You are on page 1of 18

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2
Mga Dahilan, Pangyayari, at Epekto ng
Unang Yugto ng Kolonyalismo
Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang
Unang Markahan – Modyul 2: Mga Dahilan, Pangyayari, at Epekto ng Unang
Yugto ng Kolonyalismo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Angel A. Aking
Editor:
Tagasuri: Jose Ramil B. Dupa, Alberto, Jr. S. Quibol
Tagaguhit:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn B. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris Juanillo
Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education - Davao City

Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Avenue, Davao City
Telephone: 224-3274
E-mail Address: davaocity@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2

Mga Dahilan, Pangyayari, at Epekto ng


Unang Yugto ng Kolonyalismo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
saiyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyongp angangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng
mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga
gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sasusunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.

Kung meron parte ng modyul na kayo ay nahihirapan sa pagsagot sa


mga inilaang gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin
Isang mapagpalang araw sa iyo. Sabik kana bang matutong muli
ng isa na naming panibagong aralin? Sa araling ito ay matutukoy
at malalaman mo ang mga dahilan sa pananatili ng mga dayuhang
mananakop sa mga mahihinang bansa, pagkakaroon ng mga pagbabago sa
mga nakaugalian at kultura, ang pagbabagao sa sistema ng pamumuhay ng
mga tao, ang tawag dito ay Kolonyalismo.

Ang araling ito ay nakabatay sa Most Essential Learning Competency


(MELC) na: Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng
Kolonyalismo (AP8 PMD-IIIa-b-1).

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralin mo ang sumusunod na


paksa:

 Paghahanap ng Kayamanan

 Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

 Paghahangad ng Katanyagan

Pagkatapos mong pag-aralan ang mga nabanggit na aralin, ikaw ay


inaasahang:

1. naisa-isa ang mga kaganapan sa unang yugto ng kolonyalismo;


2. nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari sa unang yugto ng
kolonyalismo;
3. napapahalagahan ang mga naging ambag ng kolonyalismo sa
daigdig.

SubukinNatin

Gawain 1: Paunang Pagtataya


Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot
mula sa mga pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel. Hada kana ba?
1. Alin sa sumusunod na bansa ang nagpasimula sa paggagalugad sa
Atlantic Ocean upang makahanap ng bagong ruta tungo sa lupain ng
mga pampalasa.
A. Italy C. Portugal
B. Spain D. Germany

1
2. Ito ay isang kasunduan noong panahon ng paglalayag na kung saan
ang silangang bahagi ng mundo ay para lamang sa paggalugad ng
Portugal at ang kanluran ay para sa Spain?
A. Kasunduan sa Paris
B. Kasunduang Zaragosa
C. Kasunduang Barcelona
D. Kasunduang Tordesillas
3. Ito ay isang anyo ng imperyalismo at patakaran ng isang bansa na
mamamahala ng mga sinakop upang magamit ang likas na yaman ng
mga sinakop.
A. kapitalismo
B. kolonyalismo
C. imperyalismo
D. sphere of influence

4. Ang panahon ng kolonyalismo ng mga Kanluranin ay nagdulot ng iba’t


ibang epekto sa mga bansang Asyano. Alin sa mga sumusunod ang
hindi epekto ng pananakop ng mga Kanluranin sa mga bansang
Asyano?
A. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at
komunikasyon na nagdulot nang mabilis na pagluwas ng kalakal
sa pandaigdigang pamilihan.
B. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga
sarili sa panahon ng pananakop ng mga Kanluranin.
C. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na
kasalang katutubo at dayuhan.
D. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap
ng mga produktong Kanluranin.

5. Ito ay isang sistemang pang-ekonomiya na ang tagumpay ng isang


bansa ay masusukat sa dami ng reserbang ginto at pilak.
A. sosyalismo
B. kapitalismo
C. piyudalismo
D. Merkantilismo

6. Ano ang kontribusyon ng sistemang merkantilismo sa Europe?


A. Bumagal ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo.
B. Napabilis ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo.
C. Naging batayan ito ng kapangyarihan ng mga bansa sa Europe.
D. Sa tulong ng sistemang ito, natustusan ng mga bansa ang kanilang
pangangailangan.

7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagkabuhay


ng aspeto ng Ikalawang Yugto ng Pananakop/Imperyalismo?
A. Paglaki ng populasyoN
B. Pagbabagong pampulitika
C. Paghahangad ng malaking tubo

2
D. Teknolohiya, tulad ng mga imbensyon

8. Magkakatulad ang nasyonalismong nalinang sa Europe at sa mga


kolonya nito. Alin ang higit na magpapatunay sa pahayag?
A. Parehong naghahangad ng kayamanan
B. Bawat isa ay naghahangad ng katungkulan.
C. Parehong nagnanais na magpalawak ng kapangyarihan.
D. Pareho silang naniniwala sa mga karapatan, kalayaan at
kasarinlan.

9. Makatarungan ba ang pananaw na “White Man’s Burden” ng mga


Europeo o ang paniniwalang mga puti ang superior na lahi sa mundo
at may responsibilidad na turuan at bigyan ng kabihasnan ang
kanilang mga bansang sinakop?
A. Hindi, dahil mas superior sa kanila ang ibang lahi.
B. Hindi, dahil lahat ng tao ay pantay-pantay na ginawa ng Diyos.
C. Oo, dahil mga mangmang ang ibang lahi at kailangan nila ang
tulong ng mga puti.
D. Oo, dahil ang mga puti lamang ang nakakaalam ng mga bagay at
nararapat lamang na ito’y ituro nila sa iba.

10. Ang Merkantilismo ay isa sa mga salik ng pag- usbong ng Unang


Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Europa, Ang sistemang ito
ba ay mayrong kontribusyon sa Europa?
A. Wala, dahil sa sistemang ito humina ang kalakalan sa Europa
B. Wala, dahil sa sistemang ito bumaba ang ekonomiya ng Europa
C. Oo, naging batayan ito ng kapangyarihan ng mga bansa sa Europa
D. Oo, dahil sa sistemang ito natustusan ng mga bansa ang kanilang
mga pangangailangan

AralinNatin
Sa pangkalahatang layunin ng Kolonyalismo, ninais ng mga
kanluranin na mangibabaw ang pang-ekonomiyang aspeto sa kanilang mga
nais makamit ngunit maaaring ring gamitin ng mga mananakop ang
kanilang relihiyon at kasanayan sa kultura ng mga katutubong tao, layon
ng kolonyalismo na mapalawak o mapanatili ang kapangyarihan nito sa
ibang mga tao o teritoryo sa iba’t-ibang bansa.

Ano ang kolonyalismo?


Ito ay isang tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa
sa isang mahinang bansa na mayroong mga likas na yaman, dahil sa
kanilang pansariling pagnanasa na pagsamantalahan at makamkam ang

3
yaman ng bansang gusto nilang sakupin. Ang mga yamang taglay ng bawat
bansang nasakop ay mas kailangan upang mapalago ang ekonomiya ng mga
kanluraning bansa. Layunin nitong mapakinabangan ang anumang
mayroon ang mahihinang bansa sa ikauunlad at ikalalakas ng nasyong
nanakop.
MGA DAHILAN NG UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO
Mayroong tatlong bagay ang itinuturing na motibo para sa
kolonyalismong dulot ng eksplorasyon,
Paghahanap ng Kayamanan
Ang ugnayan ng mga mangangalakal na Asyano at Europeo ay
naputol mula ng masakop ng mga Turkong Muslim ang ruta ng kalakalan.
Sa mga mangangalakal na Europeo tanging mga Italyanong mangangalakal
na taga Venice, Genoa, at Florence ang pinayagan ng mga Turkong Muslim
na makadaan sa ruta.

Ang mga kalakal na nakukuha sa Asya ng mga Italyano ay dinadala


sa Kanlurang bahagi ng Europa tulad ng Portugal, Spain, Netherlands,
England, at France. Dahil dito, napilitang maghanap ng bagong ruta ang
mga mangangalakal na Europeo. Pinangunahan ito ng mga Portuges at
sinundan ng mga Espanyol, Dutch, Ingles, at Pranses.

Noong ika-16 na siglo naimbento ang mas maunlad na kagamitang


pandagat, tulad ng Astrolabe na kung saan ginagamit ito upang malaman
ang oras at latitud samantalang ang Compass ay ginagamit upang malaman
ang direksyon ng pupuntahan. Sa Europa unang umiral ang prinsipyong
merkantilismo, kung saan ang basehan ng yaman at kapangyarihan ang
dami ng ginto at pilak na reserba ng mga bansang mananakop.

Ang panahon ng eksplorasyon ay nag-iwan ng malaking pagbabago sa


pamumuhay ng lipunan at kabihasnan ng mundo. Ang pang-katubigang
kalakalan at pananakop ay naging daan sa pag-unlad ng ekonomiya ng
Europa.
Ang pagtuklas ng alternatibong ruta na natuklasan ng mga Portuges
ang nagbigay ng hamon sa iba pang bansang Europeo na magalugad ang
iba pang panig ng daigdig tulad ng Spain, Netherlands, France, England,
Russia, Germany, at Amerika. Nagpaligsahan ang mga ito para tanghaling
pinakamakapangyarihan sa mundo kung sino ang may malawak na mga
lupain o teritoryo.

Nanguna sa mga ito ang Portugal at Espanya na naging matindi ang


kanilang pagpapaligsahan. Sa matinding pagtutunggalian nila, namagitan
ang Papa ng Simbahang Katoliko para maiwasan ang paghantong sa
digmaan. Taong 1494 ay nagtalaga ng “line of demarcation” o hangganan

4
kung saang bahagi ng mundo maggagalugad ang dalawang bansa. Ayon sa
Tratadong Tordesillas, ang Portuges ay maggagalugad sa bandang
silangan samantalang ang Espanya ay sa bandang kanluran.

B. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

Bukod sa Portugal, ang Espanya ay isa sa pinakamakapangyarihang


bansa sa mundo noong 1500’s. Ang dalawang bansang ito ay parehong
bansang Kristiyano kung kaya’t humingi sila ng pahintulot mula sa Papa ng
Roma na si Papa Alexander VI na ipalaganap ang Kristiyanismo sa mga
bansang kanilang makolonisa. Pinahintulutan ni Papa Alexander VI ang
dalawang bansa sa kagustuhang mapalaganap ang Kristiyanismo.
Magkatunggali ang Portugal at Espanya sa gagawing eksplorasyon kung
kayat sinikap ng Papa na gumawa ng legal na hakbang upang magsilbing
gabay sa panunuklas ng mga bansa at sa kolonisasyon nito.

Pinagtibay ang Kasunduan ng Tordesillas. Ang kasunduang naghahati


sa daigdig para sa Portugal at Espanya. Ang Silangan ay para sa Portugal at
ang Kanluran ay para sa Espanya. Kasabay ng pananakop ng isang bansa
ay pagbabahagi at pagdadala ng mismong relihiyon, paniniwala, at iba’t
ibang gawi nito. Ibinabahagi ng mananakop ang kanilang mga kaalaman sa
kultura, gawi tulad ng mga pagdiriwang, at maging ng relihiyon na sadyang
lubos na nakakaimpluwensya sa pagsisimulang pagyakap ng nasakop na
bansa sa kulturang dala nito. Masasabing tagumpay ang konsepto ng
kolonyalismo.

C. Paghahangad ng Katanyagan

Ang “Kaluwalhatian” ay tumutukoy sa kumpetisyon sa pagitan ng


mga monarkiya. Ang ilang mga hari ay naghahangad na maitaguyod ang
kanilang mga paghahabol sa mga bagong nakikipag-ugnayan sa mga
teritoryo upang mapalakas ang kanilang posisyon sa politika sa Europa at
madagdagan ang kanilang kapangyarihan sa gastos sa pagmamay-ari ng
mga lupain.

Niyakap din nila ang ideolohiya ng Merkantilismo, upang


madagdagan ang kayamanan ng estado sa pamamagitan ng pagdaragdag ng
mga reserba ng mahalagang mga metal. Para sa mga naghaharing uri, ang
bawat paglalakbay ay maaaring mangangahulugan ng ibayong yaman para
sa kanilang bayan.
Habang tumataas ang bilang ng populasyon, tumataas din ang bahagi
ng buwis na napupunta sa hari. Sa salaping ito, nakapag-eempleyo ang hari
ng mga propesyonal o mga bayarang kawal (mersenaryo) upang mapalakas
pa ang kanilang kapangyarihan.

5
Gawin Natin

Gawain 2: Iguhit Mo!

Panuto: Ipagpalagay na ikaw ay isang manlalayag o manlalakbay sa iba’t


ibang lugar, gumuhit ng isang barko kung saan nakapaloob dito ang mga
bagay na nais mong ibahagi sa ibang tao na may iba’t ibang kultura at mga
bagay na nais mong makamit o makuha sa kanila. Iguhit ang iyong barko
sa isang malinis na papel.

Gawain 3: Ako’y isang Makata!


Kung si Max Surban, na isang Pinoy na mang-aawit, ay nakapagsulat
ng kanta tungkol sa kasaysayan ng ating bansa. Ipagpalagay na ikaw
naman ay isang makata, sumulat ka ng isang tula patungkol sa mga
impluwensiya ng kolonyalismo na nagdulot ng pagbabago sa kasalukuyang
panahon.

Rubriks sa Paggawa ng Tula

Pamantayan 15 10 5

Angkop at May iilang Walang


Pagkabuo wasto ang mga salitang ginamit kaugnayan at
salitang na hindi hindi wasto ang
ginagamit sa angkop at wasto mga salitang
pagbubuo ng ginamit
tula

Mabisang Hindi gaanong Hindi


Nilalaman naipahayag ang naipahayag ng naipahayag
mensahe ng mabisa ang nang mabisa
tula mensahe ng ang nilalaman
tula ng tula.

6
Sanayin Natin

Gawain 4: Maikling Pagsusulit


Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot
mula sa mga pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel. Hada kana ba?
1. Nagkaroon ng pagbabago sa kabuhayan noong ika-16 na siglo dahil sa
pag-usbong ng doktrinang Merkantilismo. Alin ang lubos na
nagpapatunay sa pahayag na ito?
A. Malawakang paggamit ng salaping ginto at pilak.
B. Paramihan ang mga sandatang nukleyar.
C. Pag-alab ng damdaming nasyonalismo.
D. Pagsakop ng mahihinang bansa.
2. Isa sa mga pahayag na nasa ibaba ang higit na nagpapakita ng dahilan
kung bakit nahumaling ang mga Europeo sa Asya noong ika- 16 siglo
A. Dahil hindi pa nila narating ang lugar na ito.
B. Dahil sa angkin nitong kagandahan at sa mga pampalasa.
C. Dahil sa mga tala na isinulat ni Vasco de Gama sa kagandahan sa
Asya
D. Dahil limitado lamang ang kanilang nalalaman sa mga tao
naninirahan dito
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang pinaka pangunahing dahilan kung
bakit naghanap ng alternatibong ruta ang mga Portuguese sa kalakalan?
A. Upang makahanap ng ibang lupang gagalugarin
B. Para maka pagbenta ng mga prodokto na galing sa kanilang bansa
C. Dahil naghahanap sila ng mga lugar na mapagkunan ng
kayamanan
D. Dahil ang mga Venitian lamang ang makakadaan sa rutang
pangkalakalan
4. Alin sa mga pahayag ang LUBOS na nagpapakita ng HIGIT na epekto ng
industriyalisasyon sa intensidad ng kolonyalismo?
A. Labis na nangangailangan ng mga hilaw na sangkap ang mga
Europeo na nakukuha nila sa mga kolonyag bansa.
B. Dahil sa naimbentong steamboat, nagkaroon ng pagbabago sa
kagamitan ng sa paglalayag.
C. Nabawasan ang pangangailangan sa lakas paggawa kaya nawalan
ng trabaho ang mga tao.
D.Natakot ang mga Europeo sa Industriyalisasyon kaya sila humanap
ng bagong kolonya.
5. Sa Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin, ang panahon ng
eksplorasyon ang naging dahilan upang ang karagatan ay naging daan
sa:
A. Mga paligsahang pantubig.
B. Pagtatag ng mga hangganan sa karagtan.
C. Paggawa ng malaking sasakyang pangdagat.
D. Tungo sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo.

7
6. Ang sumusunod na pahayag ay mga naging mabuting epekto ng Unang
Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa mga bansang nasakop,
MALIBAN sa isa:
A. Pagbabago ng ecosystem ng daigdig.
B. Pagpapalaganap ng sibilisasyong kanluranin.
C. Pagpapalaganap ng Kristyanismo na tinanggap ng mga bansang
nasakop.
D. Pagkakaroon ng mga bagong produkto mula sa mga bansang
nasakop na nakatulong sa kalakalan.
7. Paano kaya nakaapekto sa Unang Yugto ng Kolonisasyon sa kalakalan
ang paglalayag ng mga bansa sa Europa sa iba’t- ibang panig ng daigdig
lalong lalo na sa Asya?
A. Nagkaroon ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ng kultura.
B. Nagsimula ang ugnayan ng silangan at kanluran at nagkaroon ng
palitan ng bagong produkto.
C. Mas lalong lumaki ang agwat ng mahihirap at mayayaman dahil sa
paniniil ng mga kanluranin.
D. Masalimuot ang mga pangyayaring naganap sa mga bansang
naging kolonya ng mga kanluranin.
8. Maraming pagbabago ang ibinunga ng kolonisasyon sa lupaing nasakop.
Sa paanong paraan naipapahayag ang epektong pang-kultura ng bansang
nasakop?
A. Nagkaroon ng mga makabagong teknolohiya.
B. Napagsamantalahan ang mga likas na yaman at lakas paggawa.
C. Nakaranas ng pansamantala mula sa malupit na patakaran ng
mga dayuhan.
D. Nabago ang pananamit, paniniwala, tradisyon, at pag-uugali ng
mga mamamayan.
9. Ang Glory ay isa sa mga 3 Gs na naging salik sa paglalayag at
paggalugad ng mga Europeo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
nagpapaliwanag ukol sa glory bilang isang salik?
A. Pinakita lamang ng mga Europeo na sila ay sikat
B. Upang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo
C. Gustong mahikayat ng mga Europeo na tangkilikin ang kanilang
produkto
D. Ang glory bilang salik ay nagpapakita ng kagalingan nila at dapat
silang dakilain ng mga bansang sinakop.
10. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit naging salik
ang paghahanap ng panibagong ruta ng Portugal at Spain sa
paggalugad at Unang Yugto ng Imperyalismo?
A. Dahil nagkaroon ng magandang imbensyon ang Portugal at Spain
B. Dahil mas madaling makakuha ng spices kung dadaan sa
panibagong ruta
C. Dahil kontrolado ng Italya ang Istanbul na pinakamalamit na ruta
patungong Asia
D. Dahil ang United Kingdom at France ay gumawa rin ng kanilang
ruta patungong Asia

8
Tandaan Natin
Nararapat na tandaan ang sumusunod na mahahalagang
konsepto at kaisipan tungkol sa ating leksyon.

Ang kolonisasyon sa simple nitong kahulugan, sinasaad nito ang


direktang pananakop ng makapangyarihang bansa sa mga mahihinang
bansa para mapagsamantalahan ang mga yaman nito. Isang paraan ng
pagpapalawak ng teritoryo na kung saan pinagsasamantalahan ng nanakop
na bansa ang mga yamang taglay ng nasakop nito.
Dahil sa kolonisasyon, marami ang nabago sa mga naging kolonya
nito kasama na ang kultura, pananalita, paniniwala, agham, edukasyon, at
lipunan. Maaaring magbigay o magdulot ang kolonisasyon ng magandang
epekto, katulad ng pagkakaroon ng sistematikong gobyerno at lipunan,
ngunit maaari ring masama ang dulot nito, kagaya ng distorsiyon sa kultura
ng tao kung saan nababago ang kanilang pagkakakilanlan.

Dala-dala ng kolonisasyon ang pagkakaroon ng paniniwala o relihiyon


dahil naging makapangyarihang instrumento ito sa paghikayat sa mga tao
na umanib sa kanilang gobyerno at maging ganap na kolonya.

Suriin Natin
Gawain 5: Impluwensiya ng Banyaga Kagalingan ng Aking Kapwa
Ang kolonyalismo ang nagpabago sa sistema ng ating komunidad,
kultura, sining at edukasyon. Ang sumusunod ay mga larawan na gawa ng
mga local artist ng Davao. Suriin ng mabuti ang mga ito kung ano ang
naging impluwensiya ng kolonisasyon at isulat ang iyong obserbasyon sa
isang malinis na papel.

Larawan ni Egon Bollozos

9
Larawan ni Banjo Satorre (May Likha)

Payabungin Natin
Gawain 6: Graphic Organizer

Panuto: Itala ang mga naging epekto ng kolonyalismo sa iba’t ibang


larangan gamit ang graphic organizer sa inyong sagutang papel.

Edukasyon Kultura

Kolonyalismo

Paniniwala Lipunan

10
Ano sa tingin mo ang pinaka malaking epekto ng kolonyalismo
sa kasalukuyang panahon?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Pagnilayan Natin

Sa paglipas ng panahon, nagwakas na ang kolonisasyon, ngunit nag


iwan ito sa atin ng mga bagay na nagpabago ng lubos sa ating buhay, lalo
na sa kultura, gobyerno, sining, siyensiya, at edukasyon. Mahalagang alam
pa rin natin kung ano at sino tayo bilang isang lahi, bilang isang Pilipino na
may takot sa Diyos, paninindigan at pagmamahal sa bayan.
Ang kolonyalismo ay nag iwan ng kanyang impluwensiya na siyang
ginagamit ng napakarami ng henerasyon at binago na nito kung sino tayo
bilang isang bayan.
Bilang isang indibidwal na may pagmamahal sa bayan, paano kaya
natin maipagpapatuloy na ipreserba ang ating pagka Pilipino?. Sa ibaba
gumawa ng maikling paninilay sa pamamagitan ng sanaysay na may
pamagat na “Ako ay Pilipino”.

Ako ay Pilipino

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

11
Susi sa Pagwawasto

12
Sanggunian

Blando R., Mercado M., Cruz M. et al. (2014) Unang Edition, Araling
Panlipunan Kasaysayan Ng Daigdig. 5Th Floor Mabini Building,
DepEd Cpmplex Meralco Ave. Pasig City , Vibal Publishing House Inc.

Soriano C., Antonio E., Dallo E., Imperial C., Samson M. ( 2019) Kayamanan
Kasaysayan ng Daigdig. 856 Nicanor Reyes Sr. St. Sampaloc, Manila
Rex Book Store Inc.

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like