Professional Documents
Culture Documents
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG ZAMBALES
FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagbibigay ng Panuto sa Pangunahin
at Pangalawang Direksiyon
Ikaapat na Markahan – Unang Linggo
(Aralin 1)
FILIPINO – Ikaapat na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagbibigay ng Panuto sa Pangunahin at Pangalawang Direksiyon
Ikaapat na Markahan – Unang Linggo (Aralin 1)
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.
Panimula
Kasanayang Pampagkatuto
Balik-Aral
Martial Law
Halaw sa Pilipino Star Ngayon
3|Pahina
Pagtatalakay sa Paksa
5|Pahina
Nang napadpad siya sa isang lugar ay mayroon siyang
narinig na sumisigaw. Hindi niya alam na may mga naglalarong
bata doon. Natakot siya at biglang tumakbo.
Laking gulat ni Aling Tonet nang biglang bumalik si Amy na
hingal na hingal at takot na takot.
“Bakit anak anong nangyari?” tanong ni Nanay.
Saan ka ba nanggaling at takot na takot ka?” dagdag na tanong ni
Nanay.
“May multo sa sementeryo, Nay!” takot na sabi ni Amy.
“Ha? Anong multo? Anong sementeryo? Bakit ka napunta
doon?” sunod-sunod na tanong ni Nanay.
“Hindi naman kita inutusan doon anak. Hay, naku! Hindi mo
nasundan ang sinabi ko sa iyo,” naiinis na dagdag ng Nanay.
“Huwag ka nang matakot. Walang multo anak. Mga batang
naglalaro lang ang mga iyon,” pagpapakalma ni Nanay sa anak.
“Pasensiya na po, inay hindi ko po nasunod ang mga ibinigay
ninyong mga panuto,” pagdadahilan ni Amy.
Ipinaliwanag ni Aling Tonet sa kaniyang anak kung gaano
kahalaga ang pagsunod nang wasto sa mga panuto.
6|Pahina
Pagpapakilala sa Aralin
Pangunahing
Pangalawang Direksiyon at Lokasyon
Direksiyon
Hilagang silangan
Hilaga
Ito ay nasa pagitan ng Hilaga at Silangan
Hilagang kanluran
Silangan
Ito ay nasa pagitan ng Hilaga at Kanluran
Timog silangan
Kanluran
Ito ay nasa pagitan ng Timog at Silangan
Timog kanluran
Timog
Ito ay nasa pagitan ng Timog at Kanluran
7|Pahina
Narito ang mga dapat tandaan sa
pagbibigay ng panuto
1. Magbigay ng maiksi ngunit malinaw
na panuto.
2. Gumamit ng mga madaling
maunawaang salita.
3. Ibigay lamang ang mahalagang
impormasyon.
8|Pahina
Kung naisagawa mo nang wasto ang mga ito, mahusay!
Binabati kita!
Gawain
Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Gamit ang compass rose, tukuyin ang direksiyong
kinalalagyan ng mga bagay sa silid-aralan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
10 | P a h i n a
Pang-isahang Pagsasanay
A. Panuto: Tukuyin ang direksiyon na kinalalagyan ng mga hayop
mula sa kinatatayuan ng baka. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Hayop Direksiyon
1. kambing
2. pato
3. kabayo
4. baboy
5. tandang na manok
11 | P a h i n a
B. Panuto: Iguhit ang bukid, bundok, dagat at puno sa mapa.
Sundin ang mga panuto. Gamiting batayan ang pamantayan sa
pagmamarka sa iyong pagsagot. Gawin ito sa sagutang papel.
Pamantayan sa Pagmamarka
5 4 3 2 1
Nasunod ang mga panuto
Naipamalas ang
pagkamalikhain sa pagguhit
Naipakita ang kalinisan ng
natapos na gawain
5 – Napakahusay 2 – Kailangan pa ng pagpapahusay
4 – Mahusay 1 – Magsanay pa
3 – Katamtaman
12 | P a h i n a
Pagsusulit
Panuto: Mula sa bahay na kinatatayuan ng bata, magbigay ng
tatlo hanggang apat na panuto gamit ang alinman sa mga
pangunahin at pangalawang direksiyon kung paano siya
makararating sa ospital. Gamiting batayan ang pamantayan sa
pagmamarka sa iyong pagsagot.
Simula
13 | P a h i n a
Pamantayan sa Pagmamarka
5 4 3 2 1
Nakapagbigay ng tatlo hanggang
apat na mga panuto
Malinaw na naibigay ang
direksiyon
Wasto ang ginamit na mga salita
5 – Napakahusay 2 – Kailangan pa ng pagpapahusay
4 – Mahusay 1 – Magsanay pa
3 – Katamtaman
Pangwakas
Mula sa natutuhan mong mga aralin, punan ang mga
patlang upang mabuo ang kaisipan. Piliin ang sagot sa kahon.
Isulat ito sa sagutang papel.
14 | P a h i n a
Mga Sanggunian
K-12 MELCS with CG Codes. 2020. Ebook. 1st ed. Pasig City:
Depatment of Education. https://commons.deped.gov.ph/
melc_k12.
Lalunio, Lydia, and Francisca Ril. 2010. Hiyas Sa Wika 5. 1st ed.
Quezon City: SD Publications, Inc.
15 | P a h i n a
16 | P a h i n a
Balik - aral
Pag – isahang Pagsasanay 1. Pinutol ni Pangulong Duterte ang
A. pagbisita sa Russia at agad na
1. Hilagang kanluran bumalik sa bansa kahapon dakong
2. Timog alas singko ng hapon.
3. Hilagang silangan 2. Sinabi niyang dineklara niya ang
4. Timog silangan Martial Law para mapigilan ang
5. Timog kanluran paglawak ng kaguluhan sa
Mindanao dulot ng terorista.
B. Maaaaring magkakaiba ang sagot ng mga 3. Kailangang mapangalagaan ang
bata
seguridad ng bansa.
Pagsusulit 4. May posibilidad din umano na baka
Maaaaring magkakaiba ang sagot ng mga ideklara sa buong bansa ang Martial
bata Law.
5. Sinabi ng pangulo na magiging
A. Pangwakas malupit siya sa pagkakataong ito.
1. Timog 6. Sinabi rin niya na kailangang
2. Pangalawang direksiyon mapanatili ang kapayapaan sa
3. Mahalaga bansa kaya siya nagdeklara ng
4. Malinaw Martial Law.
5. Impormasyon Gawain
Pinatnubayang Pagsasanay 1
A.
1. Hilaga
2. Timog
3. Silangan
4. Kanluran
5. Hilagang silangan
Patnubayang Pagsasanay 2
.Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga
bata.
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikaapat na Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!
Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa: