You are on page 1of 20

4

Filipino
Ikatlong Markahan
Sariling Linangan Kit 3:
Bahaging Editoryal
Filipino – Ikaapat na Baitang
Ikatlong Markahan – Sariling Linangan Kit 3: Bahaging Editoryal
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Linly M. Dioso
Editor: Ligaya L. Perez
Tagasuri: Rene P. Sultan, Ligaya L. Perez
Tagaguhit: Hareld O. Candari
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon XI


Department of Education – Sangay ng Lungsod ng Davao
Office Address: Daang E. Quirino, Lungsod ng Davao
Telefax: (082) 2274726
E-mail Address: davaocitydivision@deped.gov.ph
4

Filipino
Ikatlong Markahan
Sariling Linangan Kit 3:
Bahaging Editoryal
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang sariling linangan kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa sariling linangan kit.
Para sa mag-aaral:
Ang sariling linangan kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
sariling linangan kit:
1. Gamitin ang sariling linangan kit nang may pag-iingat. Huwag
susulatan ang bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na
maaaring sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang
kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang sariling linangan kit sa inyong guro o
tagapagdaloy pagkatapos ng mga gawain.
Kung may mga bahaging nahihirapan kayo sa pagsagot sa mga
inilaang gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng sariling linangan kit na ito, ay
mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at malalim na
pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo
iyan!

ii
Alamin Natin

Magandang araw sa iyo! Sa pagkakataong ito, tayo ay


mag-aaral ng mga mahahalagang kasanayan na dapat matamo
para sa baitang apat.

Sa SLK na ito, inaasahang maisasakatuparan ang sumusunod:

1. Nasasagot ang mga tanong sa nabasang editoryal o


argumento.
2. Naisasalaysay nang pasulat ang detalye ng nabasang
editoryal.
Handa ka na ba? Alam kong kayang-kaya mo ito!

Subukin Natin

Panuto A: Basahing mabuti ang editoryal at sagutin ang mga


tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Epekto ng Nikotina

Binabago ng nikotina o nicotine ang bawat kilos ng utak at


galaw ng katawan. Pinare-relax ng nikotina ang naninigarilyo at
nagbibigay ng lakas ng loob.

Sa kabila nito, mabilis ang pag-release ng adrenaline sa


katawan ng tao kapag palagi ang paninigarilyo o pagkain ng
may nikotina o nicotine, bibilis ang bawat pintig ng puso at
kaba ang palaging nararamdaman.

Narito ang ilang epekto ng nikotina o nicotine sa katawan:


mabilis na pagtibok ng puso, pinatataas ang blood pressure at
mabilis na paghinga o hinihingal.

Hinaharangan din ng nikotina o nicotine ang pag-release ng


hormone isulin. Ayon naman sa mga nagdidiyeta, kinukuha ng
nicotine ang panlasa kaya nawawalan sila ng ganang kumain.

1
Ngunit ito ay maling dahilan dahil dahan-dahang sinisira ng
paggamit ng nikotina o nicotine ang katawan.

Ang kalusugan ay mahalaga, mas mahalaga pa sa iyong


ari-arian kaya huwag aksayahin ang perang pinaghirapan.
Hango sa Pahayagang Tanod, June 20, 2006 Isyu

1. Tukuyin ang angkop na punto ng nabasang editoryal?


A. pagbilis na pintig ng puso
B. pag-release ng hormone insulin
C. masamang epekto ng nikotina sa kalusugan ng tao
D. paghihingal at malimit na pagkakaba-kaba ng dibdib

2. Gaano kahalaga ang impormasyong nabasa?


A. Mahalaga nang kaunti ang impormasyon.
B. Medyo mahalaga ang impormasyon para sa mga ayaw
manigarilyo.
C. Mahalagang-mahalaga ito para maingatan ang kalusugan
ng tao.
D. Alam na ng lahat na bawal manigarilyo kaya wala na
itong kabuluhan.

3. Ano kaya ang intensyon ng sumulat sa nabasang editoryal?


A. Ipaliwanag ang sanhi ng sakit sa puso.
B. Ipaliwanag kung ano ang nikotina o nicotine.
C. Ipabatid kung paano nakukuha ang nikotina o nicotine.
D. Ipabatid ang masamang epekto ng nikotina o nicotine
bunga ng paninigarilyo.

Panuto B. Sa bahaging ito, pagdugtung-dugtungin ang iyong


kasagutan mula bilang 1 hanggang 3 ng Panuto A. Maaaring
dagdagan ng mga kataga o salita upang dumulas at gumanda
ang tunog ng pagsasalita. Gawin sa sagutang papel.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2
Magaling! Sa mga susunod na talakayan ay may mga gawaing
pagsasanay upang mapalago mo ang kasanayang ito.

Aralin Natin

Halina’t pag-aralan natin ang kasanayang nais nating mahasa.

Ang editoryal ay isang mahalagang bahagi ng pahayagan


dahil ito ang pinakaboses ng pahayagang nagpaparating sa
pananaw o paninindigan ng patnugutan tungkol sa isang
napapanahong isyu.

Ang editoryal ay may ilang layuning tulad ng sumusunod:


magpaabot ng kaalaman o magpabatid;
humihikayat sa mambabasa sa pinapanigang pananaw;
magbigay ng pagpapakahulugan sa isang isyu; o minsa’y
lumilibang sa mga mambabasa.

Sa takdang pagsulat ng editoryal, mahalagang makilala ang


tatlong bahagi nito.
Panimula. Dito ipakikilala ang isyung tatalakayin sa
kabuoan ng editorial tinatalakay. Taglay nito ang
pagpanig o pagsalungat sa isyu at ang kanilang mga
paliwanag o patunay sa pinaniniwalaang panig.

Katawan. Sa bahaging ito inilalahad ng patnugot o editor


ang pananaw o posisyon ng pahayagan ukol sa isyung
tinatalakay. Taglay nito ang pagpanig o pagsalungat sa
isyu at ang kanilang mga paliwanag o patunay sa
pinaniniwalaang panig.

Wakas. Dito ibinubuod ang kaisipang nais maiwan sa


mambabasa upang mahikayat sila sa posisyon ng
patnugutan.

3
Gawin Natin

Panuto A: Basahing mabuti ang bahaging editoryal at sagutin


ang mga tanong. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang
papel.

“Batang Negosyante Ako”

May isang organisasyon sa ilalaim ng National Youth


Commission na tinatawag na “Batang Negosyante Ako”. Ang
organisasyong ito ay naglalayong mang-akit sa kabataang
sumubok magnegosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
libreng Youth Entrepreneurship Seminar sa mga barangay lalo
na para sa kabataang hindi na nag-aaral o mga out-of-school
youth. Makatutulong ang mga impormasyong ibinigay ng
grupong ito para mahikayat ang kabataang mag-isip at
mapagsimula ng isang maliit na negosyong maaaring lumaki
kung pagbubutihin.

Mahalaga ang ganitong mga hakbang upang maaga pa’y


makapag-isip na ang kabataan sa pagsisimula ng negosyo at
hindi lang basta maghahanap ng trabaho pagdating ng araw.
Ang pagnenegosyo kasi ay may kakayahang makatulong hindi
lang sa sarili kundi maging sa kapwa at ganoon na rin sa
bayan.

Hango sa Pahayagang Philstar, June 10, 2018 isyu

1. Ano ang layunin ng sumulat ng editoryal?


A. Ipabatid na may organisasyong pangkabataan.
B. Nanghikayat sa kabataang hindi nag-aaral na sumubok
sa pagnenegosyo.
C. Matulungan ang kabataan o out-of-school youth sa
pagnenegosyo.
D. Ipabatid sa kabataan lalo na ang out-of-school youth na
may libreng seminar para sa pagnenegosyo.
2. Sino-sino ang maaring makinabang sa layunin ng sumulat
ng editoryal?
A. mga guro ng kabataang nais matuto

4
B. mga kaniya-kaniyang pamilya ng kabataan
C. ang kabataan lalo na ang out-of-school youth
D. mga magulang ng kabataang hindi nakapag-aral
3. Bakit dapat itaguyod ang pagpapabatid sa kabataan lalo na
ang out-of-school youth na may libreng seminar para sa
pagnenegosyo?
A. Dahil ito ay programa ng gobyerno
B. Dahil kawawa ang kabataan lalo na ang out-of-school
youth
C. Dahil ito ay ikabubuti ng mga magulang ng kabataan lalo
na sa mga huminto sa pag-aaral
D. Dahil sa paraang ito ay makapag-isip na ang kabataan sa
pagsisimula ng negosyo
4. Paano ang makatarungang pagpapatupad ng pagpapabatid
sa kabataan lalo na ang out-of-school youth na may libreng
seminar para sa pagnenegosyo?
A. Simulan ang pagpapabatid sa mga barangay.
B. Kausapin ang mga magulang ng buong barangay.
C. Bibigyan ng pera ang kabataan para may panggastos sa
pangangailangan.
D. Magkakaroon ng libreng seminar na pangkabuhayan ang
kabataan ng barangay nang sa gayon makatutulong sa
sarili at bayan.

Panuto B. Isulat nang padugtung-dugtong ang mga sagot mula


bilang 1 hanggang 4 ng Panuto A upang makabuo ng isang
talata ng mga mahalagang detalye ng editoryal. Gawin sa
sagutang papel.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5
Sanayin Natin

Sa bahaging ito ay magkakaroon tayo ng karagdagang


gawain para mahasa ang kasanayang dapat mong taglayin.
Panuto A: Pagtapatin ang Hanay A at Hanay B. Alin ang
magkasingkahulugan. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang
papel.

Hanay A Hanay B

1. pananaliksik A. sobra
2. natuklasan B. agham
3. suliranin C. pagsusuri
4. siyensya D. nalaman
5. lubha E. problema

Basahin at intindihin:

Daigdig, Sagipin

Gumawa ng pananaliksik ang mga siyentipiko tungkol sa


pagkasira ng daigdig na napatunayan nilang napakagandang
planeta ay pulos lupa, gayong ito ay 70.8% tubig. Samakatwid,
ito’y matubig na planeta.

Sa kasamaang palad, ito’y mabilis na nasisira dulot ng


pagpapabaya ng tao. Binabalikat ngayon ng daigdig ang
pinakamabigat na suliranin sa polusyon dulot na rin ng
makabagong kabihasnan at siyensya. Mabisang ipinakikita ng
suliranin sa polusyon ang malubhang pag-init ng mundo kaya
pabago-bago na ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Natuklasan ding ang mga bansang papaunlad tulad ng
Pilipinas ay lubhang maaapektuhan ng ganitong pag-init dahil
ito’y nasa lugar na tropiko. Ang pagbabago-bagong klima ay
magdudulot ng tagtuyot. Mapapansing madalas na bumabagyo
ngayon at lagi na tayong nakararanas ng malakas at pabugsu-
bugsong pag-ulan.

6
Ang paalaala, ang maagap na pagsagip sa mundo, ay hindi
dapat ipagwalang-bahala.

Hango sa Pahayagang, Tanod, Jan.11, 2006 isyu

Panuto B: Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang


editoryal. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang mahalagang punto sa nabasang editoryal?


A. Ang daigdig bilang matubig na planeta.
B. Madalas na pagbabagyo at pag-ulan sa daigdig.
C. Paglutas ng suliranin sa polusyon sa pagsagip ng daigdig.
D. Pananaliksik ng mga siyentipiko tungkol sa pagkasira ng
daigdig.

2. Sino-sino ang maaring makinabang sa punto ng sumulat ng


editoryal?
A. mga tao sa bukid
B. ang buong sangkatauhan
C. mga naninirahan sa lungsod na madalas binabaha
D. mga tao at hayop na naninirahan sa bundok na madalas
naaapektuhan

3. Bakit dapat itaguyod ang punto ng sumulat ng editoryal?


A. para sa maagap na pagsagip sa mundo
B. para mahinto ang madalas na pagbaha sa lungsod
C. para mawala na ang mga taong walang pakialam sa
paligid
D. para hindi na madalas uulan lalo na sa mga lungsod na
siyang sentro ng kalakalan

4. Paano ang makatarungang pagpapatupad ng punto ng


sumulat ng editoryal?
A. Isali sa usapin ang polusyon sa paaralan.
B. Simulan ang pagpapalaganap sa telebisyon.
C. Isulat sa mga diyaryo ang paraan ng pagsagip sa mundo.
D. Magkaroon ng “proyekto sagip” na pangungunahan ng
DENR para sa mabisang aksyon.

7
Panuto C: Kopyahin ang mga sagot mula bilang 1-4 sa Panuto B
sa paraang patalata upang maisalaysay ang detalye ng editoryal.
Gawin ito sa sagutang papel.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Panuto D. Basahin ang editoryal ng balitang ito at sagutin ang


mga tanong. Isulat lamang ang titik ng sagot sa sagutang papel.

Ahas na Dalawa ang Ulo

Ibinebenta ang ahas na dalawa ang ulo ng presidente ng


World Aquarium sa St. Louis na si Leonard Sonnenschein sa
bidding ng e-Bay sa halagang magsisimula sa USD 150,000.

Nailagay sa aquarium ang nasabing anim na taong gulang


na ahas matapos na ibenta ng dating may-ari makaraang
isilang.

Binili ng World Aquarium ang ahas sa halagang USD 15,000


dahil na rin sa paniniwalang ang mga ahas na dalawa ang ulo
ay nabubuhay lamang ng ilang buwan.

Subalit ikinagulat ng pamunuan ng World Aquarium ang


mahabang buhay ng nasabing ahas na may sukat na 2 ½ cm
thick at 1.2 meters ang haba na isang rat snake.

Puti ang kulay ng katawan ng ahas na ang mga ulo ay


medyo mapula ang hitsura.

Sinabi ni Sonnenshein na nasorpresa sila sa pagkabuhay ng


matagal ng nasabing ahas dahil kabisa sa ibang two-headed
animals, ang bibig ng ahas ay parehong nakakolekta sa iisang
tiyan. Sinabi ni Van Wallach of Harvard University’s Museum of
Comparative Zoology, na ang nasabing ahas na tinawag sa
pangalang “We” ay maaaring tumagal pa ang buhay hanggang

8
10-15 taon. Nasa tamang gulang na aniya si “We”, isang
babaeng ahas, para magparami ng kaniyang lahi.

Ang kakaibang mukha ng ahas ay nagdadala ng ganyak


para sa isang pagsaliksik sa siyensiya na siyang tanging may
kakayahang alamin ang ganitong uri.

Hango sa Pahayagang PM o Pang-Masa, January 11, 2007 isyu

1. Ano ang layunin ng sumulat ng nabasang editoryal?


A. Mamangha ang tao sa kakaibang uri ng ahas.
B. Maisiwalat sa buong mundo ang ibang mukha ng ahas.
C. Maipabatid sa buong mundo na may ahas na dalawa ang
ulo.
D. Matuwa ang tao sa isang kamangha-manghang mukha
ng ahas.

2. Sino-sino ang maaaring makinabang sa layunin ng


sumulat?
A. tao C. museo
B. nag-alaga D. siyensiya

3. Bakit dapat itaguyod ang layunin ng sumulat ng editoryal?


A. Upang marami ang nais bibili ng ahas.
B. Mamangha ang tao sa ibang uri ng ahas.
C. Marami ang sasali sa bidding ng pagbenta ng ahas.
D. Upang magdagdag ng kakaibang kaalaman sa mga tao.

4. Paano ang makatarungang pagpapatupad ng layunin ng


sumulat?
A. Ilagay ang nahuling ahas sa zoo.
B. Ibenta ang ahas sa mas malaking halaga.
C. Ipaalam sa mga barangay ang nadiskubreng ahas baka
sakali may nakita rin sila.
D. Paglalathala sa mga pahayagan, radyo at social media sa
nadiskubreng ahas na may dalawang ulo.

Panuto E: Isulat ang mga sagot mula bilang 1-4 nang patalata sa
sagutang papel.

9
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Tandaan Natin

Ang editoryal ay isang mahalagang bahagi ng pahayagan


dahil ito ang pinakaboses ng pahayagang nagpaparating sa
pananaw o paninindigan ng patnugutan tungkol sa isang
napapanahong isyu.

Ang editoryal ay may ilang layuning tulad ng sumusunod:


magpaabot ng kaalaman o magpabatid;
humihikayat sa mambabasa sa pinapanigang pananaw;
magbigay ng pagpapakahulugan sa isang isyu; o minsa’y
lumilibang sa mga mambabasa.

Sa takdang pagsulat ng editoryal, mahalagang makilala ang


tatlong bahagi nito.
Panimula. Dito ipakikilala ang isyung tatalakayin sa
kabuoan ng editorial na tinatalakay. Taglay nito ang
pagpanig o pagsalungat sa isyu at ang kanilang mga
paliwanag o patunay sa pinaniniwalaang panig.

Katawan. Sa bahaging ito inilalahad ng patnugot o editor


ang pananaw o posisyon ng pahayagan ukol sa isyung
tinatalakay. Taglay nito ang pagpanig o pagsalungat sa
isyu at ang kanilang mga paliwanag o patunay sa
pinaniniwalaang panig.

Wakas. Dito ibinubuod ang kaisipang nais maiwan sa


mambabasa upang mahikayat sila sa posisyon ng
patnugutan.

10
Suriin Natin

Sa bahaging ito ay susukatin ang natutuhan sa kasanayang


dapat mahasa. Kayang-kaya mo ito!

Panuto A. Basahin at sagutin ang mga tanong mula sa


napapanahong balitang editoryal. Isulat ang titik ng sagot sa
sagutang papel.

Problema sa Programa sa Bakuna

Napakalaki ng pangangailangan para sa mga bakunang


kontra-COVID-19 na hindi inaasahan ng pamahalaang
pambansa na maabot itong lahat nang mag-isa. Sa gayon ay
inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang tatlong
hakbang na kasunduan sa pamabansang pamahalaan, mga
yunit ng lokal na pamahalaan, at mga pribadong kompanya ng
parmasyutiko para sa pagkuha ng milyun-milyong dosis ng
bakuna na kinakailangan ng ating mamamayan.

Ang pambansang pamahalaan ay nakikipag-ayos ngayon sa


mga kumpanya ng bakuna ng Pfizer, AstraZEneca, Novavax,
Johnson and Johnson, Sinovac, at Gamaleya, ayon kay Carlito
Galvez ng National Task Force Against COVID-19.

Ang mga kompanya ay kailangan pang maghain ng


aplikasyon sa ating Food and Drug Administration (FDA) at
tumatagal ng tatlo hanggang apat na linggo, depende sa
pagkakompleto ng pagsumite, sinabi ni FDA Director Gen. Eric
Domingo. Sa ngayon dalawang kompanya pa lang ang nabigyan
ng aprubadong aplikasyon at iba ay pinoproseso pa.

Isa pang problema ang pangangailangan para sa sapat na


pag-iimbak ng mga bakuna habang naghihintay na maiturok,
lalo na sa ilang mga lalawigan na malalayo. Halimbawa, ang
bakuna ng Pfizer ay kailangan itago sa minus-70 degree
Celsius. Ang moderna ay minus-20 degree ang iba wala pang
numerong ibinigay.

11
Ang lahat ng ito ay mga aspeto ng malaking problemang
kinakaharap ng bansa ngayon - pagpopondo, pagkakaroon, at
pag-iimbak. Dapat din nating tanggapin na ang pinakamaagang
makakukuha tayo ng ating unang supply ng bakuna ay halos
limang buwan mula ngayon – bandang Mayo. Karamihan sa
ating mga bakuna ay darating sa huling bahagi ng 2021 at
maaga sa 2022.

Tumalima sa “Mask. Hugas. Iwas.” Sa ngayon ay ito ang ating


pinakamahusay na kalasag laban sa COVID -19 hanggang sa
makakuha tayo ng ating bakuna.

Hango sa Balita Online January 8, 2021 isyu


1. Ano ang layunin ng sumulat ng nabasang editoryal?
A. Ipinabatid na si Pangulong Duterte ay may malasakit sa
mga Pilipino.
B. Ipinaalam na malapit nang mapuksa ang COVID-19 na
isang uri ng virus.
C. Ipinakilala ang mga kompanyang nagbigay aplikasyon
para sa ating bakuna.
D. Ipinapaalam na ang pamahalaan ay may ginagawang
paraan para sa bakuna kontra-COVID-19.

2. Sino-sino ang maaaring makinabang sa layunin ng sumulat


ng editoryal?
A. Ang makinabang ay ang mamamayang Pilipino.
B. Ang mga mamamayang nagkakasakit ng COVID – 19.
C. Ang mga frontliners na nais manumbalik na ang old
normal.
D. Ang mga politikong nais ipaalam ang kanilang mga
hakbang.
3. Bakit dapat itaguyod ang layunin ng sumulat ng editoryal?
A. Para hindi na matakot ang mga taong lumabas ng bahay.
B. Upang lumakas ang loob ng mga taong
maghahanapbuhay.
C. Para maging mapanatag ang damdamin ng mga
mamayang Pilipino.
D. Upang magpatuloy ang ating frontliners sa pagbibigay
serbisyo sa ating kapwa Pilipino.

12
4. Paano ang makatarungang pagpapatupad ng layunin ng
sumulat ng editoryal?
A. sa tulong ng mga LGU
B. pag-usap-usap ng mga opisyal ng pamahalaan
C. paraan ng pakikipagtalakayan ng mga kinauukulan
D. sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon sa mga tao
sa telebisyon, pahayagan at social media
Panuto B: Kopyahin ang mga sagot mula bilang 1-4. Isulat ito sa
paraang patalata upang maihanay ang mga mahalagang detalye
ng editoryal. Isulat sa sagutang papel.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Payabungin Natin

Sumulat ng napapanahong balita at huwag kalimutang


sundin ang mga gabay sa pagsusulat na nakasaad sa bahaging
Tandaan Natin. Gawin ito sa sagutang papel.

Pagnilayan Natin

Ang kasanayan ng pagsagot sa mga tanong at pagtukoy sa


detalye ng isang editoryal ay mahalaga lalo na at ito’y isasalaysay
mo sa paraang pasulat nang patalata. Bilang mag-aaral sa
ikaapat na baitang dapat taglay mo ang mga kasanayang ito.

Maligayang pagbati sa iyo! Natapos mo ang SLK na ito dahil sa


iyong sipag at tiyaga sa pag-aaral

13
14
Payabungin Natin
Iba-iba ang maaaring sagot.
Sanayin Natin
Panuto A: 1. C 2. D 3. E 4. B 5. A
Panuto B: 1. C 2. B 3. A 4. D
Panuto C:
Ang mahalagang punto ng editoryal ay ang paglutas ng suliranin sa polusyon sa pagsagip
ng daigdig. Ang makinabang sa puntong ito ay ang buong sangkatauhan. Dapat itaguyod ang
puntong ito para sa maagap na pagsagip sa mundo. Ang makatarungang pagpapatupad nito ay
magkaroon ng “proyekto sagip” na pangungunahan ng Department of Environment and Natural
Resources (DENR) para sa mabisang aksyon.
Panuto D: 1. C 2. A 3. D 4. D
Panuto E:
Ang layunin ng sumulat ng editoryal ay maipabatid sa buong mundo na may ahas na
dalawa ang ulo. Ang maaaring makinabang sa layunin ng sumulat ay ang tao upang madagdagan
ng kakaibang kaalaman. Ang paglalathala sa mga pahayagan, radyo at social medya sa
nadiskubreng ahas na may dalawang ulo ay paraan para maipabatid ito sa sangkatuhan.
Gawin Natin Subukin Natin
Panuto A: 1. D 2. C 3. D 4. D Panuto A: 1. C 2. C 3. D
Panuto B: Panuto B:
Ang layunin ng sumulat ng editoryal Ang punto ng editoryal ay ang
ay ipabatid sa kabataan lalo na ang out-of- masamang epekto ng nikotina sa kalusugan
school-yout na may libreng seminar para sa ng tao. Mahalagang-mahalaga ito para
pagnenegosyo. Ang makinabang sa layunin maingatan ang kalusugan ng tao. Ang
na ito ay ang kabataan lalo na ang out-of- intension ng sumulat ng editoryal ay ipabatid
school youth. Kailangan itaguyod ang ang masamang epekto ng nikotina o nicotine
pagpapabatid nito sa kabataan dahil sa bunga ng paninigarilyo.
paraang ito ay makapag-isip na ang kabataan
sa pagsisimula ng negosyo.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon. Gabay sa Kurikulum ng Filipino sa


Ikaapat na Baitang, Edisyon 2016

DP Mabilog Enterprises. Mga Laguman at Markahang Pagsubok


sa Filipino-Ikaanim na Grado. Unang Revisyon 2006, pp 9-10;
139

Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 4 (K+12) Wika at Pagbasa


para sa Elementarya. PHOenix Publishing House, Inc. 927
Quezon Ave., Quezon City. Edisyon 2015, pp.396; 403-404
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like