You are on page 1of 19

4

Ikatlong – Markahan – Unang Linggo

NATATALAKAY ANG KAHULUGAN AT


KAHALAGAHAN NG PAMAHALAAN
Paano tayo makatutulong sa pagkakaroon ng
mabuting pamamahala sa ating bansa?
Ang Ating Pamahalaan

Ang pamahalaan ang pangunahing institusyong


nagpapatupad ng mga batas at kautusan sa
isang bansa para maipatupad ang mga mithiin
ng mga mamamayan nito.
Ang Pilipinas ay mayroong isang pamahalaang
demokratiko.
Ang kapangyarihan ng
ating bansa ay nahahati
sa tatlo: tagapagbatas,
tagapagpaganap, at
tagahukom.
Alinsunod sa probisyon ng konstitusyon tungkol
sa paghihiwalay ng kapangyarihan (separation of
powers) ng tatlong sangay sa pamamahala, ang
mga pinuno ng alinman sa tatlong sangay ng
pamahalaan ay hindi pinahihintulutang
makialam sa kapangyarihan ng iba.
 ANG SANGAY TAGAPAGBATAS
Ayon sa Konstitusyon o Saligang Batas, ang
kapanyarihang tagapagpaganap sa ating bansa
ay hawak ng ating Pangulo.
“Mataimtim kong pinanunumpaan (o
pinatotohanan) na tutuparin ko nang buoong
karapatan at sagisag ang aking mga tungkulin bilang
Pangulo ng Pilipinas, pangangalagaan at
ipagtatanggol ang magiging makatarungan sa bawat
tao, at itatalaga ang aking sarili sa paglilingkod sa
Bansa. Kasihan nawa ako ng Diyos.”
 MGA TUNGKULIN AT KAPANGYARIHAN NG
PANGULO
1. Ipatupad ang mga batas ng bansa. Maaari siyang
maglabas ng mga kautusang tagapagpaganap
(executive orders) upang ipatupad ang batas.

2. Magpanukala ng batas sa Kongreso.


3. Magsumite sa Kongreso ng panukalang badyet ng
kita at gastos ng pamahalaan.

4. Humirang ng mga opisyal ng bansa at opisyall ng


military.

5. Tumiyak sa mga ugnayang panlabas ng bansa


6. Makipagkasundo sa mga international financial
institution sa pag-utang ppara sa kapakanan ng
bansa.

7. Maggawad ng kapatawaran, palugit, o


pagbabawas ng parusa ng mga nagkasala sa batas.
8. Maaring gamitin ang kanyang veto power para
pigilin ang alinmang panukalang batas na ipinasa ng
Kongreso.

9. Gumanap bilang Punong Komander ng


Sandatahang Lakas.
 MGA LIMITASYON SA KAPANGYARIHAN NG
PANGULO
1. Hindi siya maaring humawak ng anumang
tungkulin o negosyo sa panahon ng kanyang
panunungkulan.
2. Ang asawa at kamag-anak ng Pangulo hanggang
sa ikaapat na antas na sibil ay hindi maaring
hirangin sa sumusunod na mga posisyon sa
pamahalaan.
3. Hindi siya makahihirang ng mga pinuno ng
pamahallaan sa loob ng siyamnapung araw mula sa
kanyang paghawak ng katungkulan.
4. Walang bias ang anumang kasunduan na
pinasukan ng pangulo, Kasunduang panloob man ito
o panlabas o pandaigdig kung wala itong pasang-
ayon ng dalawang-katlo ng lahat ng mga kaggawad
ng Senado.
5. Hindi siya maaring mangutang o gumarantiya man lang
sa pangungutang kahit ito pa ay para sa kapakanan ng
bansa kung walang pasang-ayon ng Monetary Board at iba
pang ahensiyang itinalaga ng batas.

6. Hindi lalagpas sa animnapung araw ang pagsususpinde


ng Pangulo ng pribilehiyo ng writ of habeas corpus kung
sakaling may pananalakay o paghihimagsik sa bansa.
7. Maaari siyang alisin sa kanyang puwesto matapos
mapatuunayang nilabag niya ang Konstitusyon,
tumangggap siya ng suhol, nagtaksil siya sa bansa, at
nagawa niya ang ibang pang malubhang kremin.

8. Hindi siya maaaring maggdeklara ng batas military nang


hindi sumasangayon sa Kongreso.
 ANG PANGALAWANG PANGULO
Ang panahon ng panunungkulan ng
Pangalawang Pangulo ay katulad din ng isang
Pangulo. Ang kanyang pangunahing
tungkulin ay palitang ang Pangulo kung siya
ay yumao, mawalan ng kakayahang gumanap
ng tungkulin o magbitiw sa tungkulin Maari
siyang hangarin bilang kagawad ng gabinete.

You might also like