You are on page 1of 26

2

Ikatlong Markahan – Unang Linggo

NATATALAKAY ANG MGA PAKINABANG NA


NAIBIBIGAY NG KAPALIGIRAN SA KOMUNIDAD
Ano – ano ang mga likas na yaman makikita sa
inyong pamayanan? Paano ito nakakatulong
sa mga tao sa pamayanan? Bakit itinuturing
na mayaman ang Pilipinas sa mga likas na
yaman?
Alam niyo ba na ang Pilipinas ay isang
bansang sagana sa mga yamang lupa at
yamang tubig?
YAMANG LUPA

Marami sa mga pangunahing pangangailangan


ng tao ay nagmumula sa mga puno at
halaman. Ang mga ito ay tumutubo sa lupa.
Ang mga puno at halaman ay mga yamang
lupa.
 Mga Puno
Ang mga puno ay mahalaga dahil
nagbibigay ito ng lilim at nagiging tirahan
ng mga ibon. Ang mga punong hindi
namumunga ay maaring maging torso na
ginagawang tabla.
Ang tabla naman ay maaring gawing dinding,
sahig, at kisame ng bahay
Maari din itong gawing upuan,
mesa, at iba pang nuwebes. Ang
lapis at ang papel na iyong
ginagamit ay galing din sa puno.
May mga punongkahoy na
nagbibigay sa atin ng pagkain mula
sa mga prutas nito.
May mga puno naman
pinagmumulan ng iba’t ibang
produkto. Ang hibla mula sa punong
abaka ay ginagawang bag, tsinelas,
at sari – saring gamit
pandekorasyon.
Ang dagta ng rubber tree ay
ginagawang goma.
Ang mga puno ng niyog ay
itinituring na “puno ng buhay”.
Napakaraming produkto ang
nagmumula sa puno ng niyog.
Mahalaga ang mga puno sa kabundukan at
kagubatan. Bukod sa pagiging tahanan ng mga
ibon, ang mga ito ay nakapipigil din sa
pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa gilid ng
bundok. Nakapagpapalamig din ng kapaligiran
ang mga puno at binabawasan ang polusyon sa
hangin.
 Mga Halaman
May ibat ibang uri ng halamang sumisibol sa
ating lupain. May mga halamang nagbibigay
ng pagkain tulad ng prutas at gulay. Mayaman
ang mga ito sa bitamina at mineral na
kailangan ng ating katawan. May mga
halamang ding nakagagamot ng mga sakit.
Mayroong ding mga halamang ginagamit na
pandekorasyon.
May mga halamang gulay na
gumagapang.
May mga halamang din
nagbibigay ng lakas.
Takdang Gawain!

“Worksheet 27 sa Araling Panlipunan 2”

Tuklasin mo! Pahina 116 (1-3)

You might also like