You are on page 1of 2

KABANATA 1: “ANG PAGTITIPON”

BUOD
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na
popular sa taguring Kapitan Tiago. Hindi naging ugali ni Kapitan Tiago ang biglaang paghahanda
para sa isang pagtitipon. Ngunit nang hapong iyon, nang malapit ng matapos ang buwan ng Oktubre,
ay ihiniyag niyang magdadaos siya ng isang piging para sa hapunan. Ang paanyaya ay madaling
kumalat sa buong Intramuros, Binondo, at sa bawat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong
dumalo sapagkat si Don Santiago ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas
ang palad sa mga nangangailangan Nakarating rin ang balita sa mga bahay linta at pest na dahil sa
walang hanggang awa ng Diyos ay patuloy na rumarami sa Maynila . Dahil dito, ang iba ay
nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan. Nasa kalyeng Anloague,
ang bahay ni Kapitan Tiago pero hindi na matandaan ang numero nito.

Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa may pampang ng Ilog binondo at kasanga ito ng Ilog
Pasig. Napakasaya sa bahay ni Kapitan Tiyago nang gabing iyon. Maliwanag ang mga ilaw at
sumasabay sa magagadang tugtugin ng orkesta ang kalansingan ng mga kubyertos at pinggan.
Sapagkat walang bantay sa pintuan o utusan na naghahanap ng imbitasyon ay nakakaakit umakyat
upangmakita kung paano isinasagawa ang mga piging. Ang bahay na pinagdrausan ng handa ay may
kababaan at di gaanong wasto ang kayarian sanhi marahil sa di-mabuting pagkakasipat ng
arkitektong nagtayo o di kaya’y sa mga nagdaang lindol o bagyo. Mayroon rin mga antigong larawan
sa mga ding-ding.Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay napuno ng mga bisita. Isang malaking karangalan
ang maging panauhin ng Kapitan. Ang pinsan ng Kapitan na si Tiya Isabel ang taga-istima ng mga
bisita at ang mga panauhing babae at lalake ay sadyang magkakahiwalay. Dumating rin ang mga
miyembro ng simbahan,katulad ni Padre Sibyla, kura paroko ng Binundok; Padre Damaso, paring
sadyang magaslaw kumilos at magsalita; si Tinyente Guevarra, tenyente ng guardia sibil;at
dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.Ang kararating na dayuhan ay
nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta
niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng
kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.

Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo


ng tabako. Hindi na pinalagpas ni Padre Damaso ang pagkakataon upang ipahayag niya ang
matinding panlilibak sa mga Indio, na ayon sa kanya ay hamak at mabababang uri ng nilalang. Ayon
kay padre hindi dapat nakikialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga Erehe sapagkat ito
ang nararapat. Ito naman ay tinutulan ng tenyente at inilahad na ang nangyaring parusa ay marapat
lamang sa pananaw ng kapitan heneral.Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni
Pari Damaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki
na napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang ginawa ay
itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya
ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya ang mga
kasulatang nawaglit.Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag.
Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating ang
ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya
Victorina.

TAUHAN
Don Santiago Delos Santos
Kilala sa tawag na Kapitan Tiago. Siya ang pinakamayaman sa Binondo na nagdaraos ng
mga pagtitipon.

Padre Hernando de la Sibyla


Paring Dominikano na malinis magdamit, ismarte pero seryoso. Siya ay kura ng Binondo at
dating propesor ng San Juan De Letran. Mahusay makipagdebate ngunit di gaanong
nagsasalita.
Padre Damaso Verdolagas
Ang magaslaw at walang pakundangang paring Pransiskano na siyang may matinding galit
at panlilibak sa mga indio.

Tiya Isabel
Pinsan ni Kapitan Tiago na taga-istima ng mga bisita

Tinyente Guevarra
Isang matapat at may konsensyang tinyent ng gwardia sibil. Malaki ang simpatiya nito kay
Ibarra at ang tanging nagtapat kay Ibarra sa sinapit ng kanyang ama.

Dr. Don Tiburcio de Espanada


Ang mahirap,pilay at bungal na kastilang nagpapanggp na doktor sa bayan ng San Diego at
ipinagmamalaki niya ang haba ng kanyang pangalan.

Donya Victorina de Espanada


Ang maykayang asawani Dr. Espanada na tampulan ng katatawanan sa pagsisikap nito
maging kastila na kinabibilangan ng tinitingala sa lipunan
KANSER SA LIPUNAN

1. Diskriminasyon
2. Kaisipang Colonial (Colonial Mentality)
3. Maluho at magastos

TALASALITAAN

Bantog - kilala Makihalubilo – makitungo


Pagtitipon - piging Lumaganap- nakarating
Maluho - magastos Magparaya – magbigay
Mapangahas – malakas ang loob Reporma - pagbabago
Kalansing – tunog pag-aalsa- paghihimagsik

You might also like