INIHANDA NI: TEACHER ETCHIE Ang pamahalaan ng Pilipinas “Ang Pilipinas ay isang demokratiko at republikanong Estado. Nasa mga mamayan ang kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang buong pamumunuan ng pamahalaan.” Artikulo II, Seksyon 1 ng 1987 Konstitution Ang Pilipinas ay isang republikang may pampanguluhang anyo ng pamahalaan kung saan pantay na nahahati ang kapangyarihan sa tatlong sangay nito: ehekutibo, legislatibo, at hudikatura. Artikulo II, Seksyon 1 ng 1987 Konstitution Isang mahalagang bunga ng pampanguluhang Sistema ng pamahalaan ay ang prinsipyo ng paghahati ng kapangyarihan, kung saan nasasailalim sa Kongreso ang paggawa ng mga batas, nasasailalaim sa Ehekutibo ang pagpapatupad ang mga ito, at nasasailalim sa Hudikatura ang pagpapasyasa mga kontrobersiyang legal. LEHISLATURANG SANGAY Ang Lehistaruang sangay (Sangay na Tagapagbatas o ang Kongreso) ay pinahihintulutang gumawa ng mga batas, mag amyenda, at magsawalang bias ng mga ito gamit ang kapangyarihang ibinigay ng Kongreso ng Pilipinas. Nahahati ang institusyong ito sa Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang senado ay ang mataas na kapulungan at ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay ang mababang kapulungan. LEHISLATURANG SANGAY Bukod sa paggawa ng mga batas, nakasalalay rin sa Kongreso ang pagsasagawa ng mga imbestigasyon at pananaliksik para makatulong sa kanilang mga gagawing batas. Ito rin ang nagsasaysay na ang bansa ay nasa estado ng pakikipagdigmaan. Sa ganitong kalagayan, maaaring pagkalooban ng Kongreso ang Pangulo ng kapangyarihan para maisakatuparan ang mga pambansang patakaran. LEHISLATURANG SANGAY Ang mga kapulungan ng lehislaturang sangay ay may mga espesyal na kapangyarihan. Halimbawa, ang pagpapatibay ng mga kasunduan ng Pilipinas sa ibang bansa ay isang kapangyarihan ng Senado at ang pagsasampa naman ng kasong impeachment o pagkatanggal sa puwesto ng mataas na opisyal ay kapangyarihan ng Kapulungan ng mga Kinatawan. EHEKUTIBONG SANGAY Ang Ehekutibong Sangay (Sangay ng Tagapagpaganap) ay binubuo ng Pangulo at Pangalawang Pangulo na kapwa inihalal ng boto ng nakakarami at nagsisilbi sa loob ng anim na taon. Binibigyan ng Konstitusyon ang Pangulo ng kapangyarihang piliin ang kanyang Gabinete. Bubuuin ng mga kagwarang ito ang isang malaking bahagi ng burukrasya ng bansa. EHEKUTIBONG SANGAY Tinitiyak ng sangay na ito na ang mga batas na ginawa ng Kongreso ay naipatutupad upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan. Pinamumunuan ng Pangulo ang sangay na ito. Kaagapay niya sa pagpapatupad ng mga batas ang Gabinete na binubuo ng mga Kalihim ng iba't ibang ahensiya. EHEKUTIBONG SANGAY Batay sa konstitusyon, ang pangulo, alinsunod sa pagsangayon ng Komisyon ng Paghirang, ang may kapangyarihang humirang ng mga puno ng kagawaran, embahador, konsul, may ranggong kolonel sa sandatahang lakas, at iba pang mga opisiyal ayon sa isinasaad sa Konstitusyon. EHEKUTIBONG SANGAY Bilang punong komander ng sandatahang lakas ng bansa, maaaring iatas ng Pangulo ang pagsupil sa anumang karahasan, pananalakay, o paghihimagsik; at isailalim ang bansa sa batas militas. Taglay rin ng Pangulo ang veto power o ang kapangyarihang tanggihan ang isang panukalang batas na ipinasa ng Kongreso. Siya rin ang pumupili ng punonh mahistrado ng Korte Suprema at mababang hukuman. HUDIKATURANG SANGAY Ang Hudikaturang sangay (Sangay na Tagapaghukom) ay may kapangyarihan lutasin ang mga sigalot sa pagpapatupad ng mga karaptang nakasaad sa batas. Hinahatulan ng sangay na ito kung nagkaroon o hindi ng matinding pang- aabuso sa pagpapasya, na katumbas ng kulungan o kalabisan ng kapangyarihan, sa panig ng pamahalaan. Binubuo ito ng korte suprema at mga mababang hukuman. HUDIKATURANG SANGAY Mahalaga para sa isang bansa ang isang pambansang pamahalaan dahil iyo ang nagunguna sa pagbabalangkas ng pamamaraan ng pamamalakad at pamamahala sa bansa. Gayundin, ito ang namumuno sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa mga nasasakupan nito. HUDIKATURANG SANGAY Bumubuo ang pamahalaan ng mga programa sa iba-ibang larangan na karaniwang nababatay sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan. Ang pambansang pamahalaan din ang tumitiyak na maunlad ang ekonomiya ng bansa. Kung kaya, ang pamahalaan din ang nangangasiwa sa pambansang badyet. HUDIKATURANG SANGAY Tinitiyak din ng pambansang pamahalaan na ang karapatan ng mga mamamayan ay napangangalagaan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga serbisyong pangkabuhayan, pangkalusugan, pangkultura, pansibil, at pampolitika. Kahit nasa labas ng bansa ang isang mamamayang Pilipino, may mga kaparaanan ang pamahalaan upang tiyakin ang kanilang kaligtasan laban sa pananamantala. SUBUKAN NATIN! Piliin ang tamang sagot ng mga tanong sa ibaba sa kahon at isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot. A. SANGAY NG EHEKUTIBO B. SANGAY NG LEHISLATURA C. SANGAY NG HUDIKATURA SUBUKAN NATIN! _______1. Gumagawa ng batas Pambansang Pamahalaan ________2. Nilulutas ang mga sigalot sa Lipunan ________3. Namamahala sa pamahalaan ________4. Binubuo ng Pangulo at Pangalawang Pangulo ________5. Tagahukom SUBUKAN NATIN! ________6. Mga Senado at Kongreso ________7. Nagpapasiya sa mga nang-aabuso ________8. Binubuo ng Korte Suprema at mababang Hukuman ________9. Pinamumunuan ng Pangulo ang sangay na ito. ________10. Binubuo ng mga Kalihim at Gabinete Tahimik na magpalitan ng papel at itaas ang kamay kung gustong sumagot. SUBUKAN NATIN! 1. B 6. A 2. C 7. C 3. A 8. C 4. A 9. A 5. C 10. A KITAKITS SOON! SALAMAT SA PAKIKINIG!