You are on page 1of 21

Government Property

NOT FOR SALE


6
Araling Panlipunan
Kwarter 3
Mga Suliranin, Isyu at Hamon ng
Kasarinlan Noong Panahon ng Ikatlong
Republika sa Kasalukuyan

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Quarter 3 - Modyul 8: Mga Suliranin, Isyu at Hamon ng Kasarinlan Noong
Panahon ng Ikatlong Republika sa Kasalukuyan

Unang Edisyon 2020


Isinasaad ng Batas Pambansa Bilang 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon
pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ito
ginawa kung may hangarin na ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.
Ang mga hiram na materyal (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.)
na ginamit sa aklat na ito ay pag-aari ng sinumang nagtataglay ng naturang
karapatang-ari. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at
ginamit dito. Hindi inaangkin ng tagapaglathala (publisher) at ng mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte Tagapamanihala


ng mga Paaralan: Edilberto L. Oplenaria

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 6


Mga Manunulat : Nicasio D. Abelidas Jr.
Encarnacion D. Matchete
FOR VALIDATION

Lady Lorenz P. Cabriana


Illustrator and Layout Artist: Christine Melody Maramara
Proofreader, In-House Content and Language Editor: Norman E. Angay

Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Rosemarie T. Macesar, Ph. D.
Assistant Schools Division Superintendent
Members Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID Chief
Angelito D. Barazona, Ed.D., EPSvr –ArPan
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Ricardo S. Abalo, Principal I
Antonieta B. Epe, Ph.D. Principal II
Ma. Fe L. Mesias – Principal I
Ellen O. De Guzman, Ed.D. Principal II
Aida M. Alquilita, - Principal I
Ashlima L. Racmat – MT- II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com
Araling Panlipunan
Kwarter 3
Mga Suliranin, Isyu, at Hamon ng
Kasarinlan Noong Panahon ng Ikatlong
Republika sa Kasalukuyan

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


guro, punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid ng programang
pang-edukasyon ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng Lanao del
Norte. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag - email ng inyong mga puna at mungkahi sa
FOR VALIDATION

Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng Lanao del Norte sa


lrmdsldn@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this module are owned by their respective copyright holders. The publisher and authors
do not represent nor claim ownership over them. Sincerest appreciation to those who have made
significant contributions to this module.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang


inilalarawan ng pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong kwaderno.
1. Ito ang pagbili ng mga produkto, makinarya, teknolohiya at maging ng serbisyo
mula sa ibang bansa para gamitin ang ekonomiya at kabuhayan ng bansa.
a. kalakalan
b. pag-aangkat
c. pagluluwas
d.barter
2. Ito ay tumutukoy sa mga maling gawain at pagmamalabis ng mga tiwaling
pinuno ng pamahalaan.
a. bribery
b. pagnanakaw
c. katiwalian
d. sabwatan
3. Ano ang labis na naapektuhan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ?
a.karangalan ng Pilipinas
b.kabuhayan ng Pilipinas
c. magandang tanawin ng Pilipinas
FOR VALIDATION

d. mga opisyales ng Pilipinas


4. Ano ang tawag sa tahasan na pagtatakwil sa tungkulin ng isang opisyal o
empleyado ng gobyerno na magbubunga ng kanyang kawalan ang integridad.
a. korupsiyon
b. graft
c. globalisasyon
d. polusyon
5. Ang ______ ay inilalarawan bilang kontaminasyon sa hangin, tubig, lupa at
sa iba pang bahagi ng kapaligiran bunga ng gawain ng tao, teknolohiya at
mga kalamidad.
a. Kapaligiran
b. Polusyon
c. Atmospera
d. Buhay
Aralin Mga Suliranin, Isyu at

1 Hamon ng Kasarinlan
Noong Panahon ng Ikatlong
Republika

Alamin

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa ikaanim na Baitang na ng pag-aaral sa Araling


Panlipunan! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Ikatlong Kwarter, Ika-walo na
Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang
gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Araling Panlipunan 6 na binubuo ng mga aralin na
kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.
Sa araling ito, tatalakayin ang mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan noong
panahon ng Ikatlong Republika sa kasalukuyan na nakakahadlang ng pag-unlad ng
bansa.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga ng mga
Pilipino tungo sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan

Pamantayan sa Pagganap:
Naiuugnay ang mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan noong panahon
ng Ikatlong Republika sa kasalukuyan na nakakahadlang ng pag-unlad ng bansa

Kasanayang Pampagkatuto : Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na;


1. Naiuugnay ang mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan noong
panahon ng Ikatlong Republika sa kasalukuyan na nakakahadlang ng pag-
unlad ng bansa
2. Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa pagtugon ng mga
Pilipino sa patuloy na suliranin, isyu, at hamon ng kasarinlan sa kasalukuyan

Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong ganda ng
modyul na ito.
Balikan

Ayusin ang mga titik upang mabuo ang mga salitang tinutukoy sa bawat pangungusap.
1. rtchare – batas o kasulatang naglalaman ng mga alituntuning dapat sundin
2. naitign – tuwirang pagbebenta ng mga produkto o paninda sa mga mamimili sa
paraang paisa-isang piraso
3. sawgapluul – ang pagbebenta ng mga produkto at hilaw na materyales sa ibang
bansa
4. maapinmaya – paghahari;pamamahala
5. anilakitaw – mga suliraning pampolitika, korupsyon

Tuklasin

MGA SULIRANIN, ISYU AT HAMON NG KASARINLAN NG


IKATLONG REPUBLIKA

Dumaan ang Pilipinas sa yugto ng pagbabagong-tatag o proseso ng rehabilitasyon bunga


ng nagging epekto ng digmaan. Narito ang ilan sa mga hamon at suliraning kinahrap ng
Pilipinas na labis na nakaapekto sa kabuhayan ng bansa.

1.Rehabilisasyong pangkabuhayan at pagbangon ng ekonomiya ng bansa


- Pagkatapos ng digmaan at naging napakahirap ang pagbangon ng bansa. Nasira
ng digmaan ang mga daan, tulay, mga bayan, mga lungsod, mga gusali at kasama
na rito ang mga paaralan.

2. Rehabilisasyong Pangkultural ng bansa.


- Naapektuhan ng digmaan ang sistema ng edukasyon noong panahon na yon.
Nawasak at nasunog ang mga paaralan kasama ang mga dokumento  at mga
aklat. Maging mga simbahan ay kasama sa mga napinsala ng digmaan.

3. Kakulangan ng sapat na pondo para tugunan ang lahat ng suliranin mula


sa  impraistraktura, sosyal, pangkabuhayan at pangkabuhayan.
- Sa kakulangan ng hanapbuhay naging mahirap ang pagkolekta ng buwis kung
kaya’t kinailangan na manghiram ng pondo ang Pilipinas sa Estados Unidos.
4. Pagbaba ng Pagpapahalag ng moral ng Tao
- Naging suliranin sa pananatili ng kapayapaan at katahimikan sa
bansa dahil sa kawalan ng hanapbuhay, lumaganap ang krimen. Sa
mga kanayunan ng Luzon ay kinatakutan ang mga HukBaLaHap o
Hubong Bayan Laban sa mga Hapon.
Sagutin ang mga tanong:
1. Isa-isahin ang mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan na kinaharap
ng bansa noong panahon ng Ikatlong Republika. Sa iyong palagay, alin
sa mga ito ang higit na nakaapekto sa kabuhayan ng bansa?
2. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga dahilan kung bakit ang mga
dayuhan ang luminang at nakinabang sa kabuhayan at kayamanan ng
bansa sa halip na ang mga mamamayang Pilipino? Nangyayari pa rin
ba ito sa kasalukuyan?

PAGTUGON NG PILIPINO SA MGA SULIRANIN, ISYU AT HAMON

Ang pamahalaan ng Ikatlong Republika ay tumagal ng dalawampu’t limang


taon.Ito ay pinamahalaan ng anim na pangulong nagsumikap na masolusyunan ang
mga suliraning pangkabuhayang kinaharap ng bansa.

MAHAHALAGANG HAKBANG NA ISINAGAWA NG REPUBLIKA UPANG


MAPABUTI AT MAISAAYOS ANG KALAGAYAN NG PAMUMUHAY NG MGA
TAO

1. Nasyonalisasyon ng Tingiang Pangangalakal


Pinagtibay ng Kongreso ang batas hinggil sa nasyonalismomg
pangangalakal.
Retail Trade Nationalization Act- Ito ay nagtatadhana na ang
makapangangalakal lamang nang tingian ang mga korporasyon o
samahang ganap na Pilipino.

2. Pagpapaunlad ng buhay sa mga baryo


Binigyan diin din ang pagpapaunlad ng buhay sa baryo upang mas
madaling mapuntahan ang mga ito mula sa mga bayan at poblasyon ay
binigyang pansin ng pamahalaan ang pagpapatayo ng mga kalsada at
mga tulay ni Magsaysay. Naitayo rin ang Agricultural credit and
Cooperative Financing Administration(ACCFA) sa kanyang
panunungkulan upang matulungan ang mga magsasaka sa pagbebenta
ng ani. Itinatag din ang Farmers Cooperative Marketing Association
(FACOMA) kung saan ang mga kasapi ng kooperatibang ito ay maaaring
umutang sa ACCFA upang magkaroon ng perang magagamit pambili ng
kalabaw, mga pataba at iba pang kagalitan sa pagsasaka. Isa rin na
programa ang napagtibay ang Land Tenure Reform Law ni Ramon
Magsaysay kung saan itinatadhana ng batas na ito ang paghahati-hati ng
malaking asyendang bibilhin ng pamahalaan upang maipamamahagi ng
hulugan sa mga kasama.

3. Pagpapataas ng Produksiyon Partikular ang Pagsasaka


Sa pamamagitan ng Kodigo ng Reporma sa Lupa na inilunsad ni
Pangulong Macapagal ay napahalagahan at napangalagaan ang
karangalan ng maliliit na magsasaka at nailigtas sila sa masasamang
kinagawiang pinaiiral sa mga sakahan.Nang dahil dito, ang Pilipinas ay
pumapangalawa na sa bansang Hapon sa pangkaunlarang kalagayan ng
ekonomiya.

4. Pagpapabuti sa Sistema ng Pananalapi ng Bansa


Naitatag noong Enero 3, 1949 ang Banko Sentral ng Pilipinas
upang matiyak ang pagsulong ng ekonomiya at mga katatagang
pananalapi ng bansa.Ito ang kinikilalang charter ng ekonomiya ng bansa
at nagpapanatili ng katatagang halaga ng piso.

5. Pagbabago sa Sisteman ng Edukasyon


Paaralang Pampamayanan- Ang kurikulum at pamamaraan ng gagamitin
sa mga paaralang ito ay nakabatay sa pangangailangan ng mga
naninirahan sa mga komunidad at mga suliraning dapat masolusyonan.
Senador Arturo Tolentino – Senador ng Ikatlong Republika na
nagmungkahi na kinakailangang huwag manatiling Ingles ang gagamiting
wikang panturo sa mga paaralan at sa halip gamitin ang wikang
vernacular.

6. Paglulunsad ng Patakarang “Pilipino Muna”


Sa bisa ng Resolusyon Blg. 204 naipatupad ni Pangulong Garcia
ang Patakarang Pilipino Muna, na kung saan ito ay nagbibigay ng
Karapatan sa mga Pilipinong magbukas ng mga kalakal bago ang mga
dayuhan.Ito ay nagdulot ng bagong pag-asa sa taong bayan.

Suriin

Palagay ko ay unti-unti mo nang naliliwanagan ang mga suliranin, isyu at hamon ng


kasarinlan noong Ikatlong Republika. Susuriin natin ngayon kung masasagutan mo
nang tama ito.

Panuto: Iugnay ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik sa patlang.

A B
____ 1. Pagkasira ng gusali,pananim a. Pagbababa ng moral ng tao
cat hayupan
____ 2. Paglaganap ng katiwalian b. Pagbababa ng produksyon
____ 3. Pag-angkat ng produkto sa c. Pagtaas ng angkat ng produksyon
Ibang bansa sa ibang bansa
____ 4. Paghahari ng krimen d. Pagtatamo ng Pilipinas ng malaking
____ 5. Lumaki ang agwat ng pinsala
mayaman at mahirap e. Pag-aangkop ng sistema ng edukasyon
sa bagong kalagayan ng bansa
f. Paglutas sa suliranin ng salapi
Pagyamanin

Panuto: Surrin ang bawat pahayag. Isulat ang TAMA sa linya kung wasto ang
ipinahahayag ng pangungusap. Isulat naman ang salitang MALI kung hindi wasto
ang ipinahahayag ng pangungusap.

____________1. Ang malaking korporasyon ng bansa ay kinontrol ng mga Amerikano


at Tsino samantalang ang mga Pilipino ay nagsilbing mga manggagawa.
____________2. Dahil sa napagdaanang digmaan, naging lugmok ang ekonomiya ng
bansa na naging dahilan ng pagbaba ng antas ng pag-aangkat kaysa
pagluluwas.
____________3. Ang Market Stalls ay isang korporasyon ng pamahalaang ang
pangunahing layunin ay tustusan ng kalakal ang mga Pilipinong
magtitingi sa mas murang halaga.
____________4. Sa mga paaralang pampamayanan ang kurikulum o programa at
pamamaraang gagamitin sa pagtuturo ay nakasalalay sa uri ng
pamayanang kinabibilanagan ng mamamayan.
____________5. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang kinabibilangang charter ng
ekonomiya ng bansa.
____________6. Ang Patakarang Pilipino Muna ay ipinatupad ni Pangulong Garcia sa
bisa ng Resolusyon Blg. 402.
____________7. Ang Patakarang Pilipino Muna ay madaling natanggap ng mga
dayuhang mangangalakal sa bansa.
____________8. Itinatag noong Enero 3, 1949 ang Bangko Sentral ng Pilipinas.
____________9. Ang Kodigo sa Reporma ng Lupa ay inilunsad ni Pangulong
Macapagal.
____________10. Ang patakarang Pilipino Muna ay nagdulot ng bagong pag-as sa
taong-bayan.

Isaisip

Tandaan!
Maraming suliraning pangkabuhayan ang kinaharap ng _______ Republika.
Ang mga io ay bunga ng mga sumusunod na mga salik:
a. Pagtatamo ng Pilipinas ng malaking pinsala pagkatapos ng ________.
b. Pagbababa ng produksyon dulot ng ____- epektibong pamamalakad ng
pamahalaan.
c. Pagtaas ng antas ng pag-aangkat ng mga produkto kaysa pagluluwas
d. Pagbaba ng pagpapahalagang _____
Mga hakbang na isinagawa ng pamahalaan ng Ikatlong Republika
upang mapabuti ang kalagayan ng bansa.
a. Pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa
Nasyonalisasyon ng ________ pangangalakal
Pagpapaunlad ng buhay sa baryo
Pagpapataas ng produksyon particular ang ________
Pagpapabuti sa sistema ng pananalapi ng bansa
b. Pagbabago sa Sistema ng edukasyon
c. Paglulunsad ng patakarang ______ Muna
Isagawa

I. Panuto:Punan ang patlang na nakalaan. Piliin ang tamang sagot na


nasa loob ng kahon sa ibaba.

Amerikano at Tsino abaka, asukal at


kopra.
Agricultural Land Reform Code 1950

Nasyonalisasyon ng Tingiang Pangangalakal

1. Noong ________, ang konsepto ng paaralang pampamayanan ay


pormal ng naging bahagi ng kurikulum ng mga pampublikong paaralan.
2. _______________ito ay nagtatadhana na ang makapangangalakal
lamang nang tingian sa bansa ay ang mga korporasyon o samahang
ganap na Pilipino.
3. Ang malalaking korporasyon ng bansa ay dinodominahan ng mga
_______________
4. Sa panahon din ng mga taong nabanggit ay bumababa naman ang
halaga ng mga produktong iniluluwas ng bansa gaya
ng__________________
5. _____________ ay napahalagahan at napangalagaan ang karangalan
ng maliliit na magsasaka at nailigtas sila sa masasamang kinagawiang
pinaiiral sa mga sakahan.

II. Batay sa iyong nabasa at natutunan sa araling ito. Gumawa ng maikling


repleksiyon tungkol sa mga suliranin, isyu, at hamon sa kasarinlan noong
Ikatlong Republika.

Puna para sa Guro


Sa pagwawasto ng pagsulat ng isang reaction paper sa Isagawa, kailangang
ito ay may pamantayang sinusunod o rubrics.

Batayan sa pagbigay ng puntos


5 na puntos kung 3 na puntos may 2 na puntos hindi 1 na puntos
mahusay ang kakulangan sa nadebelop ang walang
pagkapapaliwanag detalye mga detalye napatunayan
at pagtalakay
Karagdagang Gawain

Panuto:Ipamalas o ipakita ang pagmamalaki sa kontribusyon ng mga nagpunyaging


mga Pilipino sa pagkakamit ng ganap na kalayaan at hamon ng kasarinlan sa
pamamagitan ng pagpili sa isa sa mga gawain sa ibaba.

Ang napiling gawain ay dapat na makasunod sa pamantayan a ibaba.

POSTER: Gumuhit ng poster na may kasamang islogang nagpapakita ng


pagmamalaki sa kontribusyon ng mga nagpunyaging mga Pilipino sa pagkakamit ng
ganap na kalayaanat hamon ng kasarinlan.

BROCHURE: Bumuo ng isang brochure na may paliwanag, larawan at promosyon


patungkol sa iyong pagmamalaki sa kontribusyon ng mga nagpunyaging mga
Pilipino sa pagkakamit ng ganap na Kalayaan at hamon ng kasarinlan.

Batayan sa pagbigay ng puntos


Pamanatayan
5 4 3 2 1
Naipakita sa Naipakita sa Bahagyang Kaunting-kaunti Hindi naipakita
nabubuong nabuong naipakita sa lamang ang sa nabuong +-
gawain ang gawain ang gawaing nabuo naipakitang awain ang
pagmamalaki pagmamalaki ang pagmamalaki sa pagmamalaki
sa mga sa mga pagmamalaki mga sa mga
nagpunyaging nagpunyaging sa mga nagpunyaging nagpunyaging
mga Pilipino sa mga Pilipino nagpunyaging mga Pilipino sa mga Pilipino sa
pagkakamit ng sa pagkakamit mga Pilipino sa pagkakamit ng pagkakamit ng
ganap na ng ganap na pagkakamit ng ganap na ganap na
kalayaan at kalayaan at ganap na kalayaan at kalayaan at
hamon ng hamon ng kalayaan at hamon ng hamon ng
kasarinlan kasarinlan. hamon ng kasarinlan sa kasarinlan.
nang higit pasa kasarinlan. nabuong
inaasahan. Gawain.
Arali
Ang mga Suliranin at
n Hamon sa Kasarinlan
2
Alamin

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa ikaanim na Baitang na ng pag-aaral


sa Araling Panlipunan! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Ikatlong
Kwarter, Ikawalong Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong
kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Araling Panlipunan 6
na binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.
Sa araling ito, tatalakayin ang mga suliranin, isyu at hamon ng
kasarinlan noong panahon ng Ikatlong Republika sa kasalukuyan na
nakakahadlang sa pag-unlad ng bansa.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa
pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at hamon
ng kasarinlan.

Pamantayan sa Pagganap:
Nakakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribusyon ng mga napunyaging
Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan at hamon ng kasarinlan.

Kasanayang Pampagkatuto : Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na;


1. Naiuugnay ang mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan noong
panahon ng Ikatlong Republika sa kasalukuyan na nakahahadlang ng pag-uunlad
ng bansa. AP6SHK-IIIg-6
2. Nasusuri ang mga suliranin at isyu ng lipunan tungo sa pagtugon sa mga
hamon ng malaya at maunlad na bansa.
3. Nakabubuo ng isang graphic organizer ng ilang suliranin, isyu at hamon sa pag-
unlad ng ating lipunan.

Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong ganda ng
modyul na ito.
Balikan

Bago tayo tumungo sa bagong aralin, muling alalahanin ang mga Pangulo sa
Ikatlong Republika.
Sikaping ayusin ang mga titik upang mabuo ang kanilang pangalan. Mayroon kang
mababasang mga pangungusap tungkol sa kanila upang madali mo silang makilala.
1. LANUME SOXAR
Ikalimang Pangulo ng Pilipinas at namatay dahil sa atake sa puso pagkatapos
magbigay ng talumpati sa Clark Field, Pampanga.
2. AMONR YSAGAMYSA
Ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng
mga Pilipino sa pamahalaan at ang tagapagligtas ng Demokrasya.
3. ODOSIDAD LAPGAMCAA
Siya ang naglipat ng petsa ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 mula Hulyo 4.
4. LEIPIOD NOQUIRI
Ikaanim na pangulo ng Pilipinas at pinagtutuunan ang pagpapaunlad ng
ekonomiya sa pamamagitan ng industralisasyon.
5. LOSRAC ARGIAC
Nagpatupad ng Filipino First Policy para mataguyod at maprotektahan
ang produktong Pilipino

Tuklasin

Loop-a-word. Hanapin ang mga salita na inyong mabuo. Isulat sa kwaderno ang
bawat salita na inyong makikita.

K O R A P S Y O N A
K T Y V M S R H T E
A Y I M O N O K E D
H C Q W D H J P R U
I E D U K A S Y O N
R G R G R W Y P R O
A B O B I S H K I K
P N G B M D N L S U
A M A N E Y H J M G
N C D F N V M K O J
Suriin

Sa kasalukuyang panahon ngayon ay hindi nalalayo sa panahon ng


ikatlong republika, maraming mga suliranin, isyu o hamon ang kinakaharap ng
ating pamahalaan tungo sa pag-unlad.

https://www.freepik.com/premium-photo/slum_4487333.htm#page=1&query=poverty%20in%20the%20philippines&position=0

Ano ang inyong nakikita sa larawan?Ano ang sinasalamin ng nasa larawan?

Tama, makikita natin sa larawan ang isang mukha ng kahirapan na isa sa


mga suliranin ng ating bansa, isa sa malaking hamon ng pamahalaan ang
pagbibigay ng magandang hanapbuhay/mapagkakakitaan ng ating mga
mamayan upan maahon sila sa sadlak na kahirapan. Narito ang ilan sa mga
suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan sa kasalukuyan.

 Pampolotika
 Usaping Panteritoryo
Isang elemento ng isang bansa ang teritoryo. Ito ay tumutukoy sa lupain,
katubigan at himpapawid na sakop ng isang bansa. Ang ating bansa at
ang iba pang mga kalapit-bansa sa Timog-Silangang Asya ay
naninindigan laban sa pag-angkin ng Tsina sa malaking bahagi ng South
China Sea.

 Graft at Korupsiyon
Ang graft ay isang politikal na pagkakamaling pinansiyal ng isang
opisyal ng pamahalaan sa paraang hindi tapat o hindi legal.
Ang korupsiyon ay isang maling gawi o pang-aabuso sa hawak na
posisyon ng isang opisyal ng pamahalaan upang magkaroon ng
pakinabang na magbubunga ng kanyang kawalan ng integridad o
prinsipyo.

Ang usaping iyo ay nakalilikha ng kawalan ng seguridad, pangamba, at


ligalig sa ating bansa. Ang mga mamamayan ay hindi nakatatanggap ng
wastong serbisyo mula sa pamahalaan.
 Terorismo
Ang terorismo ay isinasagawa ng mga grupo, samahan o
pamahalaan upang makamit ang kanilang adhikaing political o kriminal.
Sila ay naghahasik ng lagim sa mga mamamayan sa pamamagitan ng
paninira, pamimilit, at pananakot. Malaki ang epekto nito sa pag-unlad ng
ating bansa dahil lumilisan ang mga tao sa lugar na kanilang
pinamumugaran.

 Pangkabuhayan
 Open Trade
Ang open trade o malayang kalakalan ng Pilipinas ay isang uri ng
pagsuporta sa kalakalang panlabas ng bansa. Nilalayon nito na mas
maging sustenable, pantay, at maayos ang pakikipagkalakalan ng bansa
sa ibang mga bansa. Ang mga produkto mula sa ibang bansa ay hindi
panapatawan ng buwis kaya ang mga ito ay naipagbibili sa murang halaga
kaysa sa lokal na mga produkto. Ito ang dahilan kung bakit nahihirapan
ang mga lokal na negosyante na maipagbili ang kanilang produkto dahil sa
mas mahal ang halaga nito.
 Globalisasyon
Ang globalisasyon ay ay ito ang konsepto ng mas malawak na
pagkaka-ugnay-ugnay ng iba't ibang bansa sa mundo. Ito ay ang pagkalat
ng mga produkto, teknolohiya, impormasyon at trabaho sa iba't ibang mga
bansa at kultura, pati ang mga gawaing pang-ekonomiya, panlipunan,
pang-teknolohiya.

 Panlipunan
 Mga OFW
Ang mga overseas Filipino workers (OFWs) ay naging mahalagang
sektor sa lipunan at ekonomyang Pilipino. Kinikilala ng pamahalaan ang mga
OFW (na kung tawagin dati ay “overseas contract workers” o OCWs) bilang
mga bagong bayani sa pangunahing dahilan na ang kanilang mga padalang
salapi o remittance ay mahalagang pinagmumulan ng rebenyu.
 Kahirapan
Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na
walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ito ay isa sa
mga mabibigat na problema ng ating bansa.

 Kriminalidad
Ang kriminalidad ay isang gawaing mapaparusahan ng batas o
itinuturing na masamang gawain. Isa itong paglabag sa pangkaraniwang
batas o batas publiko. 
 Mga Pang-aabuso
o Pang-aabuso sa bata o child abuse
o Gender abuse
o Pang-aabuso sa droga o drug abuse

 Pangkapaligiran
 Pagdumi ng Kapaligiran
Ang polusyon ay inilalarawan bilang kontaminasyon sa hangin,
tubig, lupa at iba pang bahagi ng kapaligiran bunga ng gawain ng tao,
teknolohiya at mga kalamidad. Ito ang nagdudulot ng pagkasira ng
kapaligiran at nakapagpapababang kalidad ng buhay.
o Polusyon sa Hangin
o Polusyon sa Tubig
o Polusyon sa Lupa
o Polusyon sa Ingay
 Pagkawasak ng Kagubatan
 Pagmimina

Pagyamanin

A. Panuto: Pagtambalin ang mga pangungusap na nagpapakita ng sanhi at bunga.


_____ 1. Produktibo ang mga tao. A. Mataas ang kriminalidad
_____ 2. Hindi naipatutupad ang mga batas. B. Lumalabas ang pera ng bansa
_____ 3. Marami ang walang trabaho. C. May katarungang panlipunan
_____ 4. May sapat na lingkurang panlipunan D. Bumubuti ang kabuhayan
para sa lahat. E. Naghihirap
_____ 5. Mataas ang gastusin para sa mga F. May pagkakaisa sila
produkto mula sa ibang bansa.

B. Isulat o copyahin ang mga pahayag na may kaugnayan sa mga isyu na dapat
kaharapin sa pag-unlad ng lipunan at pambansang kaunlaran.

1. Mababa ang kita ng mga trabaho.


2. Mataas ang bilang ng may trabaho.
3. Naaabuso ang mga likas na yaman.
4. Hindi tapat ang paglilingkod ng pamahalaan.
5. Hindi nasusunod ang mga batas at ordinansa.
6. Ipinapatupad ng mga sundalo at pulis ang mga batas.
7. Kapaki-pakinabang ang mga gawain ng mga indibidwal.
8. Namumuhunan ang mga negosyante ng pera para sa mga industriya.
9. Umaasa ang mga mamamayan sa tulong at serbisyo ng pamahalaan.
10. Nag-iiwan ang mga terorista ng mga bomba sa mga mall at terminal ng bus.
Isaisip

Sa talahanayan ay makikita ang talaan ng mga suliranin at hamong kinaharap ng


bansa sa panahon ng ikatlong Republika.Gumawa ng pag-uugnay kung paano
patuloy na nakahahadlang ang mga ito sa kasalukuyan particular sapag-unlad ng
bansa.Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.
Suliranin at Hamong Kinaharap Ng Bansa Paano ito patuloy na nakahahadlang
Noong Panahon Ng Ikatlong Republika sap ag-unlad ng bansa sa
kasalukuyan?

Pamamayani ng mga dayuhan sa kabuhayan ng


bansa
Mababang produksiyon dulot ng di epektibong
pamamalakad ng pamahalaan
Mas mataas ang antas ng inaangkat ng
produkto kaysa sa iniluluwas
Pagbaba ng pagpapahalagang moral ng mga
tao

Isagawa

Bumuo ng graphic organizer ng ilang suliranin, isyu at hamon na patuloy na


nakahahadlang sap ag-unlad ng bansa sa kasalukuyan?

Suliranin, Isyu at Hamon

Pampolitika Pangkabuhayan Panlipunan Pangkapaligiran


- - - -
- - - -
- - - -
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang


mga tanong at isulat sa kwaderno ang tamang sagot..
1. Ang patakarang ito ang nagbigay ng karapatan sa mga Pilipinong magbukas
ng mga kalakal bago ang mga dayuhan.
a. Austery Program
b. Patakarang Pilipino Muna
c. Patakarang Nasyonalismo
d. Nasyonalisasyon ng tinging pangangalakal
2. Ang kurikulum at pamamaraan ng pagtuturong gagamitin sa mga paaralang
ito ay nakabatay sa pangangailanagan ng mga naninirahan sa mga
komunidad at mga suliraning dapat masolusyunan
a. Paaralang bokasyonal
b. Paaralang normal
c. Paaralang panggobyerno
d. Paaralang Pampamayanan
3. Basahin ang balita sa ibaba at sabihin kung tungkol sa anong isyu ang
balitang binasa.
Pag aagawan nang Bansang Tsina at Bansang Pilipinas sa West
Philippine sea West Philippine Sea "Pag aagawan ng Bansa Tsina at
BansangPilipinas"

Maraming mga issue ngayon pagitan sa bansang Tsina at Bansang


Pilipinas tungkol sa pag aagawan nang islang West Philippine Sea o
tinatawag din itong South China
Sea. http://westphilippine.blogspot.com/p/blog-page.html
A. Terorismo C. Kapaligiran
B. Kahirapan D. Teritoryo
4. Basahin ang balita sa ibaba at sabihin kung tungkol sa anong isyu ang
balitang binasa
Makalipas ang limang buwang giyera sa pagitan ng gobyerno at
mga terorista, idineklarang malaya na ang Marawi City. Napatay ang
dalawang mataas na lider ng Maute-ISIS: sina Isnilon Hapilon at Omar
Maute. Wasak at halos wala nang nakatayong gusali sa loob ng main
battle area. Ayon sa mga militar, kinailangang gawin ito para mapuksa
ang mga kalaban.
https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/reportersnotebook
A. Terorismo C. Kapaligiran
B. Kahirapan D. Teritoryo
5. Ang suliranin tungkol sa mga batang manggagawa o child labourers sa ating
bansa na gumagawa ng mga delikadong trabaho tulad ng pagmimina at
quarrying ay halimbawa ng;
A. Isyung Pampolitika C. Isyung Panlipunan
B. Isyung Pangkabuhayan D. Isyung Pangkapaligiran

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng poster ukol sa mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan


noong panahon ng Ikatlong Republika sa kasalukuyan na nakahahadlang ng
pag-unlad ng bansa.
Rubric
Pamantayan 5 4 3 2
Lubhang Makabuluha Hindi gaanong Hindi
Realismo ng makabuluh n ang makabuluhan makabuluhan
mensahe an ang mensahe ang mensahe ang mensahe
mensahe
Kawastuhan ng Wasto ang lahat Wasto ang May dalawang Hindi wasto
impormasyon ng datos o ilang datos o hindi wastong ang lahat ng
impormasyon. impormasyo datos o datos o
n. impormasyon. impormasyon.

Sanggunian

Julian,Ailene Baisa & Lontoc , Nestor S. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6:


Phoenix Publishing House , 2017

Antonio, Eleanor D., Banlaygas, Emilia I., & Dallo, Evangeline M. Kayamanan:
Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 6. Rex Printing Company,
Inc. 2017

Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc; Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6:


pahina 274-279,Phoenix Publishing House (2017)

Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc; Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6:


pahina 261-262,Phoenix Publishing House (2017)

Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6- p.274-279

Lakbay ng Lahing Pilipino 6-p.261-262


Susi ng Pagwawasto

Aralin 1

Aralin 2

You might also like