You are on page 1of 57

Pangangalaga sa

Kasuotan
EPP IV
Quarter 1-Week 1
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang pahayag na
nagsasaad ng wastong pangangalaga ng
kasuotan at ekis (X) kung hindi. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.
_____1. Magsuot ng pinakakomportableng
damit kung natutulog.
_____2. Gawing pamunas ng pawis ang
laylayan ng damit.
_____3. Ilagay sa ibabaw ng mesa ang mga
maruruming damit.
_____4. Itupi ang mga nilabhang kasuotan.
_____5. Nagpapalit ng damit pambahay
pagkauwi mula sa paaralan.
Kantahin at unawain ang kanta sa ibaba: 
Kasuotan ko, Pangalagaan ko!
(Tono: Leron-leron Sinta)
Lyrics: Jelly A. Racoma
 
Ating kasuotan
Ay pangalagaan
Huwag abusohin
Mapakinabangan.
 
‘To’y panatilihing
Maayos, malinis
Nang ating magamit
Sa pangangailangan din!
Tanong:
1. Bakit kailangang pangalagaan ang iyong
sariling kasuotan?
2. Paano mo kaya mapapangalagaan ang
iyong sariling kasuotan?
May iba’t ibang kasuotang ginagamit
sa iba’t ibang gawain na dapat mong
tandaan at isagawa. Mahalagang
mapangalagaan mo ang iyong kasuotan
upang ito ay magamit sa mahabang
panahon.
Alamin ang ibat’ ibang uri ng kasuotan.
Ito ay dapat isinusuot at ginagamit sa
wastong panahon o okasyon upang
mapangalagaan ang sariling kasuotan.
Maaaring pangkatin ang mga uri ng kasuotan
ayon sa pagkakalaan at panahong
paggagamitan.
Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang uri
ng kasuotan:
1) Damit Pambahay
Ang damit pambahay ay maluwang at
maginhawa sa katawan katulad ng daster,
shorts, t-shirt, at mga luma ngunit maayos
pang damit.
2) Damit Pamasok
Karaniwang blusa at palda para sa
kababaihan at polo at pantalon o shorts sa
mga kalalakihan gaya ng uniporme.
3) Damit Panlaro
Ito ay ginagawang maluwang upang
Malaya at maginhawa ang pagkilos ng
katawan. Ito ay maaaring kamiseta, t-shirt,
sando, shorts o bloomer.
4) Damit Pantulog
Ang mga kasuotang ito ay maluwang din sa
katawan katulad ng pajama, night gown. Ang
luma ngunit malinis na damit ay maaari ding
gamitin.
5) Damit Panlakad o Pang-Casual
Ito ay yari at naiiba sa karaniwang damit na
isinusuot sa araw-araw. Ito rin ay ginagamit
kapag may okasyon tulad ng pista, handaan,
salu-salo o iba pang pagdiriwang na
dadaluhan.
6) Damit Pang-Pormal
Ito ay yari at naiibang damit gaya ng barong
at saya. Ginagamit sa espesyal at pormal na
selebrasyon, pagtitipon at programa.
Ang mga kasuotang nabanggit ay ilan lamang
sa mga uri ng kasuotan na dapat bigyan ng
tamang pangangalaga upang mapanatiling
maganda ang anyo, malinis at kaaya-ayang
tingnan. Gayundin, mapanatili ang kulay at
kagandahan nito.
Ang mga ilang paraan ng pangangalaga ng
kasuotan ay ang sumusunod:
a) paglalaba
b) Pamamalansta
c) pagtanggal ng mantsa sa damit at
d) pag-aayos sa sira ng mga kasuotan
1. Paglalaba
Ang paglalaba ay ang proseso ng paglilinis
ng ating mga kasuotan. Sa paglipas ng
panahon, ang paraan ng paglalaba ay
nagbago.
Mga Pangunahing Sangkap ng Sabong
Panglaba at ang Gamit Nito
• Ang mga sabong pang laba ay malayo na ang
ipinagbago mula ng maimbento ang bar
soap na gawa sa sebo ng hayup at lye noong
taong 1700’s.
• Noong taong 1950’s natuklasan ang mga
tinatawag na synthetic detergents o sabong
gawa sa mga kemikal na lalung nagpa ganda
sa resulta ng paglalaba.
• Natuklasan din ng mga experts ang
tinatawag na laundry enzymes noong
taong 1970’s na bukod sa pagaalis ng
makapit na dumi, nagaalis pa rin ito ng
mga mantsa at amoy sa damit.
Alkalies
Ito ang pangunahing sangkap sa sabong
panglaba.
Ang alkalies ay soluble salts at base na
humahalo sa acid upang ma neutralize ito.
Ang alkalies ay sangkap na nagaalis ng dumi
at mantsa sa tela ng hindi kinakailangang ng
todong kusutan.
• Sa ngayon ang pagpapadaloy ng elekrisidad
sa maalat na tubig ang pinangmumulan ng
mga alkalies tulad ng sodium hydroxide
(NaOH) o caustic soda at potassium
hydroxide (KOH) o caustic potash. Ito ang
mga pangkaraniwang ginagamit na alkalies
sa mga sabong panglaba.
• Mild alkali is baking soda (sodium
Carbonate)
• Moderate alkalies include household
ammonia, borax, and trisodium
phosphate (TSP)
 Strong alkalies include washing soda
(sodium carbonate) and lye (caustic soda)
Mga Panganib na dulot ng Alkalies
1.Nakasusunog ng balat kung marami ang
inilagay at puwedeng ikasira ng lamang
loob natin kung ito ay maiinom.
2.Makamamatay rin ito.
3.Nakakasira o nakaka rupok ng tela ang
madalas na paggamit ng maraming alkaline
substance at maari ding maging magaspang
ang hilatsa ng tela pag hinawakan o isinuot.
Surfactants and Anti-Redepositing Agents
Isa pa rin sa pangunahing sangkap ng
sabong panglaba ay ang surfactants. Ang
surfactants ang nagpapalambot at nagaalis ng
dumi sa damit at inihahalo nito ang dumi sa
tubig kaya mapapansin natin na ang tubig na
pinagbabaran natin ng damit ay dumumi kahit
hindi natin ginagalaw ito. Ang duming nasa
tubig ay pinipigilan ng sufactants na dumikit
muli sa damit.
Anionic Surfactants
 isang molicule na may negative charge.
• Ito ay magaling magtanggal ng oily na
dumi at mantsa huwag lamang gumamit
ng tubig na may kahalung calcium at
magnesium (tubig ilog o balon).
Kung ang tubig na gamit sa paglalaba ay
galing sa ilog o balon, ang dapat mong piliing
sabon ay yung may non-ionic surfactants.
Makikita ito sa libel ng supot ng sabon. Ang
mga sabong nabibili sa kasalukuyan ay
magkahalo ang anionic at non-ionic
surfactants.
Mga Uri ng Surfactants
• alkyl sulfates (anionic)
• alkyl ethoxylate sulfates (anionic)
• ethers of fatty alcohol (non-ionic)
Mga Aktibong Materials ng Laundry Detergent
 pH modifiers to balance acids and bases in
water
 optical brighteners (bleach alternative) para
lalung pumuti ang damit habang naka sampay
sa init ng araw o pagkukula. Iwasan lamang
ikula o isampay ang mga de kolor sa matinding
liwanag ng araw upang hindi mangupas ang
kulay.
 water conditioners upang maiangkop ang
sabon sa kahit ano mang uri ng tubig.
 suds control with soap or silicone para
mapigilan ang sobrang bula ng sabon.
 preservatives para hindi mabulok ang
binabad na damit at pamatay ng mga
mikrobyo at mapigilan ang pagdami nito.
Catalytic Enzymes
Ang catalytic enzymes ay maaaring
natural o processed chemical. May ibat ibang
uri ng catalytic enzymes na ginagamit sa
pagaalis ng iba’t ibang uri ng dumi ng damit.
Pinaghihiwalay hiwalay ng catalytic enzymes
ang mga dumi sa damit kasing liit ng
molecule upang madali itong matanggal.
 protease – nagaalis ng duming protein-based
 amylase – nagaalis ng duming starch-based
or carbohydrate
 cellulase – pinaluluwag ang mga cotton
fibers to para maalis ang dumi nito.
 lipase – nagaalis ng duming fat-based
 mannanase – nagaalis ng mantsa galing sa
mga pagkain
• pectinase – nagaalis ng mantsa galing sa
mga prutas
Ang talagang pinag gagamitan ng Enzymes ay
sa paggawa ng tinapay ito ay pang pa alsa at sa
pag gawa ng mga alak. Nang ito ay gamitin o
inihalo sa sabong pang laba nagkaroon ng
malaking pagbabago. Noon upang luminis ang
damit pag nilalabhan kailangan pa ng mainit
na tubig at maraming sabon o harsh lye based
soaps. Ngayon ay hindi na.
Sa kasalukuyan ang mga scientist ay may
tinuklas na sangkap ng sabon ito ay ang "white
biotech,". Ang biotechnology na ito ay ginawa
upang mabawasan ng 2.5 billion tons of CO2
emissions per year ang ating mundo. Ito ay
galling sa report ng World Wildlife Fund. Ito ay
napatunayang napakabisa sa pagtanggal ng
dumi sa damit.
Fragrance o Pabango
Ang fragrances o pabango ay nagdudulot ng
perception of cleanliness lamang.

Colorant or Dyes (Tina)


Dyes o tina ay ginagamit sa paglalaba upang
madagdagan lamang kulay ng damit upang
mag mukhang bago. Walang paglilinis na
nililikha ito sa damit.
Sa mga Taong may Sensitive Skin
Kung ikaw ay may sensitive na balat “ huwag
gumamit ng sabong panglaba na nagtataglay
ng DYEs. Napagalaman ng mga
dermatologist na ito ang sanhi ng skin
irritation.
Papano Nakakalinis ng Damit ang Sabon?
Tatlong proseso na dapat isagawa, ito ay
ang enerhiya na kemikal, thermal energy, at
mekanikal na enerhiya.
Ang enerhiyang kemikal ay, siyempre, ang
sabong panlaba. Laging tandaan na ang
mumurahing sabong panlaba ay may taglay
na konting enzymes lamang. Konting
enzymes resulta ay konting linis din. Nasa
sabong gamit ang tagumpay ng laba.
Ang thermal energy naman ay tumutukoy sa
temperature ng tubig na gagamitin sa
paglalaba at sa uri ng sabong gagamitin.
Tiyaking lagi na binasa mo ang nakasulat na
pamamaraan sa paglalaba sa bawat sabong
gagamitin.
Ang mechanical energy naman ay ang uri ng
maglalaba washer ba o washing machine o
manomanong laba.
Tamang Pagpili ng Sabong Panglaba
 
 Ang dapat mong piliin ay sabong bagay sa
iyong pamilya, ipektibo sa pag alis ng dumi
ng damit, mabango, porma (Liquid, o
powder) at ang halaga.
• Pagaralan mung mabuti kung gaano kadumi ang
mga damit ng inyong pamilya isama mo na rin
ang mga pangkaraniwang mantsa sa inyong mga
damit.
• Kung inaakala mo na ang inyong mga damit ay
hindi masyadong madumi bumili ka lamang ng
mumurahing sabong pang laba at mabisang stain
remover.
• Kung ang inyung mga damit ay masyadong
marumi dahil sa inyoung aktibidad at trabaho,
may amoy, at may mga mantsa, kailangan mo ng
mamahaling sabong pang laba at mabisang stain
remover
 Isa pa ring dapat gawin ay ang pag alam ng
mga sangkap ng sabong bibilhin o
gagamitin sa paglalaba.
 Ang pinaka mahalaga ay ang mga sangkap
na surfactants at enzymes na pang alis ng
dumi at mantsa. Ang mga bargain sale na
sabon ay may konting surfactants at
enzymes na taglay at mahinang luminis ng
damit.
• Puwede kang bumili ng dalawang uri ng
sabon, mamahalin at mumurahin dahil
hindi lahat ng inyung mga damit ay
masyadong marurumi. Halos karamihan sa
sabong pan laba ay para sa malamig na
tubig, dapat ay ito ang gamitin dahil may
mahal ang gastos sa paglalaba kung
gagamit ka pa ng mainit na tubig dahil
dagdag gastos sa pagpapainit ng tubig pa.
May mga sabong pang laba na powder o liquid. Pareho lamang
ang epekto nito ang kaibahan lamang ay ang liquid detergent ay
concentrated at ang powder ay unconcentrated at napaka laki ng
lalagyan.
Para malaman ang tamang dami ng gagamiting sabon bawat
kilo ng labada, dapat mung basahin at sundin ang nakasulat na
washing instructions at upang makatipid din sa gastos.
Panuto: Isulat ang sitwasyon o okasyon kung saan
isinusuot ang mga sumusunod na pananamit. Titik
lamang ang isulat mula sa pagpipilian at isulat ito sa
sagutang papel.
D polo shirt
___1. B duster
___6.
E jogging pants
___2. A uniporme
___7.
C long gown
___3. E leotards at tights
___8.
C coat at tie
___4. ___9.B pajama
B t-shirts at shorts ___10.
___5. D rubber shoes
at sneakers
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at punan
ng tamang salita upang mabuo ito. Pumili ng
sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

Pamasok kasuotan panlakad


1. May pantulog Pambahay
iba’t ibang ______________ tayog
kasuotan
ginagamit sa iba’t ibang pagkakataon.
2. Magsuot ng tamang damit _______________
katulad ng pajama, daster at short upang
maginhawa
pambahaysa katawan.
3. Huwag gawing panlaro ang damit na
pamasok
_____________ sa paaralan.
panlakad
4. Magsuot ng damit na ____________ pag
magsisimba.
5. Kapag tutulog na magsuot ng tamang damit
pantulog
___________ katulad ng panjama o night gown.
Panuto: Basahin ang pangungusap upang mabuo ang
mga gulong letra.
1. lasemya-_____________
amylase nag aalis ng duming starch-
based or carbohydrate.
2. paseli- __________
lipase nag-aalis ng duming fat based.
3. nasetipec-_________ nag-aalis ng mantsa galing sa
mga prutas. pectinase
4. laselucel-___________ pinaluluwag ang mga cotton
cellulase
fibers para maalis ang mga dumi nito.
5. nasenaman-___________ nag-aalis ng mga mantsa
galing sa pagkain. mannanase
1. Si Ana ay pagod na pagod pagdating
niya sa bahay galing sa trabaho. Kaya
natulog na siya na pgkadating niya sa
bahay. Kung ikaw si ana gagayani mo rin
ba siya? Bakit?
2. Bumili si aling nena ng mumurahing
sabong panlaba sa tindahan na malapit sa
kanila. Ginamit ito ni aling nena ngunit
nagsugat ang kanyang mga kamay. Sa
tingin mo puwede ba kay aling nena ang
binili niyang sabon? Bakit? Kung ikaw si
aling nena ano muna ang dapat mong gawin
bago bumili ng sabon?
Tandaan: Maraming uri ng kasuotan ang ating
ginagamit. Mahalagang batid o alam natin ang
mga paraan ng pag-aalaga sa mga ito. Kapag
alam natin kung paano mapangalagaan ang
ating sariling kasuotan ito ay tatagal at
magagamit natin ng husto.
Ano ang mga dapat tandaan sa tamang pagpili
ng mga sabong panlaba?
Ano ang mga panganib na dulot ng alkalies?
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa iyong
sagutang papel.
1. Ito ay yari at naiiba sa karaniwang damit na isinusuot
sa pang-araw-araw. Ito ay ginagamit kapag may
okasyon o pagdiriwang na pagdadaluhan.
a. Damit pambahay c. Damit panlakad
b. Damit pantulog d. Damit panlaro
2. Karaniwang palda para sa mga kababaihan at polo at
pantalon para sa mga kalalakihan gaya ng uniporme.
a. Damit pamasok c. Damit pampormal
b. Damit pantulog d. Damit panlaro
3. Sa kasalukuyan ang mga scientist ay may tinuklas na
sangkap ng sabon ito ay ang "____________”.
a. white biotech c. yellow biotech
b. red biotech d. green biotech
4. Sangkap na nagaalis ng dumi at mantsa sa tela ng
hindi kinakailangang ng todong kusutan.
a.Catalytic enzymes c. Alkalies
b. Fragrant d. Colorant or dyes
5. Ginagamit sa paglalaba upang madagdagan lamang
ang kulay ng damit upang mag mukhang bago.
a.Catalytic enzymes c. Alkalies
b. Fragrant d. Colorant or dyes
GAWAIN SA EPP 4
Gawain sa Pagkatuto bilang 1
Iguhit sa isang short bond paper ang iba’t ibang uri ng
kasuotan.
 
Gawain sa Pagkatuto bilang 2
Gumupit ng pakete ng sabong panlaba na ginagamit
ninyo sa inyong bahay. Idikit ito sa isang short bond
paper at isulat sa gilid ang mga sangkap na
matatagpuan sa likod ng pakete.

You might also like