You are on page 1of 2

Mga Pagbabago at Pagpapatuloy sa Paniniwalang Panrelihiyon.

Malaki ang nagbago sa paniniwalang panrelihiyon ng mga katutbong tumanggap ng Kristiyanismo. Una kung dati ay
marami silang mga espiritung sinasamba, sa Kritiyanismo ay isa
na lamang ang diyos na dapt sambahin. Pangalawa, kung dati ay nasa kababaihan (sa katauhan
ng mga babaylan) ang pamumuno sa larangan espirititwal, sa Kristiyanismo ay nasa kapangyarihan na ng mga kalalakihan ang
pagiging pari at walang karapatang humawak ng kapangyarihang panrelihiyon ang kababaihan. Pangatlo, kung dati ay walang tiyak
na lugar na sambahan ng mga espitritu (mga bagay sa kalikasan ang lugar na sambahan sa animismoo o katutubong relihiyon),
sa Kristiyanismo ay mahalaga ang pagpapatayo ng simbahan bilang banal espasyo ng pagsamba
ng mga mananampalataya.

Gayunpaman, masasabing hindi rin tuluyang ang sinaunang paniniwala hinggil s relihiron.
Sa katunayan, pinili ng mga prayle na gamitin ang katutubong paniniwala upang maging mas katanggap-tanggap ang bagong
relihiyon. Halimbawa, ang mga rituwal na isinasagawa dati upang pasalamatan ang mga espiritu ay pinalitan ng mga piyesa kung
saan ang itianghal ay ang mga santo. Ang paniniwala din sa mga espiritu aay tila pinalitan din lamang ng paniniwala sa mga santo
na gaya ng mga espiritu sa sinaunang panahon, ay may kani-kaniyang larangan ding pinangangasiwaan. Ang paggamit ng banal na
tubig (holy water) ay tila pagpapatuloy lamang ng makagisnang pagpapahalaga sa tubig sa paglilinis ng katawan at kaluluwa ng
mga katutubo upang makamtan ang ginhawa.

Kung gayuon, malinaw na naging mahalagang pamamaraan ang Kristiyanisasyon upang maging matagumpay ang
kolonyalismo. Sa katunayan, tanggap maging ng pamahalaang kolonya
na malaki ang papel na ginagampanan ng mga prayle sa paglalaganap ng kolonyalismo, dahil kung nabilang ng mga conquistador
ang pisikal na katawan ng mga katutubo ay nabilang naman ng
mga prayle ang kanilang mga paniniwala. Sa pamamagitan ng pagiging Kristiyano ay nagkaroon ng mga bagong konseptong
panrelihiyon ang mga katutubo at unti-unting nabawasan ang pagpapahalaga sa katutubong paniniwala, bagamat mayroon pa ring
nagpatuloy. Naging katanggap-tanggap din ang kolonyalismo dahil pilit ipinaunaa ng mga prayle sa mga katutubo na kung hindi
nila sinakop ang Pilipinas ay patuloy pa ring nasapanahon ng “kadiliman” ang mga katutubo kung saan sumasamba diumano ang
mga katutubo sa mga demonyo ( dahil animismo ay nagbibigay-pugay ang mga katutubo sa mga bagay sa kalikasan gaya ng bato,
puno, araw, at iba pa na siyang pinaniniwalaang tahanan ng mga espiritu) at hindi pa diumano makikilala ang “tunay” na diyos.
Kung gayon, ipinalalabas ng mga Espanyol na dapat tanggapin ang kolonyalismo dahil kaakibat nito ang kaligtasan ng kaluluwa.
REDUCCION

Sa pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas, napansin agad nilang karamihan sa mga katutubo ay nakatira malapit sa
mga ilog, sapa, o dagat. Sa mga nasabing lugar, magkakahanay o linear ang pagkakaayos ng pamayanan sapagkat sinunod
lamang ng mga kabahayan ang direksiyon ng dalampasigan. Maliit din ang mga pamayanang kadalasang binubuo ng 30
hanggang 100 pamilyang kadalasang magkakamag-anak. Pinili nilang manirahan sa mga tabing-ilog dahil dito sila kumukuha
ng pangangailangan gaya ng pagkain at tubig. Dito rin nagaganap ang kalakalan at mas madli ang pagpunta sa kabilang
pampang kung nakatira ka malapit sa ilog. Madali ring gawin ang mga ritwal na may kinalaman sa ilog kung sa lugar malapit
dito nakatira.

Layunin ng Reduccion

Ang sinaunang kaayusan ng pamayanan ng mga katutubo ay hindi pabor sa mga Espanyol. Una, ang gintong
kaayusan para sa kanila ay hindi nagpapakita ng sibilisasyon sapagkat ang mga sibilisadong tao, para sa kanila, ay nakatira sa
isang pamayanang may pagkakaayos kung saan may sentro. Mahirap ding magkontrol ang mga katutubong kung watak-
watak sila at mahirap ang koleksiyon ng buwis. Bukod dito, kinakailangang diumanong ang sentro ng pamayanan ay ang
simbahan upang maging mas madali ang pagbibinyag sa mga katutubo sa bagong relihiyon. Mas magiging madali rin ang
pagbabantay sa mga katutubo kung ililipat sila sa isang pamayanang madaling nasusubaybayan ng mga Espanyol.
“ Pueblo bilang Bagong Kaayusang Bayan”

Ipinatupad ng mga Espanyol ang patakarang reduccion o ang sapilitang pagpapatira sa mga
katutubo mula sa orihinal nilang tirahan (tabing-ilog o kabundukan) tungo sa bayan na tinatawag sa
pueblo. Ang sentro ng pueblo ay ang simbahan na siyang nagsilbing himpilan ng Kristiyanisasyon sa tiyak na pook. Bikud
dito, naging batayan din ng pamamahala ang pueblo sapagkat sa malapit naman sa simbahan matatagpuan ang bahay-
pampamahalaan. Kalapit din ng simbahan at bahay-pampamahalaan ang paaralan, ospital, at pulisya. Sa tapat ng
simbahan ay matatagpuan ang plaza, isang hugis-parisukat na bukas na espasyo at mula rito ay nagsasanga-sanga ang
mga daan. Ang paninirahan sa pueblo ay batay sa pilosopiyang “bajo el son de la campana” o sa ilalim ng tunog ng
kampana. Ibig sabihin, lahat ng naninirahan sa pueblo na naaabot ng tunog ng kampana ay dapat maging Kristiyano at
sumunod sa mag-aaral ng simbahan. Ang tawag sa tirahang nasa ilalim ng tunog ng kampana ay cabecera. Samantala, ang
mga nayon o baryo na nakapaligid sa cabecera ay tinawag namang visita, kung saan ang mga nakatira ay kadalasang
Kristiyano rin at may matatagpuang maliit na simbahan o kapilya (tinatawag ding visita)
“Mga Negatibong Epekto ng Reduccion sa mga Katutubo”

Kung gayon, malinaw naipinatupad ang patakarang reduccion upang mas maging madaliang mga sumusunod: pagpapatupad
ng mga batas sa mga katutubo, pagpapalaganap ng Kristiyanismo, pangongolekta ng buwis, pagbabantay sa kanila, at paghuli sa mga
lumalabag sa batas. Gayunpaman, nagdulot ng mga negatibong epekto sa mga katutubo sapagkat nalayo sila sa kanilang
pinagkukunan ng kabuhayan at nawalay sa mga kamag-anakan. Napilitan din silang magbayad ng buwis at sumunod sa patakarang
Espanyol dahil ang paninirahan sa pueblo ay kaakibat ng pagtanggap sa pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas. Napadali rin ng
patakarang reduccion ang pagbibinyag sa mga katutubo sa Kristiyanismo, lalo pa at ang nangasiwa sa pagpapatupad ng reduccion ay
ang mga prayle. Para sa mga ayaw manirahan sa pueblo, minabuti nilang manirahan sa mga kabundukan upang doon mamuhay nang
malaya hindi nagbabayad ng buwis, hindi sumailalim sa Kristiyani-sasyon, at hindi sumusunod sa patakarang Espanyol. Tinawag silang
tulisanes o mga taong-labas.

Tributo
Dahil ang layunin diumano ng Spain sa pagsakop sa Pilipinas ay upang ipalaganap ang Kristiyanismo, kinailangan humanap ng
pamamaraan upang matugunan ang mga pangangailangan
ng kolonya. Bungan a rin ito ng patakarang pang-ekonomiko na ipanatupad ng mga Espanyol na sa
halip na developmental ay extractive. Ibig sabihin, hindi nila tinangkang paunlarin ang mga potensiyal sa bansa upang magkaroon ng
kita, sa halip na kinuha lamang kung ano ang maaaring pakinabangan gaya ng lakas-paggawa at likas na yaman. Sinasabing hindi
naman talaga ang Spain ang kumite mula sa pananakop sa Pilipinas kundi ang mga Espanyol na ipinadala rito. Sa katunayan, upang
matugunan ang pangangailangan sa kolonya ay kinakailangan pang umasa ang bansa sa real situado (royal subsidy) o tulong na salapi
mula sa Mexico na noon ay kolonya rin ng Spain. Samantala, iminungkahi naman ng mga prayle na payagan silang magmay-ari ng mga
lupain sa Pilipinas upang hindi na sila umasa pa ng suportang pinansiyal mula sa Spain.

Ang Halaga ng Tributo”

Upang makalikom ng pondo mula sa kolonya at matustusan ang pangangailangannito, ang paniningil ng
tributo o buwis ay isa sa mga pangunahing patakarang ipinatupad ng mga Espanyol.
Ang bagbabayad ng buwis ay simbolo ng pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Spain. Sinimulan ang pagkolekta ng tributo noong 1571
na nagkakahalaga ng 8 reales, naging 10 reales noong 1589, hanggang sa naging 12 reales noong 1851.

Ang Cedula Personal


Pagdating ng 1884, ipinatupad ng mga Espanyol ang cedula personal. Ito ay kapirasong papel tinatanggap mula sa pamahalaan
bilang katibayan ng pagbabayd ng buwis. Kung ang tributo
ay pahirap sa buhay ng mga katutubo, doble ang pahirap na dulot ng cedula personal sapagkat kailangang dala lagi ito ng katutubo
saan man siya magpunta. Nagpapatunay ito ng kaniyang pagkakakilanlan at ng kaniyang lugar ng panirahan. Kung wala siya nito,
maaari siyang
pagbintangan bilang tulisan. Sinumang mahuli na walang dalang cedula personal ay pagmumultahin
at kung walang pangmulta ay ikukulong. Maraming katutubo ang ikinulong noong panahon ng
kolonyalismong Espanyol dahil lamang sa walang dalang cedula personal.

Iba pang Buwis na Ipinataw.

Bukod sa tributo, marami pang ibang buwis ang ipinataw sa mga katutubo. Ang donativo de zamboanga, falua, at vinta
ay mga buwis na kailangang bayaran upang suportahan ang hukbong militar sa pagsugpo sa pananalakay ng ilang Muslim sa mga
pagkakataong nambibihag sila ng mga katutubo upang ibenta bilang alipin. Iba pang anyo ng buwia ay bandala, na nagsimula sa
panahon
sa panahon ni Gobernador-Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera noong ika-17 siglo. Sa
sistemang bndala, nagtatalaga ang pamahalaan ng taunang quota ng produkto sa mga lalawigan na
kailangan nilang ibenta sa pamahalaan. Gayunpaman, hindi naman sila kadalasang nababayaran ng
pamahalaan kung kaya’t sa halip na bilhin ay tila kinukumpiska lamang sa kanila ng pamahalaan ang
kanilang produkto.

Sa kabuoan, malaki ang naging papel ng tributo sa pagpapatupad ng kolonyalismo. Ang pagbabayad ng tributo ay pagkilala sa
kapangyarihang hari ng Spain. Para sa mga Espanyol,
nagbigay – daan din ito upang mabawasan ang mataas na pagtingin ng mga katutubo sa kanilang
mga sarili sapagkat ginagawa nila ang isang bagay na alam nilang hindi naman nila kailangan
gawin. Naging dahilan din ito upang makapangamkam ng pra ang mga tiwaling Espanyol na
walang hangad kundi ang magpayaman bago bumalik sa Spain. Sa bandang huli, napagtanto ng
mga katutubo na sa halip na makipanabangan nila ang tribute.

You might also like