You are on page 1of 42

Pagpigil sa Panganib na

Dulot ng Kalamidad
Disaster Risk Mitigation
▪ Ang mga gawaing nakapaloob dito ay naglalayong mapigil
ang nakapipinsalang epekto ng mga kalamidad.
▪ Ang pagpaplano at pagpapatupad ng mga gawaing ito ay
kadalasang nagmumula sa pamahalaang pambansa.

2
National Disaster and Risk
Reduction and Management
Council
Itinatag ito ng bansa upang mamuno sa
paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad na
mararanasan ng bansa.

Layunin ng Disaster Risk
Mitigation:

1. Pagpapatupad ng building code at


matitibay na disenyo ng impraestruktura
2. Pagpapaplano ng maayos at sustainable na paggamit at
pamamahala ng lupa, kabilang na ang pagbabawas o
pagpigil ng mga konstruksyon sa mga seismic fault lines, sa
mga baybaying rehiyon na madalas tamaan ng bagyo at
storm surge, at mga tabing-ilog na madalas bahain.

3. Pagpapakalap ng kamulatan at kaalaman tungkol sa mga


kalamidad.
Tulong Mula sa
Pamahalaan
Mga Ahensiya ng Pamahalaan
na Nagtutulungan para sa
Kaligtasan ng Mamamayan
Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at
Pagpapaunlad (KKPP) o Department of Social
Welfare and Development
▪ Ito ang namamahala sa mga programa
para sa paglilingkod ng sa lipunan lalo na
sa mahihirap.
▪ Tinutulungan nito ang mahihirap, walang
tahanan at nagpapatayo ng mga daycare
center.
Kagawaran ng Interyur at Pamahalaang Lokal
(KIPL) o Department of Interior ang Local
Government (DILG)
▪ Ito ang namamahala sa mga yunit na local
ng pamahalaan tulad ng barangay, bayan,
lungsod o lalawigan.
▪ Ito ang nagbibigay ng badyet,
nagpapanatili ng kaayusan at katahimikan
sa pamamagitan ng pagpapatupad ng
mga ordinansa.
Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang
Maynila (PPKM) o Metropolitan Manila
Development Authority (MMDA)
▪ Nilikha ito upang mabigyang tuwirang
serbisyo ang mga mamamayan sa Metro
Manila o NCR.
▪ Ayon sa R.A 7924, ito ang
nagbabalangkas at nagpapatupad ng mga
patakaran, mga pamantayan, programa at
mga proyekto para sa pinagsamang
paraan o sistema upang mapigilan at
makontrol ang patuloy na pagbaha.
Kagawaran ng Edukasyon (KEd) o Department of
Education (DepEd)

▪ Ito ang namamahala sa mga bagay na


may kinalaman sa pagpapaunlad ng
batayang edukasyon sa ating bansa.
▪ Pinamamahalaan nito ang ang
edukasyong pampubliko at pribado mula
elementarya at hayskul at nagtatalaga ng
mga guro sa mga pampubliko.
Kagawaran ng Kalusugan (KNKL) o Departament
of Health (DOH)

▪ Ito ang nangangalaga ng kalusugan ng


mga mamamayan ng bansa tulad
pagsugpo sa pagkalat ng kolera, tigdas at
iba pang nakakahawang sakit.
Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
(KPBL) o Department of Public Works and
Highways (DPWH)

▪ Ito ang nagsasaayos ng mga lansangan,


daan, tulay, dike at iba pang
impraestruktura ng pamahalaan na
nasisira ng kalamidad.
Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (KTP) o
Department of National Defense (DND)
▪ Pinangangalagaan nito ang kapayapaan
at kaayusan sa ating bansa.
▪ Pinangangalagaan nito ang kaligtasan ng
mamamayan laban sa krimen.
▪ Tumutulong din ang mga sundalo sa
paglilikas ng mga mamamayan kapag
may kalamidad.
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na
Kayamanan (KKLK) o Department of Environment
ang Natural Resources (DENR)
▪ Pinangangalagaan nito ang kapaligiran at likas
na yaman ng bansa.
▪ Ipinagbabawal nito ang mga gubat, sa
pagbabawal ng iligal na pagpuputol ng puno at
pagkakaingin, reforestation at iniigatan ang
preserbasyon ng likas na yaman.
▪ Ito ang nagsasayos ng ating kapaligiran
tuwing may kalamidad.
Pagasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal
at Astronomikal ng Pilipinas o Philippine Atmospheric,
Geophysical and Astronomical Services Administration
(PAG-ASA)
▪ Ito ang pangasiwaang nagpaparating ng lagay
ng panahon.
▪ Nagbibigay ito ng babala tungkol sa parating
na bagyo.
▪ Nag-uulat ito tungkol sa lakas ng hangin, ulan
at galaw ng bagyo.
▪ Nagbibigay rin ito ng babala sa pagputok ng
bulkan.
Mga Patakarang Pang-estruktura para
sa Pagbabawas sa Pinsala ng Kalamidad

▪ Paggamit ng mahusay at maayos na gawain pang-


inhinyero:
o Pagdisenyo ng mga sistemang pang-
transportasyon at pang-elektrisidad na kakayanin
ang lindol at bagyo

33
o Pagbabaon ng mga transmission lines bilang proteksyon sa mga buhawi
Pagtatayo ng dam at dike upang maiwasan ang pagbaha
Pagtatayo ng floodway at spillway, pagpapaluwag ng daluyan ng
tubig at dredging ng mga ilog.
Mga Patakarang Hindi Pang-estruktura para
sa Pagbabawas ng Pinsala ng Kalamidad

▪ Maayos na pamamahala at paggamit sa lupain


▪ Pagpapatupad ng mga ordinansa o zoning at building
code
▪ Pagtuturo ng pagsasanay sa publiko
▪ Pagtatanim ng punong kahoy sa mga kabundukan at
maging sa baybay-dagat
40
• Ang mga gawaing ito ay hindi lamang isinasagawa ng
pamahalaan ngunit maging ng mga pribadong
korporasyon at mga Non-Governmental Organizations
(NGOs)

• Ang mga gawain ito ay makakatulong sa mahihirap na


bansa tulad ngPilipinas sapagkat mas mababang pondo
ang kinakailangan upang maisagawa ang mga ito.

You might also like