You are on page 1of 29

NOLI ME TANGERE

Kabanata 6: Si Kapitan Tiago


Kabanata 7: Suyuan sa Balkonahe
Kabanata 8: Mga Alaala
Kabanata 6:
SI kapitan tiago
Tauhan:
Don Santiago “Kapitan Tiago” delos
Santos
Isang mayamang mangangalakal na
taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at
ama ni Maria Clara. Siya ay isang
taong mapagpanggap at laging
masunurin sa nakakataas sa kanya
ngunit sakim at walang panginoon
kundi and salapi.
Mga Sumusuportang Tauhan:
Donya Pia Alba delos Santos
Siya ang ina ni Maria Clara na sa loob
ng anim na taon ng kanilang pagsasama
ng kanyang kabiyak na si Kapitan Tiago
ay hindi nagkaanak. Siya ay namatay
matapos maisilang si Maria Clara.
Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na dating
kura ng San Diego at siya ring nagpahukay
at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael
Ibarra sa libingan ng mga Intsik.

Maria Clara
Siya ang kasintahan ni Crisostomo
Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng
Pilipinang lumaki sa kumbento at
nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa
doktrina ng relihiyon.
 Ang katangian ni Kapitan Tiyago ay
itinuturing hulog ng langit.  Siya ay pandak,
di kaputian at may bilugang mukha.  Siya ay
tinatayang nasa pagitan ng 35 taong
gulang.  Maitim ang buhok, at
kung hindi lamang nanabako at
ngumanganga, maituturing na sya ay
magandang lalaki.
 Siya ang pinakamayaman sa binondo dahil
sa marami siyang negosyo at iba pang klase
ng ari-arian. Tanyag din sya sa Pampanga at
Laguna bilang asendero, hindi kataka-taka
na parang lobong hinihipan sa pagpintog ng
kanyang yaman .
 Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang
impluwensyadong tao.  Siya ay malakas sa mga
taong nasa gobyerno at halos kaibigan nya lahat
ng mga prayle.  Ang turing niya sa sarili ay isang
tunay na Kastila at hindi Pilipino.  Kasundo nya
ang Diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang
kabalanan.  Katunayan, sya ay nagpapamisa at
nag papadasal tungkol sa kanyang sarili.
 Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo
ng kalangitan.  Iisipin na lamang na nasa kanyang
silid ang lahat ng mga santo at santong
sinasamba katulad nina Sta.Lucia, San Pascual
Bailon, San Antonio de Padua, San Francisco de
Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo,
Hesukristo at ang banal na mag-anak.
 Para kay Kapitan Tiyago kahit na ano
ang itakda an mga Kastila, yaon ay
karapat-dapat at kapuri-puri.  Dahil sa
kanyang pagpupula sa mga Pilipino, sya
ay naglilingkod bilang gobernadorcillo.
 Basta opisyal, sinusunod nya.  Anumang
reglamento o patakaran ay kanyang
sinusonod.  Sipsip din sya sa mga taong
nasa poder.  Basta may okasyon na
katulad ng kapanganakan at
kapistahan, lagi sya mayroong handog
na regalo.
 Si Kapitan Tiyago ay tanging isang
kuripot na mangangalakal ng asukal sa
Malabon.  Dahil sa kakuriputan ng ama,
siya ay hindi pinag aral.  Naging
katulong at tinuruan sya ng isang paring
Dominiko.  Nang mamatay ang pari at
ama nito, siya’y mag-isang nangalakal.
 Nakilala nya si Pia Alba na isang
magandang dalagang taga Sta. Cruz.
 Nagtulong sila sa pag hahanap-buhay
hangang sa yumaman ng husto at
nakilala sa alta sosyedad.
 Ang pagbili nila ng lupain sa San Diego ang
naging daan upang maging kaututang-dila
roon ang kura na si Padre Damaso.  Naging
kaibigan din nila ang pinakamayaman sa
buong San Diego - si Don Rafael Ibarra,
ang ama ni Crisostomo Ibarra.  Dahil sa
anim na taon ng pagsasama sina Tiyago at
Pia at hindi nagkaroon ng anak kahit na
kung saan-saan sila namanata.
 Dahil dito ipinayo ni Padre Damaso na sa
Obando sila pumunta kina San Pascal
Baylon at Sta. Clara at sa Nuestra Sra. de
Salambaw.
 Parang dininig ang dasal ni Pia, siya ay
naglihi.  Gayunpaman nagiging masakitin
si Pia, nang siya ay magdalangtao.
 Pagkapanganak niya, siya ay namatay.
 Si Padre Damaso ang nag anak sa
binyag at ang anak ni Pia ay
pinangalanang Maria Clara bilang
pagbibigay karangalan sa dalawang
pintakasi sa Obando, kay Tiya Isabel,
pinsan ni Kapitan Tiyago, ang natokang
mag-aruga kay Maria.  Lumaki sya sa
pagmamahal na inukol ni Tiya Isabel,
kanyang ama at mga prayle.
 Katorse anyos si Maria, nang sya ipinasok sa
beaterio ng Sta Catalina.  Luhaan syang
nagpaalam kay Pari Damaso at sa kanyang
kaibigan at kababatang si Crisostomo Ibarra,
pagkapasok ni Maria sa kumbento, si Ibarra
naman ay nagpunta na ng Europa upang mag
aral.
 Gayunman, nagkasundo sina Don Rafael at
Kapitan Tiyago na kahit maglayo ang kanilang
mga anak.  Pagdating ng tamang panahon
silang dalawa ni (Maria at Crisostomo) ay pag
iisahing dibdib.  Ito ay sa kanilang paniniwala
na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.
Kabanata 7:
Suyuan sa
balkonahe
Tauhan:
Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa na
nangarap makapagpatayo ng paaralan
upang matiyak ang magandang
kinabukasan ng kabataan sa San
Diego. Siya ay kababata at kasintahan
ni Maria Clara. Siya ay sagisag ng mga
Pilipinong nakapag-aral na maituturing
na may maunlad at makabagong
kaisipan.
Maria Clara
Maganda, relihiyosa, masunurin,
matapat, mapagpasakit ngunit may
matatag na kalooban.

Mga Sumusuportang tauhan:


Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na nag-
alaga kay Maria Clara simula nang
siya ay sanggol pa lamang.
Kapitan Tiago
Ama ni Maria Clara.
 Kinabukasan, maagang maaga pa ay
nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel.
 Pagkatapos ng misa, nagyayang umuwi
na si Maria.
 Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang
hindi mainip sa paghihintay.  Si Isabel ay
nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi.
 Si Kapitan Tiyago ay binuklat naman ang
mga itinatagong kasulatan.  Sumasasal
sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may
nagdaraang mga sasakyan.  Sapagkat
medyo namumuutla siya, ipinayo ni
Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa
Malabon o sa San Diego.
 Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na
gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa
malaki ang bahay roon ay malapit na ring
ganapin ang pista.
 Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa
pagkukuha ng kanyang mga damit ay
magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat
hindi na siya babalik sa Beateryo.
 Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria ang
tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan
sa kanilang tapat.  Nang maulinigan niya ang
boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si
Maria.  Tinulungan siya ni Tiya Isabel na mag-
ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
 Pumasok na sa bulwagan ang dalawa.
Nagtama ang kanilang paningin.  Ang
pagkakatama ng kanilang paningin ay
nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.
 Pamayamaya, lumapit sila sa asotea
upang iwasan ang alikabok na nililikha ni
Isabel.  Tinanong Maria si Ibarra, kung
hindi siya nalimutan nito sa pangingibang
bansa dahil sa maraming magagandang
dalaga roon.  Sinabi ni Ibarra na siya ay
hindi nakakalimot.  Katunayan anya, si
Maria ay laging nasa kanyang alaala.
 Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa
harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin
at paliligayahin kundi si Maria lamang.  Si Maria
man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na
pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na
limutin na niya si Ibarra.
 Binigkas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan,
ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at
muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng
tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra.
 Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria.
 Nawala lamang ang kanyang tampo nang
lagyan ni Maria ng sambong sa loob na kanyang
sumbrero upang hindi maitiman.
 Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni
Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi
ang isang papel at ipinakita ang ilang
tuyong dahon ng sambong na
nangingitim na.  Pero, mabango pa
rin.  Inilabas naman ni Maria ang
isang liham na ibinigay naman sa
kanya ni Ibarra bago tumulak ito
patungo sa ibang bansa.  Binasa ito
ni Maria ng pantay mata upang
di makita ang kanyang mukha.
 Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni
Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa
ibang bansa.  Siya anya ay isang lalaki
at kailangan niyang matutuhan ang
tungkol sa mga buhay-buhay upang
mapaglingkuran niya ang kanyang
sinilangan.  Na bagamat, matanda na
si Don Rafael at kailangan ni Ibarra,
siya ay handang magtiis na ipaubaya
ang pansariling interes alang-alang sa
kapakanang pambayan.
 Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo
si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa
pagbabasa si Maria.  Tinanong ni Maria ang
binata.  Sumagot siya Dahil sayo ay
nalimutan ko ang aking tungkulin.
 Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas
ay Undas na.
 Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot
iyon kay ibarra.  Pinagbilinan ni Kapitan
Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na
ayusin nito ang bahay nila sa San
Diego sapagkat magbabakasyon duon ang
mag-ale.  Tumango si Ibarra at umalis na ito.
 Pumasok sa silid si Maria at umiyak.
 Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at
inutusan na magtulos ng dalawang
kandila sa mga manlalakbay na sina
San Roque at San Rafael.
Kabanata 8:
Mga alaala
Tauhan
Crisostomo Ibarra
Kasintahan ni Maria Clara.
MGA sumusuportang Tauhan:
Padre Damaso
Kurang Pransiskano na dating kura
ng San Diego.
Kapitan Tinong
Naparusahan sa pakikipagkaibigan
kay Crisostomo Ibarra.
 Nakasakay si Ibarra sa kalesa at binabagtas
ang kahabaan ng Maynila. Maganda ang
panahon ng araw na iyon at ang tanawin sa
paligid ay nakapagpabalik ng kanyang mga
alaala. Ang kanyang namamasdan ay katulad
pa rin ng dati na kanya nang nakita: mga
kalesa at karumatang walang humpay sa
pagbibyahe, salimbayan ng mga taong abala
sa pangangalakal at kanya-kanyang gawain:
may mga Europeo, Intsik, Pilipino; may mga
lalaking kargador, ang iba ay kababaihan na
nagtitinda ng prutas.  Nanduon din ang mga
tindahan at mga hayop na kasama sa
paghahanapbuhay.
 Ang punong Talisay sa San Gabriel ay
walang pinagbago, ang Escolta naman
ay imbes na umunlad ay pumangit at
walang kaayusan. Ang mga karwahe ay
nagmamadaling ihatid ang mga kawani
sa tanggapan at mga pari, kabilang na
si Padre Damaso.
 Namataan naman siya ni Kapitan Tinong
kung kayat binati siya nito.
 Napadako naman siya sa kalye ng
Arroceros at naalala na minsan ay nahilo
siya sa napakasamang amoy ng tabako.
 Napadaan din siya sa Hardin ng
Botaniko at naikumpara niya ang
mga napuntahan niyang hardin sa
Europa. Ibayo ang ganda ng mga ito
kaysa sa kanyang natutunghayan
ngayon.
 Anupat ang buong Maynila ay walang
pinag-unlad, bagkus ang mga gusali
ay nilulumot lamang ng panahon.
   Sa patuloy na pag-iisip ay sumagi
sa kanyang isipan ang sinabi ng
kanyang gurong pari:
1) Ang karunungan ay matatamo
kapag hinangad ng puso
2) Ang karunungan ay dapat linangin
at isalin sa susunod na henerasyon
3) Dapat lamang na magkaroon ng
pakinabangan- kung ang mga kastila
ay nanatili dito upang kuhanin ang
yaman ng bansa, marapat lamang na
ibigay naman ng bansang dayuhan
ang karunungan at edukasyon.

You might also like