You are on page 1of 27

IPINASA NI: JAIRA TILO

IPINASA KAY: GABRIEL ANGELO DADULA


KABANATA 11
“ANG MGA MAKAPANGYARIHAN”
Hidwaan
di pagkakaunawaan
Ipangahas
maglakas-loob
Kakarampot
kakaunti
Kapariwaan
kasawian
Masisitsit
madaldal
Nagbabando
nagagalit
Nakapahiyas
nakapalamuti
Pag-aayuno
di kumakain
Paghahambalos
paghahampas
Pinagsakitan
pinaghirapan
Don Rafael Ibarra

Ama ni Crisostomo;
nakainggitan nang
labis ni Padre
Damaso dahilan sa
yaman kung kaya
nataguriang erehe.
Kapitan Tiyago

Mangangalakal na tiga-
Binondo; ama-amahan ni
Maria Clara.
Padre Salvi

Kurang pumalit kay


Padre Damaso,
nagkaroon ng lihim
na pagtatangi kay
Maria Clara.
Donya Consolacion

Napangasawa ng
alperes; dating
labandera na may
malaswang bibig at pag-
uugali.
Padre Damaso

Isang kurang
Pransiskano na
napalipat ng ibang
parokya matapos
maglingkod ng
matagal na panahon
sa San Diego.
Alperes

Matalik na
kaagaw ng kura
sa kapangyarihan
sa San Diego.
Ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique
sa bayan ng San Diego ay mabibilang lamang. Ito
diumano ay katulad ng Roma at Italya sa mahigpit na
agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan.
Hindi naman kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan
Tiyago, at ilang namumuno sa pamahalaan.
Kahit na si Don Rafael ang pinakamayaman, iginagalang
ng lahat, at pinagkakautangan ng marami ay hindi pa rin
siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon.
Wala namang posisyon sa lipon ng mga
makapangyarihan si Kapitan Tiyago na may mga ari-
arian din, kabilang sa mataas na antas ng lipunan,
sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan
ng masasarap na pagkain. Ang posisyon diumano sa
pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa
bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa
na kagalitan ng alkalde mayor.
Kung tatanungin kung sino ba talaga ang
makapangyarihan sa sa bayan ng San Diego, ito ay
walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang
Alperes na siyang puno ng mga gwardya sibil.
Si Padre Bernardo Salvi ang kura paroko at batang
pransiskano na mukhang masasakitin ang siyang
pumalit kay Padre Damaso. Higit siyang may kabaitan
kumpara kay Padre Damaso.
Lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa
kanyang mga tauhan ang Alperes. Siya ay
nakapag-asawa ng isang Pilipina at ito ay si Donya
Consolacion na mahilig magkolorete sa mukha.
Natural lamang na may palihim na hidwaang
nagaganap dahil sa agawan ng kapangyarihan ng
dalawang Kastila. Ngunit kapag nasa
pampublikong lugar ay ipinapakita nila ang
kanilang pakunwaring pagkakasunduan.
Hindi dapat tayo magbalat-kayo dahil lamang
sa may katayuan ka
sa lipunan, matuto tayong magpakatotoo at
gampanan ng
maayos ang mga naka atang na
tungkulin at responsibilidad.
*Ito ay maiuugnay natin sa panahon noon na kung saan
Mga makapangyarihan noon ay ang simbahan at ang
Pamahalaan ng kastila

Ang simbahan ay nirerepresenta ni Padre Salvi


na humalili kay Padre Damaso bilang kura paroko
ng San Diego. Noon ginagamit ang Diyos para makuha
ng mga kastila ang kanilang kagustuhan.

Ang Alperes naman ang sa Pamahalaan ng Kastila


kung saan ang mga mamamayan noon ay parang laging
nabubugbog dahil sa mga hindi makataong
pamamahala.
1. Ano ang kahulugan ng masisitsit.
2. Ano ang kahulugan ng paghahambalos.
3. Ibigay ang simbolismo.
4. Ibigay ang implikasyon.
5. Ibigay ang tagpuan.
6. Magkano mabibili ang posisyon ng gobernardocillo o
kapitan .
7. Sino-sino ang makapangyarihan sa San Diego.
8. Sino ang pumalit kay Padre Damaso bilang kura
ng simbahan.
9. Napangasawa ng alperes: na may malaswang
bibig at pag-uugali.
10. Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa
San Diego.

You might also like