You are on page 1of 5

lesson plan in Aralin Panlipunan grade 7

Banghay Aralin sa Aralin Panlipunan VIII

I. Layunin:

Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang mga uri ng Likas na Yaman.

b. Nailalarawan ang ibat-ibang anyong Lupa.

c. Pagpapahalaga:Pangangalaga at Pag-iingat ng mga likas na Yaman.

II. Paksang Aralin

a. Paksa:Uri ng Likas na Yaman

b. Kagamitan: Mga larawan,LCD Projector

c. Sanggunian: Batayang aklat sa Aralin Panlipunan VII, pahina 19

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

(Tatawag ng isang studyante upang pangunahan ang pagdarasal.)

2. Pagbat

“Magandang Umaga sa inyo mga bata!”

“Kumusta kayo mga bata?”

3. Pag-alam sa Lumiban

“Sino ang lumiban klase?”

“magaling.”

4. Pangongolekta ng takdang-aralin
“Ipasa ang takdang aralin sa unahan bibilang ako nang hanggang lima dapat na ipasa na sa unahan lahat
nang hindi tumatayo. 1-2-3-4-5”

5. Pagsasanay

“Mga bata, mayroon akong ipapakitang iba’t-ibang larawan at gusto kong tukuyin ninyo kung ano ito.
Handa aba kayo?”

“Ano masasabi niyo sa larawang ito?

“ito?”

“Ito naman?”

“Ito?”

“Itong huling larawan? Ano masasabi niyo?”

“Ano ang napapansin niyo sa mga larawan na aking pinakita kanina?”

“Nakapunta na ba kayo sa mga lugar na iyon?”

“Paano ba nabubuhay ang mga halaman?”

“Magaling!”

6. Balik-aral

“Ano ang atng pinag-aralan noong nakaraang araw?”

“Ano-ano ang mga anyong tubig?”

“Magaling! Magbigay ng halimbawa.”

B. Bagong aralin

1. Pagganyak

“Gusto niyo bang umawit?”

“Sabay-sabay natng awitn ang kanatang “Mga Anyong Lupa” sa himig na “Leron-leron sinta.”

Mga anyong lupa

Dito sa atng bansa

Lambak, kapatagan
Yaman nitong bayan

Talampas at bulkan

Kaygandang pagmasdan

Burol, kabundukan

Atng alagaan

2. Paglalahad

“Anu-ano ang mga anyong lupa ang binanggit sa awitn?”

“Tama!

“Burol, bundok, kapatagan, lambak,talampas, bulkan at bulubundukin ay isang uri ng anyong lupa”

“Ngayon, alamin natn kung anu-ano ang mga uri ng anyong lupa at ang kanyang

3. Pagtatalakay

“Sa mga larawan sa pisara ano sa tngin niyo ang Kapatagan?”

“Magaling! Ang kapatagan ay isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay
ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.

“Ano naman sa tngin niyo ang bundok?”

“Ang bundok ay isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas
kaysa sa burol.

“Saan naman sa mga larawan na ito ang bulkan?”

“Ang bulkan ay isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito
mula sa kailaliman ng daigdig.

“Alin naman dito ang burol?”

“Ang burol ay higit na mas mababa ito kaysa sa bundok. Pabilog ang hugis nito at tnutubuan ng mga
luntang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.

“Saan naman dito ang lambak?

“Ang lambak ay isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok.

“Saan naman dito ang talampas?”


“Ang talampas ay patag na anyong lupa sa mataas na lugar.

“Alin naman dito ang baybayin?”

“Ang baybayin ay bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.

“Alin naman dito sa mga larawan ang Bulubundukin?

“Alin naman ditto ang pulo?”

Ang pulo ay mga lupain na napalilibutan ng tubig.”

“Alin naman dito ang yungib?

“Ang yungib ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.

“Ano naman ang tangway?”

“ang tangway ay pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.

“At ang panghuling larawan na anyong lupa na nasa pisara ay ang disyerto.

“Napaka init nito. Wala tayong disyerto sa Pilipinas. Makikita lamang ito sa ibang bansa tulad ng Egypt at
Saudi Arabia.”

“Ngayon mga bata kung naintndihan niyo na ba ang paksa natn?”

4. Paglalapat

“Magkakaroon tayo nang Gawain.”

“Ihahat ko kayo sa tatlong grupo. Bawat grupo magbibigay ako ng mga letra at buuin niyo ito. Pag nabuo
na ninyo ang mga letra, pupunta kayo dito sa gitna at sabihin kung anong uri nang anyong lupa ang
inyong nabuo sa mga letra.

Nagustuhan niyo ba an gatng Gawain sa araw na ito

Mga bata?

5. Paglalahat

“Ano ang inyong natutunan sa leksyon natn ngayong araw?”

“Anu-ano ba ang uri ng lupa?”


“Magbigay nang halimbawa nang isa sa mga uri ng anyong lupa.”

IV. Pagtataya:

Kumuha ng isang kapirasong papel mga bata. Isulat at sagutn ang mga sumusunod.

Ilagay ang angkop na anyong lupa ang sa patlang.

1. Matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.

2. Higit na mas mababa ito kaysa sa bundok.

3. Patag na anyong lupa sa mataas na lugar.

4. Isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito.

5. Isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi.

6. Isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas
dito mula sa kailaliman ng daigdig.

7. Mga lupain na napalilibutan ng tubig.

V. Takdang-aralin

Mag hanap nang ibat- ibang larawan nang mga anyong tubig.

You might also like