You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Aurora
Schools District of Baler
BALER CENTRAL SCHOOL
Baler

Guro: REBECCA G. GOMEZ Petsa:


Markahan: UNANG MARKAHAN Oras:

MASUSING BANGHAY ARALIN SA EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN IV


HOME ECONOMICS

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang konsepto ng “gawaing pantahanan” at ang
Pangnilalaman maitutulong nito sa pag-unlad ng sarili at tahanan.
B. Pamantayang Naisasagawa ng may kasanayan ang mga gawaing pantahanan na makatutulong sa
Pagganap pangangalaga ng pansariliat sariling tahanan.
C. Mga Kasanayan sa a. Nakatutulong sa paghahanda ng masustansiyang pagkain;
Pagkatuto (Isulat ang b. Napapangkat ang mga pagkain ayon sa Go, Grow at Glow foods
code sa bawat c. Nasusuri ang sustansiyang taglay ng mga pagkain gamit ang
kasanayan) “Food Pyramid Guide”;
d. Nasusunod ang mga alituntuning pangkaligtasan at pangkalusugan sa paghahanda ng
pagkain.
(EPP4HE-0i-14)
II. NILALAMAN Home Economics Aralin 13: PAGHAHANDA NG MASUSTANSIYANG PAGKAIN
III. KAGAMITANG Indicator 8: Design, adapt and implement teaching
PANTURO strategies that are responsive to the learners with dis
abilities, giftedness and talents. INDUCTIVE METHOD
A. Sanggunian starts with example and ask learner to find rules and
1. Mga Pahina sa 114-120 learner centered approach.
Gabay sa Pagtuturo
2. Mga Pahina sa 301 -309
Indicator 2: Display proficient use of Mother
Kagamitang Pang Tongue, Filipino and English to facilitate
Mag-aaral teaching and learning. The teacher and pupils
used Tagalog language in delivering the
3. Mga Pahina sa lesson.
Teksbuk
B. Iba Pang Mga larawan, PPP, lap top, cellphone, flaglet, television
Kagamitang Panturo
C. Integration Health: Describes ways to keep food clean and safe H4N-Ifg26
EsP: Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran EsP4PPP-IIIg-i–
22
ICT: Nagagamit ang web browser at ang basic features ng isang search engine sa
pangangalap ng impormasyon (EPP4IE-0e-10)

IV. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Bata


A. Balik-Aral sa Ilalarawan Ko, Susuriin Mo
nakaraang Aralin o Panuto: Suriin ang mga larawan. Sabihin ang N kung
pasimula sa bagong ito ay nakabubuti sa ating kalusugan at HN kung
aralin hindi-nakabubuti. Isulat ang sagot sa iyong hawak
(Drill/Review/Unlockin na board.
g of Difficulties)
1. N

1.

2. HN

2.

3. N

3.
4. N

4.

5. HN

5.

Mahusay mga bata, ngayong alam na ninyo kung


aling mga pagkain ang nakabubuti para sa ating
katawan higit nating mapapangalagaan ang ating
kalusugan.

B. Paghahabi sa Karanasan Ko, Ibabahagi Ko


layunin ng aralin Basahin ang sitwasyon, magsabi o magbigay ng
(Motivation) angkop na gawain para dito.
Sitwasyon: Indicator 9: Adapt and use culturally
Si Aling Belen ay maghahanda ng pagkain approach teaching strategies to address
the needs of the learners from indigenous
para sa kaarawan ng kaniyang anak, nagkataon na
group.
ngayon ay nakararanas tayo ng pandemya. Bilang
isang lider ng munting pangkat ng mga katutubo,
maraming dapat isaalang-alang si Aling Belen kaya
humihingi siya ng tulong sa atin.
1. Ano-anong masustansiyang pagkain ang 1. Pansit, kakanin, tinapay at iba pa
maari niyang ihanda? simpelng pagkain na makikita sa
2. Paano mapapanatili ang kaligtasan ng bawat pamayanan.
kasapi ng pamilya sa gagawing pagsasalo-
salo? 2. Iwasan ang paglalapit-lapit kapag
kumakain, iwasan din ang
makipagpalitan o
makipaghiraman ng gamit gaya
3. Kung ikaw ang may kaarawan, ano ang ng baso at kutsara.
maisusuhestiyon mo sa iyong nanay sa 3. Kung ako ang may kaarawan,
ganitong panahon? (tanggapin ang iba pang sasabihin ko kay nanay na gawin
kasagutan) lang Indicator 3: Usemagbahagi
itong simple, effective verbal
na and
non-verbal classroom communication
lang strategies
pagkain sa to kapwa
supportkatutubo
the learner
upang maiwasanparticipation,
understanding, ang pagkalat ng
engagement
and achievement
pandemya.
4. Ano-ano ang mga dapat gawin at tandaan 4. Kailangan nating panatilitihin ang
upang makaiwas tayo sa pagkalat ng virus na kalinisan sa sarili, palaging
dulot ng pandemya? maghugas ng kamay at gumamit
ng alcohol o hand sanitizer.
Napakahusay mga bata, marami tayong naibahagi
na mga kaalaman mula sa ating mga karanasan.
Kahit magkakaiba ang ating mga kasagutan, dapat
nating igalang ang opinyon at saloobin ng bawat
isa. Matuto tayong making sa pagbabahagi ng iba
bilang tanda ng paggalang sa ating kapwa.

C. Pag-uugnay ng Game: Picture Puzzle


mga halimbawa sa Tukuyin kung anong uri ng pagkain nabibilang ang
bagong aralin bawat larawan. GO, GROW O GLOW
(Presentation)

Glow Grow Glow

Go Grow Go

Go Glow

Grow
Mahusay mga bata, tingnan natin kung wasto ang
inyong mga naging kasagutan. Makinig na mabuti
sa ating tatalakayin.

D. Pagtatalakay ng Tamang Kaalaman, Ibabahagi Ko


bagong konsepto at Mahalagang alam natin ang tamang Makikinig ang mga bata at
paglalahad ng bagong paghahanda ng masustansiyang pagkain upang tayo magbibigay ng mga suhestiyon o
kasanayan No.1 ay makaiwas sa mga bacteria na maaring kumapit kaalaman batay sa kanilang mga
(Modelling) sa mga ito. Kung hindi maayos ang paghahanda karanasan.
nito, tayo ay maaring dapuan ng sakit.
Mahalaga din na maayos at malinis ang ating Indicator 1: Apply knowledge of
content within and across
paghahanda dahil bukod sa maganda itong tingnan, curriculum teaching areas.
nakasalalay rin dito ang ating kalusugan. Pag-aralan
natin ang iba’t ibang paraan ng wastong
paghahanda ng masustansiyang pagkain.

Wastong Paghahanda ng Pagkain


1. Maghugas ng kamay bago maghanda ng
pagkain. Mahalagang gawin mo ito upang
maging malinis at hindi madaling mapanis ang
iyong ihahanda.
2. Siguraduhing malinis ang mga gamit at paligid.
Gawing malinis ang mga gamit at paligid upang
maging kaayaaya ang pagkilos at hindi
madumihan at madapuan ng bacteria ang
iyong pagkaing inihahanda.
3. Sariwang pagkain ang gamitin. Bumili ng mga
sariwang pagkain sa iyong lulutin upang
makasiguro ka sa mga bitamina at sustansiyang
iyong makukuha sa iyong ihahandang pagkain.
4. Masustansiyang pagkain ang iyong gamitin.
Pumili ng mga produktong may ibinibigay na
sustansiya at walang masyadong maraming
kemikal.
5. Hugasan ang mga sangkap bago gamitin.
Siguraduhing nahugasan ang mga sangkap
upang masiguro na wala na itong mikrobyo.
6. Lutuing maigi ang mga pagkain.
Siguraduhing luto ang mga pagkain upang hindi
makontamina ang niluto na magdudulot ng
pagkalason sa mga kakain nito.
7. Itabi nang hiwa-hiwalay ang mga gulay at karne.
Magandang gawin ito upang hindi
makontamina ang mga gulay na galing sa mga
karne.
8. Ilagay sa refrigerator kung kinakailangan.
Palamigin ang mga pagkain upang manatiling
sariwa at hindi mabulok ang mga ito.
9. Ayusin at itago sa tamang lagayan ang mga
pinaggamitan. Kapag tapos kanang maghanda,
itago at linisan ang mga gamit upang hindi ito
dapuan ng mga insekto at upang magamit ulit
ito sa susunod na paghahanda mo ng mga
pagkain.
Pangkat ng mga Pagkain
Pangkat 1
Ang “Go foods” ay mga pagkaing
nagtataglay ng carbohydrates na nagbibigay ng init
o enerhiya sa katawan. Ilan sa mga ito ay kanin,
kakanin, ginataang mais, pagkaing gawa sa harina
tulad ng biskuwit at tinapay. Gayundin ang
matatamis na pagkain tulad ng puto, tubo, asukal at
pulot o honey.
Pangkat 2
Ang “Grow foods” ay mga pagkaing
mayaman sa protina na nagpapatibay ng buto at
nagpapalaki ng mga kalamnan. Taglay ang
protinang mula sa mga lamang-dagat tulad ng
halaan, tulya, tahong, talangka at iba pa. kabilang
din ang mga karne ng baboy at baka, itlog, gatas at
keso. Ang mga pagkaing mula sa butil tulad ng
mani, bataw at sitaw at iba pa ay tumutulong upang
manumbalik ang mga nasirang himaymay ng
katawan.
Pangkat 3
Ang “Glow foods” ay ang mga pagkaing
nagsisilbing proteksiyon ng ating katawan laban sa
mga sakit at impeksiyon. Ang mga maberde at
madahong gulay tulad ng malunggay, talbos ng
kamote at saluyot ay nakakatulong sa paglilinis ng
ating bituka. Ito rin ang makatutulong upang
lumabas nang maayos ang dumi sa loob ng ating
katawan at maging maginhawa ang ating
pakiramdam. Kabilang naman ang iron na
tumutulong sa maayos na kulay at daloy ng dugo sa
katawan. Ang bitamina A ay nagpapalinaw sa ating
mga mata. Ang mga bitamina B1, B6 at B12 ay
nangangalaga sa kutis at balat ng katawan.
Samantalang ang Bitamina C naman na nagmumula
sa mga makakatas na prutas tulad ng guyabano,
dalandan, duhat, manga at kamatis ay maganda sa
ating katawan.

Food Pyramid Guide


Ang Food Pyramid Guide ay nagsisilbing
gabay sa sustansiyang taglay ng mga pagkain at
dami ng pagkaing ihahain sa almusal mula sa
pangunahing pangkat ng pagkain. Mahalaga ang
pagkain ng almusal dahil simula ito ng araw na
nangangailangan ng higit na lakas para sa
maghapong gawain. Isinasaad ditto na ang nasa
ibabang bahagi ng pyramid ang pinakamaraming
sukat na kakainin. Ang nasa pinakataas na
bahagdan naman ay matatagpuan ang pinakamaliit
na bahaging dapat ihain at kainin.

E. Pagtatalakay ng I-research Mo, Isusulat Ko Magsasagawa ng research ang mga


bagong konsepto at Gamit ang inyong mga cellphone, sa loob ng limang bata batay sa kanilang madalas na
paglalahad ng bagong minuto magsagawa ng research tungkol sa mga inihahain sa hapag kainan kung saang
ksanayan No. 2 karaniwang pagkain na madalas na inihahain sa pangkat ang mga ito nabibilang.
(Guided Practice) inyong hapagkainan kung saang pangkat ang mga
ito nabibilang. Isulat ang mga kasagutan sa inyong
notebook. Kuhanan ito ng larawan at ipasa sa
Group Chat ng ating klase.

GO FOODS GROW FOODS GLOW FOODS


F. Paglilinang sa
kabihasan (Tungo sa Ipaglalaban Ko, Gamit ang Flag Ko
Formative Assessment) Tukuyin kung anong uri ng pagkain ang makikita sa Itataas ng mga bata ang angkop na
(Independent Practice) power point presentation. Itaas ang angkop na flaglet na magtutukoy sa uri ng
flaglet na magpapakilala sa uri nito. makikitang pagkain.
Indicator 4: Establish safe and secure
brown kung go foods learning environment to enhance learning
red kung grow foods through consistent implementation of
policies, guidelines and procedures.
green kung glow food

G. Paglalapat ng Pagkain Ko, Susuriin Ko (Pangkatang Gawain)


aralin sa pang araw- Sa pagsasagawa at presentasyon ng inyong mga Palagi pong magsusuot ng face mask.
araw na buhay gawain lagi nating tandaan ang pagsunod sa health
(Application/ Valuing) protocol upang makaiwas tayo sa sakit. Ano-ano Iiwasan din po ang paghihiraman ng
ang ating gagawin? mga gamit.

Unang Pangkat Pananatitilihin din po ang 1 meter


Panuto: Gumuhit ng tatlong bilog sa iyong social distancing.
sagutang papel. Kilalanin ang mga pagkain sa loob
ng kahon sa ibaba at isulat sa bawat pangkat kung At maglalagay po ng alcohol o hand
saan ang mga ito nabibilang. sanitizer palagi lalo na kapag may
hinawakang mga bagay.
Avocado saging talong
Mantikilya papaya itlog Pagsasagawa ng pangkatang gawain.
Ubas manok pulot tinapay

Indicator 5: Maintain learning


environments that promote
fairness, respect and care to
encourage learning.

Ikalawang Pangkat
Panuto: Sumulat ng isang jingle tungkol sa wastong Indicator 6: Maintain learning
environments that promote
paghahanda ng pagkain. fairness, respect and care to
encourage learning.
Ikatlong Pangkat
Panuto: Gumawa ng collage tungkol sa pinggang
pinoy gamit ang makukulay na larawan ng ibat
ibang uri ng pagkaing pinoy. Gawing pamantayan
ang food pyramid sa pagsasagawa ng collage.

H. Paglalahat ng Ano-ano ang tatlong pangkat ng pagkain? Paano Mayroon po tayong tatlong pangkat
Aralin nakatutulong ang kaalaman sa food pyramid at ng pagkain ang go foods, glow foods
(Generalization) pangkat ng pagkain sa wastong paghahanda ng at grow foods.
pagkain para sa ating pamilya? Makakatulong po ang kaalaman sa
pangkat ng pagkain at food pyramid
Very good mga anak! Malaking tulong talaga ang sa paghahanda ng pagkain upang
ating mga natutunan sa araw na ito hindi lang para makapili tayo ng tama at wastong
sa ating sarili gayundin sa ating pamilya. Higit natin pagkain na ihahanda natin sa ating
itong matatandaan kung palagi natin itong gagawin pamilya na kung saan mapapanatili
at isasagawa sa araw-araw na paghahanda natin ng natin ang kalusugan ng ating
pagkain. pangangatawan.
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga
katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Ano ang nagsisilbing gabay sa sustansiyang Indicator 7: Apply a range of successful


strategies that maintain learning
taglay ng mga pagkaing ihahain na nakabatay sa environments that motivate learners to work
pangunahing pangkat ng mga pagkain? productively by assuming responsibility for
their own learning. The teacher used variety
a. Go foods of activities to encourage the pupils to
participate actively in the lesson.
b. Glow foods
c. Grow foods
d. Food pyramid
2. Magluluto si Aling Ligaya ng tanghalian. Ano ang
una niyang dapat gawin sa paghahanda ng
ilulutong pagkain?
a. Maghugas ng kamay.
b. Hugasan ang mga kailangan sa
pagluluto.
c. Tsekin ang mga kagamitan sa
pagluluto.
d. Ihanda ang mga kagamitan sa
pagluluto.
3. Alin sa mga sumusunod ang pagkaing mayaman
sa protina?
a. Gata
b. isda
c. saging
d. sitaw
4. Ang madahong gulay at prutas ay halimbawa ng
pagkaing nakatutulong sa paglilinis ng ating
bituka at tumutulong upang lumabas nang
maayos ang dumi sa loob ng ating katawan. Sa
anong pangkat ito nabibilang?
a. Food pyramid guide
b. Go foods
c. Glow foods
d. Grow foods
5.Alin ang hindi kasama sa dapat nating tandaan
kung tayo ay naghahanda ng pagkain sa ating
pamilya?
A. Maghintay lamang sa pagkaing ihahain. Indicator 8: Design, adapt and
B. Alalahanin ang Food Pyramid Guide. implement teaching strategies
that are responsive to learners
C. Piliin ang sariwang pagkain upang with disabilities, giftedness and
masigurong masustansiya ang talents.
ihahandang pagkain.
D. Panatilihing malinis ang mga kagamitan
na gagamitin sa pagluluto.
J. Karagdagang Aralin Set A: Inay Ko, Iniidolo Ko (Remediation Activity)
para sa Takdang Aralin at Panuto: Obserbahan si nanay habang kayo ay naghahanda ng pagkain. Lagyan ng tsek (/)
Remediation ang katapat ng puntos. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Pamantayan 3 2 1
Naisasagawa ang sumusunod
1. Naihahanda ang mga gagamiting kasangkapan sa
pagluluto.
2. Ibinatay sa food pyramid guide ang mga pagkain.
3. Isinaalang-alang ang tatlong pangkat ng pagkain sa
paghahanda ng pagkain.
4. Naghugas ng kamay bago naghanda ng pagkain.
5. Hinugasan ang mga gagamitin sa pagluluto.
6. Iniligpit ang mga ginamit sa tamang lalagyanan.
7. Sariwa at bago ang mga niluto.
8. Malinis ang paligid ng lugar na pinaglutuan.
9. Tama ang mga rekado na ginamit sa pagluluto.
10. Walang halong kemikal at preservatives ang mga niluto.

Narito ang rubriks para sa gawaing ito:


9-10 = Lubos na kasiya-siya
7-8 = Higit na kasiya-siya
5-6 = Kasiya-siya
3-4 = Nangangailangan ng pagpapabuti
1-2 = Hindi kasiya –siya

Set B: Pagkamalikhain, Pauunlarin Ko (Enrichment Activity)

Panuto: Sumulat ng islogan tungkol sa wastong paghahanda ng pagkain na nagtataglay ng


alituntuning pangkaligtasan.

Narito ang rubriks para sa gawaing ito:

5 = Angkop ang mga salitang ginamit, mahusay at malinaw ang mensaheng nais
iparating.
4 = Angkop ang mga salitang ginamit ngunit hindi maayos ang pagkakabuo nito.

3 = May mga salitang angkop sa slogan ngunit hindi malinaw ang mensahe.

2 = May ginawa ngunit hindi natapos ang gawain.

1 = Walang nagawang islogan

Inihanda ni: Sinuri:

REBECCA G. GOMEZ LONILO B. TABUADA JR


Teacher III Master Teacher I

Pinagtibay ni:

RONNIE L. RITUAL
ES Principal II

You might also like