You are on page 1of 3

Banghay Aralin

Banghay Aralin sa: Araling Panlipunan Baitang at Sekyson: 10-Jacinto at Baltazar


Guro: Fatima A. Uli Markahan: Ikalawang Markahan
Petsa:Oktubre 1-5, 2018

Paksa: Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo

Kasanayang Pampagkatuto:
 Naipaliliwanag ang konsepto ng globalisasyon.
 Naipaliliwanag ang pangkasaysayan, pampulitikal, pang-ekonomiya, at sosyokultural na pinagmulan
ng globalisasyon.
 Nasusuri ang mga pangunahing institusyon na may bahaging ginagampanan sa globalisasyon
(pamahalaan, paaralan, mass media, multinational na korporasyon, NGO at mga internasyonal na
organisasyon.

Tiyak na Layunin:
 Ipinahahayag ang mga nalalaman tungkol sa globalisasyon bilang isyung panlipunan.
 Maipapaliwanag kung paano nito binago at binabago ang pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.

ARAW 1
Panimulang Gawain:
 Panalangin
 Pagbati
 Kalinisan at kaayusan
 Atendans

Pagganyak: “Guess the Logo”


Tukuyin ang mga produkto o serbisyo gamit ang sumusunod na logo. Humandang sagutin ang mga
tanong.

Gawain 1:
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-anong kompanya ang kinatawan ng mga logo?
2. Sa iyong palagay,bakit sumikat ang mga produkto/serbisyong ito?
3. Ano ang kaugnayan ng gawaing ito sa paksang globalisasyon?

Pagtapos makuha ng guro lahat ng ideya at opinion ng mga mag-aaral ay magsisimula na ang guro
sa kanyang interaktibong talakayan tungkol sa mga kaisipang may kinalaman sa globalisasyon
partikular ang mga pananaw tungkol sa pag-usbong nito.

ARAW 2
Balik-aral:
 Ano ang mga natutunan sa tinalakay kahapon?
Pagganyak: “D&D”(Dyad Dapat)
Pangkatin sa tag dadalawa ang mga mag-aaral. Sasagutan ng mga mag-aaral ang kahong itinakda
ng guro.

Aking
Tanong sa Aralin Kapareha
Kasagutan

Paano nakaapekto ang mga


PINAGSAMANG IDEYA
isyung pang-ekonomiya sa
(sagot ng Magkapareha)
pamumuhay ng mga Pilipino?
Sa gawaing ito itatalakay ng guro ang limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at
simula ng globalisasyon.

Pagtataya:
Magbigay ang guro ng sampung tanong tungkol sa paksang itinalakay.

Synthesis/Closure
Sa gawain ito ang mga mag-aaral ay malinaw na naipahahayag ang sariling opinyon sa paksang
tinalakay.

Araw 3
Balik-aral:
 Ano ang mga natutunan sa tinalakay kahapon?

Gawain 3: “Tilamsik Kaalaman”


Bouin sa pitong grupo ang mga mag-aaral na may sampu . Sagutan ng mga mag-aaral ang
inihandang graphic organizer na Balangkas-Kaalaman. Isulat sa unang kolum ang pananaw
tungkol sa pag-usbong ng globalisasyon at sa pangalawang kolum naman ang mahahalagang
kaisipan kaugnay nito. Isulat sa ikatlong kolum ang mga susing salita o esensyal na kaisipan sa
bawat pananaw.

Balangkas Kaalaman

Perspektibo Detalye Susing Salita

1. Pangunahing
Kaalaman

2. Pangunahing
Kaalaman

Pagtapos makuha ng guro lahat ng ideya at opinion ng mga mag-aaral ay magsisimula na ang guro
sa kanyang interaktibong talakayan.

Takdang Aralin:
Sagutan ng mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan:
1. Ibigay ang iyong sariling pagpapakahulugan sa salitang globalisasyon.
2. Bakit sinasabing matagal nang may globalisasyon?Naniniwala ka ba dito?Ipaliwanag
ang iyong sagot.
3. Sa mga pananaw at perspektibong inihain, alin sa mga ito ang sa iyong palagay ay
katanggap-tanggap? Pangatuwiranan.

Performance Task/Transfer (GRASPS)


- Ang mga mag-aaral ay mag-uulat tungkol sa kung paano nito binago at binabago ang
pamumuhay ng tao sa kasalukuyan. Pangkatin sa pitong grupo ang klase.
Sanggunian:

- Modyul Araling Panlipunan 10

Iniwasto ni: ______________________________ Petsa: _______________________________

You might also like