You are on page 1of 32

4

EPP
Agrikultura
Unang Markahan – Modyul 3:
Pagtatanim ng Halamang
Ornamental
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ika-apat na
Baitang Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 3: Pagtatanim ng Halamang Ornamental
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng KAGAWARAN NG EDUKASYON
Kalihim: LEONOR MAGTOLIS BRIONES
Pangalawang Kalihim: DIOSDADO M. SAN ANTONIO
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Raquel F. Cordero Ian G. Barniego
Mary Jean M. Gomez Princess A. Freirez
Ivy C. San Juan
Editor: Arlene P. Norico
Tagasuri: Beverly B. Abad : LR Evaluator
Lorelie C. Salinas
Mila A. De Leon PhD : Division EPS TLE/EPP
Tagaguhit: Ronel D. Caligdong
Tagalapat: Ysmael Yusoph E. Alamada
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo PhD, CESO IV : Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V : Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio PhD, CESO VI : Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno PhD : Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera : CLMD Chief
Arturo D. Tingson, Jr. : Regional EPS, In-charge of LRMS
Peter Van C. Ang-ug : Regional EPS, ADM Coordinator
Gilda A. Orendain : Regional EPS, TLE/EPP Coordinator
Lalaine SJ. Manuntag PhD : Division CID Chief
Nelida A. Castillo PhD : Division EPS In-charge of LRMS
Marichu R. Dela Cruz PhD : Division ADM Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Department of Education – Region XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825 / (083) 2281893
Website: depedroxii.org
Email: region12@deped.gov.
4
Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Agrikultura 4
Unang Markahan – Modyul 3:
Pagtatanim ng Halamang Ornamental
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan Baitang 4 ng Self-Learning Module (SLM) para sa araling Pag-
aalaga ng Hayop.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Baitang 4
ng Self-Learning Module ukol sa Pag-aalaga ng Hayop.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad


ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

iv
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin
Magandang araw para sa pagsisimula ng aralin para sa
agrikultura. Ang agrikultura ang nagbibigay tulong sa pag-usbong ng
ekonomiya para sa maayos na pamumuhay ng mga tao. Ang Pilipinas
ay itinuturing na isang agricultural na bansa na karamihan sa
hanapbuhay ay pagsasaka.
Sa modyul na ito, matututunan ninyo ang mga sumusunod na
aralin:
Aralin 1: Kaalaman sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental
Aralin 2: Kasanayan sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental
Aralin 3: Pagkukunan ng mga Halamang Ornamental
Aralin 4: Wastong Paraan sa Pagtatanim ng Halamang
Ornamental sa Tuwirang Pagpapatubo
Aralin 5: Wastong Paraan sa Pagtatanim ng Halamang
Ornamental sa Di- Tuwirang Pagpapatubo
Pagkatapos ng modyul na ito, kayo ay inaasahang:
1. Natatalakay ang kaalaman sa pagtatanim ng halamang
ornamental
2. Naiisa-isa ang mga kasanayan sa pagtatanim ng halamang
ornamental
3. Natutukoy ang mga pinagkukunan ng mga halaman at iba
pang kailangan sa halamang ornamental
4. Napapahalagahan ang mga kaalaman at kasanayan sa
pagtatanim ng halamang ornamental
5. Nabibigyang halaga ang mga pinagkukunan ng mga halamang
ornamental
6. Napahahalagahan ang pag-aalaga ng mga halamang ornamental
7. Nakaguguhit ng mga halimbawa ng halamang ornamental na
makikita sa hardin
8. Naisasagawa ang pagtatanong sa mga kasamahan sa bahay ng
mga mapagkukunan ng halamang ornamental
Alamin

Ang modyul na ito ay sinulat at binuo upang kayo ay


magagabayan sa inyong pag-aaral. Makatutulong ito upang
matutunan ng lubos ang tungkol sa pagtatanim ng halamang
ornamental.
Ang modyul na ito ay binubuo ng tatlong mga aralin:

Aralin 1: Halamang ornamental


Aralin 2: Paghahanda ng taniman ng halamang ornamental
Aralin 3: Wastong pamamaraan sa paghahanda ng
taniman ng halamang ornamental
Aralin 4: Paghahanda ng mga itatanim o patutubuin
Aralin 5: Wastong paraan sa paghahanda ng mga itatanim
o patutubuin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na:


1. Napipili ang itatanim na halamang ornamental,
2. Naihahanay ang halamang ornamental sa lugar kung
saan sila pwedeng itanim,
3. Naiisa-isa ang wastong paraan sa
paggawa/paghahanda ng tanima,
4. Naipapakita ang wastong pamamaraan sa
paghahanda ng taniman,
5. Naipakikita ang wastong pamamaraan sa paghahanda ng
mga itatanim o patutubuin,
6.Nalalaman ang wastong pamamaraan sa paghahanda
ng mga itatanim o patutubuin,at
7.Napahahalagahan ang wastong pamamaraan sa
paghahanda ng mga itatanim o patutubuin.

Subukin

2
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga sumusunod
na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa pag-aayos ng mga halaman sa bakuran
na kaaya-ayang tingnan?
a. fish pond b. basurahan c. landscape d. tambakan

2. Kailan kailangang isaalang-alang ang pagpili ng


halamang ornamental na itatanim?
a. tuwing tatanim b. tuwing aani
c. paminsan-minsan d. hindi kailangan
3. Ano-ano ang kailangang isaalang- alang sa pagbabago ng
espasyo ng taniman ng halamang ornamental?
a. lupang tataniman
b. kasangkapan at kagamitan
c. mga halaman at punong ornamental na nababagay
sa inyong bakuran
d. lahat ng nabanggit

4. Ano ang pangunahing dapat alamin kung sakaling


hindi maganda ang mga dating tanim?
a. alamin muna ang lupang tataniman
b. palitan agad ang mga tanim
c. itatapon lahat ng mga nakatanim sa lupa
d. mag aabono sa lupang tataniman

5. Kapag ang lupa ay tuyo, matigas, at bitak bitak ano ang


marapat na gawin?
a. maghahanap ng ibang lupang maaring bungkalin
b. haluan ng mga organikong bagay gaya ng mga binulok
(decomposed) na mga halaman at dumi ng hayop.
c. buhusan ito ng maraming tubig
d. wala sa nabanggit
6. Anong kagamitan ang gagamitin upang bungkalin ang
lupang pagtataniman?
a. kalaykay at regadera
b. dulos at regadera c.
asarol at piko
d. dulos at pisi

3
7. Bakit kailangan ang masusing paghahanda sa itatanim?
a. upang mabilis ang paglaki ng halaman
b. upang maisakatuparan ang proyekto
c. upang madali ang pagsugpo ng mga sakit nito
d. upang maibenta kaagad ang mga produkto

8. Saan maaaring magsimula ang itatanim na halamang


ornamental?
a. paso at lupa
b. bunga at dahon
c. buto at sangang pantanim
d. wala sa mga ito

9. Saan itinatanim ang mga namumulaklak na halaman?


a. Sa tabi ng mga lumalaki at yumayabong na halaman
b. Sa lugar na naaarawan
c. Sa ilalim ng mga punong-kahoy
d. Wala sa nabangit

10. Ano ang tawag sa pagpapaganda ng isang lugar sa


pamamagitan ng pagtatanim ng halamang ornamental?
a. Vegetable gardening
b. Floral arrangement
c. Landscape gardening
d. Urban gardening

Aralin

1 Halamang Ornamental

Mga Layunin:

4
1. Napipili ang itatanim na halamang ornamental at
2. Naihahanay ang halamang ornamental sa lugar kung saan
sila pwedeng itanim.

Balikan

Bago tayo pipili ng halamang ornamental na itatanim, balikan


muna natin ang iyong nalalaman .
Ano-ano ang mga halamang ornamental na ating natutunan?
Nakatanim na ba kayo ng halamang ornamental?
Ano-ano ang halamang ornamental na nasa inyong bahay? Saan
ninyo itinanim ang inyong halamang ornamental? Bakit doon
ninyo itinanim? Bagay ba na ang San Francisco ay itanim sa
bakod? Bakit?

Tuklasin

Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga tanong.


Ang mag-anak na Reyes ay nais na maglandscape sa bakuran ng
kanilang tahanan dahil nais nilang maging maganda o kaaya-
ayang tingnan ang kanilang harapan. Kailangan nilang pumili ng
mga itatanim na halamang ornamental para sa kanilang
landscaping. Kung kayo ang papipiliin, anong mga halamang
ornamental ang inyong itatanim? Ano-ano ang dapat ninyong
isaalang-alang sa pagpili?

Suriin

5
Pagmasdan ang larawan. Ano-anong mga halamang
ornamental ang kanilang itinanim? Saan nila ito itinanim?
Ang mga halamang ornamental na matataas ay itinatanim sa
gilid, sa kanto o sa gitna ng mababang halaman.
Ang mababa na halamang ornamental ay itinatanim sa mga
panabi o paligid ng bahay, sa
bakod, sa gilid ng daanan o
pathway.
Ang mga halamang
ornamental na
namumulaklak ay inihahalo
o isinasama sa mga
halamang di namumulaklak.
Ang mga halamang ornamental na madaling palaguin ay
itinatanim kahit saan samantalang ang mahirap palaguin ay
itinatanim sa lugar na maaalagaan nang mabuti.
Ang mga halamang ornamental na lumalago sa lupa ay
maaaring itanim sa tamang makakasama nito at ang mga
halamang lumalago sa tubig ay maaari sa mga babasaging
sisidlan sa loob ng tahanan o sa fish pond sa halamanan.

Pagyamanin

Gawain 1.1
Panuto: Idikit ang larawan ayon sa uri ng halamang ornamental.
Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

6
Halamang Halamang Halamang
ornamental na ornamental na ornamental na
mataas mababa namumulaklak

Halamang Halamang Halamang


ornamental na ornamental na ornamental na
mahirap palaguin
madaling palaguin
di namumulaklak

Isaisip

Gawain 1.2
Ihanay ang mga nakatalang halamang ornamental sa lugar
kung saan sila pwedeng itanim. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Gumamela San Francisco Magic Rose


Water Lily Pako Santan
Palmera Rosas Daisy

Sa gilid o sa kanto Sa gilid ng daanan o Sa tubig


paligid ng bahay

Gawain 1.3
Iguhit ang inyong planong hardin. Lagyan ito ng iba’t ibang
halamang ornamental. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

7
Aralin
Paghahanda ng Taniman ng
2 Halamang Ornamental
Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang wastong paraan sa paggawa/paghahanda
ng taniman; at
2. Nakasusulat ng wastong pamamaraan sa paghahanda ng
taniman ng hlamang ornamental.

Balikan

Magandang araw binabati kita ipinakikita mong kakayahan


at kagalakan sa pamamagitan ng paggamit at pagsagot sa lahat
na pagsasanay sa aralin 1, Pagpili ng Itatanim na halamang
ornamental, sa modyul na ito. Higit akong umaasa na taglay mon
a ang sapat na kaalaman na may kinalaman sa mga pagpili ng
itatanim na halamang ornamental.

Sabihin kung anong uri ng halamang ornamental ang sumusunod


na mga larawan. Piliin ang sagot at lagyan ng tsek ito sa dulo.

Halamang mahirap patubuin


1.
Halamang madaling patubuin

Halamang namumulaklak

2. Halamang di- namumulaklak

3. Halamang mahirap palaguin

Halamang madaling palaguin

8
Tuklasin

Napag-usapan ng klase ni Binibining Ana na ayusin at


pagandahin ang kahong makikita sa harap ng kanilang silid-aralan
dahil nais nilang mapaganda at maging kaakit-akit tingnan ito.
Kailangan pagsunud- sunurin ang wastong pamamaraan sa
paggawa/paghahanda ng taniman ng halamang ornamental.
Kung kayo ang gagawa, anong paghahanda/paggawa ng taniman
ang inyong gagawin?
Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa/paghahanda
ng taniman ng halamang ornamental?

Suriin

Basahin at unawain.
Matapos makita ang lugar na pagtataniman, pag-aralan muna
kung anong uri ng lupang taniman ito. Kapag ang lupa ay
tuyo, matigas , at bitak-bitak, nararapat na haluan ito ng mga
organikong bagay gaya ng mga binulok (decomposed) na mga
halaman tulad ng dayami, tinabas na damo, mga tuyong
dahon, at mga dumi ng hayop upang maging mabuhaghag ang
lupang tataniman. Kapag malagkit at sobrang basa, haluan
din ito ng compost upang lumuwag ang lupa.
Kapag naayos na ang lupang tataniman, pwede na itong
bungkalin gamit ang asarol at piko. Tanggalin ang mga bato,
matitigas na mga ugat at mga di kailangang bagay ng halaman
sa lupang tataniman habang nagbubungkal. Kapag nabungkal
na ang lupang taniman, lagyan ito ng organikong pataba gaya
ngkompos o humus at patagin ito gamit ang kalaykay (rake).
Pagkatapos mabungkal at mapatag ang lupang taniman, maaari
na itong taniman ng mga halaman o punong ornamental.

9
Sagutin ang mga tanong mula sa binasang sulatin.

1. Ano ang dapat mong gawin kapag ang uri ng lupa sa


pagtataniman ay tuyo, matigas, at bitak bitak, malagkit at
sobrang basa?
2. Ano-anong mga kasangkapan ang gagamitin upang maayos
ang lugar na pagtataniman?
3. Anong ugali sa palagay mo ang dapat tagalayin ng taong
naghahanda ng taniman?
4. Ano ang gagawin matapos makita ang lupang pagtataniman?
5. Ano ang pinakahuling gagawin kapag napatag na ang lupa
gamit ang kalaykay o rake

GAWAIN 2.1
Panuto:Pagsunod-sunurin ang mga Wastong
Hakbang/Pamamaraan
sa Paghahanda ng Lupang tataniman ng Halamang
Ornamental. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

____1. Kapag nabungkal na ang lupang taniman, lagyan ito ng


organikong pataba gaya ng kompos o humus at patagin ito
gamit ang kalaykay (rake).
____ 2. Pag-aralan muna kung anong uri ng lupang taniman ito.
_____3. Tanggalin ang mga bato, matitigas na ugat at mga di
kailangang bagay ng halaman sa lupang tataniman
habang nagbubungkal.
_____4. Kapag ang lupa ay tuyo, matigas, at bitak-bitak, nararapat
na aluan ito ng mga organikong bagay gaya ng mga
binulok(decomposed) na halaman tulad ng dayami, tinabas na
damo,mga tuyong dahon, at mga dumi ng hayop upang maging
mabuhaghag ang lupang taniman.
_____5. Kapag naayos na ang lupang tataniman, puwede na itong
bungkaligamit ang asarol at piko.

10
Isaisip

Gawain 2.2
Panuto: Bilang pagsulat sa inyomg natutuhan, buuin ang
parirala sa pamamagitan ng paglalagay sa patlang ng tamang
salita mula sa kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
disenyo nakaangat hugis ng bato
taniman lugar pergola simpleng kaayusan
garden set pond grotto Halamang Ornamental

Sa paghahanda ng taniman para sa mga


1.)__________________, maganda ang 2.)__________ kapag may
3.)_____________ na lupa at may ibat-ibang 4.) ______________ sa
panabi ng 5.)______________.Sa malalawak na lugar, maaring
maglagay ng 6.)_____________, fish7.)_________,8.)_______________,
at 9.)_____________ at sa di gaanong malalawak,10.) _____________
lamang ang bagay na ilagay gaya ng mga palamuting banga o
porcelanang sisidlan.

Gawain 2.3
Panuto: Sa isang malinis na papel, sumulat kayo ng inyong
sariling wastong paraan sa paghahanda/paggawa ng lupang
taniman ng halamang ornamental.

11
Aralin Wastong Pamamaraan sa
Paghahanda ng Taniman ng
3 Halamang Ornamental
Mga Layunin:
1. Naipakikita ang wastong pamamaraan sa paghahanda ng
Taniman; at
2. Naiisa-isa ang wastong paraan sa
paggawa/paghahanda ng taniman.

Balikan

Magandang araw! Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan.


Batid kong nagawa mo ng maayos ang pagsagot sa nakaraang
aralin tungkol sa wastong pamamaraan sa paghahanda ng
taniman ng halamang ornamental. Sa araw na it, matutuhan mo
ang karugtong ng aralin kahapon.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa Wastong Pamamaraan


sa Paggawa/Paghahanda ng Lupang Taniman ng Halamang
Ornamental.
Ngayong araw ay isasagawa natin ang mga wastong
pamamaraan ng paghahanda/paggawa ng taniman.

12
Suriin

Mga Wastong Pamamaraan ng Paghahanda ng Taniman ng


Halamang Ornamental
1. Pag-aralan muna kung anong uri ng lupang taniman ito.
2. Kapag ang lupa ay tuyo, matigas at bitak-bitak, nararapat na
haluan na haluan ito ng mga oraganikong bagay gaya ng mga
binulok (decomposed) na halaman tulad ng dayami, tinabas
na damo, mga tuyong dahon, at mga dumio ng hayop upang
maging mabuhaghag ang lupang taniman.
3. Kapag naayos na ang lupang tataniman, puwede na itong
bungkalin gamit ang asarol at piko.
4. Kapag nabungkal na ang lupang taniman, lagyan ito
organikong pataba gaya ng kompos o humus at patagin ito ng
kalaykay (rake)
5. Tanggalin ang mga bato, matitigas na ugat at mga di kailangang
bagay ng halaman sa lupang tataniman habang nagbubungkal.

Gawain 3.1

Panuto: Punan ang graphic organizer ayon sa sinasabi sa gitna.

Wastong Paraan
sa Paghahanda
ng Halamang

13
Isaisip

Gawain 3.2
Sa paghahanda ng taniman para sa mga Halamang
Ornamental, maganda ang disenyo kapag may nakaangat na
lupa at may ibat-ibang hugis ng bato sa panabi ng taniman. Sa
malalawak na lugar, maaring maglagay ng pergola, fish pond,
garden set, at grotto at sa di gaanong malalawak, simpleng
kaayusan lamang ang bagay na ilagay gaya ng mga palamuting
banga o porcelanang sisidlan.

Ano ang magandang hatid ng paghahalaman sa atin?


1. Paano mapapakinabangan ang magandang dulot ng
paghahalaman sa sangkatauhan.

Isagawa

Gawain 3.3
Maghanda ng mga kagamitan at kasangkapan sa pagtatanim at
susundin ang wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman
ng halamang ornamental.
Isulat sa isang kahon ang mga hakbang na inyong mga
ginagawang pagtatanim. Kung may camera kayo puwede ninyong
lagyan ng larawan sa kahon. Isulat sa iyong sagutang papel.

14
Aralin
Paghahanda ng mga
4 Itatanim o Patutubuin
Layunin:
1. Nalalaman ang wastong pamamaraan sa paghahanda
ng mga itatanim o patutubuin;
2. Naipakikita ang wastong pamamaraan sa paghahanda
ng mga itatanim o patutubuin; at
3. Napahahalagahan ang wastong pamamaraan
sa paghahanda ng mga itatanim o patutubuin.

Magandang araw mga bata! Madali ba para sa inyo ang


pagsagot sa mga gawain ng mga naunang aralin? Ipagpatuloy
lamang ang pagbabasa at pagtuklas ng mga bagong kaalaman sa
modyul na ito at tiyak na marami kayong matutunan. Ngayon,
subukin natin ang inyong natutunan sa ating nakaraang
leksyon.
Lagyan ng(/) ang mga sumusunod na nagpapakita ng wastong
paraan sa paghahanda ng taniman at (X) kung hindi. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

_____1. Huwag alisin ang mga kalat na makasasagabal sa


pagtubo ng mga pananim tulad ng bato, bote, lata at iba pang
di nabubulok na bagay.
_____2. Bungkalin ang lupa gamit ang mga gamit pangbungkal
tulad ng patik,pala at asarol.
_____3. Kapag tuyo, matigas at bitakbitak ang lupa, nararapat na
haluan ng mga organikong bagay tulad ng dayami at mga dumi
ng hayop.
_____4. Hindi na kailangang lagyan ng pataba ang lupa.
_____5. Patagin ang lupa gamit ang kalaykay.

15
Tuklasin

Nalaman na niyo ang wastong paraan sa paghahanda ng


tatanimang lugar. Ngayon naman alamin natin ang alituntunin
sa pag-aayos ng halamang ornamental na ating itatanim.
Narito ang ilang gabay na dapat sundin:
1. Ang mga lumalaki at yumayabong na halamang ornamental
ay dapat di itanim sa harapan o unahan ng mga halamang
maliit kung tumubo.
2. Ang mga may kulay na halaman ay pinaplano kung paano
at saan sila magandang patubuin.
3. Ang laki at lapad ng mga dahon ay inuuri kung saan ito
ilalagay ayon sa plano ng landscaping.
4. Ang namumulaklak ng mga halaman ay kailangan ilagay sa
naaarawan at kasiya-siyang tanawin. Makatutulong ang
pagsasama-sama ng uri o kulay kung kinakailangan.
5. Ang mga halamang magiging malalaking puno dapat ilagay
sa hindi makasasagabal sa darating na panahon.

Suriin

Saan dapat itatanim ang mga lumalaki at yumayabong na


halamang ornamental? Saan dapat itatanim ang mga
halamang ornamental na namumulaklak?

Ang mga halamang ornamental na itatanim ay


nagpapaganda ng isang lugar upang maging kapansinpansin.
Maaring magtanim ng namumulaklak na halamang ornamental
na naangkop sa kaayusan ng halaman.
Sa pagsasaayos ng mga halamang ornamental, pagsama-
samahin ang mga halamang magkasingkulay, magkauri, at
magkasinglaki bago isagawa ang simpling landscaping.

16
Pagyamanin

Gawain 4.1
Panuto: Punan ang graphic organizer. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

Wastong Pamamaraan sa Paghahanda


ng mga Itatanim o Patutubuin

Gawain 4.2
Ano-ano ang wastong pamamaraan ng paghahanda ng
mga itatanim o patutubuin.

Isagawa

Gawain 4.3
Tama o Mali:
Isulat ang T kung tama ang pahayag at M naman kung mali.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang ikatatagal ng buhay ng mga halamang ornamental ay sa
pamamaraan ng paghahanda ng lupaing taniman.
2. Ang mga lumalaki at yumayabong na halamang ornamental ay
dapat itanim sa harapan o unahan ng halamang maliit tumubo.
3. Ang namumulaklak ng mga halaman ay kailangan ilagay sa
maaarawan at kasiya-siyang tanawin.
4. Ang mga halamang magiging malalaking puno ay dapat ilagay
sa hindi makaksagabal sa darating na panahon.
5 Ang may kulay na halaman ay pwedeng patubuin kahit saan.

17
Aralin Wastong Paraan sa
Paghahanda ng mga Itatanim
5 O Patutubuin
Layunin:
1. Nalalaman ang wastong pamamaraan sa paghahanda
ng mga itatanim o patutubuin;
2. Naipakikita ang wastong pamamaraan sa paghahanda
ng mga itatanim o patutubuin; at
3. Napahahalagahan ang wastong pamamaraan
sa paghahanda ng mga itatanim o patutubuin.

Pagyamanin

Bago natin isagawa ang wastong paraan sa paghahanda ng


mga itatanim o patutubuin, balikan muna natin ang iyong
nalalaman. Ano-ano ang mga halamang ornamental ang inyong
natutuhan? Ano-ano ang mga wastong paraan sa paghahanda ng
taniman ng halamang ornamental?
Ang modyul na ito ay nakatutok sa wastong paraan sa
paghahanda ng mga itatanim o patutubuin.

Wastong Paraan sa Paghahanda ng mga HalamangItatanim o


Patutubuin:
1. Inihahanda ang mga halamang ornamental sa makasining
na paraan at pasibulin muna ang mga buto o sangang
pantanim upang makatiyak tayo na taatagal ang buhay ng
halamang itatanim.
2. Gagawa ng layout para maging matagumpay ang landscaping
at upang hindi ka mag-aksaya ng iyong panahon at oras.

18
3. Suriing mabuti ang lupang tataniman upang lumaki ng
maayos at sumibol ng husto.

Pagyamanin

Gawain 5.1
Panuto: Gumawa ng layout para sa itatanim na mga halamang
ornamental. Gawin ito sa sagutang papel.

Isaisip

Gawain 5.2
Panuto: Upang tumagal ang buhay ng Halamang Ornamental
dapat ay naihanda na ang lupang tataniman,tamang paraan sa
pagpapatubo ng mga buto at sanga na pantanim at ang pag-
aalaga nito mula sa pagsibol hanggang sa paglaki nito.

Isagawa

Gawain 5.3
Panuto: Maghanda ng mga kagamitan sa paghahanda ng mga
itatanim o patutubuin. Sundin ang mga paraan sa paghahanda
ng mga itatanim o patutubuin. Kung may camera kayo pwede
ninyong lagyan ng larawan sa kahon.

19
Tayahin

Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga sumusunod na
tanong.Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1.Ano ang tawag sa pag-aayos ng mga halaman sa bakuran na
kaaya-ayang tingnan?
a. fish pond b. basurahan c. landscape d. tambakan
2. Kailan kailangang isaalang-alang ang pagpili ng halamang
ornamental na itatanim?
a. tuwing tatanim b. tuwing aani c. paminsan-minsan d.
hindi kailangan
3.Ano ano ang kailangang isaalang alang sa pagbabago ng
espasyo ng taniman ng halamang ornamental? a. lupang
tataniman
b. kasangkapan at kagamitan
c. mga halaman at punong ornamental na nababagay sa inyong
bakuran
d. lahat ng nabanggit
4.Ano ang pangunahing aalamin kung sakaling hindi maganda
ang mga dating tanim?
a. alamin muna ang lupang tataniman
b. palitan agad ang mga tanim
c. itatapon lahat ng mga nakatanim sa lupa
d. mag aabono sa lupang tataniman
5. Kapag ang lupa ay tuyo, matigas, at bitak bitak ano ang
marapat na gawin?
a. maghahanap ng ibang lupang maaring bungkalin
b. haluan ng mga organikong bagay gaya ng mga
binulok(decomposed) na mga halaman at dumi ng hayop.
c. buhusan ito ng maraming tubig
d. wala sa nabanggit
6. Anong kagamitan ang gagamitin upang bungkalin ang lupang
pagtataniman?
a. kalaykay at regadera
b.dulos at regadera
c.asarol at piko
d.dulos at pisi
7. Bakit kailangan ang masusing paghahanda sa itatanim?
a.upang mabilis ang paglaki ng halaman
20
b.upang maisakatuparan ang proyekto c.upang
madali ang pagsugpo ng mga sakit nito d.upang
maibenta kaagad ang mga produkto
8. Saan maaaring magsimula ang itatanim na halamang
ornamental?
a. paso at lupa
b. bunga at dahon
c. buto at sangang pantanim
d. wala sa mga ito
9. Saan itinatanim ang mga namumulaklak na halaman?
a. Sa abi ng mga lumalaki at yumayabong na halaman
b. Sa lugar na naaarawan
c. Sa ilalim ng mga punong-kahoy
d. Wala sa nabangit
10. Ano ang tawag sa pagpapaganda ng isang lugar sa
pamamagitan ng pagtatanim ng halamang ornamental?
a. Vegetable gardening
b. Floral arrangement
c. Landscape gardening
d.Urban gardening
Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad nang
wastong kaisipan at Mali kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang

papel.
_____1. Tuwing tatanim kailangang isaalang-alang ang pagpili ng
halamang ornamental na itatanim.
_____2.Landscape ang tawag sap ag-aayos ng mga halaman sa
bakuran na kaaya-ayang tingnan.
_____3.Ang dulos at pisi ay ginagamit sa pagbungkal ng lupang
tataniman.
_____4. Hayaan ang lupa na tuyo, bitak-bitak, malagkit, at sobrang
basa.
_____5.Ang mga lumalaki at yumayabong na halamang
ornamental ay dapat itanim sa harapan o unahan ng halamang
maliit tumubo.

21
Aralin 1 Daisy

Palmera Magic Rose


C.10 .5 B
.9 B .4 A Pako San Francisco
.8 A .3 D
.7 A .2 A Gumamela Santan Water Lily
.6 C .1 C
(PRETEST)
SUBUKIN

bahay
.5 .4 B .3 A .2 paligid ng
D. kanto daanan o
1C
(PAGYAMANIN) Sa gilid o sa Sa gilid ng Sa tubig
Gawain 13.
ARALIN 1 ( ISAISIP)

palaguin
na mahirap alaguin mulaklak
di namu mulaklak
na madaling
ornamental ornamental na na namu- mababa na mataas
Halamang Halamang
ornamental ornamental ornamental na ornamental
Halamang Halamang Halamang Halamang

TAYAHIN (POST TEST) (Pagyamanin) Gawain 11.

Aralin 2

simpleng.10 kaayusasan Taniman.5


5 3.
4 2.
3 4. .9 Grotto Hugis.4 bato
21. Garden.8 set Nakaangat.3
15. Pond.7 Disenyo.2
Gawain 21. Pergola.6 Halamang.1 Ornamental
PAGYAMANIN ISAISIP) Gawain 2.2

22
Aralin 3

.5 Kapag naayos na ang lupang tataniman, puwede na itong bungkalin gamit ang asarol at .piko
tuyong dahon, at mga dumi ng hayop upang maging mabuhaghag ang lupang .taniman
bagay gaya ng mga binulok 9decomposed) na halaman tulad ng dayami, tinabas na damo, mga
.4 Kapag ang lupa ay tuyo, matigas, at bitak-bitak, nararapat na haluan ito ng mga organikong
tataniman habang .nagbubungkal
.3 Tanggalin ang mga bato, matitigas na ugat at mga di kailangang bagay ng halaman sa lupang
.2 Pag-aralan muna kung anong uri ng lupang taniman .ito
humus at patagin ito gamit ang kalaykay .(rake)
Kapag.1 nabungkal na ang lupang taniman, lagyan ito ng organikong pataba gaya ng kompos o
(PAGYAMANIN) Gawain 31.

Aralin 4
darating na .panahon

Ang mga halamang magiging malalaking puno dapat ilagay sa hindi makakasagabal sa .D
kung .kinakailangan
.tanawin Makatutulong ang pagsasama-sama ng uri o kulay
Ang namumulaklak ng mga halaman ay kailangan ilagay sa naaarawan at kasiya-siyang .C
.landscaping
Ang laki at lapad ng mga dahon ay inuuri kung saan ito ilalagay ayon sa plano ng .B
.patubuin
Ang mga may kulay na halaman ay pinaplano kung paano at saan sila magandang .A
unahan ng mga halamang maliit kung .tumubo
Ang mga lumalaki at yumayabong na halamang ornamental ay dapat di itanim sa harapan o
(PAGYAMANIN) Gawain 41.

C.10 .5 B
.5 M
.4 T
.3 T
.9 B .4 A
.2 M .8 A .3 D
.1 T .7 A .2 A
Gawain 44. .6 C .1 C
(ISAGAWA) TAYAHIN (POST TEST)

23
Sanggunian
Aklat:
Doblon, T., Macawile, M., Abletes, E., & Rondina, J. (2015)
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV Learners
Manual Aralin 8-10 Pahina 343-350 Vibal Group, Inc.

Doblon, T., Macawile, M., Abletes, E., & Rondina, J. (2015)


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV Teachers Guide
Aralin 8-10 Pahina 145-150 Vibal Group, Inc.

24
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihikayat ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of

Koronadal Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like