You are on page 1of 14

GROUP 2

KABANATA 6
Ang katangian ni Kapitan Tiyago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak,
di kaputian at may bilugang mukha. Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang.
Maitim ang buhok, at kung hindi lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay
magandang lalaki.

Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba


pang klase ng ari-arian. Tanyag din sya sa Pampanga at Laguna bilang asendero, hindi
kataka-taka na parang lobong hinihipan sa pagpintog ng kanyang yaman .

Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas


sa mga taong nasa gobyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa
sarili ay isang tunay na Kastila at hindi Pilipino. Kasundo nya ang Diyos dahil nagagawa
niyang bilhin ang kabalanan. Katunayan, sya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa
kanyang sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na
lamang na nasa kanyang silid ang lahat ng mga santo at santong sinasamba katulad nina
Sta.Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio de Padua, San Francisco de Asis, San Antonio
Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at ang banal na mag-anak.
Para kay Kapitan Tiyago kahit na ano ang itakda an mga Kastila, yaon ay
karapat-dapat at kapuri-puri. Dahil sa kanyang pagpupula sa mga Pilipino, sya ay
naglilingkod bilang gobernadorcillo.

Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o patakaran ay kanyang


sinusonod. Sipsip din sya sa mga taong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng
kapanganakan at kapistahan, lagi sya mayroong handog na regalo.

Si Kapitan Tiyago ay tanging isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa


Malabon. Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag aral. Naging katulong at
tinuruan sya ng isang paring Dominiko. Nang mamatay ang pari at ama nito, siya’y mag-
isang nangalakal. Nakilala nya si Pia Alba na isang magandang dalagang taga Sta. Cruz.
Nagtulong sila sa pag hahanap-buhay hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta
sosyedad.

Ang pagbili nila ng lupain sa San Diego ang naging daan upang maging
kaututang-dila roon ang kura na si Padre Damaso. Naging kaibigan din nila ang
pinakamayaman sa buong San Diego - si Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo
Ibarra. Dahil sa anim na taon ng pagsasama sina Tiyago at Pia at hindi nagkaroon ng anak
kahit na kung saan-saan sila namanata.

Dahil dito ipinayo ni Padre Damaso na sa Obando sila pumunta kina San
Pascal Baylon at Sta. Clara at sa Nuestra Sra. de Salambaw.
KABANATA 7
Kinabukasan, maagang maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel.
Pagkatapos ng misa, nagyayang umuwi na si Maria. Pagkaagahan ay nanahi si Maria
upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang
gabi. Si Kapitan Tiyago ay binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal
sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo
namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa Malabon o sa
San Diego.

Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat


bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista. Tinagubilin ni
Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na
siya sa mga kaibigan sapagkat hindi na siya babalik sa Beateryo.

Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria ang tinatahi ng may biglang


tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra,
karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni Tiya Isabel na mag-ayos ng
sarili bago harapin si Ibarra. Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang
kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng
kaligayahan sa kanilang puso.
Pamayamaya, lumapit sila sa asotea upang iwasan ang alikabok na nililikha ni
Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa
dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi
nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.

Binigyan pa ng diin ni Ibarra ang kanyang sumpa sa harap ng bangkay ng


kanyang ina na walang ibang iibigin at papangarapin kundi si Maria lamang. Bagamat
pinayuhan ng kanyang padre kompesor na kalimutan na si Ibarra, hindi nakakalimot si
Maria.

Binigkas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro,


pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng
kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang
kanyang tampo nang lagyan ni Maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrero upang
hindi maitiman.

Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang
isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero,
mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni
Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata
upang di makita ang kanyang mukha.
KABANATA 8

Ang Kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang


masayang pook sa Maynila. Ang kagandahan ng sinag ng araw ay
nakakapagpapawi sa kanyang kahapisang nadarama. Sa pagmamasid niya sa
kapaligiran, biglang bumangon sa kanyang nahihimlay na diwa ang isang alaala.

Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa


pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga
Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga
lalaking hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong
hila ng mga makupad na kalabaw. Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng kariton
at malapit sa dalawang bilanggo rin ay kanyang naalala.
Sa patuloy na pagsusuyod ng kanyang tingin, napansin niya na walang
ipinagbago ang punong Talisay sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya
ay lalong pumangit. Nakita din niya ang mga magagandang karwahe na ang mga
sakay ay mga kawaning inaantok pa sa kanilang mga pagpasok sa mga tanggapan at
pagawaan, mga Tsino at paring walang kibo. Sa mga paring nakasakay sa mga
karwahe, namataan niya si Pari Damaso na nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong nuon na
kasama ang asawa at dalawang anak na babae at nakasakay sa ibang karwahe ay binati
si Ibarra.

Napadaan din siya sa Arroceros (ngayon ay C.M. Recto) sa bahaging


kinalalagyan ng pagawaan ng tabako. Naalala niya na minsan na siyang nahilo dahil
sa masamang amoy ng tabako. Nang madaan siya sa Hardin Butaniko saglit na napawi
ang kanyang mga magagandang gunita. Pumasok sa kanyang isip na ang hardin sa
Europa ay nakakaakit at nakapag-aanyaya sa mga ito upang iyon ay malasin. Itinuon
niya ang tingin sa malayo at makita niya ang matandang Maynila na naliligid ng
makakapal at nilumot na mga pader.

Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayan ay nagpabangon sa bilin ng


kanyang naging gurong pari bago siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin ng Pari ay
(1) Ang karunungan ay para sa tao, ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may puso
lamang. (2) Kailangang pagyamanin ang karunungan upang maisalin ito sa mga
susunod na salin-lahi at (3) Ang mga dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas upang
humanap ng ginto. Kung kaya’t nararapat lamang na puntahan ang lugar ng mga
dayuhan upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila (mga dayuhan).
KABANATA 9
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago. Ang nakasakay sa loob
nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Tiyempong dumating si Pari Damaso
at tinanong ang mag-ale. Sinabi nilang kukunin ni Maria ang mga kagamitan nito sa Beaterio. Ang ganito
ay hindi minabuti ng pari, bubulong-bulong na nagtuloy siya sa bahay ni Tiyago. Ang pagbulung-bulong
ng pari ay inaakala ni Isabel na mayroon itong minimemoryang sermon.

Nahalata kaagad ni Kapitan Tiyago ang pagbabagong anyo ng Pari nang hindi nito iabot ang
kamay nang magtangka siyang magmano rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-usap silang sarilinan ni
Kapitan Tiyago. Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti ang pinto.

Sa kabilang dako, pagkaraang makapagmisa si Pari Sibyla, kaagad na nagtuloy siya sa


kumbento ng mga Dominiko sa Puerta de Isabel II. Dumiretso siya sa isang silid at tumambad sa
kanyang paningin ang anyo ng isang matandang paring may sakit. Siniglahan siya ng matinding
pagkaawa rito. Ikinuwento ni Pari Sibyla sa paring may-sakit ang tungkol sa naganap na pagkakaalitan
nina Pari Damaso at ni Ibarra. Ipinaliwanag ni Pari Sibyla na si Ibarra ay taong mabait at mabuting tao.
Ang dalawang pari ay nagpalitan ng mga kuru-kuro tungkol sa mayamang binata, kay Maria Clara at kay
Kapitan Tiyago. Sa kanilang pagsusuri, ang mga ito ay lubhang napakalaki ng maitutulong sa
ikasusulong ng kanilang korporasyon at kapatiran ng panahong iyon.
Sa paniniwala ng may sakit na pari, dahan-dahan ng nawawala ang kanilang mga kayamanan
lalo na sa Europa dahil sa pagtaas ng buwis na nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga ari-arian.
Hindi na nararapat, anya, ang pagtataas ng buwis sa kanilang mga lupain sapagkat ang Pilipino ay
natututo ng mamili ng lupa sa iba’t ibang lugar at lumilitaw na kasimbuti rin ng sa kanila o higit pa.

Bago umalis si Pari Sibyla, naibalita rin niya na ang Tinyente ay hindi rin nagsumbong sa
Kapitan-Heneral at diumano, ito ay nakikiisa pa kay Pari Damaso. Pero, nalaman din ng kapitan ang
buong pangyayari. Ito ay naibalita ni Laruja sa isang pahayagan. Si Pari Damaso ay napalipat pa sa higit
na mabuting bayan.

Sa kabilang banda naman, natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago at
Pari Damaso. Sinisi ni Pari Damaso si Kapitan Tiyago dahil sa hindi nito pagtatapat. Binalaan pa niya
ang kapitan na kailanman ay huwag itong magsinungaling sa kanya sapagkat siya ang inaama ni Maria
Clara. Pag-alis ng Pari, kaagad na pinatay niya ang mga ipinatulos na dalawang kandila kay Maria na
patungkol para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego.
KABANATA 10
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng
isang lawa at may malalapad na bukirin at palayan. Karamihan sa nakatira rito ay mga
magsasaka. Dahil sa kanilang kamangmangan, ang mga inaaning produkto agrikultura ay
naipagbibili nila ng murang-mura sa Tsino.

Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang


kabuuan ng bayan. Sa may itaas na bahagi, may kubo na sadyang itinayo. Gayunman,
mapapansin sa pagtanaw sa kabuuan nito ang isang tila pulong gubat na nasa gitna mismo ng
kabukiran.

Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay mayroong itinatagong


alamat. May isa umanong matandang Kastila na dumating sa bayan. Ito ay matatas magsalita
ng Tagalog at nanlalalim ang mga mata. Binili niya ang buong gubat. Ang mga pinambayad
niya ay mga damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ang matanda ay nawala.

Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng masangsang na


amoy. Hinanap nila ang pinanggalingan ng amoy at nakita nila ang nabubulok na bangkay ng
matanda na nakabitin sa isang puno ng Baliti.
Dahil sa pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan sapagkat nung
nabubuhay pa siya, takot na takot sa kanya ang mga babae sa pagkat bahaw ang tinig nito,
paimpit kung tumawa at malalalim ang mga mata. Sinunog ng ilan ang damit na galing sa
matanda at ang mga hiyas naman ay tinapon sa ilog.

Hindi nagtagal, isang batang mistisong Kastila ang dumating at sinabing siya ang
anak ng namatay. Ito ay may pangalang Saturnino. Siya ay masipag at mapusok. Sininop niya
ang gubat. Sa kalaunan, nakapag-asawa siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng
anak na tinawag niyang Rafael o Don Rafael, na siyang ama ni Crisostomo.

Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan kung bakit
kinagiliwan siya ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon, ito
ay naging bayan.

Nagkaroon ng isang kura Indiyo. Pero, nang namatay si Padre Damaso


na ang pumalit at naging kura ng parehong bayan.
Katanungan:
1. Ano ang mga pagbabago sa buhay ni Crisostomo Ibarra pagkatapos ng
kanyang pag-aaral sa Europa?

2. Bakit tila nag-iibayo ang tensyon sa pagitan ni Padre Damaso at ni Padre


Sibyla?

3. Paano inilarawan ni Jose Rizal ang pagpapakasal sa Kabanata 7 ng Noli Me


Tangere?

4. Ano ang mga pangyayari sa Kabanata 6 ng Noli Me Tangere na nagpakita


ng kahirapan ng mga magsasaka sa Pilipinas?

5. Paano inilarawan ni Jose Rizal ang kalagayan ng mga kababaihan sa


Pilipinas sa panahon ng kanyang pagsusulat ng Noli Me Tangere, at paano ito
nakita sa Kabanata 7 ng nobela?
Katanungan:
6. Sino si kapitan tiyago?

7. Ano ang mga katangian ni Padre Damaso na nagpakita ng kanyang


pagkatao, ayon sa Kabanata 10 ng Noli Me Tangere?
Ge Salamat

You might also like