You are on page 1of 11

FILIPINO 4

Filipino
Ika-apat na Markahan
Modyul 7 Para sa Sariling Pagkatuto
Pagbibigay ang Bagong Natuklasang Kaalaman mula sa Binasang Teksto
ARALIN

Basahin at unawain ang teksto.

Kidlat ang inspirasyon ng Bulakenyong Imbentor na


Nagwagi sa Thailand

MALOLOS—Kidlat ang nagsilbing inspirasyon ng kabataang


Bulakenyong imbentor na nagwagi ng gintong medalya sa ika-8
International Exhibition for Young Inventors (IEYI) sa Thailand.

Ang Bulakenyong imbentor ay si Kelvin Ghell Faundo, 15, isang


residente ng Obando ngunit kasalukuyang nag-aaral sa Valenzuela City
Science High School, at nasa ikaapat na taon na ng pag-aaral.
Si Faundo ay nagwagi ng gintong medalya dahil sa kaniyang imbensyong
lahok na tinawag na thermoelectric griller with heat conversion and
electrical powering capacity.
Ito ay binubuo ng isang simpleng ihawan, isang heat sink
thermoelectric generator.
Sa panayam ng isang mamamahayag kay Faundo sa telepono, sinabi
ng imbentor na nakakuha siya ng inspirasyon para sa kaniyang imbensiyon
sa kidlat.
Ipinaliwanag niya na ang kidlat ay nalilikha sa pagsasanib ng mainit
at malamig na hangin sa himpapawid.
Ayon sa imbentor, ang konseptong ito ng pagsasanib ng init at lamig
ang nagbigay sa kaniyang ng ideya sa pagbuo ng kaniyang imbensiyon.
Ipinaliwanag niya na sa pamamagitan ng sinindihang uling ginagamit
sa pag-iihaw, naghahalo ang init at lamig sa thermo-electric generator na
kaniyang inimbento upang lumikha ng koryente.
“Kahit isang piraso lang ng uling, maka-gegenerate na ng koryente,” ani
Faundo.
Nilinaw pa niya na ang koryenteng nalilikha ng kaniyang imbensyon
ay sapat para sa pagbibigay ng koryente sa mga cellular telephone. Iginiit pa
niya na mas malaki ang ihawan at mas marami ang uling na gagamitin,
mas maraming koryente ang malilikha.
Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang teksto:

1. Sino ang kinilalang mag-aaral na imbentor?


2. Ilarawan ang mag-aaral na imbentor.
3. Ano ang kaniyang naimbento?
4. Bakit niya ito naimbento?
5. Ano ang konseptong kaniyang pinagbatayan ng kaniyang
imbensiyon?
6. Ang mga imbentor ba ay biglaan lamang kung mag-iisip ng
kanilang imbensyon?
7. Ano ang salitang katumbas ang ma-aaring maibibigay mo sa
salitang imbensyon?
8. Puwedi ba itong matawag na bagong kaalaman?
9. Ano- ano ba ang ma-aaring gagawin upang makabubuo ng mga
bagong kaalaman?
10. Saan-saan ba nila ito maaaring matutunan o makukuha?

Sa bawat binabasang teksto ay makakatuklas tayo ng mga bagong


kaalam. Kung nasagot mo nang tama ang mga tanong matapos mong
basahin ang tekstong nasa itaas ay tiyak na may bago kang natuklasang
kaalaman.
Sa pagbabasa ay kinakailangang suriin nang mabuti ang mga
impormasyong iyong nabasa. Sa mga bagong kaalaman na iyong nabasa ay
maari mo itong simulan sa pamamagitan ng simpleng paghahanap ng
kahulugan nito sa diskyunaryo, pagtatala ng mga impormasyong hango sa
radyo, pahayagan o telebisyon; mga detalye sa survey o kahit batay sa
sariling obserbasyon sa mga bagay-bagay.

MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY 1
Panuto: Basahin at unawain ang teksto.
Sa panayam ng isang mamamahayag kay Faundo sa telepono, sinabi
ng imbentor na nakakuha siya ng inspirasyon para sa kaniyang imbensiyon
sa kidlat.
Ipinaliwanag niya na ang kidlat ay nalilikha sa pagsasanib ng mainit
at malamig na hangin sa himpapawid.
Si Faundo ay nagwagi ng gintong medalya dahil sa kaniyang
imbensyong lahok na tinawag na thermoelectric griller with heat conversion
and electrical powering capacity.
Ito ay binubuo ng isang simpleng ihawan, isang heat sink
thermoelectric generator.
Ipinaliwanag niya na sa pamamagitan ng sinindihang uling ginagamit
sa pag-iihaw, naghahalo ang init at lamig sa thermo-electric generator na
kaniyang inimbento upang lumikha ng koryente.
“Kahit isang piraso lang ng uling, maka-gegenerate na ng koryente,”
ani Faundo.
Nilinaw pa niya na ang koryenteng nalilikha ng kaniyang imbensyon
ay sapat para sa pagbibigay ng koryente sa mga cellular telephone. Iginiit pa
niya na mas malaki ang ihawan at mas marami ang uling na gagamitin,
mas maraming koryente ang malilikha.
Ito ay binubuo ng isang simpleng ihawan, isang heat sink
thermoelectric generator.
Sa panayam ng isang mamamahayag kay Faundo sa telepono, sinabi
ng imbentor na nakakuha siya ng inspirasyon para sa kaniyang imbensiyon
sa kidlat.
Ipinaliwanag niya na ang kidlat ay nalilikha sa pagsasanib ng mainit
at malamig na hangin sa himpapawid.
Panuto: Punan ng bagong kaalaman mula sa binasang teksto ang hinihingi
ng bawat bilang.

1. Ang pagsasanib ng init at lamig sa himpapawid ay makakalikha ng


.
2. Ito ay binubuo ng isang simpling , isang
heat sink at thermoelectric generator.
3. “Isang piraso lamang ng uling, makakalikha na ng
”, ani ni Faundo.
4. Ang koryenteng nalikha ng kanyang imbensyon ay sapat para sa
pagbibigay ng koryente sa mga .

5. Ang koryenteng nalikha ng kanyang imbensyon ay sapat para sa


pagbibigay ng koryente sa mga .

PAGSASANAY 2
Panuto: Basahin at ibigay ang mga bagong kaalamang matutuklasan mula
sa teksto. Isulat ang inyong sagot sa patlang.

Si Abdumalmari Asia Imao ay isang Pambansang Alagad ng Sining. Isa


siyang pintor, eskultor, potograpo, at tagapagtaguyod ng kulturang Muslim.
Marami siyang ginawang rebulto at monumento ng mga bayaning Muslim.
Pinasikat niya ang disenyo ng sarimanok at okir.
Ayon sa kaniya, ang sarimanok ay isang mensahero ni Allah. Mula
ito sa kilalang paniniwala ng mga taga Mindanao. Ang okir naman ay
disenyo sa paghahabi at paglililok na mula rin sa Mindanao.

Ngayon, kinikilala ang sarimanok at okir bilang disenyong Pilipino.

1. Ano- ano ang talento ni Adbulmari Asia Imao? Magbigay lamang ng isang
sagot.
2. Ano- ano ang ginawa niya at naging isa siyang pambansang alagad ng
sining? Isang sagot lamang.

__________________________________________________________________________________________

3. Ano ang ibig sabihin ng sarimanok?

4. Ano ang okir?

5. Ano- ano ang kinikilalang bilang disenyong Pilipino ngayon? Maaring


sumagot ng isa lamang.

PAGLALAHAT

Panuto: Punan ang talata upang mabuo ang diwa nito.


Sa aking pagbabasa at pagsusuri, meron kang natutuhang
. Ang mga bagong kaalaman na ito ay aking
magagamit sa . Sa pagbabasa ay
kinakailangang ang mga impormasyong iyong
nabasa. Sa mga bagong kaalaman na aking nabasa ay maari ko itong
simulan sa pamamagitan ng simpleng paghahanap ng
nito sa diskyunaryo o kahit batay sa sariling
sa mga bagay-bagay.

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang mga pahayag.


1. Kung ikaw ay isang imbentor, nakagawa ka ng isang bagay tungkol
sa iyong nalikha. Ipinamahagi mo ang konsepto ng iyong imbensyon sa iba.

2. Natuklasan mo na ang dahon ng bayabas ay nakagagaling ng


sugat. Nais mong sundin ang kaalamang ito sa nakakabata mong kapatid
na may sugat.

3. Natuklasan mo ang masamang usok galing ng pabrika. Nais mong


isusuplong ito sa may otoridad.
4. Nabasa mo ang magandang epekto ng sikat ng araw sa umaga.
Ngunit hindi mo ito ginawa.

5. Natuklasan mo na masama ang mambubuli sa facebook. Nakita at


nabasa mo ang iyong kaklase na ginagawa ito at kaagad mong
pinagsasabihan.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang texto. Ibigay ang mga bagong kaalaman sa
pamamagitan ng pagsasagot sa mga tanong pagkatapos basahin. Isulat ang
tamang sagot sa patlang bago ang bilang na inilaan para sa inyo. Titik
lamang ang isulat.
Punongkahoy
Ibat iba ang kaalaman tungkol sa ating mga punong kahoy. May mga
bahagi ito gaya ng katawan, sanga,tangkay, at mga ugat. Ang pangunahing
bahagi ng isang puno ay ang katawan nito. Dito tumutubo ang mga sanga
at tangkay. Mga dahon at bulaklak naman ang tumutubo rito. May ibat
ibang uri rin ang punong kahoy. Maaaring iuuri ito ayon sa laki, gamit, at
kung saan ito lumalaki. May malalaki, maliliit, at gumagapang na mga puno
o halaman. May namumunga ng bulaklak, prutas, gulay, at mga dahong
panggamot.
1. Ano ang pangunahing bahagi ng punong kahoy?
A. Sanga
B. Tangkay
C. Ugat
D. Katawan

2. Saan tumutubo ang sanga at tangkay?


A. Ugat
B. Dahon
C. Katawan
D. Bunga

3. Paano inu-uri ang punong kahoy?


A. Ayon sa laki, gamit at kung saan lumalaki.
B. Ayon sa taas, lapad at kung saan tumutubo.
C. Ayon sa taba ng puno, bunga at gamit.
D. Ayon sa dahon, ugat at katawan.

4. Ano- ano ang apat na bahagi ng punongkahoy?


A. Katawan, sanga, ugat at tangkay.
B. Katawan, dahon, ugat at tangkay.
C. Katawan, bunga, ugat at tangkay.
D. Katawan, bulaklak at tangkay.
5. Anong puno ang ginagawang gulay ang bunga?
A. papaya
B. atis
C. acacia
D. lansones

SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like