You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN

Araling Panlipunan 7
Araling Asyano

PAMANTAYAN:

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pangganap


(Content Standard) (Performance Standard)

Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ang mga mag-aaral ay malalim na nakakapag-ugnay –
ugnayan ng kapaligiran at tao sa pagbuo at paghubog ng ugnay sa bahaging ginagampanan ng tao at kapaligiran
Kabihasnang Asyano. sa pagbuo at paghubog ng Kabihasnang Asyano.

I. LAYUNIN
A. Naiisa-isa ang mga suliraning pangkapaligirang hinaharap ng Asya sa kasalukuyan.
B. Nasusuri ang mga sanhi at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran sa pamumuhay ng mga Asyano.
C. Naipapahayag ang mga kahalagahan ng pangangalaga sa balanseng kalagayang ekolohikal.

II. NILALAMAN
A. Yunit I – Heograpiya ng Asya
ARALIN 2: Mga Likas na Yaman ng Asya / Mga Suliraning Pangkapaligiran.
B. Sanggunian: LM pahina 46-50
C. Kagamitang Panturo
C.1 Learning Module
C.2 Projector
C.3 Laptop
C.4 Speaker

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
A.1 Panalangin
A.2 Pagbati
A.3 Pagtala ng liban
A.4 Pagganyak
B. Mga Gawain:
B.1 Suri-Teksto
 Pumili ng isang suliraning pangkapaligiran
 Isulat ang sanhi at epekto ng suliranin
 Ihambing ang sitwasyon ng napiling suliranin noon at ngayon
 Ilahad ang solusyon maaaring isakatuparan
 Ilarawan ang magiging kalagayan ng kapaligiran batay sa inilahad na solusyon

B.2 Noon, Ngayon at Bukas


Suliraning Pangkapaligiran:
Sanhi:
Noon:
Nagyon:
Epekto:
Solusyon:
Bukas:
C. Paglianang ng Pag-unawa sa konseptong inaral
 Pagtalakay sa mga suliraning pangkapaligiran sa Asya at kahalagahan ng pagkakaroon ng
balanseng kalagayang ekolohikal.
D. Paglalagom
 Pagbabahagi ng mga konseptong natutuhan

IV. TAKDANG-ARALIN
 Maghanda para sa isang pagsusulit.

Inihanda ni:

EVA MARIE V. MIRAFLORES


Teacher Applicant

You might also like