You are on page 1of 12

4

EDUKASYONG PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang
Ornamental

Locally Developed Self-Learning Material


GABAY PARA SA MAG-AARAL, MAGULANG,
TAGAPAG-ALAGA AT TAGAPAGPADALOY

Para sa Iyo, Mag-aaral:


Maligayang pagtunghay sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Self-Learning Module
(SLM) sa Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental. Ang Modyul na ito ay inihanda para
bigyan ka ng masaya at makabuluhang pagkakataon para sa nagsasarili o ginagabayang pag-aaral na
kumbiniyente sa iyo. Matututuhan mo ang araling hatid ng Modyul bilang isang aktibong mag-aaral.
Para sa mga Magulang, Tagapag-Alaga at Tagapagpadaloy:
Ang Modyul na ito ay binuo at sinuri ng mga guro, punong guro at mga tagamasid ng Kagawaran ng
Edukasyon Sangay ng Lungsod ng Olongapo upang makabalikat kayo sa pagtulong sa ating mga mag-aaral
na maabot ang mga pamantayan ng Kurikulum ng K to 12. Ito ay sama-sama nating itataguyod sa kabila ng
mga hadlang sa normal na pag-aaral na kinakaharap ng mga mag-aaral sa kasalukuyan.
Bilang Tagapagpadaloy, inaasahang gagabayan ninyo ang mag-aaral sa paggamit ng Modyul na
ito. Ito ay sa pamamagitan ng pagpatnubay sa kanila na maisagawa at matapos nang maayos ang lahat ng
gawain at kahilingan ng aralin.

Maraming salamat po sa inyong tulong at pakikiisa.

Development Team of the Module

Writer: EDELYN J. GABRIELA

Reviewers: MARITES A. CALARA, EdD

JONATHAN F. BADA, EPS, EPP/TLE/TVL

Management Team:

LEILANI SAMSON CUNANAN, CESO V

MAYLENE M. MINIMO, EdD, CESE

ARIEL C. LANSANG

JOSE C. TALA, EdD

1
MGA LAYUNIN:
Matapos na mapag-aralan ang self-learning module na ito , ikaw ay inaasahan na:

1. Naiisa-isa ang mga pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental, para sa pamilya


at sa pamayanan; at

2. Napahahalagahan ang mga pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental para sa


pamilya at sa pamayanan.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Natatalakay ang pakinabang sa


pagtatanim ng halamang
ornamental para sa pamilya at
sa pamayanan.
(EPP4AG-0a-2)

2
Panimula

Sa araling ito, matututunan ng mga mag-aaral ang kahalagahang dulot ng


paghahalamang ornamental sa kapaligiran at sa kabuhayang pamilya. Maaasahan mong
malaki ang maibabahagi ng gawaing ito hindi lamang sa sarili, pamilya bagkus sa bayan.

Mga tala para sa Guro

Sa modyul na ito, malalaman ang mga pakinabang na dulot ng mga halamang ornamental.
Gabayan ang mga mag-aaral na maisasagawa ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim.

Alamin

Panuto: Ibigay ang pangalan ng mga sumusunod na halamang ornamental ayon


sa larawan. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1 _______________ 2 ________________ 3 __________________

4 ________________ 5 _________________

3
Paano matuto sa Modyul na ito:
Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang mga sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.


• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at pagsasanay.
• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay. Pagkatapos mong sagutin ang mga gawain, tingnan
ang kasagutan sa dulo ng modyul.

Icons sa Modyul na ito


Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng layunin sa pagkatuto
na inihanda upang maging gabay sa iyong pagkatuto.

Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin upang masukat ang


iyong dating kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan sa nakaraang aralin


at sa iyong bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa pamamagitan ng


gawaing pagkatuto bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan ng gawain sa


pagkatuto upang malinang ang iyong natuklasan sa pag-
unawa sa konsepto.

Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na inihanda para sa iyo


upang ikaw ay magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang maproseso ang inyong


natutunan mula sa aralin.

4
Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang maipakita ang
iyong mga natutunan na kasanayan at kaalaman at ito
ay magamit sa totoong sitwasyon.

Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit upang masusi ang inyong


antas ng kasanayan sa pagkamit ng layunin sa pagkatuto

Karagdagang Gawain Ito ay mga karagdagang gawaing pagkatuto na dinisenyo


upang mas mahasa ang iyong kasanayan at kaalaman.

Aralin
z

Kasanayan at Kaalaman sa Pagtatanim ng

2 Halamang Ornamental Bilang Isang


Pagkakakitaang Gawain
Napakaraming halamang ornamental na maaaring patubuin ngunit dapat na isaalang-alang ang
tamang paraan ng pagtatanim ng mga ito. Upang maging matagumpay ang pagtubo ng mga halaman
kailangang maayos ang paghahanda ng lupa, paso, o kaya ay lata na tataniman. Kailangan din ng halaman
ang sapat na pag-aalaga para sila ay lumaki nang maayos at maaari pang gawing pagkakitaan.

Balikan

Panuto: Isulat kung (herb, shrub, vine o palumpong) ang mga sumusunod na halamang ornamental.

______________1. bougainvillea
______________2. santan
______________3. lantana
______________4. cosmos
______________5. zinnia

5
Tuklasin

Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) ang kahon sa iyong napiling sagot.

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong magtanim at magbenta ng iyong pananim, alin kaya dito
ang maaari mong gawin para lumaki ng maayos at maging kaaya-aya ang iyong tanim?
Pipili ako ng magandang lugar para sa aking tanim.
Aalagan kong mabuti ang aking tanim.
Didiligan ko ang aking tanim araw-araw.
Pipili ako ng tamang lupa.
Lilinisin ko palagi ang paligid ng aking mga tanim.
Lahat ba ng nasa itaas ay naintindihan mo at nilagyan ng tsek? Tama ka! Magaling! Lahat yan ay
nakatulong sa maayos na pagtubo ng ating mga pananim.

Karagdagang Kaalaman:
Ano ang halamang ornamental?
Ang Halamang Ornamental ay mga tanim na ginagamit na palamuti sa mga tahanan, paaralan,
hotel, restawran, parke, at mga lansangan. Gaya ng mga halamang bulaklakinn, halamang baging, at
halamang palumpong. Mga halamang hindi namumulaklak at mga halamang medisinal.
Mga halimbawa ng ornamental na mga pananim:
1. Fortune Plant 6. Sunflower
2. Cosmos 7. Ilang-ilang
3. Espada 8. Gumamela
4. Zinnia 9. Bougainvillea
5. Adelfa 10. Portulaca

Iba’t-ibang uri ng halamang ornamental:


1. Herb – mga halamang may malambot na tangkay at karaniwang nabubuhay ng isa o dalawang
taon
2. Shrub – mga halaman na may ilang matitigas na sanga na
pangkaraniwan ng hindi tumataas ng mahigit sa 7 metro
3. Vine – baging o gumagapang na halaman na hindi nakakatayo sa
sarili kaya’t gumagapang sa lupa o kumakapit sa mga bagay
4. Palumpong – mga halamang hindi gaanong lumalaki ng mataas,
ang mga bulaklak ay kumpol- kumpol, malilit kaysa punong kahoy, tumutubo mula sa
bumabagsak na buto.

Mga gabay sa wastong pamamaraan ng pagtatanim ng halamang ornamental


1. Suriin ang inyong kapaligiran
2. Piliing mabuti ang mga uri ng lupang gagamitin
3. Pumili ng lugar na pagtataniman na angkop sa itatanim na halaman
4. Dapat may sapat na panustos para sa kagamitan tulad ng abono, kemikal na pamatay ng mga
kulisap, at mga gamot sa pagpuksa ng mga mikrobyo

6
Paano mapagkikitaan ang pagtatanim nang halamang ornamental?
Sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang nursery o garden, maaari kang magtanim ng iba’t ibang
halaman at pagdating ng takdang panahon maaari mo na itong ibenta sa inyong pamayanan. Sa panahong
ito, maaari kang magbenta online sa pamamagitan ng pag post ng iyong paninda sa social media gamit ang
facebook upang mas mapabilis ang paglalako nito sa publiko.

Suriin

Panuto: Bilugan ang mga halamang ornamental.

portulaca adelfa mahogany

molave ipil-ipil lauan

narra niyog malunggay

zinnia dahlia San Francisco

Pagyamanin

Panuto: Sagutin kung Dapat o Di dapat ang nilalahad na mga kaisipan o kasanayan sa pagtatanim. Lagyan
ng tsek (/) ang hanay ng iyong sagot.

KAISIPAN DAPAT DI-DAPAT

1. Alamin ang mga kailangan para maging maayos ang mga halaman
2.Piliing mabuti ang mga uri ng lupang gagamiitin.
3.Pagdidilig sa mga halaman araw-araw.
4.Hindi na kailangang itanim sa gilid, kanto, o sa gitna ng ibang
mababang halaman ang mga punong matataas
5.Pumili ng lugar na pagtataniman na angkop sa itatanim na halaman.

7
Isaisip

Gumawa ng album ayon sa kapakinabangan na makukuha ng


pamilya at pamayanan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental

Rubriks
PAMANTAYAN BAHAGDAN
1, Nilalaman 45%
2. Kaanyuan 20%
3.Balance and Harmony 35%

Isagawa

Panuto: Maglista ng limang halamang ornamental na madaling itanim at sabihin kung paano ito paramihin
at pagkakitaan.

1.

2.

3.

4.

5.

8
Tayahin

Panuto: Isulat sa patlang ang T kung tama ang gawain at M kung mali.

______1. Ang herb ay mga halamang may malambot na tangkay at karaniwang nabubuhay ng isa o
dalawang taon.
_______2. Ang vine ay mga baging o gumagapang na halaman na hindi nakakatayo sa
sarili kaya’t gumagapang sa lupa o kumakapit sa mga bagay.
_______3. Ang puno ng malunggay ay isang halimbawa ng halamang ornamental.
_______4. Hindi na kailangan alamin ang mga pangangailangan ng halaman upang maging maayos ang
mga ito.
_______5. Ang shrub ay mga halaman na may ilang matitigas na sanga na
pangkaraniwan ng hindi tumataas ng mahigit sa 7 metro

Karagdagang Gawain

Gumuhit ng mga kagamitang kailangan sa pagtatanim ng halamang ornamental.

1.
2.
3.
4.
5.

9
Sanggunian:
10
Balikan
1. vine
2. palumpong
3. palumpong
4. herb
5. herb
Suriin
1. portulaca
Pagyamanin 2. zinnia
KAISIPAN DAPAT DI-DAPAT 3. adelfa
1 / 4. dahlia
2 / 5. San Francisco
3 /
4 /
Tayahin
5 /
1. T
2. T Tuklasin
3. M 1. /
2. /
4. M
3. /
5. T
4. /
5. /
6. /
Answer Key
Department of Education. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
4 Gabay sa Pagtuturo pp. 128-130

Department of Education. Most Essential Learning Competencies


2020.

Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaral. Pahina, 320-323

www.pixabay.com:

11

You might also like