You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7

I. Layunin

Pagkatapos ng takdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang maisasagawa


ang mga sumusunod nang may 85% tagumpay:

 Maipapaliwanag ang kahulugan ng yamang likas ng Timog-Silangang


Asya.
 Mailalarawan ang iba’tibang uri ng likas na yaman ayon sa mga anyo nito.
 Mapapahalagahan ang wastong pag gamit ng likas na yaman ng Timog-
Silangang Asya.

II. Nilalaman

a. Paksa: Mga Likas na Yaman ng Timog-Silangang Asya


b. Sanguniaan: ASYA, Pagkakaisa sa Gitnang Pagkakaiba ( Modyul para sa
mag-aaral ng Araling Panlipunan 7)
c. Kagamitan: Chart, Mga Larawan

III. Pamamaraan

a. Panimulang Gawain
 Pagbati
 Pagdarasal
 Pagtatala ng Liban
 Balik Aral
- Ano ang Topograpiya?

b. Bagong Aralin
 Pagganyak

Magpapakita ng larawan (hango sa larong 4 Pics 1 word) at


sasabihin ng mga mag-aaral kung ano ang kahulugan ng nasa larawan
sa pamamagitan ng pagpapaskil ng mga letra nito sa pisara.

c. Paglinang ng Gawain
1. Pagbubuo ng hinuha:
Anu-ano ang mga bansa ang bumubuo sa Timog-Silangang Asya?
2. Pagpapakita ng mga halimbawa ng mga yamang-likas na makikita sa
Timog-Silangang Asya.
3. Pagtatalakay

a. Ano ang kahulugan ng yamang-likas?


b. Ano ang apat na uri ng yamang-likas?
c. Bakit kailangang gamitin sa wastong pamamaraan ang mga
yamang likas ng Timog-Silangang Asya?
4. Paglalapat:

Papangkatin sa apat na grupo ang klase bilang


representante ng gubat, tubig, lupa at mineral. Lilikha sila ng
“SLOGAN” kung saan ang tema ay pangangalaga ng yamang likas
ng bansa. At ito ay ipapaliwanag ng bawat grupo sa unahan.
IV. Pagtataya:

Kumuha ng isang kapirasong papel, at sagutan ang mga sumusunod na yamang


likas ng Timog-Silangang Asya. Isulat sa patlang ang salitang YL kung ito ay
kabilang sa yamang lupa, YT kung yamang tubig, YG naman kung yamang gubat at
YM kung yamang mineral.

_________1. Langis _________ 6. Bulaklak

_________2. Troso _________7. Prutas

_________3. Ginto _________8. Palayan

_________4. Bakal _________9. Baboy Ramo

_________5. Kambing _________10. Isda

V. Takdang Aralin:

Gumuhit ng tatlong halimbawa ng yamang likas na iyong makikita sa


inyong pook. Ilagay kung saan ito kabilang na uri at kung ano ang
kapakinabangannito sa tao.

Inihanda ni: Inihanda kay:

Jasmine S. Umali Dr. Silpa C. Bahian


BTTE-4A

You might also like