You are on page 1of 13

4

EPP-Industrial Arts
Ikatlong Markahan – Modyul 9
Mga Materyales na Nakukuha sa
Pamayanan
EPP – Industrial Arts – Baitang 4
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Mga Materyales na Nakukuha sa Pamayanan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Aurora


Tagapamanihala: Catalina P. Paez PhD CESO V
Pangalawang Tagapamanihala: Danilo M. Jacoba

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rhovie Ann R. Hudencial


Editor: Jonalyn O. Calado
Tagasuri: Ma. Roselle S. Pajanilbo
Tagaguhit: Rhovie Ann R. Hudencial
Tagalapat: Rhovie Ann R. Hudencial
Tagapamahala: Erleo T. Villaros PhD
Esmeralda S. Escobar PhD
Estrella D. Neri
Milagros F. Bautista PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pangpaaralang Pansangay ng Aurora
Office Address: Sitio Hiwalayan, Brgy. Bacong, San Luis, Aurora
Telefax:
E-mail Address: aurora@deped.gov.ph
Alamin
Ang modyul na ito ay may mga pagsasanay upang matutuhan ng mga
bata ang pagsasagawa ng sariling disenyo sa pagbuo o pagbabago ng
produktong gawa sa mga materyales na nakukuha sa pamayanan. Ito rin ay
makatutulong upang malaman na ang mga materyales na nasa kapaligiran
ay kapaki-pakinabang at ang proyektong maaaring magawa ay dapat
pahalagahan.
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
▪ nakikilala ang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan;
▪ nakagagawa ng sariling disenyo sa pagbuo o pagbabago ng
produktong gawa sa mga materyales na nakukuha sa pamayanan;
at
▪ napahahalagahan ang pagkakaroon sa komunidad ng mga
materyales na mapakikinabangan EPP4IA-Of-6

Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong kwaderno.

1. Ang mga sumusunod ay ang mabubuting naidudulot ng paggawa


ng mga produktong gawa sa materyales na makikita sa pamayanan
maliban sa isa. Alin dito ang hindi?
A. maaaring mapagkakakitaan
B. makadaragdag ng suliranin sa bansa
C. makapagbibigay ng libangan at trabaho
D. magandang ehersisyo at pampalakas ng katawan

2. Aling materyales ang kilala sa tawag na yantok at ginagamit sa


paggawa ng muwebles, bag, basket, duyan at mga palamuti?
A. abaka C. nito
B. buri D. rattan

3. Anong materyales ang tinatawag ding “Puno ng Buhay” dahil sa ang


bawat bahagi nito ay may sadyang gamit?
A. kamagong C. niyog
B. narra D. yakal

1
4. Ito ay isang uri ng pako o fern na may mga dahon, ugat at tangkay
ngunit walang bulaklak at buto.
A. buri C. rattan
B. nito D. pandan

5. Ang kahusayan ay makakamit kung taglay mo ang mga katangian sa


ibaba maliban sa isa. Ano ito?
A. sa iba ipinagagawa
B. desididong gumawa
C. may kakayahang gumawa
D. may pagnanais na gumawa

Aralin
Mga Materyales na
1 Nakukuha sa Pamayanan
Mahalagang matutuhan ng isang batang katulad mo ang paggawa ng
sariling disenyo sa pagbuo o pagbabago ng produktong gawa sa mga
materyales na nakukuha sa pamayanan upang makagawa ng mga kapaki-
pakinabang na proyekto. Ang araling ito ang magbubukas ng iyong kaisipan
na kahit ang pangkaraniwang bagay ay maaaring pakinabangan at
pagkakitaan.

Handa ka na bang malaman ang mga materyales na ito? Tiyak na


makatutulong ito sa paggawa mo ng sariling disenyo ng proyekto gamit ang
iyong malikhaing kaisipan.

Balikan
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kahon sa bawat bilang kung ito ay kagamitan
na ginagamit sa pagbuo ng disenyong gawa sa lata. Ekis (X) naman kung
hindi. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. 2. 3. 4. 5.
2
Tuklasin
Panuto: Tingnan at pagmasdang mabuti ang mga larawan. Alam mo ba na
ang materyales na ginamit dito ay maaaring nasa paligid lamang? Magbigay
ng limang materyales na sa tingin mo ay ginamit upang mabuo ang mga ito.
Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Suriin
May mga halamang tumutubo sa ating pamayanan na halos hindi natin
napapansin ngunit mayroon palang pakinabang na magagamit natin sa araw
araw. Ito ay ang mga materyales na dapat nating malaman upang makagawa
tayo ng maganda at matibay na proyekto.

Mga Halimbawa ng Materyales na Nakukuha sa Pamayanan

1. Tabla o kahoy – Ang tabla at kahoy ay


nagmula sa mga puno tulad ng molave,
narra, yakal, kamagong, apitong at iba
pa. May iba’t ibang sukat at lapad ang
kahoy kaya’t makapipili ng naaayon sa
laki ng anyo ng proyektong gagawin.
Tiyakin lamang na ang uri ng kahoy na
gagamitin ay tuyong-tuyo upang
maiwasan ang pag-urong, pagkiwal, at
madaling pagkabulok nito at pagkasira
3
ng ginawang proyekto. Ang mga halimbawa ng kagamitan na yari sa
materyales na ito ay ang mesa, silya, aparador, dingding at kisame ng
bahay.

2. Abaka – Ang abaka ay isang uri ng halaman na


nahahawig sa puno ng saging maliban sa mga
dahon, dahil higit na malapad ang dahon ng saging
kaysa dito. Ang mga hibla nito na buhat sa puno
ang siyang ginagamit sa paggawa ng mga basket,
punasan ng paa, tsinelas, sinturon, mga palamuti
at iba pang kagamitang pambahay. Dahil matibay
ito, kilala din ang abaka sa paggawa ng lubid o pisi
na ginagamit kahit sa ibang bansa.

3. Niyog – Ang niyog ay tinatawag ding “Puno ng


Buhay” dahil sa ang bawat bahagi nito ay may
sadyang gamit. Mula sa mga ugat hanggang sa mga
dahon ay napakikinabangan. Mainam gawing
gamot ang ugat at maari ring gawing pangkulay.
Ang mga hibla ng bunot ay ginagawang lubid, bag
at pahiran ng paa. Karaniwan ding ginagamit ang
katawan ng puno ng niyog na haligi at sahig ng
mga bahay at ng iba pang mga kagamitang
pambahay.

4. Pandan – Ang pandan ay karaniwang tumutubo sa


gilid ng pampang kung saan ay mabuhangin o sa mga
gilid ng bundok o malapit sa lawa o latian. Hindi ito
gaanong tumataas at ang mga palapa ng dahon nito
ay nahahawig sa dahon ng pinya. Mainam itong
gamitin sa paggawa ng banig, sapin sa plato,
sombrero, bag tsinelas, tampipi at iba pa.

5. Buri – Ang buri ay isa sa pinakamalaking palmera na


tumutubo sa bansang Pilipinas. Ang mga
nagagawang hibla ng buri ay kinukuha sa mga
murang dahon at ginagawang banig, tampipi,
sombrero, pamaypay, bag, lubid, basket at iba pa.
Ginagawa ring walis, at basurahan ang buong palapa
nito. Ang buri ay itinatanim saan mang dako ng
bansa.

4
6. Nito – Ang nito ay isang uri ng pako o fern na may mga
dahon, ugat at tangkay, ngunit walang bulaklak at
buto. Makikita itong tumutubo nang pagapang at
pumupulupot na animo’y baging. Mainam itong biyakin
habang sariwa pa at saka ilubog sa putik nang tumibay
at pumantay ang pagkaitim. Kung ito ay bibiyakin ng
tuyo na, ilubog muna sa tubig upang mabawasan o
maalis ang lutong at madaling mahubog o bigyan ng
hugis. Ginagamit itong pantahi sa mga gilid ng bilao,
basket, bag at iba pang gamit na palamuti.

7. Nipa – Ang nipa ay isang uri ng palmera na


karaniwang tumutubo sa ilang lalawigan tulad ng
Pampanga, Cebu, Cagayan at Mindoro. Ito’y
tumutubo sa mga tubigan. Ang mga mura at hindi
pa tuyong dahon ay tinitipon ng hiwalay at
pinatutuyo sa araw. Ginagamit ang mga ito sa
paggawa ng mga kapote at pamaypay. Ang
magugulang na dahon naman ay ginagamit na
pang-atip ng bahay.

8. Rattan – Ang rattan ay kilala sa tawag na yantok at


tumutubo sa halos lahat ng lalawigan. Ginagamit ito
sa paggawa ng mga muwebles, bag, basket, duyan at
mga palamuti.

9. Damo – Kilala sa mga halamang damo na may halaga


ang vetiver at tambo. Ang damong vetiver ay karaniwang
tumutubo sa mga latian at pampang. Ang mga ugat ay
inilulubog sa tubig sa loob ng 20 minuto at saka
babayuhin upang maalis o matanggal ang
balat. Ito ay ginagamit sa paggawa ng mga
pamaypay dahil sa kaaya-aya ang amoy nito.
Ang tambo naman ay karaniwang tumutubo
sa Bataan kung saan may mga lugar na
mamasa-masa tulad ng mga gilid ng sapa.
Mainam gamitin ang tambo sa paggawa ng
walis.

5
Pagyamanin
A. Panuto: Punan ng tamang salita ang bawat patlang. Piliin ang titik ng
sagot sa kahon. Isulat ito sa iyong kwaderno.

A. haligi at sahig B. pako o fern C. pinya


D. saging E. tubigan F. tuyong-tuyo

1. Tiyakin na ang uri ng kahoy na gagamitin ay _________________ upang


maiwasan ang pag-urong, pagkiwal, at madaling pagkabulok at
pagkasira ng ginawang proyekto.

2. Ang nipa ay isang uri ng palmera na karaniwang tumutubo sa


_________________.

3. Karaniwang ginagamit ang katawan ng puno ng niyog na


_________________ ng mga bahay.

4. Malalapad at mahahaba ang dahon ng pandan na nahahawig sa


dahon ng _________________.

5. Ang nito ay isang uri ng _________________ na may mga dahon, ugat at


tangkay, ngunit walang bulaklak at buto.

B. Panuto: Itambal ang materyales na nasa hanay A sa angkop na produkto


na nasa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

A B
1. tabla at kahoy A. banig, sombrero at bag

2. ugat ng niyog B. kapote at pamaypay

3. murang dahon ng nipa C. mesa, silya at aparador

4. buong palapa ng buri D. muwebles at duyan

5. pandan E. walis at basurahan

F. gamot at pangkulay

6
C. Panuto: Tukuyin kung anong materyales ang nasa larawan. Piliin ang
titik ng tamang sagot sa ibaba at isulat sa sagutang papel.

1. 4.

______ ______

2. 5.

______ ______

3.

______

A. Abaka B. Buri C. Nipa


D. Nito E. Rattan F. Pandan

Isaisip
Siguradong nasiyahan ka sa natutuhan mo sa modyul na ito
tungkol sa mga materyales na matatagpuan sa pamayanan. Ano sa palagay
mo ang mabuting dulot nito sa buhay mo? Ilahad ang iyong sagot sa limang
pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel.

Isagawa
Panuto: Gamit ang iyong malikhaing kaisipan, gumuhit ng sariling disenyo
ng proyekto na nais mong gawin mula sa materyales na nakukuha sa
pamayanan. Iguhit ito sa isang malinis na papel. Pumili ng isa sa mga
sumusunod.

Bilao Basket Bag

Duyan Sombrero
k
8
Gawing batayan at gabay sa paglikha ng disenyo ang sumusunod na
Rubric.

Pamantayan 3 2 1 Marka
Pagkamalikhain
Malinis at makulay
Ang ideya ay Orihinal
Kumpleto ang Detalye/Nilalaman
Kabuuang Anyo

11-15= Lubos na kasiya-siya


6-10= Kasiya-siya
0-5 = Nangangailangan ng pagpapabuti

8
Tayahin
Panuto: Ayusin ang mga titik upang mabuo ang hinahanap na salita ayon
sa binigay na kahulugan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa kwaderno.

1. Pinakamalaking palmera na
URBI ______________
tumutubo sa Pilipinas
2. Ang magulang na dahon nito
ay ginagamit pang-atip ng
PAIN ______________
bahay
3. Ang bawat bahagi nito ay may
sadyang gamit mula ugat
ONGYI ______________
hanggang dahon
4. Uri ng halaman na nahahawig
KABAA ______________
sa puno ng saging
5. Damo na maaring gamitin sa
AMBOT ______________
paggawa ng walis
6. Kilala sa tawag na yantok TNATRA ______________
7. Ginagamit sa paggawa ng
pamaypay dahil sa kaaya-
REIVTVE ______________
ayang amoy
8. Ginagamit na pantahi sa mga
gilid ng bilao, basket, bag at
ONIT ______________
iba pa
9. Malalapad at mahahaba ang
dahon nito na nahahawig sa
ADPNNA ______________
dahon ng pinya
10. Nagmula sa mga puno tulad
BATLA ______________
ng molave, narra, yakal at iba
AYHKO ______________
pa

9
10
Balikan
Subukin
1. /
1. B
2. D 2. X
3. C
4. B 3. /
5. A
4. /
5. /
Pagyamanin Tayahin
A. 1. F 1. buri
2. E 2. nipa
3. B 3. niyog
4. C 4. abaka
5. A 5. tambo
6. rattan
B. 1. C 7. vetiber
2. F 8. nito
3. B 9. pandan
4. E 10. tabla at kahoy
5. A
C. 1. D
2. E
3. B
4. A
5. F
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Cristobal, Guadalupe. C., Alladin G. De Guzman, Loida L. Hilario,
Harriet O. Pontigon, Rebecca T. Watson, at Efigenia P.
Pangilinan, (2005). Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan, Workteks sa Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan para sa Ika-apat na Baitang. Manila: Rex
Bookstore.

Gabay sa Kurikulum ng K-12, MELCs, 2020. Pasig City: Department of


Education

K to 12 Curriculum Guide Edukasyong Pantahanan At Pangkabuhayan


(EPP) and Technology And Livelihood Education (TLE) Grade
4 to Grade 6. May 2016. Pasig City: Department of Education

Samadan, Eden. F., Marlon L. Lalaguna, Virgilio L. Lagui,Marilou E.


Marta, Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C.
Dispababiladera, at mga kasama (2015). Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan (Patnubay ng Guro), Pasig
City: FEP Printing Corporation.

Samadan, Eden. F., Marlon L. Lalaguna, Virgilio L. Lagui,Marilou E.


Marta, Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C.
Dispababiladera, at mga kasama (2015). Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan (Kagamitan ng Mag-aaral)
Pasig City: FEP Printing Corporation

11

You might also like