You are on page 1of 24

KABANATA 20:

“Ang Pulong sa Tribunal”


Ipinasa ni: Chamill C. Castillo
Ipinasa kay: Gabriel Angelo G.Dadula
TAUHAN
Crisostomo Ibarra
• Binatang nag aaral sa Europa.
• Anak ni Don Rafael Ibarra
• Nangarap na makapagtayo ng paaralan
upang matiyak ang magandang
kinabukasan ng mga kabataan sa San
Diego.
Don Filipo Lino
• Isang tinyenteng mayor na
kaibigan ni Pilosopong Tasyo.
• Asawa ni Donya Teodora Vino
• Mahilig magbasa ng Latin
• Ama ni Sinang
• Lider ng partido Liberal
Kapitan Basilio
• Lider ng partido
Konserbador
• Isa sa naging kapitan ng
bayan ng San Diego na
naging kalaban ni Don
Rafael sa isang usapin sa
lupa
Don Anastacio/Pilosopong
Tasyo

• Isang iskolar na nagsisislbing tagapayo ng


marurunong na mayaman.
• Don Anastacio o Pilosopong Tasyo ang
tawag sa kanya ng mga may pinag aralan.
• Tasyong Baliw, ang tawag ng mga di nag
aral dahil sa kakaiba niyang pagkilos at
pananalita.
Kabesa
• Marami ang katungkulan ng isang cabeza de
barangay. Siya ang pangunahing
tagapamahala sa mga nayon, tagakolekta ng
mga buwis, at tagatipon ng mga trabahador
mula sa mga karaniwang tao para sa
pamahalaang Espanyol.

• Tinatawag ding Teniente del Barrio, siya ay


maaari lamang magmula sa mga prinsipalya
o mag-anak ng mga datu at mayayamang
pamilyang mestisong Tsino at Espanyol.
Guro
• Kasama ni Ibarra na dumating sa
tribunal
• Isang tao na nagbibigay
ng edukasyon para sa mga mag-aaral.
Ang gampanin ng guro ay kadalasang
pormal at umiiral, na isinasagawa sa
isang paaralan o ibang lugar
ng edukasyong pormal.
TALASALITAAN
• Palatuntunan
- takbo ng programa sa pista
• tribunal
- malaking lugar kung saan ginaganap ang
pulong
• liwasan
- parke o pasyalan sa plaza
• ulumbayan
- ang namumuno sa bayan
• kwadrilyero
- mga sundalong Pilipino
• balisa
- hindi mapakali na tila may iniisip
• nangahas
- nagbakasakali kahit na maaring
tutulan.
• pagtutol
- akto ng hindi pagsang-ayon
• kapararakan
- katuturan o halaga
• . kababalaghan
- misteryo o hiwaga
TAGPUAN:
Bulwagan ng Tribunal
Buod ng kabanata
20
Ang tribunal ang tanging
bulwagan na nagsisilbing lugar para sa
pagpupulong at pag-uusap ng mga
makapangyarihan at mayayaman sa
bayan. Panauhin noong araw na iyon
sina Ibarra at ang guro. Nahahati ang
mga nasa pulong sa dalawang
kinatawan o lapian: ang conserbador
na siyang pangkat ng mga matatanda
na pinamumunuan ng Kabesa at ang
liberal na binubuo naman ng mga
kabataan sa pamumuno ni Don Filipo
Ang mga paksa ng pagpupulong na iyon ay
tungkol sa gaganaping kapistahan labing-
isang araw mula sa araw na iyon, mga
programa at aktibidad na gagawin para sa
pista, at ang pagtatayo ng paaralan para sa
bayan. Sinamantala ng mga mayayaman sa
bayan ang pulong na iyon upang
makapagtalumpati kahit na walang
katuturan ang ibang mga pinagsasabi
Katulad na lamang ni Kapitan
Basilyo na nakalaban ni Don Rafael.
Sinalungat naman ito ni Don Filipo
na nagmungkahi na bawat gawain ay
dapat may talaan ng mga gastos.
Dapat din magpagawa ng isang
malaking tanghalan sa plasa at
magtanghal ng palatuntunan tulad
ng komedya sa loob ng isang linggo
Binanggit din ni Don Filipo ang
pagkakaroon din ng paputok upang maging
lalong kasiya siya ang pista. Hindi naman
lahat ay sumang-ayon sa kanyang
mungkahi. Nagbigay naman ng panukala
ang Kabesa na nagsabing marapat na tipirin
ang pagdiriwang, dapay ay wala na ring
paputok at ang mga gaganap sa programa ay
dapat mga taal na taga San Diego.
Ang sentro din ng pagtatanghal ay dapat
mga sariling ugaling Pilipino. Walang bisa
ang mga panukalang inihandog ng
magkabilang pangkat sapagkat
nakapagdesisyon na ang kura tungkol sa
pista. Ang mga gagawin ay anim na
prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa
mayor at isang komedya.
Matutong
manindigan at wag
maging sunud-sunuran
making mag kaiba
upang makamit ang
nais.
 Nabalewala ang pagtatalo ng dalawang
partido dahil sa may plano na ang kura sa
bayan

 Nagtatalo ang dalawang 2 magkabayang


partido
u1. Ano ang pinagpupulungan ng
dalawang lapian?

u2. Sino si Kapitan Basilio?

u3.Saan ginanap ang pulong?

u4.Ano ang Aral sa ika-dalawampung


kabanata ng Noli me tangere?

u5.Ano-ano ang mga balak ng kura na


ibig niyang masunod para sa pista ng San
Diego?
u6.Sino ang asawa ni Don Filipo
Lino?

u7.Ano ang nakasaad sa panukala na


ibinigay ng kabesa?

u8.Ano ang pakahulugan ng ulumbayan?

u9.Ano ang pakahulugan ng kwadrilyero?

u10.Ano ang sinismbolo ng kabanata 20?

You might also like