You are on page 1of 15

5

EPP-Industrial Arts
Ikatlong Markahan - Modyul 1
Paggawa ng mga Malikhaing
Proyekto na Gawa sa Kahoy
EPP – Industrial Arts - Baitang 5
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paggawa ng mga Malikhaing Proyekto na Gawa sa
Kahoy
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Aurora


Tagapamanihala: CATALINA P. PAEZ PhD, CESO V
Pangalawang Tagapamanihala: DANILO M. JACOBA

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Alona G. Castillo
Editors: Jonalyn O. Calado
Tagasuri: Ma. Roselle S. Fajanilbo
Tagaguhit: Wenelyn P. Bautista
Tagalapat: Erbert B. Villareal
Tagapamahala: Erleo T. Vilaros PhD
Esmeralda S. Escobar PhD
Estrella D. Neri
Milagros F. Bautista PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pangpaaralang Pansangay ng Aurora
Office Address: Sitio Hiwalayan, Brgy. Bacong, San Luis, Aurora
Telefax:
E-mail Address: aurora@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay may mga gawain na susukat at lilinang sa iyong


kaalaman tungkol sa gawaing kawayan.
Pagkatapos ng aralin sa modyul na ito ay inaasahang matatamo mo
ang sumusunod na kasanayan:
 natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa
gawaing kahoy at iba pang lokal na materyales sa pamayanan;
EPP5IA-0a-1
 nakagagawa ng mga malikhaing proyekto na gawa sa kahoy at
iba pang materyales na makikita sa komunidad; EPP5IA-0b-2
 napapahalagahan ang ang mga kabutihang dulot ng gawaing
kahoy na makikita sa pamayanan. EPP5IA-0a-1

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot
at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ito ay nagmula sa mga puno tulad ng molave, narra, yakal, kamagong,


apitong at iba pa.
A. kawayan C. metal
B. kawad D. tabla at kahoy
2. Ang aparador, mesa at upuan ay ilan lamang sa mga kasangkapang
yari sa ________________.
A. abaka C. kawayan
B. damo D. kahoy at tabla
3. Ang kahoy na ito ang ating pambansang puno.
A. acacia C. molave
B. apitong D. narra
4. Ano ang maaaring gawing produkto sa pamayanang sagana sa kahoy?
A. paglalatero C. pagwewelding
B. paghahabi D. pagkakarpentero
5. Upang maiwasan ang pag-urong at madaling pagkabulok ng proyekto
gawa sa kahoy, tiyakin na ang tabla o kahoy ay ____________.
A. basa C. pinturahan
B. bagong putol D. tuyong-tuyo

1
Aralin
Paggawa ng mga Malikhaing
1 Proyekto na Gawa sa Kahoy
Marami ang kasanayang matutunan sa gawaing kahoy na kapaki-
pakinabang na magsisilbing kalasag at daan sa pagkakaroon ng panimulang
hanapbuhay. Ang pagkakarpentero ay dapat matutuhan ng mga batang mag-
aaral hindi lamang panghanapbuhay kundi para sa sariling pangangailangan
sa tahanan tulad ng pagkukumpuni ng mga sirang gamit na gawa sa kahoy.
Ang ilang halimbawa ng mga bagay at kagamitan na yari sa kahoy ay sandok,
mesa, bangko, bakya at iba pa.

Balikan

Sa naunang aralin natutuhan mo ang iba’t ibang estilo sa pagdudulot


ng pagkain. Isulat ang EF kung ang inilalarawan sa pangungusap ay Estilong
Filipino, EE kung Estilong English, EBP kung Estilong Blue Plate, ER kung
Estilong Russian, at EB kung Estilong Buffet. Isulat ang iyong sagot sa
malinis na papel.

_______1. Ang mga pagkain ay nakaayos sa bawat pinggan bago ilagay sa


hapag-kainan.
_______2. Ito ang pinakamaginhawang gamiting estilo kapag maraming
panauhin.
_______3. Ang mga pagkain ay nakaayos sa harap ng host o may handa at
siya ang naglalagay ng pagkain sa mga pinggan.
_______4. Ang lahat ng pagkain ay nakalagay sa bandehado o serving dishes
at nakaayos sa gitna ng mesa.
_______5. Ito ay isang pormal na estilo. Ang estilong ito ay karaniwang
ginagamit ng mayayamang pamilya kapag may handaan sa
bahay o sa mahahaling hotel.

2
Tuklasin

Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba at piliin ang mga larawan na


yari sa kahoy. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

Suriin

Ang paggawa ng mga kapaki-pakinabang na produkto mula sa mga


bagay sa kapaligiran ay ginagamitan ng malikhaing pag-iisip, talento, at
kakayahan. Ito ay nakatutulong upang tugunan ang pangangailangan ng mga
mamamayan at maaari itong magsilbing pangkabuhayan.

May mga simpleng gawaing-kahoy gaya ng pagkukumpuni ng sirang


upuan, mesa, o bakod. Kapag natutuhan at nakasanayan ang wastong
pagkukumpuni, maaari itong maging hanapbuhay.

Mga Uri ng Kahoy


1. Tangili (Shorea polysperma). Ang tangili ay isa lamang sa maraming
punongkahoy na nangangailangan ng medyo basa at makakapal na
uri ng lupain upang mas lalong lumaki at dumami. Dahil sa
malalaking ugat nito kung kaya't kailangan ng makakapal na lupain
upang hindi ito mabuwal. Isa rin sa pinakakinakailangan ng tangili
upang mas yumabong pa ay ang direktang sinag ng araw at
katamtamang dami ng ulan. Sinasabing dahil sa salik na ito kung
kaya't hindi namamatay ang lahi ng ganitong mga punong-kahoy na

3
karaniwang matatagpuan sa kabundukan ng Luzon, Bukidnon at
Mindanao.

2. Yakal (Shorea astylosa). Ito ay isang uri ng matigas na punongkahoy


sa pamilyang Dipterocarpaceae. Ito ay matatagpuan lamang sa
Pilipinas lalo na sa Luzon (Quezon at Camarines), Samar,Mindanao
(Zamboanga, Agusan at Davao). Namumulaklak ang yakal sa buwan
ng Mayo. Kulay dilaw at mabango ang mga bulaklak nito. Madagta
at matigas ang kahoy nito, karaniwang ginagamit sa mga sahig o
pang-ibabaw na bahagi ng mga kasangkapan. Karaniwang gamit rin
ang punong ito para sa pagbubuo ng mataas na kalidad na
estruktura tulad ng mga tulay, mga plataporma para sa daungan ng
barko, minahan, at marami pang iba.

3. Apitong (Dipterocarpus grandiflorus). Isang uri ng matigas na


punongkahoy na katutubo sa Timog Silangang Asia at India.
Mainam itong uling at gawing papel. Karaniwang ginagamit na tabla
ang kahoy nito para sa sahig at dingding na panloob ng bahay,
pansahig ng trak, at playwud. Ang dagta nito ay ginagamit na
barnis. Samantala, ang punongkahoy mismo ay mahalaga sa
pagpigil ng pagguho ng lupa at pagsasaayos ng nitroheno sa lupa.

4. Lauan (Dipterocarpaceae). Isang uri ng mga puno na likas/sibol sa


Pilipinas. Madalas gamitin sa pagtatayo ng mga bahay.

5. Molave (Vitexcparviflora). Isang uri ng puno sa pamilyang


Verbenaceae.

6. Narra (Pteracarpus indicus o Red Sandalwood tree). Ito ay isang


malakas, malaki, at malilim na puno. Ito ay isa sa pinakakilalang
kahoy na ginagamit sa mga kasangkapan, kilala dahil sa katibayan
nito. Tinatawag itong pambansang puno ng Pilipinas dahil ito ay
matibay, mabigat at may magandang kalidad para sa mga
karpintero sa paggawa ng mga bahay at muwebles. Karamihan sa
mga puno ng Narra ay matatagpuan sa kagubatan ng Bicol,
Mindanao at Cagayan Valley.

Mga Kagamitan at Kasangkapan sa Paggawa

Kinakailangan sa paggawa ng mga produkto ang mga kasangkapan


upang maging matagumpay sa paglikha ng mga ito.

4
May mga kasangkapang kailangan ang angkop na kasanayan sa bawat
uri ng mga gawain. Magiging maginhawa at kasiya-siya ang paggawa ng
proyekto kung wasto at maayos ang paggamit ng mga kasangkapan at
kagamitan.

Narito ang iba’t ibang uri ng mga kasangkapang ginagamit sa paggawa


ng mga bagay na yari sa kamay.

Mga Panukat

 Ruler -Ito ay maaaring yari sa kahoy, metal, at plastic na ginagamit sa


pagsukat ng mga bagay. May mga marka ito sa linya sa gilid.
karaniwang ang sukat o kalibra nito ay nasa sentimetro at
pulgada.
 Zigzag Rule – Ito ay ginagamit sa pagsukat ng taas, lapad, at kapal ng
materyal.
 Eskuwala -Ang panukat na ito ay ginagamit sa pagsukat ng maikling
distansiya, pagtiyak sa lapad at kapal ng tablang makitid at kung nais
tandaan kung eskuwalado ang bawat bahagi ng kahoy.

Mga Pamukpok

 Martilyo -Ang gamit na ito ay pamukpok ng metal at pambaon sa paet


at pako.
 Maso at malyete -Ito ay gamit na mukhang martilyo na yari sa bakal,
kahoy, o goma.

Mga Pambutas/Pang-uka

 Brace – Ito ay isang uri ng de-manong pambutas na ginagamitan ng bit


o talim sa dulo nito.
 Barena o Electric drill- Ang gamit na ito ay barenang de-koryente na
mainam na gamiting pambutas sa matitigas na
bagay tulad ng semento at bakal.
 Paet- Ginagamit na pang-ukit sa paggawa ng mga butas at hugpungan.

Pang-ipit

 C-clamp -Ito ay isang uri ng pang-ipit na mainam gamitin kung walang


gato.

Mga Pamutol

Mga Lagari

 Rip saw -Uri ng lagari na ginagamit pamutol nang paayon sa hilatsa ng


kahoy.

5
 Cross-cut saw -Ginagamit naman ito bilang pamutol nang pahalang sa
hilatsa ng kahoy.
 Back-saw -Ito ay mas maliit kaysa sa ibang lagari na may maliit na
ngipin. Ginagamit ito sa mga kanto ng mesa at
pagdudugtong.
 Coping saw -Ang lagari na ito ay ginagamit sa pagputol nang pakurba
sa proyektong yari sa kahoy.
 Keyhole saw -Ito ay lagari na maraming iba’t ibang talim na pambutas
nang pabilog.
Pampakinis

 Katam -Ginagamit na pampakinis sa mga ibabaw ng table o kahoy,


gamit ng kamay o di kaya’y koryente.
Halimbawa
Katam na haling o katam na pangutab -Mayroon itong malalim
na bahagi at dalawang hawakan sa magkabilang dulo.
Mga Panghasa

 Oil Stone -Ito ay gamit sa paghasa ng karamihang tuwid na


kasangkapang pamutol.
 Kikil -Ito ay panghasa sa mga ngipin ng lagari.

Iba Pang Kasangkapan

 Distornilyador -Ginagamit ito na pampahigpit o pampaluwag sa


tornilyo.
 Liyabe -Ito ay para gamitin na pampaluwag o panghigpit sa mga gripo
at dugtungang yari sa bakal.

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Proyekto

1. Tiyaking nakasuot ng angkop na kasuotan sa paggawa.


2. Ilagay ang mga kasangkapan sa matibay na lalagyan.
3. Tiyakin na nasa maayos na kondisyon ang mga kagamitan at alam ang
tamang paggamit nito.
4. Pumili ng isang maaliwalas, ligtas, at malinis na lugar kung saan
isasagawa ang proyekto.
5. Sundin ang panuto ng paggawa ng proyekto.
6. Humingi ng payo sa nakatatanda kung naalangan sa proseso ng
paggawa.
7. Iwasan ang pakikipag-usap at ituon ang atensiyon sa ginagawang
proyekto.
8. Iwasan ang paglalagay ng matutulis at matatalas na kagamitan sa
bulsa upang maiwasan ang aksidente.

6
9. Balutin ang matulis at matalas na bahagi ng mga kasangkapan.
10. Maging maingat sa paggamit ng matutulis at matatalas na kagamitan.
11. Tiyaking kumain at nakapagpahinga nang maayos bago gawin ang
proyekto.
12. Panatilihing malinis ang lugar na pinaggawaan ng proyekto.

Mungkahing Proyekto

I. Pangalan ng Proyekto: Paggawa ng patungan ng aklat


(Yari sa palotsina at plywood)
II. Layunin:
 Nakagagawa ng maliit na patungan ng aklat na yari sa
palotsina at plywood
 Nakagagamit ng angkop na kasangkapan at materyales sa
paggawa ng maliit na patungan para sa mga aklat
 Nasusunod ang tamang proseso at paraan sa paggawa ng
proyekto
 Natutuos ang halaga ng protekto
III. Gamit
 isang pirasong palotsina at plywood
 liha
 barnis o pintura
IV. Halaga ng Materyales:
Bilang/sukat Unit Pangalan ng Halaga ng Kabuuang
ng Materyales Bawat Halaga
Materyales Materyales
1 piraso plywood Php 1250.00 Php 1250.00
12 piraso angle bar Php 45.00 Php 540.00
1/2 kilo pako Php 50.00 Php 50.00
1 bote wood glue Php 150.00 Php 150.00
2 piraso papel de liha Php 20.00 Php 40.00
2 piraso 1 inch Php 75.00 Php 150.00
moulding
1 bote barnis Php 50.00 Php 50.00
Serbisyo Php 200.00
Kabuuang Halaga Php 2,430.00

7
V. Paraan ng Paggawa:
1. Ihanda ang mga kasangkapan at materyales na gagamitin.
2. Sukatin ang materyales na gagamitin ayon sa iyong plano.
3. Putulin ang mga bahagi. Sundin ang tamang sukat.
4. Gumamit ng katam sa paglilinis sa magagaspang na mga bahagi
nito.
5. Lagyan ito ng stickwel glue.
6. Isa-isahing ipako ang mga bahagi ng patungan.
7. Isaalang-alang ang tamang paraan sa pagbubuo ng proyekto.
8. Lagyan ng tig-apat na angle bar ang mga ilalim ng bawat isang
patungan.
9. Pakinisin gamit ang liha bago pahiran ng barnis ang buong
patungan.
10. Ipakita sa guro ang natapos na proyekto.

Rubrik para sa ginawang proyekto

PAMANTAYAN Kabuuang Sariling Puntos


Puntos Puntos ng
Guro
I. Paraan ng Paggawa
a. Pagkinis ng kawayan 10
b. Wastong paggamit ng kasangkapan 10
c. Tamang pagsukat sa kawayan 15
batay sa disenyo
d. Matibay na pagkakakabit ng kahoy 15
II. Pagkakabuo
a. Nasusunod ang mga hakbang sa 15
paggawa ng proyekto
b. Nailagay ng maayos ang disenyo at 10
mga bahagi nito
c. Wasto ang pagkakasukat ng 10
disenyo
d. Malinis, maayos, Pulido ang 15
gawang proyekto

Kabuuang Puntos 100

8
Pagyamanin

A. Panuto: Basahin ang kaisipan sa bawat bilang. Piliin sa kahon ang titik ng
tamang sagot at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

A. Apitong B. Lauan C. Yakal

D. Molave E. Narra F. Tangili

______1. Ito ay isa sa pinakakilalang kahoy na ginagamit sa mga kasangkapan


dahil sa katibayan nito. Tinatawag itong pambansang puno ng
Pilipinas.
______2. Isang uri ng matigas na punong kahoy na katutubo sa Timog
Silangang Asya at India. Ang dagta nito ay ginagamit na barnis.

______3. Ang uri ng punongkahoy na namumulaklak sa buwan ng Mayo.


Kulay dilaw at mabango ang mga bulaklak nito.
______4. Isang uri ng mga puno na likas/sibol sa Pilipinas. Madalas gamitin
sa pagtatayo ng mga bahay
______5. Ang punongkahoy na ito ay nangangailangan ng medyo basa at
makakapal na uri ng lupain upang mas lalong lumaki at dumami.
B. Pagtugmain ang mga pahayag sa Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
___1. Ito ay maaaring yari sa kahoy, metal, A. katam
at plastik na ginagamit sa pagsukat
ng mga bagay. Karaniwang sukat nito
ay nasa sentimetro at pulgada.
___2. Ang gamit na ito ay pamukpok ng metal B. martilyo
at pambaon sa paet at pako .
___3. Isang uri ng lagari na ginagamit nang C. oil stone
paayon sa hilatsa ng kahoy.
___4. Ginagamit na pampakinis sa mga ibabaw ng D. rip saw
tabla o kahoy, gamit ng kamay o di kaya’y
koryente.
___5. Ito ay gamit sa paghasa ng karamihang E. ruler
tuwid na kasangkapang pamutol.
F. zigzag rule

9
C. Panuto: Ang mga sumusunod ay mga panuntunan sa paggawa ng
proyekto. Lagyan ng tsek () ang bawat patlang ng bilang kung ang isinasaad
na pangungusap ay tama at ekis (x) naman kung mali. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.
_____1. Pumili ng isang maliwalas, ligtas, at malinis na lugar kung saan
isasagawa ang proyekto.
_____2. Maaring gumawa ng isang proyekto kahit anumang kasuotan ang
isusuot.
_____3. Makipag-usap sa kaibigan habang gumagawa upang malibang sa
paggawa.
_____4. Ilagay ang mga kasangkapan sa matibay na lalagyan.
_____5. Tiyaking kumain at nakpagpahinga nang maayos bago gawin ang
proyekto.

Isaisip

Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba, isulat ito sa sagutang papel.

1. Si Mang Ronie ay gumagawa ng mga upuan, lamesa, kabinet at iba


pang kasangkapan na gawa sa kahoy. Dahil dito, naibibigay ni Mang
Ronie ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya. Sa iyong
palagay, ano ang kahalagahang naidudulot ng gawaing kahoy?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Isagawa

Ngayon naman ay subukin natin ang iyong kaalaman at kasanayan


sa gawaing kawayan. Sa tulong ng iyong tatay, gumawa ng isang proyekto
na gawa sa kahoy.

10
Rubrik sa Paggawa ng Proyekto
Pamantayan Iskor
3 2 1
Paraan ng Ang lahat ng May tatlong Apat sa bahagi
Paggawa bahagi ng bahagi ng ng proyekto ay
proyekto ay proyekto hindi hindi makinis at
makinis at tama makinis at hindi hindi tama ang
ang sukat. tama ang sukat. sukat.
Hakbang sa Nasusunod ang May 3 hakbang May 4 at mas
Paggawa lahat ng sa paggawa ang marami pang
hakbang sa hindi nasunod. hakbang sa
paggawa. paggawa ang
hindi nasunod
Paglalagay ng Maayos at tama May ilang Karamihan sa
Disenyo ang disenyo ang disenyo ay hindi
pagkakasukat ng hindi maayos at maayos at hindi
mga disenyo hindi tama ang tama ang sukat
sukat
Kabuuan ng Malinis, maayos, Malinis ngunit Hindi malinis at
Proyekto at matibay ang hindi matibay hindi matibay
gawang proyekto ang gawang ang gawang
proyekto proyekto

Tayahin

Panuto: Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap.

Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.


___1. Maraming kasanayang matututuhan sa gawaing kahoy na tunay
na kapaki-pakinabang.
___2. Ang pagkakarpentero ay dapat na matutuhan ng mga batang
mag-aaral hindi lamang panghanapbuhay kundi para na rin sa
sariling pangangailangan.
___3. Ang dustpan, lampshade, at flower vase ay ilan lamang sa mga
halimbawa ng mga kagamitan na yari sa kahoy.
___4. Kung may sapat na kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy
ay maaaring magkumpuni ng mga sirang upuan at lamesa.
___5. Madaling matukoy kung ang isang bagay ay yari sa gawang
kahoy.

11
12
Balikan
Subukin
1. EBP
1. D 2. EB
2. D 3. EE
3. D 4. EF
4. D 5. ER
5. D
Pagyamanin Tayahin
A. 1. Tama
2. Tama
1. E 3. Tama
2. A 4. Tama
3. C 5. Tama
4. B
5. F
B. C.
1. E 1. 
2. B 2. X
3. D 3. X
4. A 4. 
5. C 5. 
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Bilgera, Yolanda. 2016. HELE In The New Generation. Tarlac, City. Wizard
Publishing Haws, Inc.
Eustaquio, Ofelia, H., Go, Galileo, L., Manalo, Thea Joy, G. 2019. Toward A
Productive Life. Quezon City: Abiva Publishing House, Inc.
Gabay sa Kurikulum ng K-12, MELC. 2020. Pasig City: Department of

Education.
Peralta, Gloria, Arsenue, Ruth, Ipolan, Catalina, Quiambao, Yolanda, Ariola,
Helenay Ann. 2016. Life Skills Through TLE 6. Quezon City
Philippines: Vival Group, Inc.
Peralta, Gloria, Arsenue, Ruth, Ipolan, Catalina, Quiambao, Yolanda, De
Guzman, Jeffrey. 2016. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa
Kaunlaran (Manwal ng Guro). Quezon City Philippines: Vival Group,
Inc.

13

You might also like