You are on page 1of 24

4

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagsulat ng Argumento at Editoryal
Ikatlong Markahan – Ikatlong Linggo
(Aralin 1)
FILIPINO – Ikaapat na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagsulat ng Argumento at Editoryal
Ikatlong Markahan – Ikatlong Linggo (Aralin 1)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Arianne Mae C. Angeles


Editor: Cecilia D. Racsa
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD
Gloriajane M. Paragas
John Paul C. Paje EdD
Tagaguhit at Tagalapat: Noelynne E. Joyosa
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagsulat ng Argumento
at Editoryal

Panimula

Magandang Buhay! Kumusta na? Mayroon bang mga


pahayagan o diyaryo diyan sa iyong tahanan? Nasubukan mo na
bang basahin ang nilalaman nito lalo na ang mga napapanahong
pangyayari at isyu? Nakapagbigay ka na ba ng iyong sariling
argumento at opinyon tungkol sa iyong nabasa?

Sa mga nagdaang linggo, marami ka nang natutunang aralin


sa asignaturang Filipino. Ngayon naman, sa pamamagitan ng
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatutong ito,
madadagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa pagbibigay o
pagpapahayag ng sariling opinyon sa napapanahong isyu at
pagsulat ng argumento at editoryal. Halina’t mag-aral!

Kasanayang Pampagkatuto
Nakasusulat ng argumento at editoryal.
(F4PU-IIIf-2.3 at F4PU-IIId-2.5)

1|Pahina
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang


Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga bahagi ng isang argumento at


editoryal;
2. nasusuri ang angkop na opinyon o reaksyon sa nabasang
isyu o usapan; at
3. nakasusulat ng argumento at editoryal tungkol sa
napapanahong isyu ayon sa mga inilahad na pahayag.

Balik Aral

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag ay


gumagamit ng magagalang na pananalita sa pakikipag-argumento
o pakikipagdebate at malungkot na mukha naman kung hindi.
Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

________1. Pasensiya na po ngunit hindi ako sumasang-ayon sa


iyong opinyon.
________2. Hindi ko matanggap ang iyong sinabi.
________3. Maling-mali talaga ang iyong pahayag.
________4. Nais ko pong sabihin na magkaiba tayo ng opinyon.
________5. Walang katuturan ang iyong argumento.

2|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang editoryal.

EDITORYAL
COVID-19, isang malaking hamon!
ni Bb. Arianne Mae C. Angeles, Manggahan Elementary School

Oktubre nang nagsimula ang distance learning para sa


mga pampublikong paaralan sa buong bansa dahil sa banta
ng COVID-19. Ang mga mag-aaral ay nasa bahay lamang at
nakatutok sa kanilang mga modyul at gawaing pampagkatuto.
Dagdag pa dito, nakatuon sila sa mga gadyets gaya ng laptop,
tablet, cellphone, TV at radyo. Hindi na kinakailangang
pumasok ng mga estudyante sa eskuwelahan. Ibang-iba sa
nakagawiang face-to-face classes.

3|Pahina
Ang pagbabagong ito sa edukasyon ay nagdulot ng
malaking hamon sa Department of Education (DepEd), mga
magulang at mag-aaral.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones, naging
matagumpay ang pagbubukas ng klase sapagkat halos 24.8
milyong estudyante ang lumahok sa unang araw ng pasukan na
gumamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pagkatuto.
Gayunpaman, maraming mag-aaral ang limitado ang pagkatuto
sa kadahilanang walang sapat na gadyet, hindi naiintindihan
ang nilalaman ng printed materials o di kaya’y walang
gumagabay sa kanilang pag-aaral.
Mabigat ang mga hamon na dala ng pandemya. Ngunit sa
gitna ng kinakaharap na krisis na ito, puspusan ang naging
paghahanda ng departamento para sa ligtas na pag-aaral ng
mga mag-aaral. Kung dati, ang mga guro lamang ang
gumagabay sa mga bata habang nasa paaralan, ngayon mga
magulang at tagagabay ang nagtuturo sa kanila sa tahanan.
Mas bumigat ang responsibilidad na kailangang gampanan ng
mga guro at magulang. Ang lahat ay nagtutulungan upang
maitaguyod ang edukasyon.

Bagong pamamaraan ng pagtuturo at pag-aaral ang


nararanasan sa kasalukuyan ang hinaharap ng bawat isa.
Marami pang hamon ang kahaharapin. Pagtutulungan at
pagkakaisa ang kinakailangan upang malampasan ito at
masiguro ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

4|Pahina
Pamatnubay na tanong:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat
bilang. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Ano ang pamagat ng editoryal?


A. COVID-19, isang malaking hamon!
B. Mga hamon ng COVID-19 sa edukasyon
C. Maging handa sa mga hamon sa edukasyon!
D. Bagong pamamaraan ng pagtuturo at pag-aaral.
2. Tungkol saan ang paksa ng editoryal?
A. Pagsisimula ng distance learning sa paaralaan.
B. Pag-aaral gamit ang mga modyul at gawaing
pampagkatuto.
C. Hindi na kailangang pumasok ng mga estudyante sa
eskwelahan.
D. Ang pagbabago sa edukasyon ay nagdulot ng malaking
hamon sa DepEd, mga magulang at mag-aaral.
3. Ang mga sumusunod ay mga argumento na sinabi ng
manunulat, maliban sa isa. Alin sa mga ito?
A. Mas bumigat ang responsibilidad na kailangang
gampanan ng mga guro at magulang.
B. Maraming mag-aaral ang piniling tumigil muna sa pag-
aaral dahil sa banta ng pandemya.
C. Maraming mga mag-aaral ang limitado ang pagkatuto sa
kadahilanang walang sapat na gadyet, hindi
maintindihan ang printed materials at walang gumagabay
sa kanila.
D. Dati ang mga guro lamang ang gumagabay sa mga bata
sa paaralan, ngayon mga magulang at tagagabay ang
nagtuturo sa kanila sa tahanan.

5|Pahina
4. Alin sa mga sumusunod ang impormasyon na ibinigay
ng editoryal?
A. Maliit na porsyento ng mag-aaral ang hindi pumasok.
B. Kailangan ng teknolohiya para lamang makapag-aral.
C. Halos 24.8 milyong estudyante ang lumahok sa unang
araw ng pasukan.
D. Sinabi ng mga opisyal ng DepEd na maaari nang gawing
face-to-face ang klase.
5. Anong mensahe ang nais iparating ng iyong binasa?
A. Harapin ang COVID-19 nang nagkakaisa.
B. Pagtutulungan at pagkakaisa ng lahat ang kailangan.
C. Tumuklas ng iba pang paraan para harapin ang mga
hamong dala ng COVID-19.
D. Marami pang hamon ang kahaharapin kaya dapat
magtulungan at magkaisa upang masiguro ang
pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang Editoryal ay mapanuring pagpapaliwanag sa


napapanahong isyu o pangyayari upang maglahad,
magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-puri at
magpahalaga. Ito rin ay nagbibigay ng mga opinyon, argumento at
paninindigan. Ang editoryal ay maaring nakalimbag o nakasulat
sa mga pahayagan.

May iba’t ibang bahagi o balangkas na bumubuo sa


editoryal.

1. Pamagat - Karaniwang may pamagat ang isang editoryal.


Ang unang salita lamang sa pamagat ang nagsisimula sa
malaking letra.
2. Panimula - Kadalasan makikita sa panimula o pambungad
na talata ang paksa.

6|Pahina
3. Katawan ng Editoryal - Sa bahaging ito ipinahayag ng
manunulat ang anumang paliwanag, pangangatuwiran,
paliwanag at pagsusuri sa isyu o pangyayari. Nakapaloob
dito ang mga opinyon, argumento at mahahalagang kaisipan.
Mahalaga rin na mayroong batayan ang nilalaman nito.
4. Konklusyon o Katapusan - Dito mababasa ang
pinakalayunin ng editoryal na maaring magbigay ng
mensahe sa bumabasa.

Sa pagsusulat ng argumento o editoryal, naririto naman ang


mga katangian na dapat isaalang-alang:
• Kawili-wili at maliwanag ang paksa.
• Nagbibigay ito ng makatarungang pangangatuwiran at
pagpapasiya.
• Diretso at hindi paligoy-ligoy ang pagsusulat.
• Iisang paksa lamang ang tinatalakay.
• Hindi ito nangangaral o nagsesermon.

Upang higit na maunawaan ang paksa, suriing mabuti ang


editoryal na iyong binasa.

Ang pamagat ng editoryal na iyong binasa ay “COVID-19,


Isang malaking hamon!

Batay sa Panimula ng editoryal, ang paksa ay tungkol sa


mga hamon sa DepEd, mga magulang at mag aaral dahil sa
pagbabagong sa edukasyon na dulot ng COVID-19. Ito ay
natagpuan sa huling pangungusap ng unang talata.

Ipinaliwanag at inisa-isa ng manunulat ang mga hamon na


kinakaharap ng departamento, mga magulang at mag-aaral.
Nakapaloob ito sa Katawan ng Editoryal.

7|Pahina
Ang argumento ay mga pahayag na naglalayong
kumbinsihin ang mga mambabasa na maaring nakabatay sa
opinyon at datos o impormasyong nakalap tungkol sa paksa. Ito
ay mga proposisyon na nangangatuwiran upang maiparating ang
layunin.

Ang mga sumusunod ay mga argumentong inilahad sa


Katawan ng Editoryal:

• Puspusan ang naging paghahanda ng departamento


para sa ligtas na pag-aaral ng mga mag-aaral.
• Kung dati, mga guro lamang ang gumagabay sa mga
bata habang nasa paaralan, ngayon mga magulang at
tagagabay ang nagtuturo sa mga bata sa tahanan.
• Mas bumigat ang responsibilidad na kailangang
gampanan ng mga guro at magulang.
• Ayon kay DepEd Secretary Briones, naging
matagumpay ang pagbubukas ng klase sapagkat halos
24.8 milyong estudyante ang lumahok sa unang araw
ng pasukan na gumamit ng iba’t ibang pamamaraan.
• Maraming mag-aaral ang limitado ang pagkatuto sa
kadahilanang walang sapat na gadyets, hindi
naiintindihan ang nilalaman ng printed materials o di
kaya’y walang gumagabay sa kanilang pag-aaral.

8|Pahina
Sa huling talata, mababasa ang Konklusyon o Katapusan
ng editoryal. Inilahad ang layunin o mensahe na marami pang
hamon ang kahaharapin kaya dapat magtulungan at magkaisa
upang mapagtagumpayan ang anomang darating na problema.

Tandaan

Sa pagsulat ng argumento at editoryal, dapat


tandaan ang mga sumusunod na hakbang:

1. Pumili ng isang paksang napapanahon at kawili-


wili sa mambabasa.
2. Mangalap ng mga tala o datos na magbibigay ng
kahalagahan sa paksa.
3. Isipin kung paano ilalahad ang paksa.
4. Gawing maikli ang paglalahad.
5. Gumamit ng mga payak at tiyak na salita.

Ang isang editoryal ay may Pamagat, Panimula,


Katawan at Konklusyon o Katapusan.

9|Pahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
A. Panuto: Basahing mabuti ang editoryal sa ibaba. Sagutin ang
mga tanong at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.

EDITORYAL
Basura, sobra na!
(hango mula sa Landas sa Wika)

Malala na ang problema sa basura sa mga lungsod sa


ating bansa. Sa paligid, makikita ang mga nilalangaw at
namamahong basura na walang pakundangang itinatapon ng
ating mga kababayan sa mga daan. Hindi naman ito
makayang hakutin ng mga basurero dahil sa kakulangan ng
mga trak ng basura at ng mga lugar na mapagtatapunan.
Panahon na upang humanap tayo ng alternatibo sa
paggamit ng basura. Kailangan ang pagre-recycle ng basura.
Makatutulong pa ito upang kumita mula sa basura.
Kailangan ding turuan ang bawat pamilya na makiisa sa
pagre-recycle ng basura.
10 | P a h i n a
Sa pamamagitan ng paghihiwa-hiwalay ng bawat uri ng
basura tulad ng mga papel, bote, lata at plastic, madaling
mahahakot ang mga ito at madadala sa mga recycling centers.
Mababawasan ang mga nagkalat na basura at makakatipid
tayo sa paggawa ng mga bagay na nagmumula sa mga kahoy
at halaman.
Panahon na upang magising tayo sa paglutas ng
problema sa basura.

Mga tanong:
1. Ano ang pamagat ng editoryal?
A. Sobra na! C. Basura, sobra na!
B. Pilipino gising! D. Panahon na para kumilos!
2. Tungkol saan ang editoryal?
A. problema sa bansa C. problema sa mga tao
B. problema sa basura D. problema sa kapaligiran
3. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pagbabawas ng basura
na binanggit maliban sa isa, alin sa mga ito?
A. pagrerecycle ng basura
B. paghahanap ng alernatibo sa paggamit ng basura
C. paggamit ng teknolohiya para mabawasan ang mga basura
D. pagtuturo sa bawat pamilya na makiisa sa pagre-recycle
ng basura
4. Aling pangungusap ang naglahad ng isyu o suliranin sa
editoryal?
A. Kailangan ang pagrerecycle ng basura.
B. Hindi ito makayang hakutin ng mga basurero.
C. Malala na ang problema sa basura sa mga lungsod sa ating
bansa.
D. Sa paligid makikita ang mga nilalangaw at namamahong
basura na walang pakundangang itinatapon.
11 | P a h i n a
5. Aling pangungusap sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng
mensahe na nais iparating ng manunulat?
A. Mababawasan ang mga nagkalat na basura.
B. Oras na upang humanap tayo ng alternatibo sa paggamit
ng basura.
C. Panahon na upang magising tayo sa paglutas ng problema
sa basura.
D. Makakatipid tayo sa paggawa ng mga bagay na
nagmumula sa mga kahoy at halaman.

B. Panuto: Sumipi ng limang (5) argumento mula sa binasang


editoryal na “Basura, sobra na!” Isulat ang mga argumento sa
sagutang papel.

1. ________________________________________________________

2. ________________________________________________________

3. ________________________________________________________

4. ________________________________________________________

5. ________________________________________________________

Pinatnubayang Pagsasanay 2
A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang T kung ang isinasaad ng
pahayag ay tama at M naman kung mali.

_____1. Ang editoryal ay tungkol sa napapanahon at


mahahalagang isyu o pangyayari.
_____2. Nagbibigay ng hamon sa isipan ang isang editoryal.
_____3. May kinikilingan o pinapaboran ang nilalaman ng isang
editoryal.

12 | P a h i n a
_____4. Hindi na kailangang mangalap ng mga tala o datos na
upang maging batayan sa mga argumento.
_____5. Ang pamagat, panimula, katawan at konklusyon o
katapusan ang mga bahagi o balangkas ng editoryal.

B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad ng bawat


bilang. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.

6. Ito ay nagbibigay ng mga opinyon, argumento at


paninindigan, at naililimbag sa pahayagan o diyaryo at
maging sa internet.
A. argumento C. kuro-kuro
B. editoryal D. opinyon
7. Sa bahaging ito ipinahayag ng manunulat ang anumang
paliwanag, pangangatwiran, at pagsusuri sa isyu o
pangyayari.
A. pamagat C. katawan ng editoryal
B. panimula D. konklusyon o katapusan
8. Kadalasan makikita dito ang paksa ng editoryal.
A. pamagat C. katawan ng editoryal
B. panimula D. konklusyon o katapusan
9. Dito mababasa ang pinakalayunin ng editoryal na maaring
magbigay ng mensahe sa bumabasa.
A. pamagat C. katawan ng editoryal
B. panimula D. konklusyon o katapusan

13 | P a h i n a
10. Ang mga sumusunod ay dapat tandaan sa pagsusulat ng
argumento o editoryal, maliban sa isa. Alin sa mga ito?
A. Isipin kung paano ilalahad ang paksa.
B. Gawing mahaba ang pagsusulat at gumamit ng
malalim na salita.
C. Pumili ng isang paksang napapanahon at kawili-wili sa
mambabasa.
D. Mangalap ng mga tala o datos na magbibigay ng
kahalagahan sa paksa.

Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Pumili ng dalawang (2) pangungusap na nagpapahayag
ng wastong argumento. Isulat ang mga letra sa sagutang papel.

1. Patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas


A. Hindi wasto ang pagsusuot ng face mask at face shield.
B. Kumakain ng masusutansiyang pagkain panlaban sa
pandemya.
C. Maraming mamamayan ang lumalabas ng kaniya-
kaniyang tahanan kahit hindi importante ang lakad.
D. Nananatili lamang ang mga tao sa tahanan upang
malimitahan ang pakikipag-ugnayan sa labas.
2. Pagkalulong ng mga kabataan sa droga o ipinagbabawal na
gamot.
A. Tutok ang mga magulang sa pangangalaga sa kanilang
mga anak.
B. Naiimpluwensyahan ang mga kabataan ng kanilang
kapaligiran sa paggamit ng droga.
C. Gumagamit ang mga kabataan ng gamot na nireseta ng
doktor sapagkat may sakit silang iniinda.
D. Maaring may problema sa pamilya o sa pera ang ilan sa
mga tinutukoy na dahilan sa paggamit ng droga.

14 | P a h i n a
3. Pagtatapos ng pag-aaral, mahalaga
A. Sisikaping makatapos ng kahit sa elementarya.
B. Matagal makatapos ng pag-aaral kaya inuuna ng ilan ang
paghahanap ng trabaho.
C. Ang pagtatapos ng pag-aaral ang magiging batayan upang
makahanap agad ng trabaho.
D. Ang pagtatapos ang umpisa upang maabot ng isang mag-
aaral ang kaniyang mga pangarap sa buhay.
4. Pag-iingat sa mga pekeng pagsusuri, bakuna at gamot para sa
COVID-19.
A. Lahat ng klase ng gamot, bakuna ay epektibo laban sa
paglaganap ng COVID-19.
B. Ang mga doktor ay nababahala sa mga pekeng produkto,
gamot at bakuna na hindi dumaan sa pagsururi.
C. Ang mga pekeng produktong nagsasabing kayang
magbigay lunas sa COVID-19, hindi pa nasusuring mabuti
kung ito ba ay epektibo at ligtas.
D. Ang mga produktong galing ibang bansa, hindi man
dumaan sa pagsusuri ay may posibilidad na magamot ang
COVID-19 at mapigilan ang pagkalat nito.
5. Panibagong pamamaraan ng pag-aaral sa panahon ng
pandemya
A. Tutol ang mga ekspertong magkaroon ng face-to-face
classes ngayong taong 2021.
B. Sang-ayon ang ilang mambabatas na gamitin ang
sangguniang aklat sa pag-aaral.
C. Gumagamit ng mga modyul at mga gadget ang mga mag-
aaral para sa maitaguyod ang pag-aaral sa gitna ng
pandemya.
D. Bilang bahagi ng tinawatawag na new normal sa sistema
ng edukasyon, ang distance learning ang nakikitang daan
para maipagpatuloy ang pag-aaral ngayong taong
panunuran.
15 | P a h i n a
Pagsusulit

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na


pahayag. Ayusin ang mga ito ayon sa balangkas na nasa susunod
na pahina upang makasulat ng argumento at editoryal. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
• Marami ang nag-aalala nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo
Roa Duterte ang rekomendasyon ng Departement of Education
(DepEd) magsagawa ng dry run ng face-to-face classes noong
Disyembre 14.
• Ayon sa DepEd, kailangang magpatuloy ang pag-aaral sa
paaralan ngunit tiyakin muna ang kaligtasan ng mga mag-
aaral at guro bago ituloy ang pagkakaroon ng face-to-face
classes sa bansa.
• Ilang mga opisyales ng DepEd ang pinag-aaralan ang
posibilidad ng pagkakaroon ng limitadong face-to-face classes
sa mga lugar na mababa ang bilang ng kaso ng COVID-19.
• Marami ang nag-alala at nabigla sa posibleng pagkakaroon ng
face-to-face classes. Ang rekomendasyon na ito ng DepEd ay
agad na tinutulan ng mga magulang.
• Anila, ilalagay sa panganib ang buhay ng mga bata at guro.
• Hindi ito sapat na batayan upang ipagpatuloy ang pagbabalik-
eskwela ng mga mag-aaral.
• Masyado pang maaga para sabihing mababa ang porsyento ng
pagkahawa sa eskwelahan.
• Tandaan, ang pagsisisi ay laging nasa huli kaya unahin muna
ang mabisang solusyon para makaiwas sa malaking problema.
• Pag-aralang mabuti ng DepEd, DOH, IATF at iba pang ahensya
ng gobyerno bago ideklara ang pagkakaroon ng face-to-face
classes ngayong 2021.
• Face-to-face classes, panahon na nga ba?
16 | P a h i n a
Pamagat:
________________________________

Panimula:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Katawan ng Editoryal
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Konklusyon o Katapusan
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

17 | P a h i n a
Pangwakas
Panuto: Punan ang bawat patlang upang mabuo ang ideya ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

argumento katawan

panimula konkusyon o katapusan

editoryal

Sa araling ito, natutunan ko na ang pagsulat ng


(1) __________________. Ito ay mapanuring pagpapakahulugan sa
napapanahong pangyayari upang magpabatid, magpakahulugan,
magbigay-puna, magbigay-puri, magpahalaga sa mga
napapanahong isyu o pangyayari. Ito rin ay nagbibigay ng mga
opinyon at (2) __________________. Sa pagsusulat dapat ito ay
mayroong Pamagat, (3) __________________, (4) __________________
at (5) __________________.

18 | P a h i n a
Mga Sanggunian

"LR Portal". 2020. PRODED Editoryal vs. Balita at Kolum.


Deped LR Portal.
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/7115.

"Pagsulat Ng Editoryal". 2020. Scribd.


https://www.scribd.com/doc/165615038/Pagsulat-
Ng-Editoryal.

"Pahayag Ng Pakikiisa Ng Kagawaran Ng Edukasyon".


2020. Deped.Gov.Ph.
https://www.deped.gov.ph/2020/05/01/pahayag-ng-
pakikiisa-ng-kagawaran-ng-edukasyon/.

Andanar, Martin. Agost 2020. "Babangon Tayo". Balita Central.


https://bcs.gov.ph/wp-content/uploads/2020/08/BC-
VOL2-ISSUE3.pdf.

Kathy_mac. 2020. "Pagsang Ayon At Pagsalungat Sa


Pagpapahayag Ng Opinyon". Slideshare.Net.
https://www.slideshare.net/kathy_mac/pagsang-ayon-
at-pagsalungat-sa-pagpapahayag-ng-opinyon.

Landig, Vanessa. Agosto 2020. "Deped Handa Sa Hamon Ng


New Normal". Balita Central. https://bcs.gov.ph/wp-
content/uploads/2020/08/BC-VOL2-ISSUE3.pdf.

Liwanag, Lydia. 1999. Landas Sa Wika Batayang Aklat Sa


Filipino 6. Quezon City: Book Media Press, Inc.

Relativo, James. 2020. "Deped: Tagumpay Vs COVID-19 Ang


Unang Araw Ng Eskwela". Philstar.Com.
https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/10/05/2047330/deped-
tagumpay-vs-covid-19-ang-unang-araw-ng-eskwela.

19 | P a h i n a
20 | P a h i n a
Balik-Aral
Pagsusulit
1. 😊
2. ☹ Face-to-face-classes, panahon na ng aba?
3. ☹
Maraming nag-aalala nang aprubahan
4. 😊
ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang
5. ☹ rekomendasyon ng Departement of
Education (DepEd) magsagawa ng dry run
Pamatnubay na Tanong ng face-to-face classes noong Disyembre 14.
1. A Ilang mga opisyales ng DepEd ang
2. D pinag-aaralan ang posibilidad ng
3. B pagkakaroon ng limitadong face-to-face
4. C classes sa mga lugar na mababa ang bilang
5. D ng kaso ng COVID-19. Ayon sa DepEd,
kailangang magpatuloy ang pag-aaral sa
paaralan ngunit tiyakin muna ang
Pinatnubayang Pagsasanay 1A
kaligtasan ng mga mag-aaral at guro bago
1. C
ituloy ang pagkakaroon ng face-to-face
2. B
classes sa bansa.
3. C
4. C
Marami ang nag-alala at nabigla sa
5. C
posibleng pagkakaroon ng face-to-face
classes. Ang rekomendasyon na ito ng
Pinatnubayang Pagsasanay 1B
DepEd ay agad na tinutulan ng mga
Maaring iba-iba ang sagot ng mga
magulang. Anila, ilalagay sa panganib ang
mag-aaral.
buhay ng mga bata at guro.
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Masyado pang maaga para sabihing
1. T mababa ang porsyento ng pagkahawa sa
2. T
eskwelahan. Hindi ito sapat na batayan
3. M
upang ipagpatuloy ang pagbabalik-eskwela
4. M
ng mga mag-aaral. Pag-aralang mabuti ng
5. T
DepEd, DOH, IATF at iba pang ahensyan
6. B
gobyerno bago ideklara ang pagkakaroon ng
7. C
face-to-face classes ngayong 2021.
8. B
Tandaan, ang pagsisisi ay laging nasa huli
9. D
kaya unahin muna ang mabisang solusyon
10. B
para makaiwas sa malaking problema.
Pang-isahang Pagsasanay
Pangwakas
1. A, C
2. B, D
1. Editoryal
3. C, D
2. Argumento
4. B, C
3-5. Panimula, Katawan, Konklusyon o
5. C, D
Katapusan
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikatlong Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:

Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like