You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

BAITANG 7
I. LAYUNIN:
 Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula sa sinaunang kabihasnan at
ikalabing-anim na siglo.
A. Pamantayang Pangnilalaman
 Ang mag-aaral ay… naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at
relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.
B. Pamantayang Pagganap
 Ang mag-aaral ay… kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbigaydaan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.
II. NILALAMAN
Mga Sinaunang Kababaihan sa Asya
Kagamitan Sa Pagturo
Powerpoint Presentation
Sanggunian
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba - Araling Panlipunan (Module para sa Mag- aaral)Kagawaran ng
Edukasyon, Republika ng Pilipinas/ Modyul ng mga Mag-aaral
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng liban
 Pagbabalik –aral
Pamprosesong tanong:
o Ano-ano ang mga relihiyon ang inyong mga nalalaman?
B. Panlinang Na Gawain (4A’S)
 Pagganyak
Gawain: Hula-Pic
Panuto: Tingnan ang larawan sa ibaba.

TANONG:
1. Ano ang mapapansin ninyo sa mga larawan?
2. May ideya ba kayo kung saang bansa sila nagmula?
 Gawain
Panuto: Panonood ng Video clip presentation

Title: Inside Asia, Role of Women Part 1


https://youtu.be/ReAb0m_NZhc

Mga Katanungan:
1. Tungkol saan ang inyong napanood?
2. Ano ang nais ipahiwatig sa inyo ng pinanood na video?
 Pagtatalakay
Basahin at unawain ang teksto tungkol sa mga sinaunang kababaihan sa Asya at magtala ng kalagayang
nagpapakita ng mababang pagtingin sa sinaunang kababaihan sa Asya.
Relihiyon Pilosopiya
Nakapailalim pa rin ang mga mongha sa mga Pagpapahalaga sa mga anak na lalaki kaysa sa
monghe babae.
Ipinagkait ng Buddhism angpagtatamo ng Dapat pagsilbihan ang asawang lalaki
nirvana. Ang babae ay kakain lamang pagkatapos
Pagtago ng babae sa kanyang sarili sa kumain ng kanyang asawa.
pamamagitan ng pagsuot ng burka Footbinding

 Paglalahat
Pamprosesong tanong:
 Ano ang kalagayan ng mga kababaihan sa relihiyon at pilosopiya sa Asya?
 Ano ang mga tradisyunal na papel ng mga babae sa Asya?
 Anu-ano ang mga kaugalian na nagpapababa sa kalagayan ng kababaihan?
 Bakit may mga babae na nagmongha?
C. Pangwakas Na Gawain
 Paglalapat
Pangkatang Gawain
Panuto: Maglalakbay ka sa mga bansa sa Asya gaya ng China at India upang makisalamuha at
matutunan ang iba’t ibang relihiyon at paniniwala. Paano mo maipapakita ang iyong paggalang sa mga
kababaihang may ibang paniniwala?
Unang Pangkat: Pagsasadula
Ikalawang Pangkat: Jingle Making
IV. PAGTATAYA

sati diyosa relihiyon code dote


1. Katipunan ng mga tuntunin o batas.
2. Pera o pag-aaring ipinagkakaloob sa mapapangasawa.
3. Ang babaing dinidiyos na may superior na kagalingan at kabigha-bighani.
4. Paniniwala sa mga diyos o diyosa; pormal na pagpapahayag ng paniniwala.
5. Kaugalian na pagpayag ng biyudang babae sa India na masunog kasama ng namatay na asawa.

Susi sa pagwawasto
1. Code 2. Dote 3. diyosa 4. Relihiyon 5. Sati

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwadernong pang aktibiti.
1. Ano –ano ang mga kontribusyon ng mga Asyano sa Kabihasnan?
2. Pumili ng 5 sa mga ambag/kontribusyon at ipaliwanag ang kahalagahan nito sa kasalukuyang panahon.
REMARKS:

PAMANTAYAN SA PAGSASADULA AT JINGLE MAKING


PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS NAKUHANG
PUNTOS

MENSAHE Malinaw at maayos na naipapahayag ang


mensaheng paggalang sa mga kababaihan na may
20
ibang paniniwala.

KAISAHAN Lahat ng miyembro ng grupo ay aktibong


nakikilahok sa gawain.
10

KABUUAN 30

You might also like