You are on page 1of 12

4

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Ang Balangkas o Istruktura
ng Pamahalaan ng Pilipinas
Alamin
Magandang araw sa iyo!

Pagkatapos sa araling ito, matutunan mo ang pagbabalangkas ng Pamahalaan ng


Pilipinas. Tutukuyin dito ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan, at ang linya ng
pagkakabalangkas mula pangulo hanggang sa pinakamaliit nay unit pampulitika ng
pamahalaan.

Sa loob ng tatlong linggo, inaasahang maisasakatuparan mo ang mga sumusunod na


layunin o pinakamahalagang kasanayan:

• Nasusuri ang balangkas o istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas.


• Natutukoy ang mga namumuno ng bansa.
• Maipapaliwanag nang ang konsepto ng Sistema ng Pamahalaan ng Pilipinas.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ay talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamiting ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na


papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.


5. Tapusin ang kasalukuyang Gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.


Kung sakaling ikaw ay nahihirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makakaranas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!

Subukin
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang.
A B
________1. Pangulo ng Pilipinas A. Hon. Diosdado Peralta
_______2. Pinuno ng Senado B. Hon. Rodrigo R. Duterte
________3. Punong Mahistrado C. Hon. Leny Robredo
________4. Tagapagsalita ng Kinatawan D. Hon. Vicente Sotto III
________5. Bise Presidente E. Hon. Lord Allan Velasco
________6. Maaring Pumalit F. Bise-Presidente Sa Pangulo

Aralin 1 Ang Balangkas o Istruktura ng Pamahalaan


ng Pilipinas

Mahalaga na pag-aralan ang pagbabalangkas ng Pamahalaan ng Pilipinas. Ang


pamahalaan ay gaya din ng pamilya ay may mga miyembro na may kanikaniyang
tungkulin. Kung ang pamilya ay may balangkas na sinusunod, ganoon din ang
pamahalaan.

Ang pamahalaan ay tulad ng ibang samahan o organization ay mayroon ring


miyembro at may kanya-kanyang tungkulin.

Kung ang mga samahan at organization ay may pagbabalangkas na sinusunod,


ganun din ang pamahalaan.
Balikan
A. Ayusin ang mga letra sa kahon upang malaman ang mga sagot sa
katanungan:

B N R E D
R G O A O ______________ 1. Sino ang pinuno ng lalawigan?

N A B A
Y G R A ______________ 2. Ano ang pinakamaliit na unit ng LGU?

A P L N
______________ 3. Kanino may direktang pananagutan ang
O G U
mga pinuno ng lalawigan
E T R E
T U D ______________ 4. Sino ang pangulo ng Pilipinas?

A N R O
______________ 5. Pinuno ng Mataas na Kapulungan:
D S E +

B. Panuto: Isulat sa patlang ang tamang pangalan ng mga namumuno


sa pamahalaan ng Pilipinas.

1. _______________ 2. ________________ 3. ____________________

4. ___________________________ 5. _________________________
Tuklasin
ANG BALANGKAS O ISTRUKTURA NG PAMAHALAAN NG PILIPINAS
Tuklasin natin sa araling ito ang mga detalye tungkol sa pagbabalangkas ng ating
pamahalaan. Sa ganun mabibigyang katwiran natin ang mga aksiyon na ginagawa ng
mga namumuno sa pagtugon ng mga pangangailangan ng mamamayan.

Sa ilalim ng Saligang-Batas ng 1987, ang ating bansa ay mayroong Presidensiyal


na uri ng pamahalaan. Ito ay binubuo ng tatlong (3) sangay na tinalakay sa nakaraan
aralin. Ang mga sangay na tagapagbatas, tagapagpaganap, at tagapaghukom. Ang
pangulo (Presidente) at Pangalawang Pangulo (Bise-Presidente) ang siyang namumuno
sa sangay ng tagapagganap. Sila ay direkta o tuwirang ihihalal ng mga mamamayan sa
pamamagitan ng pambansang eleksyon. Anim na taon ang tagal ng kanilang
panunungkulan.

Ang pangulo ang nagtatalaga ng kanyang Gabinete o Cabinet na siyang


tumutulong sa pangangasiwa at maayos na pamamalakad ng mga gawaing
pampamahalaan. Ang Gabinete ay binubuo ng mga iba’t ibang sangay (departments) na
may mga ispesipikong tungkulin at pinamuan ng isang Kalihim (Cabinet
Secretary).

Ang sangay Tagapagbatas ay may pangunahing tungkulin na pagpasa ng mga iba’t


ibang batas. Ito ay binubuo ng Mataas na Kapulungan (Senado) at Mababang
Kapulungan (Kinatawan).

Ang pangulo ng Senado (Senate President) ang siyang namumuno sa Mataas na


Kapulungan at ang Spiker (Speaker of the House) ang siya naming namumuno sa
Mababang Kapulungan. Sila ay direktang inihalal ng mga mamamayan sa pamamagitan
ng isang nasyonal at lokal na eleksyon tuwing ikatlong taon.

Ang sangay ng Hukuman (Supreme Court) ang itinuturing pinakamataas na


hukuman na siyang pinamumunuan ng Pinunong Mahistrado o Chief Justice.

Upang mas lalo nating maunawaan ang mga konsepto ng nabanggit ko sa itaas, suriin
natin ang tsart ng Kapangyarihan ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Narito ang Tsart:

Makikita mo sa tsart ang pagkakahati-hati ng kapangyarihan ng pamahalaan ayon


sa tatlong sangay nito.

Mapapansin mo na ang bawat sangay ay magkakapantay sa tsart. Ito ay dahil sa


prinsipyo ng pantay-pantay na kapangyarihan ng tatlong sangay. Ipinakikita dito na
hindi maaaring maimpluwensyahan o diktahan ng bawat sangay ang desisyon at galaw
ng bawat isa maliban kung isinasaad sa batas. Mapapansin din na may kanyakanyang
tungkulin ang bawat sangay. Ang Tagapagganap ang pangunahing sangay na ang
tungkulin ay ipapatupad ang mga batas at mga adhikain na mai-angat ang kabuhayan
ng lahat ng mamamayan. Ang tagapagbatas naman ay layuning gumawa at magpasa ng
mga batas na mangangalaga ng mga karapatan ng lahat ng mamamayan. Ang Sangay
Tagapaghukom ay may pangunahing layunin na alamin kung ang mga gawain at mga
hakbangin ng mga ahensya ng pamahalaan ay naaayon sa mga batas alinsunod sa
itinadhana ng Saligang-Batas ng Pilipinas.

Pagyamanin
Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.

________1. Paraan ng pagpili ng Pangulo at Bise-Presidente:

a. Halalang Nasyonal c. Pagpili ng kinatawan


b. Pagtaas ng kamay d. Pagtatalaga ng Punong Mahistrado

________2. Inihalal ng mga botante sa mga purok pangkapuluan:

a. Pangulo c. Kinatawan ng Kapulungan


b. Senador d. Gabinete

________3.Bilang ng mga miyembro ng senador

a. 23 b. 24 c. 11 d. 12

________4.Taon ng panunungkulan ng president:

a. 6 b. 7c. 5 d. 4
________5. Nagtatalaga ng Gabinete:

a. Presidente c. Senador
b. Bise-Presidente d.Punong Mahistrado

Isaisip
• Ang Pangulo ng Pilipinas ang siyang punong tagapagpaganap ng pamahalaan. Siya ang
pumipili ng mga Kalihim ng mga Kawanihan ng Pamahalaan batay sa pagsang-ayon ng
Komite ng Paghirang.
• Ang Pangalawang Pangulo ay maaaring humawak ng posisyon bilang Kalihim sa
Gabinete nang hindi na kailangang dumaan sa Komite ng Paghirang batay sa pagtatalaga
ng Pangulo.
• Ang Sangay Tagapagbatas ay siyang taga-ugit ng batas. Binubuo ito ng Mataas na
Kapulungan (Senado) at Mababang Kapulungan (Kinatawan).
• Ang sangay Tagahukom ay pinamumunuan ng Kataastaasang Hukuman.
• Ang sangay ng tagapaghukom ay kinabibilangan ng isang punong mahistrado at 14 na
katulong na mga mahistrado.
• Ang Gabinete ay nasa pamamahala ng Pangulo.
• Ang mga yunit ng local na pamahalaan ay pinamumunuan ng alkalde ng bayan ng
lunsod.

Isagawa
Balangkas ng Pamahalaang ng Pilipinas.
Panuto: Punan ng akmang posisyon ang mga numerong may patlang
Tayahin
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

_________ 1. Inihalal ng kinatawan ng mahistradong partido o organisasyong pambansa, panrehiyon at


pang-sektor.

a. Liberal party c. Senador


b. Congressman d. Punong Mahistrado

_________ 2. Pinuno ng Kataastaasang Hukuman.

a. Pangulo c. Senador
b. Congressman d. Punong Mahistrado

_________ 3. Ang pinuno ng Sangay ng Tagapagganap

a. Pangulo
b. Congressman
c. Senador
d. Punong Mahistrado

_________ 4. Bilang ng pinunong Mahistrado

a. 10
b. 12
c. 13
d. 14

_________ 5. Pinuno ng Mababang Kapulungan

a. Ispiker ng Kapulungan
b. Senador
c. Congresista
d. Gabinete

_________ 6. Bilang ng mga Miyembro ng Mataas na Kapulungan

a. 6
b. 12
c. 25
d. 20
_________ 7. May pangunahing tungkulin na gumawa ng mga panukalang batas.

a. Mambabatas

b. Senador

c. Pangulo

d. Gabinete

_________ 8. Maaaring humawak ng posisyon bilang Kalihim sa Gabinete

a. Pangalawang Pangulo

b. Pangulo

c. Senador

d. Gabinete

_________ 9. Siya ang pumipili ng mga Kalihim ng mga Kawanihan ng


Pamahalaan

a. Pangalawang Pangulo

b. Pangulo

c. Senador

d. Gabinete

_________ 10. Itinuturing pinakamataas na hukuman na siyang pinamumunuan ng


Pinunong Mahistrado o Chief Justice.

a. Sangay ng Tagapaghukum
b. Sangay ng Tagapagbatas
c. Sangay ng Tagapagpaganap
d. Gabinete
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Billy Rey Rillon (Nov. 11, 2016) Pamahalaan ng Pilipinas

CPJ Committee to protect Journalists, December 5, 2019

DepEd. (2020). K to 12 Most Essential Learning Learning Competencies.


Ebook.

DepEd. (2015) Araling Panlipunan: Kagamitan ng Mag-aaral (Tagalo). Unang


Edition.

Daily Tribune Newspaper, January 6, 2020

DW Made for Minds, November 10, 2017. Asia


Konstitusyon ng Reuplika ng Pilipinas (February 11, 1987). Artikulo II,
Seksyon 1 ng 1987 Konstitution

Officialgazette.gov.ph (1999) – Ang Pamahalaan ng Pilipinas


https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/

Slide.share.net/mildredmatugas7/araling panlipunan

The Filipino Times, January 11, 2021

Wiktionary – https://tl.wiktionary.org/wiki/pamahalaan

Wikipedia/Ang malayang Ensiklopedya

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section
(LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like