You are on page 1of 5

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7

I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Naiisa-isa ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya na nasakop ng mga kanluraning bansa
2. Nasusuri ang mga pamamaraang ginamit ng mga kanluraning bansa sa panaankop ng mga bansa sa
Timog-Silangang Asya
3. Nakakapagpakita ng pagkakaisa ang bawat miyembro ng grupo sa pangkatang gawain

Pagpapahalaga:

II. PAKSANG ARALIN


 Paksa: Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog-Silangang Asya
 Sanggunian: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
 Pahina: 334-339

III. MGA KAGAMITAN


 Laptop(powerpoint presentation), Television at mga video clips

IV. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa maikling panalangin. (Magsisitayo ang lahat para manalangin.)

(Pangungunahan ng guro ang maikling panalangin.)

2. Pagbati

Magandang Umaga! Magandang Umaga

Handa na ba kayong matuto?


-Opo!
Kung handa na nga kayo, tapikin nyo ang likod ng katabi
nyo at sabihing “Ayos ka lang ba?”

3. Pagsasaayos ng Silid-aralan
-Bago kayo umupo, pakipulot ang mga kalat sa ilalim ng (Pupulutin ng mga mag-aaral ang mga kalat sa ilalim ng
inyong upuan at paki-ayos ang inyong upuan. upuan at isasaayos ang mga ito.)

4. Pagtatala ng mga Lumiban

Naririto na ba ang lahat? -Opo!

Dahil marami sa inyo ang hindi pamilyar sa akin, gagamitin


natin ang mga bilang upang maging pansamantalang
pangalan ninyo.

Bumilang nga kayo. -1..2...3...4...5


Tandaan ang inyong bilang. -Opo!

B. Balik-aral
Noong nakaraan nating pagkikita ay ating tinalakay ang Magkaiba ang pamamarang ginamit ng mga
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangang Asya. Sa kanluraning bansa sa pananakop sa China at Japan.
papaanong pamamaraan sinakop ng kanluraning bansa ang Naging marahas ang pananakop ng England sa China
bansang China at Japan? na nagdulot ng ikauna at ikadalawang digmaang opyo
samanatalang sa Japan naman ay nagkaroon ng
kasanduan ang U.S at Japan dahil ayaw makipagdima
ng Japan sa isang malakas na bansa.
May katanungan pa ba kayo tungkol sa nakaraan nating Wala na po!
aralin?
Magaling, batid kong naunawaan na ninyo ang ating
tinalakay noong nakaraan, ngunit bago tayo tumuloy sa ating
susunod na talakayin ay bibigyan ko muna kayo ng isang
maikling gawain.

C. Pagganyak
(Ipapangakat ang mag-aaral sa pitong grupo)
Bumilang ng 1,2,3,4,5,6,7 -1,2,3,4,5,6,7
Magsamasama ang magkakagrupo.
Aking babasahin ang iba’t-ibang impormasyon tungkol sa
mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang inyong gagawin
ay tutukuyin ninyo kung anong bansa ang aking
tinutukoy.Isusulat ng isang miyembro ng pangakat ang
kanilang sagot sa isang papel at itataas kung sino ang
maunang makapagtaas at tama ang sagot sila ang
makakakuha ng puntos.Nasusundan ba ang aking opo
paliwanag?

1. Ito ang pinakamalaking bansa sa Timog-Silangang INDONESIA


Asya. Ito rin ay kinikilala bilang pinkamalaking
kapuluan na binubuo ng 17,508 na pulo.
INDONESIA
2. Ito ay isang pulo, estadong-lungsod na matatagpuan SINGAPORE
sa Timog-silangang Asya. Kilala bilang “Computer
Country” dahil sa kaalaman sa makabagong
teknolohiya at ito ay tinaguriang isa sa Newly
Industrialized Countries sa Asya.
SINGAPORE
3. Ito ay ang pinakasilangang bansa sa tangway ng VIETNAM
Indotsina sa Timog-Silangang Asya. Ito ay isang
bansang agrikultural. Sagana ito sa likas na yaman
ngunit hindi nalinang ang mga ito dahil sa digmaang
sibil.
VIETNAM
4. Ang bansang ito ay opisyal na tinawag na Lao LAOS
People’s Democratic Republic.
LAOS
5. Ito ay isang pederasyon at isa sa pinakamaunlad na MALAYSIA
bansa sa rehiyon.
MALAYSIA
6. Burma ang dating pangalan ng bansang ito. Ito ay MYANMAR
tinaguriang “Lupain ng mga ginintuang pagoda”
dahil sa napakaraming templong Buddhist na
matatagpuan dito.
MYANMAR
7. Isang bansa na nasa kanluran ng karagatang pasipiko. PILIPINAS
Binubuo ang bansa ng higit kumulang 7,107 pulo.
PILIPINAS
8. Ito ay bansa sa Timog-Silangang Asya na may CAMBODIA
populasyong mahigit kumulang 15 milyong katao at
Phnom Penh ang kabisera nito.
CAMBODIA
https://asiagroupfour.weebly.com
(Pagkatapos ng gawain)
Magaling, palakpakan natin ang grupong nakakuhan ng
mataas na puntos. Manatili ang bawat isa sa kanilang grupo.

D. Pagsasabi sa aralin
Base sa ating ginawa kanina at sa nakaraang taklakayin ano -tungkol po sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya
kaya an gating pagaaralan sa araw na ito?
Magaling, may iba pa bang sagot? -tungkol po sa pananakop sa mga bansa sa Timog-
Silangang Asya
Magaling, pagkatapos sa Silangang Asya tayo ay dadako na
tayo sa Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog-Silangang
Asya.
Bago tayo dumako sa pormal na talakayin bumunot muna (bubunot ang lider ng bawat pangkat)
ang pinuno ng bawat grupo ng papel dito sa harap.
(Ang bawat grupo ay magkakaroon ng nakatagalang bansa)
Ang bawat grupo ay bibigyan ng 10 minuto upang suriin ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng mga karanasan ng mga bansa
sa Timog-Silangang Asya.
Ang bawat grupo ay ibibigay ang sumusunod
1. Kanluraning Bansa na Nakasakop
2. Dahilan ng Pananakop
3. Paraan ng Pananakop
4. Patakarang ipinatupad
5. Epekto
E. Pagtalakay sa aralin
Ang pangkat ng Pilipinas ang mauuna.
(ibinigay ng pangkat ng Pilipinas ang kanluraning
bansa na nakasakop sa Pilipinas, dahilan ng pananakop,
Palakpapakan natin ang unang pangkat. paraan ng pananakop, patakarang ipinatupad at epekto)
Ang kanluraning bansang nakasakop sa Pilipinas ay
Espanyol at United States.
(magpapanood ang guro ng maikling video clip na galing sa
pelikulang Heneral Luna)
Base sa video clip na inyong napanuod ano ang paniniwala Naniniwala sila na may magandang intensyon ang
ng mga miyembro ng cabinete ng dumating ang mga Amerika sa Pilipinas.
Amerikano sa ating bansa?
Sa huling bahagi ng video sinabi ng isang sundalong Nasabi nya ito dahil may lihim na kasunduan ang Spain
Amerikano “she’s ours” bakit kaya niya nasabi ito? at Amerika.
Sinasabing nagbayad ng 20 milyong dolyar ang United
States sa Spain kapalit ng pagpapaunlad na ginawa ng Spain
sa Pilipinas.
Sa loob ng ilang taong pananakop ilan sa mga naging epekto
nito ay ang Digmaang Pilipino-Amerikano, pamahalaang
sibil at pagpapatayo ng mga gusali, ospital kalsada at
gusaling pampamahalaan.
Isa sa pinakamahalagang naiwan ng Amerika sa Pilipinas Isa sa pinakamahalagang naiwan ng Amerika ay
ay/? edukasyon.
Ang mga Amerikano ang nagpakilala sa atinng kanilang
sistema ng edukasyon na hanggang ngayon ay ginagamit
natin.
Ang tawag sa mga unang gurong Amerikano na dumating sa
Pilipinas ay Thomasites.
(magpapanood ang guro ng maikling video clip tungkol sa
pagdating ng mga gurong Amerikano sa Pilipinas)
Ilan lang ang Unibersidad ng Pilipinas at Far Eastern
University sa mga napatayong paaralan ng Amerika sa
Pilipinas.

Susunod ay ang pangkat ng Indonesia Ang kanluraning bansang nakasakop sa Indonesia ay


ang bansang Netherlands

Ang dahilan ng kanilang pananakop ay ang mga


pampalasa at produktong agrikultural sa Indonesia

Ang patakarang ipinatupad ng Netherlands ay ang


Culture System o kilalarin sa tawag na cultivation
system

Ang naging epekto ng pagsakop ng Netherlands at


patakarang cultivation system ay lubos na naghirap ang
mga Indones dahil hindi na sila makapagtanim ng mga
produktong para sa kanilang sariling pangangailangan.
Palakpakan natin ang pangkat ng Indones
Nasakop ng Netherlands ang Indonesia dahil sa pagtatag ng
ng isang kompanya na tinatawag na Dutch East India
Company. Unti-unting umunlad ang nasabing kompanya
dahil sa paggamit ng tinatawg na divide and rule policy
hanggang sa tuluyan ng nasakop ng bansang Netherlands ang
Indonesia.

Susunod ay ang pangkat ng Singapore at Malaysia

Ang bansang nanakop sa Singapore ay ang mga British

Ang dahilan ng kanilang pananakop ay dahil nakilala


ang Singapore bilang isa sa pinkamaganda at
pinakamaunlad na daungan sa Timog-Silangang Asya
Ang Malaysia naman ay kilala sa malawak na
plantasyon ng goma at sapagkakaroon ng malawak na
reserba ng lata.

Ang naging epekto ng pananakop ng British sa


Malaysia ay nagdulot ito ng paghihirap at kaguluhan sa
pagitan ng mga nandayuhang Tsino at katutubong
Palakpakan ang pangkat ng Malaysia at Singapore Malay.

Susunod ay ang pangkat ng Myanmar Ang mga British ang kanluraning bansa na sumakop sa
Burma

Dahilan ng panankop ng Burma ay dahil magagamit ng


British ang Burma upang mapigilan ang nagtatangkang
sumakop sa silangang bahagi ng India.

Marahas ang naging pananakop ng British dahil sa


pagkakaroon ng mga Digmaang Anglo-Burmese

Ang resident system ay isang patakaran na ipinatupad


ng British sa Burma

Malaki ang naging epekto ng pananakop ng British sa


Myanmar. Malaki ang naging pinsala dahil sa
pagkakatalo ng Burna sa digmaan.

Susunod ay pangkat ng Laos, Cambodia at Vietnam Ang bansang France ang kanluraning bansa na nanakop
sa tatlong bansa

Ang dahilan ng pananakop ng France ay dahil sa


mayamang kalikasan ng mga bansa at magandang
daungan ng Indo-China

Direktahang pinamahalaan ng mga French ang Indo-


China
Palakpakan natin ang huling grupo
F. Paglalapat

Batay sa ating talakayin nakita natin ang mga aaging epekto Opo, makikita pa po natin ito sa kasalukuyanng
ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog-Silangang Asya. panahon gaya nalang ng mga naiwanng pagbabagong
Sa kasalukuyang panahon makikita pa aba natin ang mga Amerika sa Pilipinas halimbawa na ditoang sistema ng
pagbabagong naganap dulot ng pananakop ng mga edukasyon na hanggang ngayon ay ating ginagamit
kanluranin?

G. Paglalahat

Ano-ano ang dahilan ng kanluranin sa pananakop ng mga Dahil sa paghahanap ng iba’t-ibang panlasa
lupain sa Asya?
May iba pa pang ideya? Dahil sa mayamang likas na yaman ng mga bansa sa
Asya.
V. Pagtataya
Ano-anong bansa ang nasakop ng mga kanluranin sa Timog-
Silangang Asya?
Ano-anong pamamaraan ang ginamit ng mga kanluranin sa
pananakop sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya?

VI. Takdang Aralin


Basahin ang sususnod na aralin

Ipinasa ni:
Elmira N. Nidas
Ipinasa kay:
G. Darwin S. Laureano
-Guro-

You might also like