You are on page 1of 12

1. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.

Kung hindi tayo magdudulot ng mga bagay na ayaw nating gawin sa atin ng ibang
tao, pawang mga kabutihan lang mangyayari.

2. Kung ano ang puno, siya ang bunga.

Kung ano ang pinanggalingan ay siya rin ang bunga. Kadalasan, ito ay tumutukoy
sa pagkakaparehas ng anak sa kanyang mga magulang.

3. Kung walang tiyaga, walang nilaga.

Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag tiyaga o magtrabaho ng maigi.

4. Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.

Sa kabila ng maraming taon at pagsubok na dumating, mauuwi pa rin sa kasalan


ang relasyon.

5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

May awa ang Diyos sa tao at nais nitong tulungan sa mga problema niya sa buhay.
Subalit, nasa tao pa rin kung kikilos siya o hindi.
1. Abot-tanaw

Kahulugan: Naaabot ng tingin


Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.

2. Agaw-dilim

Kahulugan: Malapit nang gumabi


Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.

3. Alilang-kanin

Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit


walang suweldo.
Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.

4. Amoy pinipig

Kahulugan: Mabango, nagdadalaga


Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.

5. Amoy tsiko

Kahulugan: Lango sa alak, lasing


Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.
Mga Bugtong Tungkol sa Katawan ?
1. Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
Sagot: Mga paa

2. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.


Sagot: Mga mata

3. Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay kaligtasan.


Sagot: Suso ng Ina

4. Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.


Sagot: Ngipin

5. May tubig na pinagpala, walang makakakuha kundi bata.


Sagot: Suso ng Ina

Mga Bugtong Tungkol sa Prutas ?


1. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: Langka
2. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
Sagot: Bayabas
3. Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy
4. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis
5. Isang tabo, laman ay pako.
Sagot: Suha
6. Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman milagroso.
Sagot: Santol
7. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.
Sagot: Saging

1. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.


Sagot: Balimbing
2. Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.
Sagot: Niyog
3. Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang bandera.
Sagot: Dahon ng saging
4. Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
Sagot: Mais
5. Bahay ni Gomez, punung-puno ng perdigones.
Sagot: Papaya
6. Nang maglihi’y namatay, nang manganak ay nabuhay.
Sagot: Puno ng Siniguelas
7. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.
Sagot: Duhat

Mga Bugtong Tungkol sa Gulay ?


1. Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis
Sagot: Sili
2. Sinampal ko muna bago inalok.
Sagot: Sampalok
3. Baboy ko sa parang, namumula sa tapang.
Sagot: Sili
4. Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw
5. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.
Sagot: Kalabasa
6. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: Ampalaya
7. Munting tampipi, puno ng salapi.
Sagot: Sili
8. Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan.
Sagot: Dahon ng gabi
9. Puno ko sa probinsiya, puno’t dulo ay may bunga.
Sagot: Puno ng Kamyas
10. Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay
lantang katuray.
Sagot: Talong

1. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.


Sagot: Baril
2. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo
3. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: Sandok
4. Hayan na si kaka bubuka-bukaka.
Sagot: Gunting
5. Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo
Sagot: Pako
6. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: Zipper
7. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
Sagot: Sumbrero
8. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: Kamiseta
ANG MGA DUWENDE
Isang Kuwentong-Bayan mula sa Bikol

Malalim na ang gabi at abalang-abala pa sa pananahi ang dalawang magkapatid na babae


Tinatahi nila ang mga kamisa at saya nila, na isusuot nila para sa isang misa kinaumagahan.
Ibinilin ng kanilang ina na siguruhing nakasara ang pinto at mga bintana ng kanilang bahay,
kundi ay papasok ang duwende, na bumibisita sa kanila tuwing hatinggabi. Upang malaman ng
kaniyang mga anak kung ano ang duwende, ikinuwento niya ito:

“Katulad lang ng mga ordinaryong tao ang mga duwende. Tuso silang mga nilalang, ngunit
matulungin din. Ilan sa mga kapilyuhang ginagawa nila ay ang pagsira sa mga muwebles at mga
larawan, pagbasag sa mga salamin, baso, plato, at tasa. Kung hindi sila makahanap ng mga
bagay na sisirain o babasagin, kinukurot nila ang mga pisngi, braso, at katawan ng mga tulog na
babae, upang maging mabigat ang pakiramdam nila pagkagising. Kung hindi kinaasaran ng mga
duwende ang mga nakatira sa bahay na madalas nilang bisitahin, nagpapakita sila ng kabaitan
sa mga ito. Sinasabing dinadalhan nila ang mga kaibigan nila ng mga masasarap na pagkain at
ipinagtatanggol sila mula sa mga masasamang nilalang. Maraming tao tuloy ang sabik ngunit
balisang makakilala ng duwende. Itinuturing nila ang mga nilalang na nagtataglay ng kakaibang
karunungan dahil sinasabing alam na alam nila ang mga lihim at ikinikilos ng mga tao. Ngunit
kung sakaling ang mga naging kaibigan ng duwende ay biglang nagsabi ng anumang masama o
nagbalak ng masama sa kanila, kahit pa hindi sila marinig ng mga duwende, ay parurusahan sila
at hindi na muling babalikan.

“Ang duwendeng binabanggit ko rito ay madalas sa bahay namin habang ang nanay ko, o ang
lola ninyo, ay buhay pa. Parati niyang sinasabi sa aming isara ang pinto at mga bintana bago
kami matulog. Isang gabi, nang nagtatahi rin kami ng kapatid ko ng kamisa at saya, nakalimutan
naming isara ang mga bintana at pinto. Ilang segundo bago maghatinggabi, naroon ang isang
maliit na nilalang na nakatayo sa aming pinto. Maliit siya, kasinliit lamang ng isang dalawang
taong gulang na bata; pula ang kaniyang mukha; mayroon siyang mahabang bigote at maputing
kulot na buhok. Maigsi ang mga braso niyang balingkinitan, ngunit malaki ang mga kamay niya--
malaki para sa kaniyang braso.” Nang marinig ng mga dalaga ang kuwento ng kanilang ina,
natakot sila. Nang maghatinggabi, narinig nila ang mga tunog: takla, takla, takla. Gawa ito ng
duwende. Takot na takot ang dalawa. Lumingon ang panganay, at nakita niya ang duwende na
pumapasok sa pinto. At katulad ng inaasahan, tumakbo at tumalon siya papasok ng bahay,
papunta sa mga dalaga. Dahil doon, nasipa niya ang isang gasera, na nagpaliyab sa mga kamisa
at saya.

Mula noon, naging maingat na ang magkapatid at ang buong bayan ng Legaspi sa duwende.
Isinasara na nila ang kanilang mga pinto at mga bintana bago sila matulog sa gabi.
Alamat ng Sampaguita
Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway ang
pangalan.

Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa malalayong bayan. Hindi naging


kataka-taka kung bakit napakarami ng kanyang naging mga manliligaw.

Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina Liwayway. Sa
kasamaang palad, si Tanggol, isa sa mga ito ay inatake ng baboy-ramo. Ang binata ay dinala
sa ama ni Liwayway para mabigyan ng pangunang lunas. Iyon ang naging daan ng paglakalapit
nila.

Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa’t-isa sa maikling panahon ng pagkikilala.

Nang gumaling si Tanggol ito ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang niya. Anang
binata ay susunduin ang ama’t ina upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga.

Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si Tanggol.

Subalit dagling naglaho ang pag-asa ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng pangako. Ilang
pagsikat na ng buwan mula nang umalis ito ngunit ni balita ay wala siyang natanggap.

Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na hindi na
babalik si Tanggol dahil may asawa na ito.

Tinalo ng lungkot, pangungulila, sama ng loob at panibugho ang puso ni Liwayway. Nagkasakit
siya. Palibhasa ay sarili lang ang makagagamot sa karamdaman kung kaya ilang linggo lang ay
naglubha ang dalaga at namatay.

Bago namatay ay wala siyang nausal kundi ang mga salitang, “Isinusumpa kita! Sumpa kita…”

Ang mga salitang “Isinusumpa kita! Sumpa kita…” ang tanging naiwan ni Lwayway kay
Tanggol.

Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang mga
magulang. Anito ay hindi agad nakabalik dahil nagkasakit ang ina. Hindi matanggap ng binata
na wala na ang babaing pinakamamahal.

Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha ni Tanggol ang puntod ni


Liwayway. Hindi na rin siya bumalik sa sariling bayan upang mabantayan ang puntod ng
kasintahan.
Isang araw ay may napansin si Tanggol sa ibabaw ng puntod ni Liwayway. May tumubong
halaman doon, halaman na patuloy na dinilig ng kanyang mga luha. Nang mamulaklak ang
halaman ay may samyo iyon na ubod ng bango. Tinawag iyong ‘sumpa kita’, ang mga huling
salitang binigkas ni Liwayway bago namatay. Ang ‘sumpa kita’ ay ang pinagmulan ng salitang
‘sampaguita’.

Aral:

 Huwag makinig sa mga sabi-sabi. Gayundin naman, huwag gumawa ng hindi totoong
kwento tungkol sa iba dahil wala itong mabuting maidudulot kaninuman.
 Kadalasan, ang paghihintay ay matagal. Ngunit kung tayo ay may tiyaga, siguradong may
magandang kahihinatnan ang iyong paghihintay.
Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: Langka

Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.


Sagot: Bayabas

Isang prinsesa nakaupo sa tasa.


Sagot: Kasoy

Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.


Sagot: Atis

Isang tabo, laman ay pako.


Sagot: Suha

Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman


milagroso.
Sagot: Santol

Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito


kanin.
Sagot: Saging

You might also like