You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Pambansang Punong Rehiyon


Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Paranaque

ARALING PANLIPUNAN 7
Ikaapat na Markahan
Ikalawang Linggo

Mga Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-


Silangang Asya

Mga Kasanayang Pampagkatuto (Essential Competencies)


-Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismong mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo)
pagdating nila sa Silangan at Timog Silangang Asya (AP7KISIVA-1.1)

Layunin:
Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod mong kasanayan:
1. Nasusuri ang mga patakarang ipinatupad ng mga Kanluranin at ang
epekto nito sa mga bansa sa Sillangan at Timog Silangang Asya
2. Nakagagawa ng isang sanaysay tungkol sa epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Pilipinas..

Balikan Natin

Panuto: Isulat sa unahan ng bilang ang sagot na inilalarawan


ng mgapangungusap sa pamamagitan ng pag-aayos ng
mga letra.

1. YOPO- isang halamang gamot na dinala ng


Englandsa China na naging sanhi ng digmaan ng
dalawang bansa.
2. RINFDEAND NLMLAGEA- isang Portuges na
manlalakbay nanakarating sa Pilipinas sa ngalan ng hari
ng Spain
3. CSOMULCA- pulo sa Indonesia na tianatawag ding
Spice Island dahil sa mayaman ito sa mga
pampalasang produkto.

Unawain Natin
Basahin ang Teksto
Mga Patakarang Ipinatupad ng mga Kanluranin sa Silangan at
Timog-Silangang Asya
Nang dumating ang mga Europeo sa Silangang at Timog Silangang Asya maraming mga
pagbabagong naganap lalo na nang magkaroon sila ng mga patakaran na siyang sapilitang
ipinatupad sa mga mamamayanng mga bansa dito.
Silangang Asya
China
Matapos matalo ang China sa dalawang Digmaang Opyo, unti-unting humina ang katatagan ng
pamahalaan nito na siyang nagbigay daan sa pagsasamantala ng ibang mga kanluranin na
makapasok sa mga daungan nito. Upang maiwasan ang digmaan ng mga bansang kanluranin, hinati
nila ang China sa tinatawag na sphere of influence na ibig sabihin ay ang paghahati-hati ng China
sa mga rehiyon na kung saan nangingibabaw ang karapatan ng mga Kanluraning bansa na kontrolin
ang ekonomiya at pamumuhay ng mga tao dito. Ang mga kanluraning bansa ay pinayagan din ng
karapatan na magtayo ng iba’t ibang imprastraktura gaya ng kalsada, tulay, tren at mga gusali. Ang
mga bansang nagkaroon ng sphere ofinfluence sa China ay ang England, France, Portugal, Russia,
Germany at Italy. Ang bansang Japan ay nagkaroon din ng sphere of influence sa China ng matalo
niya ito sa digmaang Sino-Japanese. Nakuha nito ang mga isla ng Formosa,
Pescadores, at Liadong Peninsula.Ngunit ang United States ay hindi nagkaroon ng sphere of
influence sa China nanagdulot ng pamagamba sa kanya na maisara ng China ang
pakikipagkalakalan sa mga bansang hindi kasali sa sphere of influence.
Kaya iminungkahi ni John Hay, Secretary of State ng United States na ipatupad ang Open Door
Policy na kung saan magiging bukas ang China sa pakikiagkalakalan sa mga bansang walang
sphere of influence dito. Sa mga patakarang ito, nawala sa China ang kontrol nila sa kanilang
ekonomiya at mga patakaran para sa mgadayuhan.

Japan
Nang maging bukas ang mga daungan ng Japan sa mga Kanluranin, humina ang pamumuno
ng Shoguntong Tokugawa na pinalitan ang pamumuno ni Emperor Mutshuhito na nanungkulan sa
edad na labinglima. Tinawag nya ang kanyang panunungkulan na Meji Era o ibig sabihin ay
enlightened rule. Niyakapniya ang modernisasyon ng mga kanluranin at ginamit ang mga natutunan
sa kanila tulad ng makabagong paraan ng kagamitan, teknolohiya at paraan ng pamumuhay upang
mapaunlad pa ang kanilang bansa.

Timog-Silangang Asya

Pilipinas
Lubos na nasakop ng Spain ang Pilipinas sa pamumuno ng Espanyol na si Miguel Lopez de
Legaspi Nagkaroon ng mga patakaran ang mga Espanyol sa Pilipinas na naging pahirap para sa
mga Pilipino tulad ngtributo o pagbabayad ng buwis ng mga katutubo, polo y servicio o sapilitang
paggawa ng mga kalalakihangedad 16-60 taong gulang, kalakalang galyon ito ay kalakalan sa
pagitan ng Maynila at Acapulco isang lungsod sa Mexico sila lamang ang maaring magpalitan ng
produkto dahil pareho silang kolonya ng Spain.
Ginamit din ng mga Espanyol ang Kristiyanismo upang mapasunod nila ang mga Pilipino sa kanilang
mgapatakaran.

Indonesia
Ipinatupad ng mga Dutch ang patakarang culture system sa Indonesia upang matugunan nito
ang pangngailangan sa pagbebenta ng mga pampalasa sa pandaigdigang kalakalan. Dumanas ng
lubos na paghihirap ang mga Indones dahil sa sapilitang pagpapatanim ng mga Dutch ng iba pang
mga produkto tuladng bulak, palms, tsaa, tabako at iba pang mga pampalasa.

Burma (Myanmar)
Nang matalo ang Burma ng England sa tatlong digmaang Anglo-Burmese, ganap na sinakop ng
mga Ingles ang bansa at nagtayo ng patakarang resident system. Naglagay ang mga Ingles ng
isang British Resident sa Burma upang maging kinatawan ng England na maninirahan sa bansa.
Tungkulin niyang makipagugnayan sa mga dayuhang bansa upang makipag-usap, makipagkasundo,
makipagkalakalan at magdesisyon sa mga usaping panlabas ng Burma na dati ay gawain lamang ng
hari. Bunga nito, nawalan ngkapangyarihan at karapatan ang hari at naging sunud-sunuran lamang
sa mga Ingles.
French Indo-China
Naging kontrolado ng France ang mga bansang Laos, Vietnam at Cambodia na tinawag na
French Indo-China. Ang mga French ay humawak ng iba’t ibang mga posisyon sa mga pamahalaan.
Ipinag-utos nito ang malawakang pagtatanim ng palay dahil sa panganagilangan sa kalakalan.
Naghirap ang mga mamamayan dahil kinukuha ng mga French ang mga palay upang iluwas.

Ilapat Natin
Data Retrival Chart

Panuto: Alamin natin ang inyong natutunan sa aralin. Punan ang tsart
ng mgapatakarang ipinatupad ng mga Kanluranin at ng epekto
nito sa mga mamamayan ng mga bansa na tinutukoy

Bansa Mga Patakaran Epekto sa mga


mamamayan
1. China

2. Japan

3. Pilipinas
Suriin Natin

Panuto: Pagtapatin ang mga larawan ng mga patakaran sa hanay A


at ang mga bansa sa hanay B Isulat ang letra ng tamang sagot.

.Hanay A Hanay B

_ 1. A. Burma

Sphere of Influence

_ 2.
B. China

Meji Era
3.

C. Indonesia

Polo y servicio

4. D. Japan

Culture system

5. E. Malaysia

F. Pilipinas
Resident System

Tayain Natin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1.
Ito ay tawag sa paghahati-hati sa China ng mga bansang kanluranin upang
magkaroon ng karapatan sa mga daungan nito.
A. Resident System C. Culture System
B. Open Door Policy D. Sphere of Influence
2. Anong bansang kanluranin ang hindi napasama sa sphere of influence sa China?
A. Russia B. Japan C. United States D. England
3. Sa anong paraan ginamit ni Emperor Mutsuhito ang mga makabagong
kaalamangnatutunan niya sa mga kanluranin?
A. Sa paglaban sa mga kanluranin C Sa pagiging makapangyarihan
B. Sa pagpapaunlad pa ang kanilang bansa D. Sa pakikipagkasundo sa mga ito
4. Ipinatupad ng mga Dutch ang culture system sa Indonesia upang
A. Magkaroon ng maayos na kultura ang mga Indones.
B. Magkihati sila sa mga Indones sa kita ng kanilang mga pananim.
C. Magkaroon ng mga pananim ang mga Indones para sa kanilang kabuhayan
D. Matugunan nito ang pangngailangan sa pagbebenta ng mga pampalasa sa pandaigdigang
kalakalan
5. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng pananakop ng mga
Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya?

I. Naghirap ang mga mamamayan.


II. Nakinabang ang mga dayuhan sa mga bansang kanilang sinakop.
III. Dumanas ng kalupitan at diskriminasyon ang mga bansang
sinakop.
IV. Malugod na tinanggap ng mga bansang sinakop ang pananakop
ng mga Kanluranin.

A. I, II at III C. II, III at IV


B. I, III at IV D. I, II at IV

Likhain Natin

SANAYSAY NG EPEKTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA PILIPINAS

Layunin Makagawa ng isang sanaysay na may temang “Epekto ng


(Goal) Kolonyalismo at Imperyalismo sa Pilipinas.”

Isang writer na nagnanais na makapagbigay ng sariling


Gampanin
opinyon tungkol sa epekto ng kolonyalismo ay
(Role)
imperyalismo sa bansang Pilipinas.

Manunuod
(Audience) Mga mag-aaral, guro. Magulang

Sitwasyon Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang sanaysay tungkol


(Situation) sa paksang “Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa
Pilipinas.”

Produkto Sanaysay tungkol sa epekto ng kolonyalismo at


(Product Performance) imperyalismo sabansang Pilipinas.

Pamantayan (Standard) Maayos na paglalahad ng sanaysay


Mga Hakbang:

1. Mula sa isang malinis na papel, ilahad ang iyong saloobin at opinyon tungkol sa paksang “Epekto
ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Pilipinas.
2. Maaaring mangalap ng mga opinyon at saloobin ng mga kasama sa bahay upang
lalong maunawaan ang mga naging epekto ng pananakop ng mga dayuhan sa Pilipinas.

3.Kuhanan ito ng larawan at ipasa sa inyong FB messenger ng guro para ito ay mamarkahan.
Pagkatapos itong mamarkahan ay i-popost ito sa FB messenger group ng klase sa hudyat ng
iyong guro.

RUBRIK NG PAGMAMARKA
Higit sa Nakamit ang Bahgyang Hindi
Inaasahan Inaasahan nakamit ang nakamit ang
Pamantayan (20puntos) (15 puntos) Inaasahan Inaasahan
(10 puntos) (5 puntos)

Nailahad ang ideya Nailahad ang Nailahad ang Nailahad ang


sa loob nang ideya sa loob ideya sa loob ideya sa loob
mahigpit 60 na nang mahigit 40 nang mahigit 20 nang mahigit 10
Nilalaman salita salita salita salita

Organisasyon Lohikal at mahusay Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay


ng mga Ideya ang pagkakasunod debelopment ng pagkakaayos ng na organisado
sunod ng mg a mga talata mga talata ang pagkakalahad
ideya at gumagamit subalit hindi subalit ang mga ng sanaysay
din ng ma makinis ang ideya ay
transisyunal na pagkakalahad hindu ganao na
pantulong tungo sa debelop.
kaliwanagan ng
mga ideya

Konklusyon Nakapanghahamon Naipapakita ang Hindi ganap ang May kakulangan


ang konklusyon at pangkalahatang naipakita ang at walang pokus
naipapakita ang palagay o pasya pangkalahatang ang konklusyon
pangkalahatang tungkol sa palagay o pasya
palagay o paksa paksa tungkol sa
batay sa katibayan batay sa mga paksa batay sa
at mga katwirang katibayan at mga katibayan
inisa-isa sa mga katwirang at mga
bahaging gitna inisa-isa sa katwirang inisa
bahaging gitna isa sa bahaging
gitna

Gamit Walang Halos walang Maraming Napakarami ng


pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali at
istraktura ng mga istraktura ng istraktura ng magulo ang
pangungusap at mga mga istraktura ng mga
gamit ng mga salita pangungusap at pangungusap at pangungusap at
gamit ng mga gamit ng mga gamit ng mga
salita salita salita

You might also like