You are on page 1of 76

Batay sa paksang ibinigay, ang mga mag-aaral ay inaasahang

maisasakatuparan ang mga sumusunod na layunin:

• Naibubuod ang mga mahahalagang pangyayaring naganap mula


kabanata 1 hanggang kabanata 5
• Naisasagot ang mga katanungan hinggil sa binasang kabanata
• Nakapagbubuo ng isang reaksyong papel batay sa mga
pangyayaring naganap mula sa binasang kabanata
KABANATA 1:
ISANG
PAGTITIPON
• Naghanda si Kapitan Tiyago ng isang handaan para sa
pagdating ng isang binata galing sa Europa

• Ang mga nakatanggap ng balita ay agad na naghanda para


sa handaan
• Ang bahay ng Kapitan ay matatagpuan sa kahabaan
ng daang Analoague, malapit sa pampang ng ilog
ng Binundok na ginagawang paliguan, tapunan
ng dumi at igiban ng mga Tsino

• may kahabaan at di-gaanong matuwid ang


kanyang bahay
• Napakasaya ng bahay ni Kapitan Tiyago nang gabing
iyon

• Sa gitna ng bulwagan ay makikita ang isang marikit


at magarang hapag

• Sa dingding ay makikita ang mga antigong


kuwadro na may temang panrelihiyon
• Nuestra Señora de la Paz y Buenviaje

- larawang pinta na nangangahulugang “Our


Lady of Peace and Good Voyage”

- ang patron ng Antipolo na nag-aanyong


pulubi at dumadalaw sa may sakit
• Tiya Isabel

- Tanging tumatanggap sa mga nagsisipagdatingan


na bisita

- may maamong mukha at hindi mahusay magsalita


ng Espanyol
• Ang mga panauhin ay nasa bulwagan at hiwalay ang
lalaki sa babae

• Naroon rin sa handaan si Tinyente Guevarra Padre


Sibyla at Padre Damaso at iba pang mga panauhin
PADRE
SIBYLA
• Isang prayleng Dominico
• Makisig, bata pa at pormal
• Kura sa Binundok
• Naging propesor ng Colegio de San Juan De
Letran
• Kilala sa kahusayan sa pakikipagtalo
PADRE DAMASO
• Isang prayleng Franciscano
• May katandaan ngunit malusog pa rin ang
pangangatawan
• Napakaingay, nagmamarunong at hindi
pinapasingit ang kausap kung may sasabihin
TINYENTE GUEVARRA
• May edad na, mataas at bihirang
magsalita ngunit kung magsalita man ay
walang ligoy
• Ipinagtanggol niya ang Kapitan Heneral
laban sa mga sinasabi ni Padre Damaso
Ilan sa mga naging paksa:

1. Mga Indio

2. Pag-ungkat ng totoong dahilan ng pag-alis ni Padre


Damaso bilang kura ng San Diego
Ilan sa mga naging paksa:

1. Mga Indio
- nagkaroon ng hinanakit si Padre Damaso sa mga
Indio sapagkat ayon sa kanya ang mga Pilipino ay mga
mapagwalang-bahala at isinalaysay niya ang mga naging
karanasan niya simula nang siya ay maging kura ng bansa
Ilan sa mga naging paksa:

1. Mga Indio
- ayon kay Padre Damaso noong una pa lamang siya
rito sa ating bansa ay inilagay siya sa isang bayan na ang
ikinabubuhay ay pagsasaka
- lahat ng mga kababaihan sa bayan na iyon ay
kanyang kinukumpisal kahit hindi pa siya gaanong
marunong magsalita ng tagalog
Ilan sa mga naging paksa:

1. Mga Indio
- tumagal siya ng 3 taon sa bayan na iyo at noong siya ay umalis na,
iniyakan siya ng mga kababaihan, nagbigay sa kanya ang mga tao ng
regalo at nagtugtog pa ang mga ito ng isang bandang pangmusika ngunit
hindi ito ikinatuwa ng kura sapagkat nalaman niya na mas enggrande ang
ibinigay na regalo ng mga tao sa paring pumalit sa kanya noong ito ay
umalis sa bayan gayong labis na na namamalo at nagsisingil ng
pansimbahang bayarin ang paring iyon
Ilan sa mga naging paksa:

1. Mga Indio
- isinalaysay rin niya ang 20 tao na pananatili niya sa bayan
ng San Diego na kung saan ayon kay padre Damaso ay kinilala
na niya ang mga tao roon bilang mga anak niya ngunit nang siya
ay umalis sa bayan na iyo ay mga matatanda lamang ang sumama
sa kanya at ilang mga katulong sa simbahan kaya labis siyang
nagalit sa mga Pilipino dahil raw sa kamangmangan ng mga ito
2. Pag-ungkat ng totoong dahilan ng pag-alis ni Padre
Damaso bilang kura ng San Diego

- nalaman ng Kapitan heneral ang ginawa ni Padre


Damaso sa pagpapalipat ng bangkay ni Don Rafael Ibarra sa
libingan ng mga Intsik kaya naman siya ay pinalipat ng
Kapitan heneral sa ibang bayan
2. Pag-ungkat ng totoong dahilan ng pag-alis ni Padre
Damaso bilang kura ng San Diego

- galit na galit naman si Padre Damaso sapagkat ayon sa


kanya hindi daw dapat nakikialam ang pamahalaan sa
pagpaparusa na ginagawa ng simbahan sa mga erehe at
sinabi pa niyang naghahari-harian lamang daw ang Kapitan
heneral kaya nagalit si Tinyente Guevarra
2. Pag-ungkat ng totoong dahilan ng pag-alis ni Padre
Damaso bilang kura ng San Diego

- ipinagtanggol ng Tinyente ang Kapitan Heneral at


sinabi nitong kapag hindi babawiin ni Padre Damaso ang
mga maaanghang na salita na binitawan nito sa Kapitan
heneral ay isusumbong niya ito sa kapitan ngunit hindi
naman natakot si Padre Damaso sa sinabi ng tinyente
• Mabuti na lamang at naroon si Padre sibyla na siyang
namagitan sa kanilang pagtatalo
• May mga bisita pang dumating at kabilang dito ay sina
Doktor de Espadaña at Donya Victorina
KABANATA 2:
SI
CRISOSTOMO
IBARRA
• Ipinakilala ni Kapitan Tiyago sa lahat
ng panauhin ang dahilan ng salo-salo

• Kitang-kita ang isang binata na


luksang-luksa habang papasok sa
bulwagan
• Mahigit sa katamtaman ang taas ng
binata at mamula-mula ang kutis
kahit na may pagka-kayumanggi ay
mababakas ang pagkakaroon ng
dugong Espanyol
• Nang Makita siya ni Padre Damaso,
natigilan ito, namutla, lumaki ang
mga mata at di makakilos sa
kinatatayuan

• Si Padre Sibyla naman ay inalis pa


ang mga salamin upang pagmasdan
ng mabuti ang binata
• Humanga naman ang ibang bisita sa
taglay na karisma ni Ibarra

• Nang Makita ni Ibarra si Ibarra si


Padre Damaso ay agad niya itong
binati at kinamayan ngunit hindi siya
kinamayan ng pari
• Pagtalikod ni Ibarra ay nakaharap
niya si Tinyente Guevarra at ito ay
nagpakilala sa kanya. Sinabi nito kay
Ibarra na ang kanyang ama ay isa sa
mararangal na tao sa Pilipinas na
labis niyang hinahangaan.
• Nais niyang makipagkilala sa mga
tao roon kaya’t ang una niyang
nilapitan ay ang mga kababaihan

• Ngunit hindi siya pinansin ng mga ito


dahil ang mga kababaihan ay
nahihiyang makipag-usap sa kanya
• Sunod ay lumapit siya sa mga
kalalakihan at humingi siya ng
pahintulot na gamitin ang kultura ng
Germany
• Sa Germany, kapag ang isang
hindi kilalang tao ay pumunta sa
isang pagtitipon at walang
nagpapakilala sa kanya ay siya na
mismo ang nagpapakilala sa
kanyang sarili
Binati naman siya ng mga binata at
nagpakilala rin dito.
• Nilapitan siya ni Kapitan Tinong at
inanyayahan siya na dumalo sa
kanilang pananghalian bukas ngunit
si Ibarra ay magalang na tumanggi
sapagkat ayon sa kanya ay pupunta
pa siya sa San Diego.
KABANATA 3:
ANG HAPUNAN
• Ang lahat ng mga panauhin ay nagsidulog sa hapag-
kainan matapos ipaalam sa kanila na handa na ang
hapunan

• Si Padre Sibyla ay nasisiyahan habang naiinis naman si


Padre Damaso sa mga sandaling iyon at ang mga upuan
na kanyang dinaraanan ay kanyang sinisipa
• Si Donya Victorina naman ay nagalit nang matapakan ng
tinyente ang buntot ng kanyang bestida

• Samantala, sa hapag-kainan ay magkasabay na lumapit


ang dalawang prayle sa upuang panguluhan
• Wala sa dalawang prayle ang nakaalala kay Kapitan
Tiyago dahil si Ibarra lamang ang tanging nakaalala rito

• Ipinapasok na ni kapitan tiyago ang tinolang manok sa


mga utusan
• Padre Damaso- isang tasang puno ng upo, sabaw,
kapirasong leeg at maganit (matigas) na pakpak ng
manok ang kanyang natanggap

• Ibarra- ang siyang nakakuha ng laman at masasarap na


bahagi ng manok
• Nagpatuloy ang kwentuhan at tanungan habang kumakain
Ilan sa mga napag-usapan:

• Patungkol sa ama ni Ibarra


• Bayan sa Europe na naibigan ni Ibarra
• Pinakamahalagang bagay na nakita ni Ibarra sa kanyang
paglalayag:
 Pamumuhay
 Lipunan
 Pulitika
 relihiyon
Ilan sa mga napag-usapan:

• Patungkol sa ama ni Ibarra

- ayon kay Ibarra, isang taon siyang hindi nakatanggap


ng balitamula sa kanyang ama kaya naman ay hindi niya
alam kung papaano namatay ang kanyang ama.
Ilan sa mga napag-usapan:

• Bayan sa Europe na naibigan ni Ibarra

- ayon kay Ibarra alinmang bansa ng Europe ay kanyang


naiibigan
Ilan sa mga napag-usapan:

• Pinakamahalagang bagay na nakita ni Ibarra sa


kanyang paglalayag:

 Pamumuhay
 Lipunan
 Pulitika
 relihiyon
Dagdag pa ni Ibarra:

“Bago ako magtungo sa isang bayan ay inalam ko muna ang


kasaysayan nito. Pinag-aralan ko ang paghihirap at pag-
unlad nito. At lagi kong nakikitang ang pag-unlad at
paghihirap ng bayan ay may kauganyan sa kalayaan o
kagipitan nito. Kapag malaya ang kaisipan ng mga
mamamayan ay malamang uunlad ang kanilang
kabuhayan”
• Kinutya naman ni Padre Damaso ang kanyang sinabi.

• Ayon kay Padre Damaso, hindi daw dapat inaaksaya ni


Crisosotomo Ibarra ang kanyang salapi sa mga walang
kwentang bagay
• Napatingin si Ibarra kay Padre Damaso, ngunit nakuha pa
rin niyang magtimpi at sinabi niya na huwag raw mag-
alala sapagkat ganoon raw talaga si Padre Damaso at
palagay na raw ang loob sa kanya ng kura simula bata pa
lamang siya.
• Ibinahagi rin ni Ibarra sa mga panauhin ang patungkol sa
laging pagpunta ni Padre Damaso sa tahanan ng kanyang
ama at lagi siyang pinapaunlakan ni Don Rafael Ibarra at
iniimbita pang kumain.
• Bigla namang napansin ni Padre Sibyla na nanginginig si
Padre Damaso matapos magsalita si Ibarra patungkol sa
pagpunta ni Padre Damaso noon sa kanilang tahanan
• Pagkatapos ay nagpaalam na si Ibarra na siya ay aalis na
sapagkat may pupuntahan pa siya na hindi dapat
ipagpaliban.

• Nakahinga naman ng maluwag si Padre Damaso nang


umalis na si Ibarra.
AYON KAY PADRE DAMASO:
• Iyan ang masamang bunga ng pagpapaaral ng mga Indio
sa Europa at

• sabi pa niya kung siya lamang ay masusunod ay


ipagbabawal niya ang pag-aaral ng mga Indio sa Europa.
KABANATA 4:
EREHE AT
FILIBUSTERO
• Marahang naglalakad si Ibarra na hindi niya alam
kung saan siya tutungo. Siya ay bumabagtas na tila
walang magawa hanggang sa naisipan niyang
tumungo sa Binundok
• Sa 7 taon ng kanyang pagkawala ay wala pa ring
pagbabago na naganap sa Binundok- naroon pa rin
ang bahay na pinintahan ng puti at bughaw,
kampana ng simbahan na may lumang orasan,
lumang tindahan na may maruruming tabing at
maging ang rehas na bakal na kanyang binaluktot
noong bata pa siya ay naroon pa rin
• Nasambit niya sa kanyang sarili na ang pagpunta niya
sa Europa ay parang isang panaginip lamang

• Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang


tinyente at hiniling niya dito ang mga nalalaman nito
patungkol sa toong nangyari sa kanyang ama
• Ayon kay Tinyente Guevarra, isang marangal na tao si
Don Rafael at marami ang gumagalang at
nagmamahal sa kanya ngunit marami rin ang naiinggit
sa kanya
MGA PARATANG/BINTANG KAY DON RAFAEL IBARRA:

1. Pinatay niya diumano ang artilyero (namamahala ng mga


kagamitang pandigmaan).

- nang mga panahong iyon, ay may isang artilyero na


itinanggal sa hukbo dahil sa labis na kasamaan ng ugali at
kamangmangan

- naging tagapagsingil ng buwis ng mga sasakyan ang


artilyerong ito ngunit dahil sa kamangmangan, it’y niloloko ng
maraming Pilipino
MGA PARATANG/BINTANG KAY DON RAFAEL IBARRA:

1. Pinatay niya diumano ang artilyero (namamahala ng mga


kagamitang pandigmaan).

- kunwari na babasahin ang ang kasalutang iniaabot sa kanya


nang pabaligtad at ito’y kanyang pipirmahan nang pakahig-manok

- pinagtatawanan siya ng mga Pilipino ngunit nagtitimpi


lamang siya
MGA PARATANG/BINTANG KAY DON RAFAEL IBARRA:

1. Pinatay niya diumano ang artilyero (namamahala ng mga


kagamitang pandigmaan).

- dahil sa ganitong kalagayan, ay pinili niyang hindi igalang


ang kahit na sino

- isang araw ay may isang batang kumakaway sa kanyang


mga kasama habang itinuturo ang tagasingil
MGA PARATANG/BINTANG KAY DON RAFAEL IBARRA:

1. Pinatay niya diumano ang artilyero (namamahala ng mga


kagamitang pandigmaan).

- napansin ng artilyero na pinagtatawanan siya ng mga bata


kaya nilapitan niya ang mga ito ngunit tumakbo ang mga ito na
sumisigaw ng “ba be bi BO BU”

- lalong nagalit ang artilyero kaya naman noong nahabol niya


ang isang bata ay hinampas niya ang bata gamit ang kanyang
tungkod
MGA PARATANG/BINTANG KAY DON RAFAEL IBARRA:
1. Pinatay niya diumano ang artilyero (namamahala ng mga
kagamitang pandigmaan).

- tinamaan ito sa ulo kaya natumba ang bata, pagkatapos ay


pinagsisipa pa niya ito

- ni isa sa mga nakasaksi ay walang naglakas ng loob na


mamagitan

- nagkataon naman na napadaan si Don Rafael doon at


nasaksihan niya ang ginawa ng artilyero sa bata
MGA PARATANG/BINTANG KAY DON RAFAEL IBARRA:
1. Pinatay niya diumano ang artilyero (namamahala ng mga
kagamitang pandigmaan).

- kaya naman sinugod ni Don Rafael Ibarra ang artilyero,


hinawakan sa bisig at pinagalitan niya ito nang labis

- sa tindi ng galit ng artilyero ay umakma ito susuntok, ngunit


naunahan siya ni Don Rafael Ibarra at binigyan niya di-
pangkaraniwang suntok ang artilyero
MGA PARATANG/BINTANG KAY DON RAFAEL IBARRA:
1. Pinatay niya diumano ang artilyero (namamahala ng mga
kagamitang pandigmaan).

- kaya naman sinugod ni Don Rafael Ibarra ang artilyero,


hinawakan sa bisig at pinagalitan niya ito nang labis

- dahil sa lakas ng suntok, napasuray (naglakad na parang


lasing) natumba, tumama ang ulo sa isang malaking bato at nawalan
ng malay at kinalaunan ay namatay ang artilyero
MGA PARATANG/BINTANG KAY DON RAFAEL IBARRA:
1. Pinatay niya diumano ang artilyero (namamahala ng mga
kagamitang pandigmaan).

- maraming nagsasabi na itinulak raw ng inyong ama ang


artilyero, meron din ay sinuntok raw ni Don Rafael Ibarra ang
artilyero sa hindi malamang dahilan

- dinala ni Don Rafael Ibarra ang bata sa tribunal upang


mapagamot
MGA PARATANG/BINTANG KAY DON RAFAEL IBARRA:

1. Pinatay niya diumano ang artilyero (namamahala ng mga


kagamitang pandigmaan).

• Ang sanhi ng pagkamatay ng artilyero ay CONGESTION-


pag-akyat at pamumuo ng dugo sa ulo at pagkalagot ng ugat sa
ulo ang ikinasawi nito

• Ginawa lahat ni Tinyente Guevarra ang kanyang makakaya


upang tulungan si Don Rafael
MGA PARATANG/BINTANG KAY DON RAFAEL IBARRA:

1. Pinatay niya diumano ang artilyero (namamahala ng mga


kagamitang pandigmaan).

• Nang mga panahong iyon ay nagsilabasan ang mga kalaban ni


Don Rafael Ibarra na labis na naiinggit sa kanya at gumawa ng
mga bintang na wala namang katotohanan

• tumagal ng isang taon ang mga lumalabas na paratang mula sa


kanyang mga lihim na kaaway
MGA PARATANG/BINTANG KAY DON RAFAEL IBARRA:

1. Pinatay niya diumano ang artilyero (namamahala ng mga


kagamitang pandigmaan).

• Makakalaya na sana si Don Rafael ngunit mahina na ang


kanyang pangangatawan
MGA PARATANG/BINTANG KAY DON RAFAEL IBARRA:

2. Pinaratangan siyang erehe at filibustero.

- pinaratangan siyang erehe sapagkat siya raw ay kumokontra


sa simbahan sa pamamagitan ng hindi pangungumpisal

- pinaratangan naman siyang filibustero sapagkat siya ay


kumukontra sa pamahalaan
MGA PARATANG/BINTANG KAY DON RAFAEL IBARRA:

3. Pinaratangan siyang nagbabasa ng pahayagang El Correo de


Ultramar na ipinagbabawal ng pamahalaang Espanyol

4. Ibinintang din na siya ay nagtatago ng mga liham at larawan ng


tatlong paring ibinitay

5. Paggamit ng barong Tagalog sapagkat si Don Rafael Ibarra ay


may lahing Espanyol
MGA PARATANG/BINTANG KAY DON RAFAEL IBARRA:

• Ginamit ang mga paratangan na ito upang mas lalong madiin si


Don Rafael Ibarra

• Lumapit diumano si Tinyente Guevarra sa dating kapitan


Heneral upang sabihin na kailanman ay hindi maaaring maging
filibustero ang isang taong marangal, ipinagtanggol ng tinyente
ang ama ni Crisostomo ngunit hindi siya pinakinggan ng dating
kapitan Heneral
AYON KAY TINYENTE GUEVARRA

• Siya ang namamahala sa kaso ni Don Rafael Ibarra dahil sa


pakiusap ng kanyang ama

• Lumapit siya sa isang kilalang abogadong Pilipino ngunit


tumanggi ito sapagkat ayon sa abogado ay matatalo raw si Don
Rafael Ibarra

• Lumapit siya sa isang tanyag na Espanyol at doon ay


ipinaglaban siya nang buong husay at talino
AYON KAY TINYENTE GUEVARRA

• Ngunit, sa mga panahong ito ay dumami ang mga nagsulputan


na kalaban ni Don Rafael Ibarra na gumagawa ng mga bintang
na wala namang katotohanan katulad ng pangangamkam ng
bukirin at pakikipagsabwatan sa mga tulisan o magnanakaw
tumagal ito ng isang taon hanggang sa hindi na malaman kung
ano ang magiging sakdal (hatol) sa kanya sa dami ng bintang na
lumalabas
AYON KAY TINYENTE GUEVARRA

• Malapit na sanang makalaya si Don Rafael Ibarra ngunit


mahinang-mahina na ang pangangatawan nito at tuluyang
namatay sa loob ng bilangguan
KABANATA 5:
TALA SA GABING
MADILIM
• Nang dumating si Ibarra sa Fonda de Lala, isang tanyag na
hotel sa Maynila ay agad siyang dimiretso sa kanyang silid at
ang kanyang mga imahinasyon ay unti-unting lumalawak
• Nais niyang makakita ng mga magandang pangyayari subalit
iba ang natatanaw ni Don Crisostomo Ibarra
• Nakikita niya sa kanyang imahinasyon ang paghihirap na
nararanasan ng kanyang ama sa loob ng bilangguan habang siya
ay nagpapakasaya sa ibang bansa at ito’y labis na
nakakapagsakit ng kanyang damdamin
• Nabuo sa isipan ni Crisostomo ang larawan ng kanyang ama,
habang tinatawag ang kanyang pangalan at ito’y labis na
nakakapagdala ng kalungkutan sa kanya

You might also like