You are on page 1of 10

Department of Education

Division of City Schools


West District
MALABANIAS INTEGRATED SCHOOL
Angeles City
Learning Area EPP – INDUSTRIAL ARTS 4
Learning Delivery Modality Face to Face
Grade Level IV Section Luna
Mary Grace D. Learning
Teacher EPP – INDUSTRIAL ARTS
Fernando Area
LESSON
Teaching
EXEMPLAR Abril 12, 2023 Quarter 4th Quarter
Date
Teaching
1:00-2:00 No. of Day ONE
Time

I.LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natatalakay ang iba’t ibang materyales na matatagpuan sa pamayanan.


2. Nakapagbibigay ng mga produktong magagawa sa iba’t ibang materyales
na matatagpuan sa pamayanan.
3. Napahahalagahan ang iba’t ibang materyales na matatagpuan sa
pamayanan.

A.Pamantayang  Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga gawaing


Pangnilalaman pang-industriya tulad ng gawaing kahoy, metal, kawayan, elektrisidad at iba pa
B. Pamantayan sa  Naisasagawa ng may kawilihan ng pagbuo ng mga proyekto sa gawaing kahoy,
Pagganap metal, kawayan, elektrisidad, at iba pa
C. Pinakamahalagang Nakabubuo ng plano ng proyekto na nakadisenyo mula sa iba't-ibang materyales
Kasanayan sa Pagkatuto na makikita sa pamayanan (hal., kahoy, metal, kawayan, atbp) na ginagamitan ng
(MELC) elektrisidad na maaaring mapagkakakitaan (EPP4IA-0f-6)

D. Pagpapaganang
Kasanayan
II. NILALAMAN Iba’t-ibang Materyales na Matatagpuan sa Pamayanan

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Mga Sanggunian
  a. Mga Pahina sa Gabay ng MELC EPP G4 INDUSTRIAL ARTS, CURRICULUM GUIDE , SLM
guro (ANGELES CITY)

      b. Mga Pahina sa Kagamitang


Pang mag-aaral Pivot 4A LEAP Week 7-8, Pivot Self Learning Module Week 7-8

    c. Mga Pahina sa Teksbuk


    d. Karagdagang Kagamitan EPP4IA-0f-6
mula sa Portal ng Learning
Resource
e. Integrasyon ESP: Pagsasagawa ng muling paggamit ng patapong bagay.
Arts: Paggawa ng pencil holder.
Math: Pagsusukat ng taas, lapad o sirkumperensiya.

B. Listahan ng mga Kagamitang


Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at Powerpoint, larawan, walis tingting, kawayan, lata, kahon at upuan.
Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN
A. Introduction What I need to Know? (Ano ang dapat mong malaman?)
(Panimula) Tingnan ang larawan. Tukuyin ang mga ngalan ng mga produkto

What is/are new? (Ano ang/ang mga bago?)


Ipanood sa mga bata ang video clip .
Mga Tanong:
1. Ano ang ipinapakita ng video na inyong napanood?
2. Kung maari kang makalabas sa inyong tahanan ngayon, makikiisa ka ba
sa gawaing ito? Bakit?
3. Ano-anong produkto ang maaring magawa mula sa kawayan?

B. Development
(Pagpapaunlad) Ano ang alam mo na?( Show me board)
Pahulaan naman sa mga bata kung saang materyales nag mula ang mga ito sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng “JUMBLED LETTERS”.
1. YAHOK

2. NAYKAWA

3. OMAD

4. TOSEMEN

5. TALA

Ano ang hindi mo pa alam at naiintindihan?


Itanong:

Mayroon ba kaung gamit sa bahay na yari sa mga materyales na ating


nabanggit kanina? Magbigay nga ng bagay na matatagpuan sa inyong tahanan
na yari sa kahoy? Kawayan?

PAGTATALAKAY:
Ang ating bansa ay sagana sa materyales na mayroon sa mga pamayanan,
ito ay dahil sagana ang ating bansa sa mga likas na yaman. Masasabing punong-
puno ng sining ang ating bansa na lumilikha ng maraming produktong lokal at
nagbibigay kabuhayan sa maraming Pilipino. Ilan dito ay mga bag, sapatos,
kagamitan sa bahay, kasuotan at mga pang dekorasyon.
IBA’T-IBANG MATERYALES NA MATATAGPUAN SA
PAMAYANAN

1. TABLA AT KAHOY
Ang tabla at kahoy na nagmula sa
mga puno ng Molave, Narra, Yakal,
Kamagong, Apitong, at iba pa..

MGA HALIMBAWA NG PRODUKTONG MULA SA TABLA O


KAHOY

2. ABAKA
Ito ay isang uri ng halaman na
nahahawigsa puno ng saging
maliban sa mga dahon, dahil higit
na malalapad ang dahon nito kaysa
sa dahon ng saging.

MGA HALIMBAWA NG PRODUKTONG MULA SA ABAKA

3. NIYOG
Ito ay tinatawag ding “Puno ng
Buhay”dahil sa ang bawat
bahagi nito ay may sadyang
gamit. Mula sa mga ugat
hanggang sa mga dahon ay
napapakinabangan. Mainam gawing gamot ang mga ugat nito at maaari
ring gawing pangkulay. Ang mga hibla ng bunot ay ginagawang lubid,
bag, at pahiran ng paa.

MGA HALIMBAWA NG
PRODUKTONG MULA SA
NIYOG
4. RATTAN
Ang halamang ito’y
tumutubo sa halos lahat ng
lalawigan. Kilala sa tawag
na yantok at ginagamit sa
paggawa ng mga muwebles,
bag, basket, duyan, at mga
palamuti.

MGA HALIMBAWA NG PRODUKTONG MULA SA RATTAN

5.
DAMO
Kilala sa mga
halamang damo na may halaga ang vetirer a
tambo. Ang damong vetirer ay karaniwang tumutubo sa mgalatian at
pampang.

HALIMBAWA NG PRODUKTONG DAMO

6. KAHON
Ang mga kahon ay ang pinaka-karaniwang
application para sa karton. Ang mga
halimbawa ng karton ay mga kahon ng
sapatos, poster at laruan. Naghahain din ang
karton bilang isang materyal sa pagbabalot
upang protektahan ang mga
kalakal.

MGA HALIMBAWA NG
PRODUKTONG MULA SA
KAHON

7. LATA
Ang lata ay
may kulay na
tila pilak, na
madaling tunawin, at marupok na
metal. Dahil mababa ang
pagkakataon nitong makalason, ang
mga metal na binalutan ng lata ay
ginagamit din sa pagbabalot ng mga
pagkain, gaya ng mga lata na karaniwan ding gawa sa aluminyo at
asero o yero.

MGA HALIMBAWA NG PRODUKTONG MULA SA LATA


8.

KAWAYAN
Ang kawáyan (Bambusa blumeana) ay alinman sa
mga damong tropiko na animo’y punongkahoy,
matibay, karaniwang may hungkag na uhay,
patulis na dahon. Maraming pakinabang ang
kawayan. Dahil matibay, madalas itong gamitin sa
konstruksiyon, halimbawa, ng bahay-kubo.
Ginagamit din ito sa paggawa ng mga kasangkapan sa bahay gaya ng mesa,
bangko, papag, aparador, at marami pang iba. 

HALIMBAWA NG PRODUKTONG MULA SA KAWAYAN

D. Pangkatang Gawain

9. SEMENTO, BUHANGIN AT GRABA


Ito ay mga materyal na konkreto na ginagamit sa pagtatayo ng bahay o
pagbuo ng kalsada.

HALIMBAWA NG PRODUKTONG MULA SA SEMETO,


BUHANGIN AT GRABA.
Unang Grupo

Maraming iba’t-ibang materyales ang matatagpuan sa ating pamayananan.


Magbigay at sumulat ang mga produkto na maaring gawin sa mga sumusunod
na materyales. (2 produkto bawat numero)
1. Kahon –
2. Lata -
3. Kawayan-
4. Tabla o Kahoy-
Ikalawang Grupo
Basahin ang sumusunod na sitwasyon at punan ng wastong sagot ang patlang
upang mabuo ang pangungusap.

1. Bumili ng isang latang gatas si Rosa sa Shirly Store, sa halip na itapon


ito ay maaring gawing________________.

2. Nakabili ng bagong bahay si Lina sa Purok 2 Poblacion. Ngunit wala


pang mga upuan sa kanyang tahanan. Maari siyang bumili ng upuan na
yari sa____________________.
3. Binigyan ng Department of Agriculture ng mga seedlings na rattan ang
mga katutubong Dumagat sa Macaingalan. Anong produkto ang maari
nilang magawa dito?
4. Mayaman ang Puray sa “tiger grass” kaya gumagawa sila
ng___________ upang ibenta sa mga umaakyat sa kanilang lugar.

walis tambo kawayan


taniman ng halaman upuan

Ikatlong Grupo
Habang nasa labas ng bahay si Aling Marites ay nakita niya na dumadating ang
kalesa na puno ngpanindang gamit. Si aling Marites ay may bagong silang na
anak at wala pa siyang duyan kaya naisipan niyang bumili ng duyan na yari sa
E. Assimilation (Paglalapat) abaka na nagkakahalaga ng P 150.00 at ang sabi ng tindero ay buy one take one
kapag kukuha sya ng kahit na anong gamit sa halagang P280.00 kaya naisipan
niya na bumili pa ng basket, walis tambo at walis ting ting ang orihinal na
presyo ng bawat isa ay P150.00. Magkano ang kanyang natipid kung binili niya
ang apat na produkto?
F. Paglalahat
Mga Tanong:
1. Ano ang itinatanong sa word problem?
2. Ano-ano ang mga produkto ang nabili ni Aling Marites?
3. Kung 3 produkto lamang ang kanyang binili magkano ang total ng kanyang
nagastos?
4. Ano-ano ang mga datos sa word problem?
G. Pagtatataya 5. Kung ikaw si Aling Marites bibili ka ba ng buy one take one at bakit?

Ika-apat na grupo
Gumawa ng pencil holder na gawa sa lata,. Lagyan ito ng disenyo gamit ang
mga recycled materials. Gamit ang sukat ng iyong nagawa ayon sa taas at
lawak o sirkumperensiya nito (sukat kung ito ay pabilog).
Rubrics sa pangkatang Gawain.

pamantayan puntos 5 4 3 2 1
Nagpapakita ng pagkakaisa ang pangkat.
Sumusunod sa mga panuto ng aktibidad
Buong husay at malikhaing naiulat ang
ginawang actibidad.
Tahimik na gumagawa ang grupo
Natapos ang pangkatang gawainng buong
husay sa loob ng itinakdang oras

Ang bayan ng Magalang Pampangga ay sagana sa mga puno ng kawayan. Ano


pa ang mga kagamitan na maari mo pang gawin? Mahalaga ba ang mga
materyales na ito sa ating pamayanan? Bakit?

Ang tabla at kahoy na nagmula sa mga puno ng?


Bakit sinabi na puno ng buhay ang niyog?
V. Pagninilay
Ito ay isang uri ng halaman na nahahawigsa puno ng saging maliban sa mga
dahon.
Magbigay ng gamit na maaring magmula sa semento, buhangin at graba.

A. Panuto:Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ito ay damong tropiko na animo’y punongkahoy, matibay, karaniwang


may hungkag na uhay, patulis na dahon.
a. Kawayan b. Niyog c. Abaka d. Molave

2. Ito ay may kulay na tila pilak, na madaling tunawin, at marupok na metal.


a. abaka b.rattan c.lata d.molave

3. Ito ay ang pinaka-karaniwang application para sa karton..


a.kahon b.lata c.abaka d.molave

4. Ang halamang ito’y tumutubo sa halos lahat ng lalawigan. Kilala sa tawag na


yantok .
a.rattan b. abaka c.niyog d.kawayan

5. Ito ay tinatawag ding “Puno ng Buhay”dahil sa ang bawat bahagi nito ay may
sadyang gamit..
a.Nito b.palmera c.niyog d.buri
Natutunan ko:_____________________________________________
Nalaman ko na:___________________________________________

Inihanda ni:
Mary Grace D. Fernando
Guro Baitang Apat

You might also like