You are on page 1of 17

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
IkatlongMarkahan – Modyul 4:
Batas para sa Kalikasan:
Susunod Ako!
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Batas para sa Kalikasan: Susunod Ako!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Marlon D. Paguio
Co-Awtor - Content Editor : Elsa S. Ramos
Co-Awtor - Language Reviewer : Cris V. Regala
Co-Awtor - Illustrator : Frederic M. Martal
Co-Awtor - Layout Artist : Marlon D. Paguio

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Alma Q. Flores
District SLM Language Reviewer : Cris V. Regala

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EsP/Values : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Batas para sa Kalikasan:
Susunod Ako!
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang malaman ang mga
batas pambansa at pandaigdigan tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran.
Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:
1. Nakapagpapakita ng tapat na pagsunod sa mga batas pambansa at
pandaigdigan tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran.
(EsP6PPP-llIf-37)
2. Natutukoy ang mga batas pambansa at pandaigdigan tungkol sa
pangangalaga sa kapaligiran.
3. Nakasusunod nang may katapatan sa mga batas pambansa at pandaigdigan
tungkol sa kapaligiran.

Subukin

Ikaw ba ay sumusunod sa mga batas na nangangalaga sa ating kapaligiran?

Halina’t subukin natin ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagsagot nito!

Iguhit ang masayang mukha (  ) kung ang isinasaad sa pangungusap ay tama at


malungkot na mukha (  ) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Si Mang Pedro ay iligal na nanghuhuli ng isang uri ng ibon sa kagubatan na
malapit ng maubos.
2. Ang pamilya ni Marissa ay hindi nagsusunog ng kanilang basura bilang pagsunod
sa ordinansa ng kanilang barangay.
3. Patuloy ang paggamit ng dinamita sa pangingisda ni Glen kahit na marami na
ang nahuli dahil sa gawaing ito.
4. Dahil alam ni Aling Marie na may karampatang parusa ang hindi pagbubukod ng
mga basura, hinikayat niya ang kaniyang mga anak na ihiwalay ang nabubulok sa
di-nabubulok.
5. Si Ron at ang kaniyang mga kasama ay iligal na nagmimina sa isang kuweba.
6. Mahigpit na nagpaalala ang punong barangay ng Sitio Pag-asa na bawal
magsunog ng anumang uri ng plastik.
7. Kahit alam ni Ricky na bawal manguha at magbenta ng mga korales ay hindi parin
ito tumitigil.
8. Nakikiisa si Vicky at ang kaniyang mga kaibigan sa paglilinis ng mga ilog.
9. Palihim na nagpuputol ng puno sa isang bundok si Ruben.
10. Pinapakain ni Lito ang mga unggoy sa kagubatan malapit sa kanila.

1
Aralin
Batas para sa Kalikasan,
1 Susunod Ako!

Bilang isang bata at mag-aaral sumusunod ka ba sa mga batas na nagpoprotekta sa


ating kalikasan?
Likas nga na hitik ang ating bansa sa magagandang kapaligiran at likas na yaman.
Kapaligiran na maituturing na nagbibigay buhay sa bawat tao o nilalang sa lupa.
Ngunit dahil na rin sa pag-unlad at pagbabago ng ating mga pangangailangan, hindi
natin namamalayan na sobra na pala ang pang-aabuso natin sa kalikasan.
Dahil dito isa sa hamon sa atin ay kung paano ito maiingatan. Ngunit ito ay hindi
na alintana ng iba na wala ng pakialam kahit na mayroong batas na nagpoprotekta
sa ating kapaligiran.
Ang tapat na pagsunod sa mga batas na ito ay hindi naman mahirap basta lagi
nating iisiping ito ay para sa kapaligiran na nais pang makita at mapakinabangan
ng mga susunod na henerasyon.

Balikan

Bago natin simulan ang panibagong leksiyon, natatandaan mo pa ba ang dati nating
aralin?
Tara! Magbalik-aral tayo at sagutin ito.

Isulat ang Tama kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng


pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang-yaman at Mali
naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

2
1. Pag-uukit ng mga kasangkapang kahoy ang negosyo ni Mang Tino. Dahil dito
maraming puno ang kanilang pinuputol ngunit agad naman silang nagtatanim ng
mga kapalit nito.
2. Gumagamit ng maliliit na butas na lambat sa pangingisda si Roel kung kaya’t pati
ang mga bagong sibol na isda ay nakukuha rin.
3. Mahigpit na ipinagbabawal ng punong barangay ang pagkakaingin sa kagubatang
sakop nito.
4. Upang makatipid, ipinanlilinis ni Myra sa palikuran ang tubig mula sa
pinaglabahan ng mga damit.
5. Tinatapon kung saan-saan ang pinagkainan ng ilang mag-anak na namamasyal
sa parke.

Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay tumutulong sa mga mag-aaral na nasa


ikaanim na baitang upang maging isang responsableng bata sa
pagsunod sa mga batas pambansa at pandaigdigan tungkol sa
pangangalaga sa kapaligiran.

Tuklasin

Paano mo itinatapon ang inyong basura sa bahay?

Pinagsasama-sama mo ba o pinaghihiwa-hiwalay ayon sa uri nito?

Alam mo ba na may batas na umiiral tungkol sa pagbubukod ng mga basura?


Halina’t isama ang iyong pamilya o kasama mo sa tahanan. Sabay-sabay nating
tunghayan ang maikling kuwento na pinamagatang “Naalarma ang Sitio
Pinagpala”.

3
Naalarma ang Sitio Pinagpala
ni Marlon D. Paguio

Sa isang malayong nayon ay may isang sitio na katangi-tangi, ang Sitio Pinagpala.
Ito ay dulong lugar na sa nayon na iyon. Natatangi ito hindi dahil sa kaniyang ganda
o kaayusan . Sa tuwing mangongolekta kasi ng basura doon ay bubungad ang mga
tambak o kalat-kalat na basura sa harap ng mga tahanan. Nahihirapan ang mga
kolektor sa pagsasaayos at pagkuha nito. Kaya madalas ay inaabot na ng maghapon
ang mga kolektor sa Sitio Pinagpala.
Nakagawian na ng mga taga-Sitio Pinagpala ang ganitong gawain. Minsan kahit
hindi pa araw ng pangongolekta ng basura ay inilalabas na nila sa kalsada ang mga
ito. Kaya madalas ito ay kinakalat ng mga aso o ‘di kaya ay nilalangaw na. Hindi rin
maitatanggi na tila sanay na sa amoy ng mga pinaghalo-halong basura ang mga taga
roon.

4
Hanggang isang araw ay nakatanggap ng sulat ang Sitio Pinagpala mula sa lokal
na pamahalaan nito. Magkakaroon daw ng isang pagpupulong na iniimbita ang lahat
ng residente sa Sitio Pinagpala at lahat ay inaasahang makadalo.

Kinabukasan maagang nagsimula ang pagpupulong. May dalawang kinatawan na


dumating mula sa kanilang pamahalaang lokal. Ang layunin pala ng pagpupulong
ay mabigyan ng kaalaman ang mga taga-Sitio Pinagpala tungkol sa tamang
pagsasaayos ng kanilang mga basura. Tumayo ang isang kinatawan at
nagpaliwanag, “Magandang araw po sa inyo, nandito po kami para bigyan kayo ng
kaalaman tungkol sa pagsasaayos ng ating mga basura. Hindi po kami ang may
gusto nito kung hindi ito po ay may batas at ang ating lokal na pamahalaan ay may
ordinansa ukol dito. Ito po ay ang RA 9003(Ecological Solid Waste Management Act
of 2000). Kung saan ito ay may layuning pangalagaan ang kapaligiran isa na rito ay
ang pagsasaayos ng ating mga basura. Kinakailangan ihiwalay natin ang mga
nabubulok sa di-nabubulok.” Pagkasabi nito ay nagtinginan ang mga residente ng
Sitio Pinagpala na tila nagulat sa pahayag ng lalaki. Pamaya-maya nagsalita ang
kanilang punong barangay, ” Mga kasama simula ngayon tayo ay magbubukod-
bukod na ng ating mga basura. Maglalagay din tayo ng mga lalagyanan na may
nakalagay na Nabubulok, Di-nabubulok at Nareresiklo. Kailangan tayong sumunod
sa ordinansang ito para din sa ikabubuti ng ating mga kalusugan maging ng ating
kapaligiran.” Sumagot naman ang isang residente “,Opo Kap asahan n’yo po na
susunod po kami alang-alang sa kalinisan ng ating barangay at kapaligiran.

5
At laking gulat nga ng mga nangongolekta ng basura sa pinagbago ng Sitio
Pinagpala kung saan maayos ang pagkakalagay ng mga basura at ito ay nakaayos
ayon sa uri nito.

Nauunawaan mo ba ang kuwentong iyong binasa? Sagutin mo ang mga


sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang suliranin ng mga kolektor ng basura sa tuwing nasa Sitio Pinagpala
sila?
2. Tungkol saan ang pagpupulong na magaganap?
3. Sumang-ayon ba ang mga residente sa mungkahi ng mga tagalokal na
pamahalaan?
4. Ano ang layunin ng batas na binanggit sa kuwento?
5. Bakit mahalaga na sundin ang mga batas na nangangalaga sa kapaligiran?

Suriin

Pagmasdan ang larawan na nasa


itaas. Ano ang iyong
naobserbahan?
Kung ikaw, susundin mo ba ang nakalagay sa karatula?

Upang mabalanse ang pangangailangan ng tao at maproteksyonan ang kapaligiran,


kinakailangang sundin ang mga panuntunan. Marahil lahat ng ating kagamitan ay
galing natin sa likas yaman subalit,hindi natin namamalayan na sobra na pala ang
mga maling gawain na nagdudulot na ng unti-unting pagkasira ng ating kapaligiran.

Dahil dito ay nagkaroon ng mga batas pambansa at pandaigdigan tungkol sa


pangangalaga sa kapaligiran,ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. RA 9003 ( Ecological Solid Waste Management Act 2002 )

6
Pagbubukod-bukod ng mga basura ayon sa uri nito Nabubulok, Di-Nabubulok
at Nareresiklo.
2. RA 7856 ( National Integrated Protected Areas System Act of 1992 )
Ito ay may layunin na maprotektahan ang mga uri ng hayop at halaman na
kakaunti na lamang sa kanilang kinalalagyan. At upang mapreserba ang mga
natitirang uri nito.
3. Batas Pambansa 7638 ( Department of Energy Act of 1992 )
Ito ay naglalayong tumulong sa mga programa ng pamahalaan tungkol sa
pagpapaunlad ng serbisyo at konserbasyon ng enerhiya.
4. RA 9275 ( Philippine Clean Water Act )
Ito ay may layunin na mabigyan ng malinis na tubig sa mga mamamayan.
5. RA 9147 ( Wildlife Resources Conservation and Protection Act )
Pagbibigay proteksiyon sa mga maiilap na hayop. At pagbabawal sa
pangongolekta at pabebenta sa mga ito.
6. RA 8749 ( Philippine Clean Air Act )
Layunin nito na panatilihing malinis ang hanging nilalanghap. Nakapaloob din
dito kung paano magkakaroon ng epektibong pamamaraan upang maiwasan ang
pagkakaroon ng maduming hangin at mabawasan ang polusyon .

Ang isang malaking hamon sa atin ngayon ay kung paano tayo makasusunod ng
tapat sa mga batas pambansa at pandaigdigan para sa kalikasan.
Tara! At tayo ay tapat na susunod para sa ating kapaligiran.

Pagyamanin

Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Magsulat ng 2-3 pangungusap kung paano
mo maipapakita ang pagiging tapat na pagsunod sa mga batas pambansa at
pandaigdigan para sa kapaligiran. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. 2.

3. 4.

7
5.

Isaisip

Nauunawaan mo ba ang ating aralin?

Ano-ano ang iyong natutunan? Gawin ang mga sumusunod na gawain sa iyong
sagutang papel

1. Ano ang iyong mga natutuhan?

2. Bakit mahalaga na sumunod ng tapat sa mga batas pambansa at pandaigdigan


para sa kalikasan?

Isagawa

Mag-isip ng mga sitwasyon kung saan ikaw ay tapat na sumusunod sa mga batas
pambansa at pandaigdig para sa kalipaligiran. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Sitwasyon 1:

8
Sitwasyon 2:

Sitwasyon 3:

Tayahin

Piliin ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Ang batas na ito ay may layunin na isakatuparan ang mga plano sa pagpapaunlad
at konserbasyon ng enerhiya.
a. RA 8749 b. RA 9275 c. Batas Pambansa 7638
2. Ikaw at ang iyong mga kaibigan ay aakyat sa isang bundok para mag hiking. Bago
ka umalis ay nagbilin ang iyong ate na ikuha mo siya ng halamang ligaw sa
bundok.Alam mo na bawal ang pagkuha ng halaman doon. Ano ang iyong gagawin?
a. Ikukuha ko pa rin ang aking ate ng mga halaman sa bundok.
b. Sasabihin ko sa kaniya na ipinagbabawal ang pagkuha ng mga halaman sa
bundok.
c. Itatago ko na lang sa aking bag upang walang makakita na kumuha ako ng
halaman.
3. Ang batas na ito ay may layuning bigyan ng malinis na hangin ang mga
mamamayan at mabawasan ang polusyon sa hangin.
a. RA 8749 b. RA 9275 c. RA 7586
4. Anong batas ang naglalayong magkaroon ng tamang pagkolekta at pagsasaayos
ng mga basura ayon sa uri nito?
a. RA 9147 b. RA 9003 c. RA 9275
5. Dahil madalang ang pagkolekta ng basura sa inyong lugar , sinusunog ng iyong
nanay ang inyong mga basura. Natandaan mo ang itinuro ng inyong guro na may
batas na nagbabawal sa pagsusunog. Ano ang iyong gagawin?
a. Hahayaan ko na lang si nanay na magsunog.
b. Ipapaliwanag ko sa aking nanay na tigilan na ang pagsusunog at sasabihin
na may batas tungkol dito.
c. Tutulungan ko si nanay sa pagsusunog upang hindi kami mahuli.
6. Ano ang layunin ng batas na RA 9275?
a. mabigyan ng malinis na hangin ang mga tao.

9
b. mabigyan ng malinis na tubig ang mga tao.
c. mabigyan ng makakain ang mga tao.
7. Anong batas ang nangangalaga at nagpoprotekta sa mga maiilap na hayop?
a. RA 9147 b. RA 9275 c. RA 9003
8. Mahilig kang mag-alaga ng mga kakaibang hayop na nahuhuli lamang sa mga
kagubatan. Minsan nagpunta ka kasama ang iyong kaibigan sa isang kuweba upang
humuli ng ahas para alagaan. Nakakita kayo ngunit nagbabala ang iyong kaibigan
na ipinagbabawal ang paghuli nito. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ko siya papakinggan at kukuhanin ko pa rin ito.
b. Kukuhanin ko na lang pagtalikod ng aking kaibigan.
c. Makikinig nalang ako sa kaniya.
9. Ilang beses na kayong pinagsasabihan ng inyong guro na itapon ang mga basura
ayon sa uri nito ngunit hindi ginagawa ng iyong mga kamag-aral. Dahil ikaw ang
pangulo ng inyong klase, ano ang iyong gagawin?
a. Kakausapin ko ang aking mga kamag-aral na magtapon sa tamang tapunan.
b. Hindi ko nalang sila papansinin.
c. Hihikayatin ko pa sila na magtapon kung saan nila gusto.
10. Dahil ikaw ay bata at nag-aaral pa, dapat bang sundin mo ang mga batas na
naglalayong pangalagaan at protektahan ang kalikasan?
a. Hindi dahil bata pa ako at gagawin ko kung ano ang gusto ko.
b. Oo dahil kahit bata pa ako ay susunod ako sa mga batas dahil ito ay ipinag-
uutos at para na rin sa kapaligiran.
c. Bahala na.

Karagdagang Gawain

Sa isang type writing gumawa ng isang slogan na may layuning maghikayat na


sumunod sa mga batas pambansa at pandaigdigan para sa kapaligiran.

Susi sa Pagwawasto

10
11
Tayahin Isagawa Isaisip
6. c
7. b
8. a
9. b
10.b
11.b Depende sa sagot ng Depende sa sagot ng
12.a bata bata
13.c
14.a
15.b
Subukin Balikan Pagyamanin
1.  1. Tama
2.  2. Mali
3.  3. Tama
4.  4. Tama
5.  5. Mali
6.  Depende sa sagot ng
7.  bata
8. 
9. 
10.
Sanggunian
Ylarde, Zenaida, ang Gloria Peralta. 2016. Ugaling Pilipino Sa Makabagong
Panahon. Quezon City: Vibal Group, Inc.

K To 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon Sa Pagpapakatao Baitang !-10.


2016. Ebook. https://www. Deped.gov.ph/wp-
content/uploads/2019/01/ESP-CG.pdf.

K to 12 Most Essential Learning Competencies With Corresponding CG Codes.


2020. Ebook

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like