You are on page 1of 5

I.

Layunin
Sa katapusan ng araling Konsepto ng Kasarian, ang mga mag-aaralay inaasahang:
1. Natutukoy ang pagkakaiba ng sex at gender
2. Naipaliliwanag ang element ng LGBT
3. Nakagagawa ng editorial cartoon tungkol sa pagkakaiba ng sex at gender
4. Naipapamamalas ang kahalagahan ng kontribusyon ng mga babae, lalaki, at LGBT

II. Paksang Aralin

a) Paksa: Konsepto ng Kasarian


b) Sanggunian: Kontemporaryong Isyu 10. K-12 Based Curriculum, draft copy, pahina 262-
264.
c) Kagamitan: kahon, maliliit na papel, larawan, chart, at blackboard

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


a) Balik Aral

Class, ano ang ating tinalakay noong


nakaraan?
Ang ating tinalakay noong nakaraan ay
Implikasyon ng Peminisasyon ng Migrasyon,
sir.
Tumpak!

Magbigay nga ng inyong napag-aralan sa


Implikasyon ng Peminisasyon ng Migrasyon?
Sinasabing kapag ang lalaki ang nangibang
bansa, ang asawang babae ang mas higit na
umaako ng lahat ng gawaing pantahanan. Sa
kalagayan sa Pilipinas, kapag ang asawang
babae ang nangibang bansa, pangkaraniwan
na kumukuha ng tagapag-alaga ang lalaki sa
kanyang mga anak o ipagkatiwala ang ibang
pangtahanang gawain sa kapatid na babae,
sa magulang o di kaya ay sa mga kamag-
anak.
Magaling!

b) Pagganyak

Maaari niyo bang kunin ang iba’t-ibang kula


ng papel na inilagay ko sa ibaba ng inyong
armdesk. Hahatiin ko kayo sa 3 grupo
(yellow, green, at orange). Ang mga
nakakuha ng yellow ay maari bang tumayo
at umupo sa 1st raw, 2nd raw naman sa green
color, at 3rd raw naman sa mga nakakuha ng
orange.
Bilang introduksyon sa mapag- aaralan ninyo
sa araw na ito, magkakaroon tayo ng
aktibidad na tatawagin nating Charade.
Merong mga salita o mga pangungusap na
nakalagay sa maliit na kahon na dapat
bunutin ng bawat miyembro g grupo na kung
saan ang bawat grupo ay dapat magtulungan
na hulaan ang binibigyang aksyon ng
kanilang ka-miyembro.
Kahit sino sa inyong ka-miyembro ay
pwedeng pumunta sa harap at bigyang
aksyon ang nabunot na salita o
pangungusap, pero “one person at a time”
lamang ang pwede. Pwede kayong mag-pass
kung kinakailangan, paramihan ng
mahuhulaang salita o pangungusap sa loob
ng 3 minuto.
Opo sir.

Mga salita o pangungusap na bibigyang


aksyon:
1. Girl, Boy, Bakla, Tomboy
2. Pare, Mahal Mo Raw Ako
3. Lesbian
4. Vice Ganda
5. Shokla
6. Jake Cyrus
c) Paglalahad

Batay sa ginawa ninyong maikling aktibidad,


ano sa palagay ninyo ang paksa natin sa
araw na ito?
Ang paksa natin sa araw na ito ay Konsepto
ng Kasarian.
Tama!

d) Pagtatalakay

Magkakaiba ang kahulugan ang gender at


sex. Bagama’t kung isasalin ang dalawang
salita sa wikang Pilipino ay katumbas ito
pareho ng salitang kasarian.
Para sa inyo class, ano ang pagkakaiba ng
gender at sex?
Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at
pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki. Samantalang
ang gender naman ay tumutukoy sa mga
panlipunang gawain na itinakda ng lipunan
para sa mga babae at lalaki.
Tama!

Bukod sa lalaki at babae may tinatawag tayo


sa kasalukuyan na esbian, gay, bisexual, at
transgender o mas kilala bilang LGBT.
Class, sino ang mga lesbian?
Sila ang mga babae na ang kilos at
damdamin ay panlalaki; mga babaeng may
pusong lalaki at umsa kapwa babae.
Tumpak!

Ano naman ang gay o bakla?


Mga lalaking nakararamdam ng attraksyon
sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla
ang nagdadamit at kumikilos na parang
Tama! babae.

Ano naman ang bisexual?


Mga taong nakararamdam ng attraksyon sa
dalawang kasarian.
Magaling!

Ano naman ang transgender?


Kung ang isang tao ay nakararamdam na siya
ay nabubuhay sa maling katawan, ang
kaniyang pag-iisip at ang pangangakatawan
ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may
transgender na katauhan.
Tama!

e) Pagpapahalaga

Magbigay ng mahahalagang kontribusyon ng


mga LGBT sa ating lipunan?
Napakahalaga ng kanilang tungkulin ditto sa
mundong kanilang ginagalawan. Sila ang
nagpapasaya sa mga tao, halimbawa na
lamang ay si Vice Ganda na kung saan siya
ang ehemplo ng LGBT. Ang kontribusyon
niya sa Pilipinas ay hindi nakapagtatakang
napakarami, dahil napakaraming mga
charities ang kanyang tinulungan at nagbigay
pa siya ng tuwa araw-araw sa It’s Showtime
at Gandang Gabi Vice.
Magaling!

f) Paglalahat

Ano ang pagkakaiba ng sex at gender?


Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at
pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki. Samantalang,
ang gender naman ay tumutukoy sa
gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng
lipunan para sa mga babae at lalaki.
Tama!

Ano ang acronym ng LGBT?


Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender.
Tumpak!

IV. Pagtataya

Gamit ang inyong natutuhang kaalaman sa


aralin, lumikha ng editorial cartoon tungkol
sa pagkakaiba ng sex at gender. Maaari mo
itong gawin sa isang cartolina o illustration
board. Lagyan din ng paliwanag kung bakit
ito ang ginagawa. Ibahagi ito sa ating klase
pagkatapos.
Mamarkahan ang inyong ginagawa batay sa
kasunod na criteria.

Criteria Napakagaling (3) Magaling (2) May Kakulangan (1) Marka


Impormatibo Ang nabuong Ang nabuong editorial Ang nabuong
editorial cartoon ay cartoon ay editorial cartoon ay
nakapagbibigay ng nakapagbibigay ng kulang sa sapat na
kompleto, wasto, at wastong impormasyon
napakahalagang impormasyon tungkol tungkol sa
impormasyon sa pagkakaiba ng sex pagkakaiba ng ex at
tungkol sa at gender. gender.
pagkakaiba ng sex at
gender.
Malikhain Ang pagkakadisenyo Ang pagkakadisenyo May kakulangan
ng editorial cartoon ng editorial cartoon ang elemento ng
ay nakakamangha ay maganda tungkol pagdisenyo ng
tungkol sa sa pagkakaiba ng sex editorial carton
pagkakaiba ng sex at at gender. tungkol sa
gender. pagkakaiba ng sex
at gender.
Katotohanan Ang editorial Ang editorial cartoon Ang editorial
cartoon ay ay nagpapakita ng cartoon ay
naipapakita ng pangyayari tungkol sa nagpapakita ng
makatotohanang pagkakaiba ng sex at iilang pangyayari
pangyayari tungkol gender. Ang tungkol sa
sa pagkakaiba ng nilalaman nito ay may pagkakaiba ng sex
gender at sex. Ang dating sa madla. at gender. Ang
nilalaman nito ay nilalaman nito ay
may bias/dating sa walang dating sa
madla. madla.

V. Takdang Aralin/ Kasunduan

Magsagawa ng sarbey sa inyong pamayanan. Hingin ang kanilang opinion kung ano ang
kanilang pananaw o ano sa palagay nila ang kontribusyon ng mga babae, lalaki, at LGBT sa
lipunan. Gawaing gabay ang kasunod na format at ilagay sa isang (1) buong papel.

KONTRIBUSYON
Sagot 1 Sagot 2 Sagot 3
BABABE
LALAKI
LGBT
KOMENTO

You might also like