You are on page 1of 15

MAPEH 4

MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH

Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4
Pananamit at Pagpapalamuti
ng Isang Kultural na Komunidad
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts 4 ng Modyul para sa araling


mga pananamit at agpapalamuti ng isang kultural na komunidad!

gawain ng iba’t-ibang kultural na komunidad!


Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication,
Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Arts 4 Modyul ukol sa pananamit at


pagpapalamuti ng isang kultural na komunidad !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. nakikilala ang iba’t ibang pananamit, at
pagpapalamuti gamit ang mga disenyo sa isang
kultural na komunidad;
2. naipahahayag ang ibat-ibang kaisipan tungkol sa uri
ng pananamit at pagpapalamuti ng isang kultural na
komunidad;
3. nakagagawa ng likhang-sining na nagpapakita ng uri
ng pananamit at pagpapalamuti ng isang kultural na
komunidad.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang letra ng


iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga disenyo ng mga kultural na komunidad ay
sumasalamin sa kanilang______.
A. pagkakakilanlan C. pagmamahalan
B. pagtutulungan D. pagdadamayan
2. Ang pananamit at pagpapalamuti ng ilan sa mga kultural
na pamayanan ay hango sa araw-araw nilang ______.
A. pagtatanim C. pamumuhay
B. paghahabi D. pagsasaka
3. Ang mga damit at palamuti ng bawat kultural na
komunidad ay kalimitang gumagamit ng ______ at
makapal na kulay.
A. matingkad B. malabo C. malinaw D. mapusyaw
4. Ang pangingisda,pagsasaka, pangangaso o pangunguha
ng prutas ay isang uri ng pamumuhay sa isang _____.
A. kultural na komunidad C. kulturang pang-rural
B. kultural na D. kulturang pang-urban
pamumuhay
5. Ang kultura ay tumutukoy sa _____ o mga uri ng
pamumuhay na pinagmulan ng isang komunidad.
A. buhay B. isip C. lipunan D. tradisyon

BALIK-ARAL

Pigur a 1, lar awan ng pam umuh ay ng i sang


k ult ur al na k omuni dad.

Ang mga sinaunang kagamitan at kasuotan ng mga kultural


na komunidad sa ating bansa ay bahagi na ng kanilang pang-
araw araw na pamumuhay. Ang kanilang paniniwala o
pananampalataya ay makikita sa mga disenyong nakaukit sa
kanilang mga katutubong palamuti at kasuotan. Ito ang siyang
nagsisilbing simbolo ng kanilang pagkakakilanlan.
ARALIN

Pagmasdan ang halimbawa ang mga larawan . Dito


makikita mo kung anong klase ng kulay, disenyo, at hugis
mayroon ang kanilang mga pananamit at palamuting ginagamit.
Makikita dito na ang kanilang kasuotan ay nagtataglay ng
matitingkad, makakapal, at makukulay na mga linya at hugis
gayundin ang kulay na ginamit sa mga dibuhong kanilang
pinagyaman.
Sa bawat salin-lahi makikita natin kung paano pinagyaman
ng mga kultural na komunidad ang mga pinaka-iingatang yaman
ng ating lahi. Dahil ito ay nagsisilbing simbolo ng kulturang
kinagisnan ng isang kultural na pamayanan.

Pigur a 2, palam ut i at t el ang gi namit sa i sang k asuot an.


Ang mga iba’t-ibang kultural na pamayanan dito sa ating
bansa ay may kani-kaniyang kagalingan sa paglikha ng palamuti
at kasuotan. Nakikita ito sa istilo at klase ng kanilang pananamit
at pagpapalamuti. Marami sa kanila ay hinahango ang kanilang
disenyo sa kapaligiran at uri ng pamumuhay na mayroon sila.
Ilan sa mga pangunahing gawa nila ay ang damit, banig, hikaw,
kuwintas, pulseras, kumot, banga, at iba pang kagamitan. Lahat
ng ito’y ginagamitan ng ibat-ibang hugis, linya at kulay.
Narito ang ilan sa mga halimbawa na ipinagmamalaking
kasuotan at palamuti ng ilang kultural na komunidad.

Pigur a 3, mga damit , pal amut i at iba pang


k agamit an ng i sang k ult ur al na k omuni dad.

Pigur a 4, ilan sa ur i ng pananamit at


pagpapal amut i ng isang k ult ural na k om uni dad.
Ang paggamit ng mga palamuti at kakaibang pananamit
ang siyang naglalarawan sa uri ng pamumuhay ng mga T’boli.
Mahilig silang magsuot at gumawa ng mga palamuting pulseras
at kuwintas. Na tunay nga namang ipinagmamalaki ng kanilang
komunidad.
Ang karaniwang gamit nila dito
ay mga butil na kulay pula,itim at
puti. Ang kuwintas na ito ay nilalagyan
ng palawit na yari sa tanso. Sadyang
mahihilig samatitingkad na kulay ang
mga T’boli.Kaya’t kung pagmamasadan
ang kanilang damit at palamuti ay
buhay na buhay. Pigur a 5, isang babaeng T ’boli na may
suot na k uwint as at iba pang ur i ng
pal am ut i.

Pigur a 6. Uri ng pananamit at pagpapal am ut i ng


k ult ur al na k omuni dad ng mga Bagobo.
Karaniwan sa mga damit at palamuti ng mga Bagobo ay yari
sa iba’t-ibang kagamitan. Ang kanilang damit ay yari sa telang
hinabi mula sa abaka, at ang kanilang mga palamuti naman ay
yari sa tanso, butil at mga batong may matitingkad na kulay.

Pagsasaka at pagahahabi ng tela ang pangunahing


ikinabubuhay ng mga Ifugao. Mahilig din silang gumawa at
magsuot ng palamuting yari sa iba’t-ibang kagamitan, katulad na
lamang ng makikita mo sa larawan. Tanyag ang mga lalaking
Ifugao sa pagsusuot ng bahag, ang kasuotang panlalaki ng mga
PigurAng
Ifgugao. a 7. kanilang
halimbawa ng palna
kultural am ut i ng mga Ifugao.
komunidad ay tanyag sa
pagtatatoo na tinatawag na pamamatok. Sila rin ay naniniwala
sa mga anito o diyus-diyosan.
Pigur a 8, modernong k asuot an na nil apat an ng
k ult ur al na disenyo.

Tunay ngang kahanga – hanga ang mga uri o klase ng


pananamit o pagpapalamuti mayroon ang mga kultural na
pamayanan dito sa ating bansa. Magpasa-hanggang ngayon
nakikita natin ang mga disenyong ito na ginagamit, gayundin sa
kung paano nila ito binigyan ng pagpapahalaga.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Piliin ang salita sa kahon na tumutukoy sa pahayag sa
bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
A. kuwintas B. bahag
C. Ifugao
D. abaka E. disenyo
______ 1. Kasuotan ng lalaking Ifugao.
______ 2. Kultural na komunidad na naniniwala sa anito/diyus-
diyosan.

______ 3. Ang damit ng mga Bagobo ay telang hinabi mula sa?


______ 4. Ito ay isang palamuti na yari sa butil na makulay.
______ 5. Ito ay makikita sa mga kultural na kagamitan gaya ng
damit at palamuti.
Pagsasanay 2
Panuto: Ihanay ang kolum A sa kolum B ayon sa pahayag sa
bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
A B
_______ 1. simbolo ng A. ibat-ibang hugis,
pagkakakilanlan ng linya at kulay
isang kultural na
komunidad
_______ 2. naglalarawan ng uri ng B. disenyo
pamumuhay ng mga
T’boli
_______ 3. ang kagamitan ng mga C. Bagobo
kultural na komunidad
ay ginamitan ng mga
_______ 4. ang kanilang damit ay D. Ifugao
yari sa telang hinabi
mula sa abaka
_______ 5. pangunahing E. pananamit at
ikinabubuhay nila ay pagpapalamuti
ang pagsasaka at
paghahabi ng tela

Pagsasanay 3
Panuto: Gumawa ng isang likhang-sining (etnikong kasuotan na
yari sa manila paper) na nagpapakita ng kultural na
disenyo ng isang kultural na komunidad.
Kagamitan: lapis, manila paper, gunting, krayola o oil pastel,
matulis na bagay o toothpick
Mga hakbang sa paggawa:
1. Magisip ng ibat-ibang disenyo ng isang kasuotang maaring
isuot na akma sa darating na okasyon. Maari kang gumamit
ng iba’t-ibang simbolo ayon sa uri ng pamumuhay ng isang
kultural na komunidad. Katulad ng pangingisda, pagsasaka,
pangangaso, o pangngunguha ng prutas.

2. Pakaisipang mabuti ang disenyong napili. Igawa ng pattern sa


manila paper at gupitin na parang kasuotan.
3. Pakaisipang mabuti ang disenyong napili. Igawa ng pattern sa
manila paper at gupitin na parang kasuotan.
4. Lagyan ng disenyo ang pattern ayon sa napag-aralan sa
kasuotan ng kultural na komunidad. Guhitan ito ng ibat-
ibang hugis. Maaring lagyan ng mga disenyong kuwintas at
iba pang palawit.
5. Kulayan ito gamit ang krayola o oil pastel. Gumamit ng
malinis at matitingkad na kulay at siguraduhing maayos ang
gawain.
6. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.
7. Maghanda para sa isang pagtatanghal o munting
parada/palabas.

1
2

3
4 5

PAGLALAHAT
Panuto: Pumili ng tamang salita o mga salita sa kahon. Isulat ito
sa patlang sa bawat bilang upang mabuo ang ideya ng
bawat pangngusap.
kultural na komunidad linya, hugis at kulay

kahulugan ng pamumuhay ng bawat lahi

pananamit at pula, dilaw itim at puti


1. A pagpapalamuti
ng uri ng pananamit at pagpapalamuti ay isang
mahalagang gawain sa mga _______________________.

2. Ang _______________________ ay sumisimbolo sa uri ng


pamumuhay mayroon ang isang kultural na
komunidad.
3. Ang bawat pananamit at palamuti ng mga etnikong
grupo ay gumagamit ng pangunahing elemento ng
sining katulad ng ________________________________.
4. Ang pananamit at pagpapalamuti ng isang kultural
na komunidad ay kalimitang gumagamit ng
matitingkad, makakapal, at magagarbong kulay
katulad ng ______________________________________.
5. Ang pananamit at pagpapalamuti ng bawat kultural
na komunidad ay sumasalamin sa malalim na
__________________________________________.

PAGPAPAHALAGA

Isang magandang paraan upang lalong maintindihan


ng isang mag-aaral ang uri ng pananamit at pagpapalamuti
ng isang kultural na komunidad ay sa pamamagitan ng
pagtuklas sa tunay na kahalagahan nito sa kasaysayan ng
isang lugar.

Bilang mag-aaral, sa paanong paraan mo maipapakita


ang pagpapahalaga sa istilo ng mga pananamit at
pagpapalamuti ng isang kultural na komunidad?

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang letra ng iyong sagot
sa sagutang papel.
1. Ang kultural na kamunidad ng mga ________ ay sadyang mahilig sa
paggamit palamuting may matitingkad at makakapal na kulay.
A. Badjao C. Bagobo
B. Ifugao D. Maranao
2. Ang kanilang damit ay yari sa hinabing tela na mula sa abaka.
A. Badjao C. Bagobo
B. Ifugao D. Maranao
3. Ang disenyo ng bawat kultural na komunidad sa kanilang
pananamit at pagpapalamuti ay hinango sa uri ng kanilang
________.
A. pamumuhay B. pagkatao C. pakikisama D. paligid
4. Ang pangunahing ikinabubuhay nila ay pagsasaka, paghahabi
ng tela at tanyag din sila sa pagtatatoo o pamamatok.
A. Badjao C. Bagobo
B. Kalinga D. Maranao
5. Ang _______ ay tumutukoy sa gawain, pananamit,
pagpapalamuti at tradisyong kinagisnan ng bawat kultural na
komunidad.
A. buhay B. kultura C. lahi D. paniniwala
Pagsasanay 3:
Gumawa ng isang likhang-sining (etnikong kasuotan na yari sa manila
paper) na nagpapakita ng kultural na disenyo ng isang kultural na
komunidad.
Kagamitan: lapis, manila paper, gunting, krayola o oil pastel, matulis na
bagay o toothpick
Paunang
Pagsasanay 1: Pagsubok:
Paglalahat: 1. A
1. kultural na komunidad 1. B
2. C
2. pananamit at pagpapalamuti 2. C
3. linya, hugis at kulay 3. A
4. pula, dilaw itim at puti 3. D 4. A
5. kahulugan ng pamumuhay ng bawat 4. A 5. D
lahi
5. E Panapos na
Pagpapahalaga: Pagsasanay 2: Pagsusulit:
Bilang isang magaaral mahalagang 1. A
malaman ang nito ang gamit at 1. B
kahalagahan ng pananamit at 2. C
2. E 3. A
pagpapalamuti ng isang komunidad,
sapagkat ito ang rason sa o dahilan 3. A 4. B
upang malaman natin ang kanilang 4. C 5. B
tunay na halaga at lalo pang mapagibayo
ang kakayahan ng bawat kultural na
komunidad ay lalo pang umunlad.
5. D
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M.
Ilagan, Josepina D. Villareal, et al... 2015MUSIKA AT SINING,
KAGAMITAN NG MAG-AARAL, DepEd- Beareau of Elementary
Education Curriculum Development Division, 2nd Floor, Bonifacio Bldg.
DepEd Complex, Meralco Ave. Pasig City, Philippines 1600, Telefax:
(632) 638-4799 0 637-4347

http://www.imagesphilippines.com/viewimage.php?/2020/06/15/id=664

https://badjaoculturecom.wordpress.com/2020/06/15/culture-of-badjao-2/
https://www.pinterest.ph/pin/2020/06/15/435512226445141174/
https://badjaoculturecom.wordpress.com/2020/06/15/culture-of-badjao-2/

https://www.pinterest.ph/pin/2020/06/15/405464772689578069/

https://manilagrapika.wordpress.com/2020/06/015/pangkat-etniko-ng-visayas-at-mindanao-
photos-with-description/

https://pt.slideshare.net/jaredram55/mga-pangkat-etniko-sa-pilipinas/17/2020/06/17

You might also like