitan ng dalawa niyang
kaibigan ay bahagyang napatayo, subalit dahil sa panghihina ay muling napaupo.
Namutla si Linares at napatingin kay Kapitan Tiago na nagbaba naman ng tingin.
“Patuloy ang pagkakaroon ko ng simpatya sa binatang Ibarra,” wika ng kura
paroko. “Noong una ay mali ang palagay ko sa kaniya. Mainit ang kaniyang ulo pero
pagkatapos ay marunong naman siyang kumilala sa kaniyang pagkakamali kaya’t
imposibleng magtanim ng galit sa kanya. Kung hindi lang kay Padre Damaso!”
Sinulyapan ng prayle si Maria Clara na nakikinig ngunit hindi nag-aalis ng tingin sa
piyesa ng tugtugin kahit palihim siyang kinukurot ni Sinang.
Halatang tuwang-tuwa si Sinang at kung nag-iisa lamang ito noon ay baka
naglulundag sa labis na kagalakan. “Si Padre Damaso?” tanong ni Linares.
“Oo. Sinabi ni Padre Damaso,” patuloy ni Padre Salving hindi inaalis ang
tingin kay Maria Clara , “na bilang ninong ni Maria Clara ay hindi siya makakapayag
na . . . ngunit sa palagay ko, kung hihingi lamang ng tawad sa kaniya si Ginoong
Ibarra ay maaayos ang lahat.”
Tumayo si Maria Clara at nagpaalam upang pumasok sa kaniyang silid na
kasama si Victorina.
“Kung hindi siya patawarin ni Padre Damaso?” tanong ni Kapitan Tiago.
“Kung magkakagayon. . . maiintindihan naman ni Maria Clara. Tutal ninong at
kompesor niya si Padre Damaso. Pero sa palagay ko ay maaayos naman ang lahat.”
Walang ano-ano ay may narinig na mga yabag. Pumasok si Ibarra na kasunod
si Tiya Isabel. Ang pagdating niya ay nagbunga ng iba’t ibang epekto sa mga
dinatnan. Magiliw niyang binata si Kapitan Tiago na ang anyo ay alangang mangiti-
ngiti o maluha-luha. Magalang siyang yumukod kay Linares. Tumayo naman si Padre
Salvi at buong galang at lugod na iniabot ang kamay kay Ibarra na kinapansinan ng
pagtataka.
Huwag kang magtaka,” wika ni Padre Salvi. “Ang totoo ay labis kitang
pinupuri sa kanila.”
Nagpasalamat si Ibarra at nilapitan si Sinang.
“Saan ka ba nagsuot maghapon?” tanong na may kapilyahan ng babae.
“ Tanong kami nang tanong sa sarili namin kung saan napasuot ang
kaluluwang kahahango pa lamang sa purgatoryo. At siyempre naman may iba’t iba
kaming palagay.”
“Pwede bang malaman kung ano-ano ang mga iyon?”

24
“Hindi pwede! Sekreto ‘yon. Pero sasabihin ko sa iyo kung tayong dalawa na
lamang. O, ngayon . . . sabihin mo nga kung saan ka nagsuot maghapon para naman
malaman namin kung sino ang tama sa amin.”
“Hindi pwede sekreto din iyon. Pero ipagtatapat ko sa iyo kung
pagpapaumanhinan tayo ng mga ginoong naririto.
“Siyempre! Siyempre!” salo ni Padre Salvi. “ Talagang dapat lang ang
ganiyan. Inaasahan na namin iyan!”
Niyaya ni Sinang si Crisostomo sa kabilang dulo ng salas. Sabik na sabik
siyang malaman ang lihim na sinabi ng binata.
“T apatin mo nga ako. Galit ba sa akin si Maria?
“Ewan ko. Pero lagi’t lagi niyang sinasabi na makabubuti pa sa iyong limutin
mo na siya, at pagkatapos ay bibirahan ng iyak. Gusto siyang ipakasal ni Kapitan
Tiago sa binatang iyon . Pati si Padre Damaso. Pero wala pa namang isinasagot si
Maria Clara na oo o hindi.
Kaninang umaga, nang pinag-uusapan ka namin . . . at nang sabihin kong baka
may iba ka nang nililigawan ay sinabi niyang ‘sana nga . . . pagkatapos ay binirahan
ng iyak.
Naging seryoso ang anyo ni Ibarra.
“Pakisabi kay Maria na gusto ko siyang makausap nang sarilinan.”
“Sarilinan? Kunot ang noo at may pagtataka ang tingin ni Sinang.
“Kaming dalawa lamang. Ngunit ayokong kaharap ang binatang iyon.”
“Mukhang mahirap. Pero huwag kang mag-alala. Sasabihin ko.”
“At kailan ko malalaman ang sagot?”tanong ng binate.
“Bukas. Pumunta ka sa bahay namin bukas. Ayaw ni Maria nang nag-iisa. Lagi
namin siyang sinasamahan. Isang gabi ay si Victoria ang kasama niyang matulog.
Kinabukasan naman nang gabi ay ako. Bukas ay toka ko. Hintay nga pla . . ano ba
ang lihim na ipagtatapat mo? Baka makaalis ka nang hindi mo naihahayag ang
pinakamahalagang bagay na iyan?”
“Siya nga pala! Nagpunta ako sa Los Baños. Magtatayo ako ng pabrika ng
langis ng niyog. Magiging kasosyo ko ang ama mo,”sagot ni Ibarra
“Iyon lang ba? Pambihira namang lihim yan!” bulalas ni Sinang na sa tono ng
salita ay para bang isang nagpapautang ng five-six na nasuba. “ akala ko pa naman ay.
. .”
“Konting ingat lang sa pagsasalita. Ayaw kong ipamalita mo iyan. . .”
“Para que pa?” nakaungos ang labing agaw ni Sinang. “ kung mahalaga sana
ang sikreto mo . . . baka maidaldal ko agad sa mga kaibigan ko. Pero pabrika ng
langis ng niyog! Sus! Niyog? Sinong magiging interesado sa niyog?”
At binirahan ng alis upang tunguhin ang mga kaibigan.
Di nagtagal at nagpaalam na si Ibarra. Nang umalis siya ay naiwang masayang-
maasim ang mukaha ni Kapitan Tiago. Mamata-mata lamang at walang kibo si
Linares. Ang kura paroko naman ay kuwento nang kuwento at wala isa sa mga babae
ang muling lumabas.

25
Gawain
Panuto: Ano sa tingin mo a ng nararamdaman ng mga tauhan sa bawat sitwasyon?
Bilugan ang letra ng iyong sagot.

1. Ito ang mga sinambit at kinilos ni Linares matapos niyang mabasa ang sulat ni
Donya Victorina: “Pero paano?” usal niya sa sarili habang palakad-lakad at bumaba-
umakyat. “Sakaling mainit ang ulo ng tenyente pag pinuntahan ko? E, kung ang
ginang niya ang maratnan ko? At sino ang papayag na maging alalay ko sa duwelo?
Ano kaya ang nararamdaman ni Linares sa pagkakataong ito?
a. Matinding galit kay Donya Victorina
b. Matinding takot kay Donya Victorina

2. “Kanino bang ideya itong napasok-pasukan kong ito? Ang magyabang . . .


magpanggap? Ano na ang sasabihin sa akin ni Binibining Clarita? Ito ang napala ko
sa paghahambog na pansariling kalihim ng lahat ng miyembro ng gabinete!”
Anong damdamin naman ang naghari nang sabihin niya ang pahayag na ito?
a. pagkamangha
b. pagsisisi

3. “Makinig kayo” wika ni Padre Salvi habang pumapasok sa salas na sinisundan


nina Linares at Kapitan Tiago. “May magandang balita ako sainyong lahat.
Tumanggap ako ng sulat mula Maynila na nagpapatunay sa sulat na ipinabasa sa akin
kahapon ni Ginoong Ibarra. Samakatwid, Don Santiago, ay hindi na ekskumulgado si
Ginoong Ibarra at wala nang sagabal sa kasal.”
Ang tinurang ito ni Padre Salvi ay ikinagulat ng mga tao sa bahay ni Kapitan
Tiyago, ano kaya ang nararamdaman ng kura nang winika niya ito?
a. Masaya b. natatakot
4. Ibarra: “Tapatin mo nga ako. Galit ba sa akin si Maria?”
Sinang: Ewan ko. Pero lagi’t lagi niyang sinasabi na makabubuti pa sa iyong limutin
mo na siya, at pagkatapos ay binirahan ng iyak”
Batay sa usapang ito, ano ba talaga ang totoong damdamin ni Maria Clara kay
Ibarra?
a. Nais niya talagang limutin na siya ni Ibarra dahil galit siya rito.
b. Ayaw niyang limutin siya ni Ibarra dahil mahal niya ito.
5. “Iyon lang ba? Pambihira namang lihim yan!” bulalas ni Sinang na sa tono ng
salita ay para bang isang nagpapautang ng five-six na nasuba. “ akala ko pa naman ay.
. .”
Ano ang nararamdaman ni Sinang pagkasambit nito?
a. pagkadismaya
26
b. pagkalungkot

Panuto: Basahin ang kabanatang ito ng nobelang Noli Me Tangere at


pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang Sabwatan
Inihuhudyat ng mga kampana ang orasyon, at ang bawat makarinig ay huminto
sa anumang ginagawa. Pinahinto ng magsasakang papauwi mula sa bukid ang
paglakad ng kalabaw at umusal siya ng panalangin. Ang mga babae sa lansangan ay
nagsipagkurus at sa pagkimbot ng kanilang mga labi hindi mapag-aalinlanganan ang
kanilang kabanalan. Huminto sa paghimas ng sasabungin ang manunugal at nag-
orasyon para suwertihin sa sugal. Malakas naman ang pagdarasal ng "Aba Ginoong
Maria" sa loob ng mga tahanan kaya't hindi marinig ang iba pang ingay.
Subalit ang nakasumbrerong kura ay patuloy sa paglalakad sa gitna ng daan
kaya't gayon na lamang ang pagtataka ng matatandang babae, lalo na nang makita
nilang patungo iyon sa bahay ng komandante. Ni hindi pinansin ni Padre Salvi ang
mga banal na babaeng tumigil sa pagdarasal at nagtangkang humalik sa kaniyang
kamay. Ngayon ay wala siyang matamong kasiyahan sa kinaugaliang pagdiriit ng
kaniyang butuhang kamay sa ilong ng ilang Kristiyano at sa lihim na pagpapadausdos
nito (ayon sa pagmamasid ni Donya Consolacion) sa dibdib ng ilang kaakit-akit na
dalagang yumuyukod upang kaniyang mabasbasan. Malamang na may mas
mahalagang pinagkakaabalahan ang kaniyang isip dahil nalimutan na niya ang sarili
niyang mga interes at ang kapakanang simbahan.
Nagmamadali siyang umakyat sa hagdan ng bahay ng komandante at kumatok
nang sunod-sunod sa pinto. Nakasimangot na lumabas ang puno ng guardia civil
kasabay ng asawang may nakatutuyang mga ngiti.
"A, Padre! Talagang papunta ako sa inyo. 'Yong kambing..."
"May mas mahalaga akong ipinarito ..."
"Hindi ko talaga mapapayagang sirain ng mga alaga ninyo ang aking bakod.
Babarilin ko ang kambing na iyon sa susunod na makita ko."
“Kung buhay pa kayo bukas," wika ng prayleng humihingal at nauna nang
pumasok sa kabahayan ng pinuno.
"Ano? Sa palagay ba ninyo ay kaya akong patayin ng pipituhing buwang batan
(Si Linares ang tinutukoy niya sa utos ni Donya Victorina- ng isang laban)? Sisipain
ko siya nang matauhan.
Napaurong si Padre Salvi at napatingin sa bota ng komandante.
"Sino ba ang tinutukoy ninyo?"
"Sino pa kundi ang gagong binatang iyon na humamon sa akin ng barilan sa
isang duwelo sa agwat na sandaang hakbang?"
"A, si Linares," buntong-hininga ng kura bago nagpatuloy. “Naparito ako para
pag-usapan natin ang isang mahalagang bagay."

27
"Huwag n'yo akong abalahin ng tungkol sa mga kaso ninyo. Siguro ay isa na
naman 'yang istoryang gaya n'ong dalawang batang lalaki."
Napuna sana ng komandante ang pamumutla ng prayle kung ang liwanag sa
silid ay hindi nagmumula sa isang ilawang-langis at kung hindi rin napakarumi ng
saklob nito.
“Ngayon," bulong ng kura, "ay tungkol ito sa napakahalagang bagay sa ating
buhay."
"Mahalaga?" ulit ng pinunong unti-unting namumutla. "Mahusay bang bumaril
ang binatang iyon?"
"Hindi siya ang tinutukoy ko."
"Sino kung gayon?"
Sinulyapan ng prayle ang pinto, kaya't gaya ng kinaugalian ay sinipa iyong
pasara ng komandante. Kinulang ang mga kamay ng pinuno para matakpan ang
kaniyang tainga pagkat napakalakas na pagmumura at atungal ang umalingawngaw
mula sa likod ng pinto.
"Bruto! Bubukulan mo ako!" sigaw ni Donya Consolacion. "Ngayon." Wika ng
komandante sa kura na parang walang ano mang nangyari, "sabihin na ninyo."
Maluwat siyang tinitigan ng prayle, at nagtanong sa bahaw na tinig:
"Nakita ba ninyo ako sa patakbong pagparito?"
"Natural, akala ko nga'y mapapadumi kayo."
"Buweno," sagot ng kurang di pinansin ang kagaspangan ng pinuno.
“Nakalilimot ako sa sarili para sa mas makabuluhang bagay."
"Ano pa?" tanong ng komandanteng pumapadyak na.
"Huwag kayong mabahala."
"Bakit nga kayo nagtatakbong pumarito?"
Lumapit nang bahagya ang prayle at mahiwagang nagtanong:
"Wala ba kayong nababalitaang bago?"
Nagkibit ng balikat ang pinuno.
“Ang gusto ba ninyong sabihin ay ang tungkol kay Elias na pinatuloy ng
sakristan n'yo kagabi?" usisa ng komandante.
"Hindi. Hindi tungkol sa kung ano-anong katha-katha ang sinasabi ko," paiwas
na sagot ng kura. "Ang tinutukoy ko ay isang malaking kapahamakan."
"Kung gayon ay sabihin na ninyo!"
Ngayon," marahang wika ng prayleng may bahid ng pagkasuklam,
"mapapatunayan ninyo kung gaano kahalaga kaming mga prayle. Higit na importante
ang isang ordinaryo naming kapatid kaysa isang rehimento ng mga sundalo, o kaya’y
ang isang pari..."
Pagkatapos ay mahiwagang bumulong:“Natuklasan ko ang isang malaking
sabwatan."
Napatayo ang komandante at tinitigan ang prayle.
"Isang malaki at plinanong sabwatan ang magaganap ngayon ding gabi."
"Ngayong gabi!" sigaw ng komandanteng biglang nilukso ang prayle.
Patakbong kinuha ang kaniyang rebolber at sableng nakasabit sa dingding.
"Sino ang aarestuhin ko?" sigaw niya. "Sino?"
“Huminahon kayo. May oras pa, salamat sa kabilisan ko. Mamayang alas-
Otso
28
"Babarilin ko silang lahat."
"Makinig kayo, kaninang hapon ay isang babaeng hindi ko masabi ang
pangalan (lihim ito ng kumpisalan) ang nagsadya sa akin at sinabi ang lahat.
Mamayang alas-otso ay bigla nilang sasalakayin ang kwartel, lulusubin ang
kumbento, aagawin ang bangkang pamatrulya, at lilipulin tayong lahat ng mga
Kastila."
Nalilito ang komandante.
"Wala nang sinabi pa ang babae," patuloy na wika ng prayle.
"Wala nang ibang sinabi? Kung gayun aarestuhin ko siya." "Hindi ako
makapapayag.Ang kumpesyonaryo ay siyang trono ng awa ng Diyos."
"Wala akong pakialam sa Diyos ni sa awa Aarestuhin ko siya." "Nalilito kayo
Ang kailangan ninyong gawin ay paghandaan ang mangyayari. Tahimik ninyong
paghintayin ang inyong mga sundalo. Bigyan n'yo ako ng apat na sibil na siyang
magbabantay sa kumbento at bigyan ng babala ang mga tauhan ng patrulya."
"Wala rito ang patrulya. Hihingi ako ng tulong sa ibang garison."
"Huwag, huwag n'yong gagawin 'yon; kapuna-puna, at hindi na nila itutuloy
ang kanilang binabalak. Ang mahalaga'y mahuli n'yo sila nang buhay at inyong
makausap o kaya'y mapagsalita n'yo sila. Ako, bilang isang pari, ay di dapat
mapasangkot sa ganitong mga bagay. Mag-ingat kayo! Pagkakataon na n'yo itong
mapataas ang tungkulin at magtamo ng karangalan. Ang hiling ko lamang ay huwag
na ninyong irekord na ako ang nagbabala sa inyo."
"Marerekord ito, Padre, at makikita na lamang ninyo ang mitra sa inyong
manggas ng kaniyang uniporme. ulo," tugon ng nasisiyahang komandante habang
masusing tinititigan ang…
“Kung gayon ay padadalhan n'yo ako ng apat na sundalong nakasibilyan, e?
Mag-iingat kayo. Ngayong alas-otso ng gabi, ang pag-asenso't karangalan!"
Samantala, isang lalaki ang tumatakbong nagtungo sa bahay ni Ibarra at
nagmamadaling umakyat sa hagdan.
"Nariyan ba ang inyong senyorito?" tanong ni Elias sa isang utusan.
'Nasa kanila pong aklatan."
Upang hindi mainip sa paghihintay ng oras ng dalaw niya kay Maria Clara ay
minabuti ni Ibarrang gumawa sa kanyang aklatan."
"A, ikaw pala, Elias," bulalas niya. "Naiisip nga kita. Kahapon ay nalimutan
kong itanong ang pangalan ng Kastilang may bahay na tinirhan ng iyong lolo."
"Ginoo, hindi ako naparito para sa sarili kong kapakanan."
"Tingnan mo, patuloy ni Ibarra ng hindi napupuna ang pagkabalisa ng kaharap.
"May mahalaga akong natuklasan, wika ni Ibarra habang inilalapit sa apoy ang
kapirasong kawayan. Ang kawayang ito ay hindi nasusunog .”
"Hindi ang kawayang iyan ang mahalaga ngayon. Kailangan tipunin ninyo ang
lahat ng papeles ninyo at umalis kayo kaagad."
Nagtatakang tiningnan ni Ibarra si Elias, at nang mapuna niyang seryoso iyo ay
binitiwan ang kaniyang hawak
"Sunugin ang anumang makapaghahamak sa inyo at magtungo kayo sa isang
ligtas na lugar sa loob ng isang oras. Itago ang lahat ng inyong mahahalagang bagay.
Sunugin ang lahat ng papeles na sinulat ninyo o ipinadala sa inyo, ang pinakawalang
kabuluhan ay maaaring gamitin laban sa inyo."
29
"Ngunit bakit?" "Pagkat ngayon-ngayon lamang ay natuklasan ko ang isang
binabalak na pag-aalsa at kayo ang mapagbibintangan at mapapahamak."
"Isang pag-aalsa? Nino?"
"Hindi ko na nakuhang alamin pa kung sino ang may pakana Kani-kanina
lamang ay kausap ko ang isang taong binayaran para sumama sa pag-aalsa, at hindi
ko na siya nakumbinsing umurong."
"Hindi ba niya sinabi kung sino ang nagbayad sa kaniya?
"Opo. Pinapangako niya akong ilihim ito, at sinabi niyang KAYO ang
nagbayad."
"Diyos ko! Biglang nasabi ng nahintakutang si Ibarra.
"Ginoo, madali na kayo; huwag na tayong mag-aksaya ng oras; maaaring
maganap ang pag-aalsa ngayon ding gabing ito."
Nakapamulagat si Ibarra at sapo ng mga kamay ang ulong tila di narinig ang
sinabi ni Elias.
"Hindi na mapipigil pa ang pagsalakay." patuloy ni Elias. "Naabala ako sa
pagparito. Hindi ko kilala ang namumuno. Iligtas ninyo ang inyong sarili alang- alang
sa inyong bayan!"
"Saan ako pupunta?" tanong ni Ibarra, at nagunita niya si Maria Clara. "May
dadalawin ako ngayong gabi."
"Magtungo kayo sa ibang bayan, sa Maynila, sa bahay ng ilang opisyal, kahit
saan, huwag lamang dito para hindi nila masabing kayo ang namumuno sa pag-
aalsa."
"At kung ako mismo ang magsuplong sa kanila?"
"Kayo ang magsusuplong?" malakas na sabi ni Elias na napaurong at di
makapaniwala. "Ipalalagay kayong traidor at duwag ng mga nagsabwatan, at taksil ng
iba pa. Sasabihing inumangan n'yo sila ng bitag para sa sarili ninyong kapakanan;
sasabihing..."
"Pero, ano ang gagawin ko?" "Sinasabi ko na sa inyo. Sunugin ang lahat ng
mga papeles ninyo na makapagpapahamak sa inyo. Lumayo muna kayo at maghintay
sa iba pang mangyayari."
"Paano si Maria Clara?" bulalas ng binata. "Hindi, madadaling lalo akong
mamamatay!"
Nagpilipit ng mga kamay si Elias dahil sa pagkabalisa.
"Kung gayon ay ipagtanggol na lamang ninyo ang sarili sa unang dagok.
Paghandaan ninyo ang mga maaaring ibintang sa inyo."
Nalilitong nagpalinga-linga si Ibarra.
"Kung gayon ay tulungan mo ako. Nasa portpolyong iyon ang sulat ng aking
pamilya. Kunin mo ang mga sulat ng aking ama, ang mga iyon ang maaaring
makapagpahamak sa akin. Basahin mo ang mga lagda."
Ang nababaghan at natatarantang binata ay nagbukas-sara ng mga kahon,
tinipon ang mga papeles, madaliang binasa ang mga sulat, pinunit ang ilan at itinago
ang iba, kinuha ang ilang aklat at binuklat-buklat. Gayon din ang ginagawa ni Elias
na di gaanong nalilito bagamat buong sigasig na gumagawa. Napatigil siya, tinitigan
ang isang papeles na hawak at nagtanong sa nanginig na boses:
"Kilala ba ng inyong pamilya si Don Pedro Eibarramendia?"

30
"Oo," sagot ni Ibarra habang binubuksan ang isang kahon at inilalabas ang
isang bunton na mga papeles, "siya ang lolo ko sa tuhod."
"Ang inyong lolo sa tuhod, Don Pedro Eibarramendia?" ulit at maliwanag na
nagdidilim ang mukha.
"Oo," pawalang-bahalang sagot ni Ibarra. "Pinaikli namin ang apelyido;
napakahaba kasi."
"Baskongado ba sila?"
"Isang baskongado? Ngunit ano ang nangyari sa iyo?" nagtatakang usisa ni
Ibarra
Pasuntok na idiniin ni Elias ang mga kamay sa kaniyang noo at pinandilatan si
Ibarra. Napaurong ang binata pagkakita sa anyo ng mukha ni Elias.
“Kilala ba ninyo kung sino si Don Pedro Eibarramendia? Nanggigigil niyang
tanong. "Si Don Pedro Eibarramendia ang walang hiyang nagparatang at humamak sa
aking lolo, at siyang naging dahilan ng lahat ng aming kasawian. Ang pangalang iyan
ang aking pinaghahanap. Itinuro kayo sa akin ng Diyos, Sagutin mo ngayon sa akin
ang lahat ng aming kasawiang-palad!"
Nanghihilakbot na tiningnan ni Crisostomo si Elias, ngunit niyugyog siya
niyon sa bisig at buong pait at pagkasuklam na winika:
"Masdan ninyo akong mabuti; makatarungan bang ako'y magtiis samantalang
kayo'y buhay, nagmamahal, may kayamanan, may tahanan, at karangalan-kayo'y
buhay, buhay!"
Wala sa sariling tinakbo ni Elias ang koleksiyon ng mga armas, subalit
kadarampot pa lamang niya ng dalawang balaraw ay binitiwan niya ang mga iyon at
tila baliw na tinitigan si Ibarra na nanatiling walang kakilos-kilos.
"Ano ang dapat kong gawin?" bulong niya at patakbong umalis sa bahay.

Gawain -Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na hango


sa nobela.
1. Ano ang mga bagay na nakaligtaan ni Padre Salvi nang araw na iyon dahil sa
kaniyang pagmamadali? ________________________________
___________________________________________________________
2. Masaya ba siyang tinanggap ng kaniyang pinuntahan? Ilarawan ang pagtanggap sa
kaniya. _________________________________________
___________________________________________________________
3. Ano ang kaniyang sadya sa alperes? ____________________________
___________________________________________________________
4. Bakit ayaw ni Padre Salving humingi ng tulong ang alperes sa garison?
____________________________________________________________
5. Ayon kay Padre Salvi, paano nakarating sa kaniya ang impormasyon tungkol sa
sabwatan? __________________________________________
____________________________________________________________
6. Maliban sa mga taong kasama sa pagpaplano, si Padre Salvi, at ang alperes, sino
pa ang nakaaalam ng tungkol sa sabwatan? ______________
___________________________________________________________

31
7. Totoo ba ang sabwatan o gawa-gawa lamang? Ipaliwanag ang iyong sagot.
______________________________________________________
___________________________________________________________
8. Bakit humangos si Elias kay Ibarra? Mahalaga ba ang pakay niya? Ilahad ito.
___________________________________________________
____________________________________________________________
9. Kung ikaw si Elias, tutulungan mo rin ba si Ibarra? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_________________________________________________
___________________________________________________________
10. Sino ang naisip ni Ibarra habang naghahanda sila ni Elias? _________
___________________________________________________________
11. Sino si Don Pedro Eibarramendia? Ano ang kinalaman ng Don sa buhay ni Elias?
_______________________________________________
____________________________________________________________

GAWAING PAGKATUTO
Mga Angkop na ekspresyon sa Pagpapahayag ng damdamin

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng: - damdamin -
matibay na paninindigan F9WG-Ivd-60

Panuto: Basahin ang kabanatang ito at pagkatapos ay sagutin ang


mga inihandang Gawain.
MADALING kumalat ang balita sa buong bayan na maraming ilaw ang nakita
sa libingan nang nakaraang gabi.
Ang puno ng samahan ng mga manang ay nagbalita tungkol sa nasisindihang
mga kandila. Ayon sa kaniya'y mga dalawampu iyon at inilarawan pa niya ang hugis
at laki ng mga kandila. Hindi matiis ni Sister Sipa ng Confraternidad ng Kabanal-
banalang Rosario na isang miyembro ng kakumpitensiyang organisasyon ang tanging
nakasaksi sa makalangit na babala. Kaya't kahit na malayo ang kaniyang bahay sa
sementeryo ay naibalita niyang may umiiyak at nagbubuntong-hininga roon, at
nakilala pa niya ang tinig ng ilang kakilala na minsa'y kaniyang ... ngunit alang-alang
sa pagiging Kristiyano ay hindi lamang niya sila pinatawad kundi ipinagdasal pa.
Inilihim pa niya ang kanilang mga pangalan. Sumang-ayon ang lahat na ang gayon ay
hindi mapag-aalinlanganang kabanalan.
Totoong hindi gaanong matalas ang pandinig ni Sister Rufa, pero hindi siya
makapapayag na si Sister Sipa lamang ang may narinig. Ikinuwento naman niya ang
mga kaluluwang kaniyang napanaginip. Mga kaluluwa, hindi lamang mga patay
kundi mga buhay din, at hiniling ng mga kaluluwang naghihirap na bahaginan niya
sila ng mga indulhensiyang maingat niyang natipon at inirekord. Puwede niyang

32
sabihin ang pangalan nila sa kani-kanilang pamilya kapalit ng kaunting abuloy para
sa pang-araw-araw na pangangailangan ng Papa.
Isang batang lalaking nagpapastol ng mga kalabaw ang nangahas na
makipagtalo ng isang ilaw lamang at dalawang lalaking nakasumbrero ng buring
tulad ng sa mga magsasaka ang kaniyang nakita. Kamuntik na tuloy siyang magulpi.
Isinumpa niyang nagsasabi siya ng totoo mamatay man ang kaniyang mga kalabaw
ngunit hindi rin siya pinaniwalaan.
"Mas marunong ka pa ba sa puno ng Confraternidad at sa mga manang, ikaw
na isang mason at erehe?" Minura nila ang bata at pinukol ng matalim at
naghihinalang mga tingin.
Ang kura ay minsan pang nagsermon ng tungkol sa purgatoryo; at minsan pa
ring lumabas ang mga piso mula sa kanilang pinagtataguan upang ipagmisa sa mga
namatay. Samantala, nakikipag-usap si Don Filipo sa may sakit na si Pilosopong
Tasyo. Matagal nang nararatay ang matandang pantas gawa ng katandaan. "Talagang
hindi ko malaman kung babatiin ko kayo ngayong pinayagan na kayong magbitiw sa
inyong tungkulin. Nang walang kahiya-hiyang balewalain ng kapitan ang pasiya ng
nakararami ay dapat lamang na mag-resign kayo. Pero ngayong may laban kayong
mga guardia civil ay hindi dapat. Sa panahon ng digma ay nararapat manatili sa
kaniyang puwesto ang pinuno."
"Siguro, pero hindi rin, kung ang nakatataas na pinuno ang siya pang
nagkanulo," tutol ni Don Filipo, "Gaya nang alam na ninyo, kinabukasan ng pista ay
pinalaya ng kapitan ang naipakulong kong mga sundalo, Mula noon sumang ayon sa
aking puno. Ay ayaw na niyang makialam sa kasong iyon. Wala akong magagawa
kundi….”
“Kung nag-iisa kayo'y wala nga. Ngunit marami kung kasama ninyo ang iba
pa. Pagkakataon na sana ninyong makapagbigay ng halimbawa sa ibang mga bayan.
Ang karapatan ng tao ay nakahihigit sa katawa-tawang kapangyarihan ng kapitan.
Isang magandang pagkakataon ang inyong pinakawalan,"
"Ano ang magagawa ko laban sa kinatawan ng may personal na mga interes?
Tingnan na lamang ninyo si Ginoong Ibarra; umayon siya sa paniniwala ng
karamihan, pero sa palagay ba ninyo ay naniniwala siyang talaga sa ekskomuniyon?"
“Magkaiba kayo ng kalagayan. Gustong makapagtanim ng mga ideya si
Ginoong Ibarra at upang magawa niya iyon ay kailangan niyang magyuko ng ulo at
makisama. Ang tungkulin naman ninyo ay yanigin ang naghaharing sistema at
nangangailangan iyan ng lakas at pagtitiwala sa sarili. Isa pa, hindi kayo sa kapitan
nakikipaglaban kundi sa mga pinuno ng bayang umaabuso sa kanilang
kapangyarihan, sa mga nanggugulo sa katahimikan ng madla at hindi nakagaganap sa
kanilang mga tungkulin. Kung ang mga ito ang inyong ipinakikipaglaban ay tiyak na
may mga makikiisa sa inyo. Malaki na ang ipinagbago ng ating bayan di gaya ng
dalawampung taong nakaraan."
"Talaga bang naniniwala kayo d'yan?" usisa ni Don Filipo.
"Hindi ba ninyo nadarama ang katotohanang iyan?" patanong na sagot ng
matandang lalaking sumandal sa kama. "Iyan ay gawa ng kawalan ng kaalaman sa
nakaraan. Hindi ninyo napag-aralan ang mga bunga ng pandarayuhan mula sa
Espanya, ang epekto ng pagpasok sa bansa ng bagong mga aklat, at ang pagtungo ng
maraming kabataan sa Europa mula nang mabuksan ang Suez Canal.
33
"Magmasid kayo at magsuri. Totoong naririyan pa rin ang kamahal-mahalan at
mabunying Unibersidad ng Santo Tomas at mga dalubhasa nitong mga guro. May
mga palaaral pa rin sa pilosopiya, subalit naglaho na ang kabataan ng ating
kapanahunan na ang hinaharap pag-aralan ay ang metapisikang itinuturo sa
makalumang pamamaraan. Namatay silang hindi nauunawaan ang lalong mahalaga o
ang paglutas ng problemang ukol sa diwa at materyal. Ang pagtatalo ukol dito ay
nakapagpalimot sa atin ng lalong mahalaga ang ating pagkatao at pagkakakilanlan.
"Tingnan ninyo ang ating kabataan ngayon. Puno sila ng sigla at nakatanaw sa
malayo. Nag-aaral sila ng kasaysayan, matematika, heograpiya, panitikan, pisika,
wika, at lahat ng kursong pinangingilabutan noon pagkat ipinalalagay na laban sa
pananampalataya. Minamata ang ganitong mga kurso nang kapanahunan ko. Subalit
sa wakas ay namulat ang tao sa katotohanang siya ay tao. Tinalikuran na niya ang
pagsusuri sa kani yang Diyos at sa mga bagay na hindi nakikita. Sa wakas ay
naunawaan ng tao na ang pamana niya'y ang buong mundong maaari niyang
pagharian. Napagod na siya sa walang kabuluhan at mapangahas na gawain. Yumuko
na siya at minasdan ang kaniyang kapaligiran.
"Pansinin ninyo ang kasiglahan ngayon ng ating mga makata; natutuklasan na
ang yaman ng kalikasan at unti-unting nagkakabunga ang ating mga pagpapagod.
Kinakitaan na ng mga unang bunga ang pagsubok sa siyensiya. Panahon na lamang
ang kailangan upang mahinog ang mga iyon. Ang mga bagong abugado ay
hinuhubog sa nababagong disiplina ukol sa Pilosopiya ng Batas. Ang ilan sa kanila ay
naghandog na ng liwanag sa mga hukuman, at ito ay tanda ng malaking pag-unlad sa
ating panahon. Pakinggan ninyong magsalita ang kabataan; bisitahin ninyo ang mga
paaralan; umaalingawngaw na sa mga dingding ng paaralan ang iba pang mga
pangalan. Samantalang nang kapanahunan namin ay mga pangalan lamang nina Sto.
Tomas, Suarez, Amat, Sanches, at iba pang pilosopo sa eskolatisismo ang maririnig.
Wala nang magagawa ang pagsesermon sa pulpito ng mga prayle tungkol sa pagbaba
ng moralidad, tulad ng pagrereklamo ng tindera ng isda sa kakuriputan ng mamimili,
pagkat hindi niya alam na bulok na ang kaniyang paninda. Nagtatayo ng marami
pang kumbento sa malalayong bayan upang dito pigilin ang paglaganap ng mga
bagong ideya, ngunit sila'y nabigo sapagkat panahon na para mawala ang mga
bathala.
"Puwedeng mapatay ng ugat ng puno ang mga dapong halaman niya, ngunit
hindi niya mapapatay ang iba pang buhay gaya ng mga ibong makakalipad sa
himpapawid."
Masigla sa pagsasalita ang iskolar. Nagniningning ang kaniyang mga mata.
"Gayunman," tutol ng nagdududang si Don Filipo, "kakaunti pa ang balon ng
nasabing mga bagong kaalaman; kung gagamitin nang lahat ay baka mapigil ang pag-
unlad na siyang pinagbayaran natin ng mahal."
"Pigilin ito? Nino? Ng masasakiting unano, ng tao, susupilin ang pag-unlad na
siyang anak ng panahon at paggawa? Kailan pa niya ito ginawa? Ang mga aral,
garote, ang lagablab ng inquisition na nagtangkang pumigil sa pag-unlad ay lalong
nakapagpasulong doon.

Gayunman ay kumikilos' sabi nga ni Galileo nang ipinaaamin sa kaniya ng


mga Dominiko na hindi umiikot ang mundo sa paligid ng araw.
34
"Ganiyan din ang pagsulong ng tao. Hindi ito mapipigil anuman ang mangyari.
Susuko ang ilan, may ilan pa ring mamamatay, subalit magpapatuloy ang pag-unlad
at ang dugo ng mga nabuwal ay siyang magpapasigla rito, at uusbong ang lalong
malalakas na binhi.
"Tingnan na lamang ninyo ang press, kahit na ano ang gawing pagpipigil
sumusulong din. Pati mga Dominiko ay gumagaya na rin sa mga Heswitang kanilang
mahigpit na kalaban. Nagpapatayo na rin sila ng mga teatro sa kanilang mga
kumbento at nagpapalikha ng mga tula, pagkat hindi sila tanga kahit na namumuhay
pa sila sa Edad Media. Napatotohanan nilang tama ang mga Heswita kaya't sila man
ay tatanghalin din sa hinaharap."
"Sabi ninyo'y hindi tutol sa progreso ang mga Heswita, pero bakit sila
kinakalaban sa Europa?" tanong ng humahangang si Don Filipo. "Sasagutin ko
kayo," wika ng iskolar na sumandal at muling ngumiti nang kakatwa. Ayon sa
pilosopiya ng eskolatisismo, may tatlong paraan ng pagtataguyod ng pag-unlad: ang
mamuno, ang makiisa, at ang pahila. Ang mga namumuno ay namamatnubay sa pag-
unlad; ang ikalawang grupo ay umaayon sa pag-unlad, at ang ikatlong grupo ay
napakakaladkad sa pag-unlad. Kabilang ang mga Heswita sa ikatlong grupo. Ibigin
man nilang mamatnubay ay hindi nila kaya, pagkat humahanap ng sariling mga
lagusan ang pag-unlad, kaya't sumusunod na lamang sila upang hindi masagasaan o
maiwan sa karimlan. Tayo naman dito sa Pilipinas ay tatlong daang taon nang
atrasado sa pag-unlad. Halos hindi pa tayo nakahuhulagpos sa Edad Media. Kaya ang
mga Heswitang reaksiyonaryo sa Europa ay siya namang kinilala nating kinatawan
ng progreso.
"Utang natin sa mga Heswita ang mga panimulang kaalaman sa Natural
Sciences, na siyang kaluluwa ng ikalabinsiyam na dantaon. Utang naman natin sa
mga Dominiko ang kaalaman sa Pilosopiyang Eskolastisismo na hindi na ngayon
maipagpilitan ni Pope Leo XIII. Walang papang makabubuhay sa mga bagay na
pinatay na ng katwiran.
"Pero," tanong niyang nagbago ng tinig, "saan na ba nakarating ang ating pag-
uusap? A, oo, pinag-uusapan natin ang kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas. Nasa sa
panahon tayo ngayon ng pakikipaglaban, kayo iyon. Nakalipas na ang aming
henerasyon, at sadyang kami'y papaalis na. Ang nagtutunggali ay ang nakaraang
nanunumpa at mahigpit na nangungunyapit sa gumuguho nang kastilyo ng
piyudalismo at ang hinaharap na mula sa malayo at sa gitna ng nagniningning na
bukang-liwayway ay kariringgan ng awit ng tagumpay na hatid ang mabubuting
balita buhat sa ibang lupain. Sino ang mga babagsak at matatabunan ng mga guho ng
nakaraan?"
Natahimik ang matandang lalaki at nang mapansing nag-iisip si Don Filipo ay
ngumiti siya at nagpatuloy:
"Nahuhulaan ko na ang inyong iniisip.
"Ano po?"
"Naiisip ninyong maaaring mali ako," wika niyang malungkot na nakangiti.
"Ngayon ay nilalagnat ako ngunit hindi nahihibang. Sabi nga ni Terence, tao
ako kasangkot ako sa anumang may kinalaman sa sangkatauhan. Kung
makapapangarap din lamang ay bakit nga hindi mangarap na lamang ng maiinam na
bagay lalo na sa mga huling sandali ng buhay? Saka ako'y nabubuhay lamang sa
35
pangarap. Tama kayo; ang ating kabataan ay nag-iisip lamang ng tungkol sa pag-ibig
at kasiyahan. Mas mahaba pa ang panahong ginugugol nila sa panlilinlang at
pagdurungis sa karangalan ng isang babae kaysa sa pagbabalak ng mabuti para sa
bayan. Higit nasinisinop ng ating kababaihan ang bahay at kasambahay ng Diyos
kaysa sarili nilang tahanan. Ang kalalakihan naman ay masisigla lamang sa
pagsusugal at sa pagpapababa ng sariling pagkatao. Ang nakakagisnan ng mga
musmos ay ang walang kabuluhang gawi ng pamumuhay. Ang kabataan ay walang
makitang huwaran, pagkat ang matatandaang walang pinagkatandaan ay siya pang
nakapagpapahamak sa kabataang ito dahil sa masasama nilang halimbawa. Mabuti na
lamang at mamamatay na ako."
"Gusto ba ninyong uminom ng gamot?" tanong ni Don Filipo sa hangad na
ibahin ang usapan na nakapagpadilim sa mukha ng maysakit. "Ang mamamatay na ay
hindi nangangailangan ng gamot; higit iyang kailangan ng mga maiiwan. Ipakisabi
mo kay Don Crisostomo na bisitahin niya ako bukas. May mahalagang bagay akong
sasabihin sa kaniya. Ilang araw pa'y mamamatay na ako." Pagkatapos ng ilan pang
paputol-putol na pag-uusap ay lumabas na sa silid ng maysakit si Don Filipo na
malungkot at nag-iisip.

Gawain Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Sang-ayon ka ba sa


mga ito? Mayroon pa bang kaisipang nais mong iugnay sa mga ito? Gamit ang
stratehiyang Read and React, ilahad ang iyong sariling damdamin, kongklusyon o
paniniwala hinggil sa kawastuhan o kamalian ng pahayag. Gamitan ito ng angkop na
ekspresyon.

1. Read: “Ang karapatan ng tao ay nakahihigit sa katawa tawang kapangyarihan ng


kapitan (o sinumang pinuno).”
React:_______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
__

2. Read: "...naglaho na ang kabataan ng ating kapanahunan na ang hinaharap pag-


aralan ay ang metapisikang itinuturo sa makalumang pamamaraan. Namatay silang
hindi nauunawaan ang lalong mahalaga o ang paglutas ng problemang ukol sa diwa
at materyal. Ang pagtatalo ukol dito ay nakapagpalimot sa atin ng lalong mahalaga:
ang ating pagkatao at pagkakakilanlan."
React:
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Read: "Ganiyan din ang pagsulong ng tao. Hindi ito mapipigil anuman ang
mangyari. Susuko ang ilan, may ilan pa ring mamamatay, subalit magpapatuloy ang
pag-unlad."
React:_______________________________________________________________
36
____________________________________________________________________
____________________________________________

4. Read: “Ang kabataan ay walang makitang huwaran, sapagkat ang matatandang


walang pinagkatandaan ay siya pang nakapagpapahamak sa kabataang ito dahil sa
masasama nilang halimbawa.”
React:
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
GAWAING PAGKATUTO
Ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa pamamagitan
ng pag-uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan(nabasa) sa pamamagitan
ng pag-uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan F9PN-IVe-f-59

Ang Malayang Pag-iisip

Halos katatapos pa lamang ni Ibarra sa pag-aayos ng mga gamit nang ipaalam


ng kaniyang utusan ang tungkol sa hindi inaasahang panauhin.
“Senyor, ipagpaumanhin niyo po ngunit may isang tagabukid na nagnanais na
kayo’y makausap. Patutuluyin ko po ba?”
“Papasukin mo.”
Sa pagpasok ng kaniyang panauhin, hindi maiwasan ni Ibarra na mabigla at
bago pa siya nakakibo ay inunahan na siya ni Elias.
“Minsan niyo na pong iniligtas ang aking buhay sa panganib sa lawa. Ang ginawa
kahapon ay pagtanaw lamang ng utang na loob. Wala po kayong dapat
ipagpasalamat, bagkus ay ako pa nga ang dapat.”
“Ginoong Elias, sabihin niyo, di ko maintindihan, may maipaglilingkod po ba
ako sa inyo?” ang naitanong ni Ibarra na may halong pagtataka.
“G. Ibarra, kung sakaling magsiyasat po ang mga maykapangyarihan tungkol
sa nangyaring kababalaghan, mangayari po lamang na huwag na ninyong ibunyag
ang aking naihimatong sa inyo sa simbahan.”
“Huwag kayong mag-alala sapagkat hindi ko kayo ipag-aadya, ni
ipanganganyaya.”
“G. Ibarra, ang pakiusap ko po ay hindi para sa aking kapakanan kundi para na
rin sa inyong kaligtasan at ikabubuti. Wala po akong kinatatakutan,” ang sabi ni
Elias.
“Ano ang ibig niyong sabihin?” ang tanong ni Ibarra na hindi maitago ang
pagkagulat sa narinig.

37
“Akin pong bibigyang-linaw ang aking sinabi. Upang mailigtas kayo sa
anumang kapahamakan, kailangang huwag maghinala sa inyo ang inyong mga
kalaban na kayo ay handa.”
“Aking mga kalaban! Di ko mainitindihan. Ako po ba’y mayroong mga
kalaban?”ang biglang tugon ni Ibarra.
“Opo, tayo pong lahat ay mayroong kalaban-maliit at malaki man, mayaman o
mahirap man- ay may kalaban. Ang pagbabaka ang siyang batas ng buhay!”
“Kayo’y hindi tunay na isang tagabukid. Napakalalim niyong mangusap…” ang
wika ni Ibarra.
Tila hindi narinig ni Elias ang sinabi ni Ibarra, kaya tuloy-tuloy siyang nagsalita.
“May mga kalaban kayo sa itaas at sa ibaba- ang pader ng simbahan at muog
ng pamahalaan, dahil na rin sa kabutihan ng inyong hangarin. Maging ang inyong
ama at ang inyong nuno, dahil sa sariling pananalig at kabutihan ng puso ay
nagkaroon ng kagalit. Sa buhay na ito ay talagang kinamumuhian ang mga taong
may mabubuting hangarin.”
“Matutukoy ba ninyo kung sino-sino ang aking mga kalaban?”
“Isa na rito ang taong kamamatay lamang sa isinagawang paghuhugos sa
ipinatatayo niyong paaralan para sa kapakanan ng mga kabataan. Akin pong
naulinigan ang kaniyang pakikipag-usap sa isang taong hindi ko nakilala na ang takbo
ng kanilang pag-uusap ay ganito: ‘Ang kamatayan ni Ibarra ay hindi katulad na
kamatayan ng kaniyang amang kinain ng mga isda.(ang bangkay ni Don Rafael
Ibarra ay itinapon sa ilog)Bukas na bukas din sa may paghuhugos ay masasaksihan
ninyo ang mangyayari’….Nakabahala sa akin ang aking narinig. Lalo na nang
ipagpilitan niya ang kaniyang sarili na mamahala sa pagtataas ng malaking bato sa
ibabaw ng hukay kapalit ay ang makapagkamit ng malaking upa. Bunsod ng aking
hinala kayat naihimatong ko sa inyo sa may simbahan ang aking nalalaman,” ang
tuloy-tuloy na pahayag ni Elias.
“Sayang, sana’y hindi namatay ang taong iyon. Marami sana tayong
makukuhang impormasyon mula sa kaniya,” ang sagot ni Ibarra na may halong
pagdaramdam.
“Pero kung nabuhay po iyon ay ipawawalang-sala lamang ng bulag na
hukuman.. Hinatulan siya ng Diyos na siyang makapangyarihang hukom. At
kamatayan ang naging hatol sa kaniya.”
Ang mga latay at gurlis sa bisig ni Elias ay hindi nakaligtas sa mga mapanuring
mata ni Ibarra, kaya’t ito ay nag-isip ng tanong.
“Naniniwala ba kayo sa kababalaghan? Usap-usapan ngayon ng mga
taumbayan ang tungkol sa kababalaghan,” na may bahid ng pagngiti.
“Sa sandaling ako’y maniwala sa himala o kababalaghan, mawawalan na ako
ng dahilang maniwala sa Diyos,. Sapagkat sa gayo’y mananalig ako sa isang taong
may pagka-Diyos at lalagay na ‘ang Diyos ay nilalang ng taong kamukha’t kawangis
niya’. Siya lamang ang may Karapatan sa buhay ng tao at walang sinumang nilalang
ang may Karapatan na siya ay halinhan….Opo, nang babagsak na ang bato ay aking

38
pinigilan ang tampalasan. Kami’y magkasamang bumagsak ngunit siya at hindi ako
ang nasawi. Hindi iyon himala. Ang Diyos ang gumawa ng paraan.”
“Kung gayo’y kayo ang…? Ang namamanghang tanong ni Ibarra.
“Opo, nakita ko pong lahat ang kaniyang pakana habang nasa itaas siya na
hawak ang kalo ng malaking batong panghugos. Kaya’t nang magtangkang tumakas
ang bayarang taksil, siya ay aking pinigilan at inunahan. Hindi iyon himala.
Kagustuhan ng Diyos ang nangyari sa kaniya. Walang Karapatan ang sinuman na
pangunahan ang Kaniyang kapangyarihan.”
“Sino po ba talaga kayo? Nakapag-aral po ba kayo?” ang naghihinalang
tanong ni Ibarra sa kausap.
Sa halip na sagutin si Ibarra, nagpatuloy sa pagsasalita si Elias.
“Sa pagkawala po ng aking tiwala sa kapwa ay nalubos ang akong paniniwala
sa Lumikha.”
Naging malinaw na rin kay Ibarra ang dahilan ng pagkakagayon ni Elias. Siya’y
walang tiwala sa tao sa Karapatan nitong humatol sa kapwa.
“Ang kahatulang nagmumula sa hukuman ng mga tao, maging ito ma’y hindi
wasto ay hindi natin maitatakwil. Hindi maaring maggawad ng tuwiran ang Diyos ng
kaniyang kapasyahan o kahatulan sa ating masasamang hilig. Kailangang paminsan-
minsa, tayo ay hatulan ng ating kapwa,” ang pasubali ni Ibarra.
“Siya pong tunay. Ngunit kailangang humatol lamang upang magbunga ng
mabuti at hindi ng masama, makabuo at hindi makasira, sapagkat sa sandaling silang
makapangyarihan ay makagawa ng kapinsalaan sa kanilang mga hatol, hindi na nila
matatalikuran at malulunasan ang kanilang mga nagawang kasamaan.”
Nagpatuloy si Elias.“G. Ibarra hindi ko na po maaring ituloy pa ang aking
pakikipagtalong ito sa inyo. Ako po’y labis na nakabalam na sa mga taong sa inyo’y
naghihintay. Uulitin ko po, huwag niyo sanang kalimutan na kayo’y may mga lihim
na kalaban at alang-alang sa kabutihan ng bayan ay kinakailangan ninyong laging
mag-iingat. Ako po’y magpapaalam na.”
“Kailan po tayo muling magkikita?”
“Sa anumang sandaling ako’y inyong kailanganin. Ang utang ko sa inyo’y di ko
pa nababayaran.”.

Gawain: Binigyang-diin sa kuwento ang sakit na CRAB MENTALITY. Ito ay ang tawag
sa masamang ugali ng tao na nag-iisip o gumagawa ng masamang paraan upang
hilahin pababa o pabagsak ang kapwa sukdulang ikapamahamak pa niya ito dahil sa
inggit at panibugho sa kaniyang mga tagumpay na nakakamit. Tulad ng inilahad sa
akda, ang pagbabalak na gawan ng masama ng kaniyang mga lihim na kaaway si
Ibarra.
Nangyayari nga talaga gawaing ito sa kasalukuyan. Patunayan mo sa pamamagitan
ng mga halimbawa o sitwasyong iyong nalalaman.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
39
____________________________________________________________
____________________________________________________________
______________________________________________________-

Pangwakas/Repleksyon.
Binabati kita sa masigasig mong pagsagot sa mapanghamong Gawain! Ipagpatuloy
mo ang kasipagan sa pag-aaral sa kabila ng pandemyang ating nararanasan ngayon.

Ilahad ang iyong mga natutunan sa buhay at nalaman sa ating aralin ngayon. Isulat
mo ang mga ito.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

GAWAING PAGKATUTO
Pagpapaliwanag sa mga Kaisipang nakapaloob sa Aralin

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naipaliliwanag ang ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng:
*pamamalakad ng pamahalaan
*paniniwala sa Diyos
*kalupitan sa kapwa
*kayamanan
*kahirapan at iba pa(F9PB-IVg-h-60)

Basahin at unawain :
Tatlong Mukha ng Kasamaan ni U Nu
(Isinalin ni Gng. Salvacion M. Delas Alas)

May tatlong mukha ng kasamaan ang sangkatauhang makasalanan:


Ang kasakiman, galit/poot at kamangmangan sa batas ng sandaigdigan kahit anuman
ang paninwala ng isang tao ay naituturing itong batas ng kalikasan, kahit ang isang
40
tao ay naniniwala sa mga aral ni Buddha, Muslim, Katoliko, o isang Ateista.
Sinasabing tatlo ring bagay ang hindi maiiwasan sa daigdig ng sinumangtao.Ito ay
pagtanda, karamdaman at kamatayan.
Mayroon ding limang katangian ng tao mula sa kaniyang pagsilang, ang
magpahalaga na sa nakikitang kagandahan sa kapaligiran, magpahalaga sa musika, at
awitin, pagpahalaga sa pagkaing kaniyang naibibigan, makapag-uri ng iba't ibang
halimuyak at sa kagandahan ng sining ayon sa kaniyang pamantayan.
Ngunit ang mga angking katangiang ito ng tao ay hindi panghabang panahong
mapapanaligan ng tao, sapagkat ang mga ito ay katulad ng panahong lumilipas.
Hindi rin tututol ang marami kung sasabihing ang kayamanan ay nawawala
sapagkat walang sinumang makapagpapatunay na ang kayamanan ay nadadala ng
isang tao sa kaniyang libingan, kaya lamang, may iba't ibang.pananaw ang mga tao sa
materyal na yamang angkin nila habang sila ay nabubuhay.
Ang hindi alam ng marami, kahit sila ang pinakamayaman sa daigdig,ang
yamang angkin nila aywala sa isang milyong bahagi sa paniniwala ni Samsara The
Cycles of Rebirth na hindi nakatitighaw sa mga taong walang kapasiyahan dahil sa
kasakiman.
Sinasabi rin ng marami ang pagkagahaman ng isang tao sa kayamanan ay
bunga ng sobrang kasakiman,kaya nalilimutan ng marami ang tunay na gamit nito sa
sangkatauhan.Sinasabi dito na dapat gamitin ang yamang materyal ng tao para sa
kanyang pangangailangan. Ngunitnang makilala ng tao ang pagiging sakim, nagdulot
ito ng maraming bagay sa lipunan tulad ng:
Nahati ang lipunan sa dalawang klase ng tao: ang mga mayayaman at ang mga
mahihirap.
Ang mahirap ay laging umaasa sa mga mayayaman may puhunan, samantalang
ang mga negosyanteng nagbitiw ng puhunan ay laging nag-iisip kung papaano niya
pakikinabangan ang kaniyang puhunan na hindi iniisip ang kalagayan ng maliliit.
Dahil sa pamamaraang ito ng mayayaman ang mahihirap ay
lagingnapagsasamantalahan. Bunga ng ganitong paramamaraan ang mahihirap ay
natututong magnakaw, pumatay at magbenta ng katawan.
At sa mga aral ni Buddha’y sinasabing may apat na dahilan kung bakit ang
isang nilalang ay namamatay. Isa rito ang karma, labis na pag-iisip dahil sa kahirapan
At Kakulangan Sa buhay na isa sa pangangailangan ng tao.
Ang hindi pagkamit ng wastong kaalaman ay siyang dahilan kung bakit parami
nang parami ang mga uri ng napagsasamantalahan. Wastong edukasyon ang
makapagpapaunlad ng kanyang buhay.
Hindi rin uunlad ang bansa kung ang mamamayan, ang higit na nakararami ay
mangmang.
Ang mga sanhi at dahilan ng pagsama ng daigdig ay nagmula nang matuklasan
ng tao Kung paano nila pagkakakitaan ng ibayong tubo ang kanilang binitawang
puhunan. Mayroong alamat tungkol sa isang punongkahoy na may pangalang
Padaythabin (punongkahoy na pinagmumulan ng pangangailangan ng tao) na
sinasabi sa panahong iyon ay namumuhay ang tao ng walang suliranin. Bakit?
Dahil lahat ng tao ay napipitas nito sa puno ngunit nakilala ng tao ang
kasakiman at inabuso nila ang punongkahoy. Mula noo’y namuhay ang tao sa
kahirapan at nakilala na ng tao ang krimen. Maihahambing natin ang punong
41
Padaythabin sa ating likas na yaman kung ito ay gagamitin ng tama ng bawat
mamamayang nangangailangan siguro'y walang taong magugutom at walang gagawa
ng krimen tulad ng pagpatay at pagnanakaw.
Mayroon ding tatlong bagay ang hindi maiiwasan sa daigdig ng sinumang tao.
Ito ay ang pagtanda, karamdaman at kamatayan.
Sa panahon ngayon, maraming mahirap na gustong yumaman at maraming
mayaman ang gustong maangkin ang lahat para mamuhay nang walang katapusan.

Gawain : Pagkatapos mong mabasa ang akda, tukuyin mo ang mga kaisipang
nakapaloob dito. Gawin ang susunod na gawain.

Gawain 3.Panuto: Pumili ng limang kaisipan na nilagyan ng tsek sa naunang


gawain at ipaliwanag ang iyong pagkakaintindi sa mga ito.

42
GAWAING PAGKATUTO
Paghahambing Sa Katangian Ng Ina Noon at Ngayon
Panimula (Susing Konsepto)
Lahat ng ina saan mang sulok ng mundo nanggaling at anumang lahi ang pinagmulan
niya ay kahanga-hanga naman talaga.“Ilaw ng Tahanan”, iyan ang taguri sa kanila.
Paano nga bang naging ilaw sila ng tahanan? Ano-ano ang angkin nilang katangian?
Ano nga nga ang pagkakaiba ng ina noon sa ngayon? Sa araling ito tutulungan kang
mas makilala ang lahat ng ina dito sa mundong ibabaw sa kahit anong panahon, noon
o ngayon.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at kasalukuyan batay sa
napanood na dulang pantelebisyon o pampelikula (F9PD-IVg-h-59)
Gawain Paghambingin Mo
Alalahanin ang mga pelikula o anumang dulang pantelebisyong napanood mo
na kung saan binigyang-diin sa palabas ang katangian ng isang ina (halimbawa ay
ang pelikulang “Ang Tanging Ina”). Ihambing ang mga ito sa katangian na taglay ng
nanay mo. Bigyang paliwanag ang sagot.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
43
____________________________________________________________
___________________________________________.

GAWAING PAGKATUTO
Pagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin ng ina at
ng anak
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin ng ina at ng anak (F9PS-
IVg-h-62)
Panimula (Susing Konsepto)
“Nawa’y maging tapat tayo sa dakilang obligasyong ito ng pagiging
magulang, sa sagradong obligasyong ito.”
Ang papel na ginagampanan ng ina ay inorden ng Diyos. Ang mga ina ang, o
dapat maging, pinakapuso at kaluluwa sa pamilya. Wala nang ibang mas sagradong
salita sa sekular o banal na kasulatan kaysa sa salitang ina. Wala nang mas marangal
na gawain kaysa sa gawain ng isang inang mabait at may takot sa Diyos.
Paano tinutulungan ng mga anak ang kanilang mga magulang sa pagkakaroon
ng maligayang tahanan?
Ang mga anak ay kabalikat ng kanilang mga magulang sa mga responsibilidad
ng pagkakaroon ng maligayang tahanan. Dapat nilang sundin ang mga kautusan at
makipagtulungan sa iba pang mga miyembro ng pamilya. Ang Panginoon ay hindi
natutuwa kapag nag-aaway-away ang mga anak (tingnan sa Mosias 4:14).
Iniutos ng Panginoon sa mga anak na igalang ang kanilang mga magulang.
Sabi Niya, “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw
ay tumagal sa ibabaw ng lupa” (Exodo 20:12). Ang ibig sabihin ng igalang ang mga
magulang ay mahalin sila at magpitagan sa kanila. Ang ibig sabihin din nito ay
sundin sila. Sinasabi ng mga banal na kasulatan sa mga bata na “magsitalima kayo sa
inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka’t ito’y matuwid” (Mga Taga Efeso
6:1).
Bilang isang ina at anak may napakahalagang tungkulin tayo sa mundong
ibabaw at sa bawat isa lalo sa loob ng pamilya. Napakahalagang bigyang-pansin ito at
pangalagaan upang lalong maging kaaya-aya tayo sa kalooban ng Panginoon.

Gawain Venn Diagram (15 puntos)


Panuto: Ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tungkulin ng isang ina at anak

44
Gawain TAMA O MALI
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung ang pahayag
ay wasto at isulat ang T, kung di-wasto isulat ang M sa patlang bago ang bilang.
_____1. Bilang isang nanay, marunong makinig sa asawa at anak.
_____2. Tagapakinig lamang ang ina sa pagppalano para sa ikauunlad ng pamilya.
_____3. Tungkulin ng isang nakatatandang anak na babae ang tumulong sa mga
gawaing bahay tulad ng pagluluto, paglalaba at pagsusulsi.
_____4. Ang ina ang nangangasiwa sa pag-aaral ng mga bata at pagtingin kapag ang
mga anak ay nagkakasakit.
_____5. Kapag wala ang mga magulang sa loob ng tahanan, tungkulin ng panganay
na anak ang pangalagaan ang mga nakababatang kapatid.
_____6. Ina ang nagsislbing haligi ng tahanan.
_____7. Tungkulin ng isang anak na alagaan ang kaniyang mga magulang sa
kanilang pagtanda.
_____8. Ang bunsong anak ay walang gawain sa loob ng bahay.
_____9. Ipinauubaya ng ina sa babaeng anak ang mga gawaing bahay.
_____10. Bilang anak, tungkulin mong tulungan ang iyong mga magulang sa abot ng
makakaya mo bilang ganti sa pag-aruga sa’yo.

GAWAING PAGKATUTO
Paggamit ng mga angkop na ekspresyon sa pagpapaliwanag,
paghahambing at pagbibigay ng opinion

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa: pagpapaliwanag, paghahambing at
pagbibigay ng opinion (F9WG-IVg-h-62)
Panimula (Susing Konsepto)
Napakahalagang isaalang-alang natin ang mga salitang ating binibigkas sa
ating kausap.Sa ating araw-araw na pakikipagtalastasan sa ating kapwa , nababatid
natin ang kanyang nais ipahiwatig batay sa kanyang mga salita/ekspresyong
ginagamit.
Sa pagpapaliwanag, paghahambing at pagbibigay ng opinyon ay may mga
angkop na salita o ekspresyong ginagamit dito.

45
Ang pangangatwiran o pagpapaliwanag ay isang paraan ng pagpapatunay sa
isang kAtotohanan. Napaniniwala ang isang tao sa pamamagitan ng pagmamatuwid
tungkol sa sariling paninidigan. Samakatwid, mahalagang iplano at isaayos ang
pagpapaliwanag sa katwiran o pagbibigay-halaga sa katibayan.
Ang salita o pahayag na naglalahad ng opinion ay mahalagang maunawaan
natin.. Nais nitong ipahiwatig ang ipinahahayag ng ating kausap o ng mambabasa.
Narito ang ilang halimbawa ng ekspresyong ginagamit sa pagbibigay ng
opinion: Naniniwala ako…, Sa aking palagay…, Ang opinion ko sa bagay na
ito…, Marahil ay…, Sa ganang akin…, Sa tingin ko.., at iba pa

Gawain 3
Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay opinyon, isulat sa patlang ang O, kung hindi
opinyon isulat ang H.
_____1. Sa tingin ko, magtatagal pa ang pandemyang ating kinakaharap sa ngayon
kung wala tayong disiplina.
_____2., Mas marami ang nakakarekober sa sakit na dulot ng corona virus kaysa sa
mga namamatay, batay sa datos ng DOH.
_____3. Batay sa aking paniniwala, malalampasan natin ang anumang pagsubok na
darating sa ating buhay kung tayo’y may pananalig sa Diyos at sabayan ng gawa.
_____4. Siguro’y makabubuti sa ating lahat kung tayo ay magtutulungan at
magkakaunawaan.
_____5. Ayon sa pangulo, hindi na sapat ang pondo ng gobyerno para suportahan pa
ang pangngailangan ng mamamayan.

46

You might also like