You are on page 1of 22

MGA

GUNITA
MGA TAUHAN: JUAN CRISOSTOMO
MAGSALIN IBARRA
-Mestisong
Espanyol
-May pangarap na
pag unlad para sa
bansa.
-Tanging anak ni
Don Rafael Ibarra
-Itinuring na
“eskumulgado”
-Idinait sa naganap
na pag-aalsa
MARIA CLARA
-Babaeng pinakamamahal
ni
Crisostomo Ibarra
-Tanyag sa San Diego
bilang isang maganda at
mayuming dalaga.
-Tinakdang pakasal sa
isang kastilang si Linares
na pamangkin ni Don
Tiburcio
ELIAS
Piloto at magsasakang
tumulong kay Ibarra para
makilala ang kanyang bayan
at ang mga suliranin nito.
Namatay siya sa pagliligtas
kay Ibarra. Anak siya ng
angkang kaaway ng mga
ninuno ni Crisostomo.
PILOSOPONG TASYO
Maalam na matandang tagapayo ng
marurunong na mamamayan ng San
Diego. Ang tingin ng mga ‘di nakapag-
aral ay baliw ang matanda ngunit
para sa mga may alam ay isa siyang
pilosopo. Hindi siya nakapagpatuloy
ng pag-aaral at maagang nabalo kaya
ginugol ang panahon sa pagbabasa ng
mga aklat
FRAY BERNARDO SALVI O
PADRE SALVI

-Kura paroko na pumalit


kay Padre Damaso
-May lihim na pagtingin
kay Maria Clara
Donya Victorina de los Reyes de
Espadaña

Babaeng nagpapanggap na mestisang


Kastila kung kaya abut-abot ang
kolorete sa mukha at maling
pangangastila. Asawa ni Don Tiburcio de
Espadaña
Kapitan Tiyago o Don Santiago de los
Santos

Mangangalakal na taga-Binondo. Siya


ang ama-amahan ni Maria Clara.
Madalas siyang magpahanda ng salu-
salo at kilala sa pagiging bukas-
palad.
TAGPUAN:

ARROCEROS
Kabanata 8:
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
-» “Ang Kalesang sinasakyan ni Ibarra ay
masayang bumabagtas sa isang masayang
pook sa Maynila. Ang kagandahan ng
sinag ng araw ay nakakapagpapawi sa
kanyang kahapisang nadarama. Sa
pagmamasid niya sa kapaligiran, biglang
bumangon sa kanyang nahihimlay na diwa
ang isang alaala.
Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang
hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may
ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga
Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing
naglalako ng mga bungang-kahoy, mga
lalaking hubad na nagpapasan, mga ponda at
restauran at pati ang mga karitong hila ng
mga makupad na kalabaw. Pati ang
bilanggong patay sa ilalim ng kariton at
malapit sa dalawang bilanggo rin ay kanyang
naalala.
Sa patuloy na pagsusuyod ng kanyang tingin,
napansin niya na walang ipinagbago ang punong
Talisay sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa
tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din
niya ang mga magagandang karwahe na ang mga
sakay ay mga kawaning inaantok pa sa kanilang
mga pagpasok sa mga tanggapan at pagawaan,
mga Tsino at paring walang kibo. Sa mga paring
nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si Pari
Damaso na nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong
nuon na kasama ang asawa at dalawang anak na
babae at nakasakay sa ibang karwahe ay binati si
Ibarra.
Napadaan din siya sa Arroceros
(ngayon ay C.M. Recto) sa bahaging
kinalalagyan ng pagawaan ng
tabako. Naalala niya na minsan na
siyang nahilo dahil sa masamang
amoy ng tabako.
Nang madaan siya sa Hardin Butaniko
saglit na napawi ang kanyang mga
magagandang gunita. Pumasok sa
kanyang isip na ang hardin sa Europa ay
nakakaakit at nakapag-aanyaya sa mga ito
upang iyon ay malasin. Itinuon niya ang
tingin sa malayo at makita niya ang
matandang Maynila na naliligid ng
makakapal at nilumot na mga pader.
Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayan ay
nagpabangon sa bilin ng kanyang naging gurong
pari bago siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin
ng Pari ay (1) Ang karunungan ay para sa tao,
ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may puso
lamang. (2) Kailangang pagyamanin ang
karunungan upang maisalin ito sa mga susunod
na salin-lahi at (3) Ang mga dayuhan ay nagpunta
sa Pilipinas upang humanap ng ginto. Kung
kaya’t nararapat lamang na puntahan ang lugar
ng mga dayuhan upang kunin naman ni Ibarra
ang ginto nila (mga dayuhan).b
IMPLIKASYON:

Pampersonal
- Ang mga maliligayang sandali ng
ating buhay ay mga alaalang nais nating
balikbalikan dahil sa ang lugar ang
nagsisilbing saksi ng isang masayang
yugto ng buhay.
SIMBOLISMO:
-Matagal na pag unlad
nakita ni Ibarra ang katagalan ng pag
unlad na malayong malayong sa Europa
1. Ano ang pamagat ng aking kabanata?
2. Ano ang ibig sabihin ng kamangmangan?
3-4. Mag bigay ng 2 talasalitan at ang kanyang
kahulugan
5.Ano ang sinakyan ni Ibarra?
6.Saan bumabagtas si Ibarra?
7.Ano ang buong pangalan ni Ibarra?
8. Ano ang napansin ni Ibarra sa Punong talisay?
9. Sino ang ng bilin sa kanya bago sya tumulak sa
ibang bansa?
10.Ano ang tawag sa kalyeng Arroceros ngayon?

You might also like