You are on page 1of 2

Lesson Plan in Aralin Panlipunan grade 7

June 28, 2017

I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga uri ng Anyong lupa
b. Napahahalagahan ng bawat isa ang iba’t-ibang uri ng Anyong lupa
c. Naisasagawa ang tungkuling ginagampanan sa pagpapanatili ng Anyong Lupa.

II. Paksang Aralin


a. Paksa:Uri ng mga Anyong lupa
b. Kagamitan: Mga larawan
c. Sanggunian: Batayang aklat sa Aralin Panlipunan VIII, pahina 19
d. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa iba’t-ibang uri ng lupa
III. Pamamaraan:

1. Balik-aral
“Ano ang ating pinag-aralan noong nakaraang araw?”
“Ano-ano ang mga anyong tubig?”
“Magaling! Magbigay ng halimbawa.”

B. Bagong aralin
1. Pagganyak
“Gusto niyo bang umawit?”
“Sabay-sabay nating awitin ang kanatang “Mga Anyong Lupa” sa himig na “Leron-leron sinta.”

Mga anyong lupa


Dito sa ating bansa
Lambak, kapatagan
Yaman nitong bayan
Talampas at bulkan
Kaygandang pagmasdan
Burol, kabundukan
Ating alagaan

2. Paglalahad
“Anu-ano ang mga anyong lupa ang binanggit sa awitin?”
“Tama!
“Burol, bundok, kapatagan, lambak,talampas, bulkan at bulubundukin ay isang uri ng anyong lupa”
“Ngayon, alamin natin kung anu-ano ang mga uri ng anyong lupa at ang kanyang

3. Pagtatalakay
“Sa mga larawan sa pisara ano sa tingin niyo ang Kapatagan?”
“Magaling! Ang kapatagan ay isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag
at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.
“Ano naman sa tingin niyo ang bundok?”

“Ang bundok ay isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas
mataas kaysa sa burol.
“Saan naman sa mga larawan na ito ang bulkan?”
“Ang bulkan ay isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring
lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig.
“Alin naman dito ang burol?”
“Ang burol ay higit na mas mababa ito kaysa sa bundok. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng
mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
“Saan naman dito ang lambak?
“Ang lambak ay isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok.
“Saan naman dito ang talampas?”
“Ang talampas ay patag na anyong lupa sa mataas na lugar.
“Alin naman dito sa mga larawan ang Bulubundukin?
“Alin naman dito ang pulo?”
Ang pulo ay mga lupain na napalilibutan ng tubig.”
“Alin naman dito ang yungib?

“Ang yungib ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at
hayop.

“Ano naman ang tangway?”


“ang tangway ay pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.
“At ang panghuling larawan na anyong lupa na nasa pisara ay ang disyerto.
“Napaka init nito. Wala tayong disyerto sa Pilipinas. Makikita lamang ito sa ibang bansa tulad ng
Egypt at Saudi Arabia.”
“Ngayon mga bata kung naintindihan niyo na ba ang paksa natin?”

4. Paglalapat
“Magkakaroon tayo nang Gawain.”
“Ihahati ko kayo sa tatlong grupo. Bawat grupo magbibigay ako ng mga letra at buuin niyo ito.
Pag nabuo na ninyo ang mga letra, pupunta kayo dito sa gitna at sabihin kung anong uri nang
anyong lupa ang inyong nabuo sa mga letra.

Nagustuhan niyo ba ang ating Gawain sa araw na ito


Mga bata?

5. Paglalahat
“Ano ang inyong natutunan sa leksyon natin ngayong araw?”
“Anu-ano ba ang uri ng lupa?”
“Magbigay nang halimbawa nang isa sa mga uri ng anyong lupa.”

IV. Pagtataya:
Kumuha ng isang kapirasong papel mga bata. Isulat at sagutin ang mga sumusunod.
Ilagay ang angkop na anyong lupa ang sa patlang.
1. Matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
2. Higit na mas mababa ito kaysa sa bundok.
3. Patag na anyong lupa sa mataas na lugar.
4. Isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring
lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig.
5. Mga lupain na napalilibutan ng tubig.
____________6. Anyong lupa na makikita sa ibang bansa tulad ng Egypt at Saudi Arabia
____________7. Patag na anyong lupa sa mga matataas na lugar.

V. Takdang-Aralin
Alamin ang iba’t- ibang mga anyong tubig at ipakita ito sa pamamagitan ng mga larawan. Idikit ang mga
ito sa isang long bond paper.

Prepared By: Miss Jubeth P. Maata

You might also like