You are on page 1of 5

DLP Blg.

: 12 Asignatura: Baitang: Markahan: Oras:


50 minuto
Edukasyong Pantahanan at 5 Ikalawa
Pangkabuhayan (Industrial Arts)
Mga Kasanayan: Code:
Hango sa Gabay Pangkurikulum 4.1.4 materyales, kagamitan, at pamamaraan sa pagbuo
4.1.5 pangangailangan sa pamilihan(market demands) EPP5IA- 0e-5
Susi ng Pag-unawa na
Ang pag-alam sa materyales, kagamitan at pamamaraan sa pagbuo ay mahalaga upang
Lilinangin:
matutukoy ang mga pagkukunan ng produkto. Ang pangangailangan ay tumutukoy sa kagustuhan
ng mga tao sa pamayanan na bumili ng mga produkto at serbisyo na kanilang kailangan sa pang-
araw-araw na buhay. May mga salik na nakakapaekto sa pagtaas ng pangangailangan sa
pamilihan.
1. Mga Layunin
Kaalaman
Nailalarawan ang mga materyales, kagamitan at pamamaraan sa pagbuo ng produkto
Kasanayan
Nasusuri ang mga produkto na maaaring mabuo sa iba’t ibang materyales at kagamitan
Kaasalan
Naibabahagi ang mga kaalaman na salik sa mga pangangailangan sa pamilihan
Kahalagahan
Naipapaliwanag ang mga makakaapekto sa pagbuo ng produkto para sa negosyo
2.Nilalaman
Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Pang-elektrisidad
3. Mga K to 12 Curriculum Guide EPP 5 Industrial Arts , Batayang Aklat 5 sa Kaalaman at Kasanayan
Kagamitang Tungo sa Kaunlaran p. 192 - 202, larawan
Pampagtuturo
4.Pamamaraan
4.1 Panimulang
Ipapasuri sa mga mag-aaral kung ano ang materyales yari ang mga kagamitan o produkto na
Gawain
inilahad sa larawan.
minuto

4.2 Mga Gawain/


Estratehiya Hatiin ang klase sa apat na pangkat at punan ng kanilang sariling ideya ang mga parihaba sa mga
produkto na maaaring yari sa mga pinangalanan sa bilohaba. Sa loob ng 10 minuto, ito ay
minuto kanilang isulat sa manila paper at pagkatapos ang guro ay pipili kung sino sa bawat pangkat ang
maging tagapag-ulat.

Kawayan

Dam
o

Tabl
a

Retaso
4.3 Pagsusuri
Magbigay ng karagdagang ideya sa mga naging konspto ng mga mag-aaral batay sa kanilang
naging pag-uulat sa kanilang gawain, at mag puna sa mga ideya na hindi angkop sa maging
minuto
talakayan sa rawa na ito.
4.4 Pagtatalakay
Ang ating pamayanan ay sagana sa mga materyales na likas nating matatagpuan sa ating
paligid. Ilan sa mga ito ay mga halamang itinatanim katulad ng mais, palay at iba pa. Maari ring ito
minuto
ay mga materyales na matatagpuan sa ating yamang tubig gaya ng mga shells o kabibe
Bawat materyales ay naaayon sa uri ng kapaligiran na mayroon tayo. Bawat uri ng materyales
ay may angkop na gamit na dapat nating alamin upang makagawa ng higit na maganda at
matibay na proyekto na ating pakikinabangan. Ilan sa mga materyales na matatagpuan sa
pamayanan ay ang mga sumusunod:
1. Damo- ang mga damo ay pangkaraniwang tumutubo sa mga bakanteng lote, halimbawa
ng mga ito ay talahib, kugon, tikiw, tambo at iba pa. Mayroon din namang tumutubo sa tubig tulad
ng water lily.

a. Talahib at Kugon- Ang mga ito ay karariwang matatagpuan sa mga bakanteng lote. Ito
ay kinukuha at pinatutuyo sa init ng araw upang magamit sa paggawa ng bubong, ngunit maaari
rin itong gamiting pangdisenyo sa mga kagamitan gaya ng kahon o sisidlan at parol o pabitin.

b. Tikiw- Ang tikiw ay isang uri ng damo na may mataas at kulay tsokolateng bulklak at
mahaba at matalim na dahon. Kadalasang pinatutuyo ito sa init ng araw upang gawing dingding
ng bahay ngunit mahusay at matibay din itong gawing bag, banig, at pangdisenyo sa mga sisidlan
o kahon.

c. Water Lily- ito ay matatagpuan sa mga anyong tubig gaya ng sapa at ilog. Ito ay may
maberdeng kulay, malambot na katawan, at may pinaghalong puti at lilang bulaklak. Ito ay
pinatutuyo sa araw at kinukulayan at ginagawang bag at tsinelas.
Matatagpuan naman sa Cuyapo, Nueva Ecija ang pagtatanghal ng iba’t ibang kagamitan na gawa
sa water lily sa kanilang water lily festival tuwing Nobyembre ng bawat taon.

2. Niyog- Ang puno ng niyog ang tinatawag nating “Puno ng Buhay” dahil sa ang bawat
bahagi nito ay may gamit. Mula sa ugat hanggang sa dahon ay maari kang makagawa ng
makabuluhang bagay o proyekto. Mainam gawing gamot ang mga ugat nito at maaari ring gawing
palamuti sa ating mga tahanan. Ang mga hibla ng bunot nito ay maaaring gawing bag, lubid, at
pwede ka ring gumawa ng pahiran ng paa. Ginagamit din ang katawan ng niyog sa paggawa ng
sahig, ding-ding at haligi ng bahay. Maari ring gumawa ng mesa at upuan gamit ang katawan nito.
Ang mga dahon naman ay maaring gawing walis at bubong ng bahay. Ang bunga ay maaaring
inumin at ipansahog sa pagkain. At ang bao nito ay maaring gawing alakansiya, sandok at iba
pang gamit sa kusina.
3. Kawayan – Ang kawayan ay isang uri ng damo na madalas matagpuan sa mga liblib na
lugar. Ito ay matibay at maraming gamit. Kadalasang ginagamit ang kawayan sa pag-gawa ng
bahay kubo at iba pang parte ng bahay. Ilan pa sa mga produktong maaaring gawin gamit ang
kawayan ay mga upuan at mesang kinakainan, lampshade, plorera, alkansya at marami pang iba.

4. Tabla at Kahoy –Ang mga aparador na ating pinaglalagyan nang iba’t-ibang


kagamitan,ding-ding, kisame ng bahay, mesa at upuan ay ilan lang sa mga halimbawa ng mga
kagamitan na yari sa kahoy at tabla. Ang
kahoy at table ay nagmula sa iba’t-ibang uri ng punong kahaoy katulad ng acacia, molave, yakal,
apitong, dao, narra, kamagong at marami pang iba. Tiyakin na ang kahoy at tabla na gagamitin sa
paggawa ng proyekto o produkto ay tuyong tuyo upang masiguro ang kalidad at tibay nito.

5. Retaso ng tela-Ang mga retaso o pinagtabasan ng tela na patapon na ay maaari paring


magamit sa paggawa ng isang makabuluhang bagay na iyong pakikinabangan o pagkakakitaan.
Maaari itong gawing door mat, pot holder, pouch,at pangdisenyo sa mga gamit.

6. Saging- Ang saging ay kilalang kilala sa bansa. Ang bunga nito ay matamis na prutas at ang
bulaklak naman nito ay maaaring iluto o ipangsahog sa ibang lutuin. Ang saha naman
nito ay mainam gawing pangdisenyo ng mga kagamitan gaya ng plorera, lampshade, bag, at iba
pa.

7. Kabibe- ang mga ito ay matatagpuan sa mga pampang ng mga anyong tubig gaya ng
dagat, sapa, at ilog. Ang mga kabibe ay magandang gamiting palamuti sa mga produktong
gawang kamay gaya ng plorera o flower vase at iba pa.

Pag-alam sa materyales, kagamitan, at pamamaraan sa pagbuo

Mahalaga ang pagtutukoy sa pagkukunan ng materyales at kagamitan sa pagbuo ng produkto.


Higit pa rito, ang kasanayan ng mga manggagawa sa paggamit ng materyales at kagamitan ay
kailangan ding matiyak.
Ang pagsasagawa ng market analysis ay isang mabisang paraan upang malaman kung ang
komunidad ay mayroon o sapat na kakayahan upang magbigay bg mga kakailanganin sa
prosukisyon ng produkto. Kung matuklasan na ang mga pangangailangan sa materyales at
kagamitanay hindi matutugunan ng pamayanan, kakailanganin ang pagsasagawa ng pang-
aangkat. Subalit kailangang isaisip ang mga karagdagang gastusin dulot ng pag-aangkat gaya ng
mga buwis, transportasyon, makinarya, pagsasanay ng manggagawa sa paggamit ng mga
bagong materyales at iba pa. mas makabubuti kung tiyak na ang mga kakailanganin sa
produksiyon ay matatagpuan lamang sa pamayanan upang makatipid sa panahon at gastos. Ang
presyo ng isang bagay o produkto ay naaayon sa uri ng materyales at kagamitang ginamit sa
pagbuo nito. Ang proseso at pamamaraan ay isa ring salik na nakakapaketo sa kabuuang halaga
nito.

Pag-alam ng Pangangailangan sa Pamilihan

Maraming salik ang nakakapekto sa pagtaas ng pangangailangan sa pamilihan. Ilan sa mga ito ay
ang mga sumusunod:

1. Populasyon - ang oagdami ng mga tao sa pamayanan ay nangangahulugan din ng pagtaas ng


pagkunsumo sa mga produktong lubhang kailangan upang mabuhay.
2. Ekspektasyon – ang mga hindi inaasahang pangyayari gaya ng kalamidad ay nagdudulot ng
pas-iisip na kailangan mag-impok ng mga produktong kakailanganin sakaling maranasan ang mga
hindi inaasahang pangyayari. Ito ay resulta ng pagnanais ng tao na makaligtas o survival.
3. Okasyon – ang mga pagtitipon at pagdiriwang ay pagpapataas ng pagkonsumo sa mga
produkto. Sa katunayan, likas na sa mga Pilipino ang makilahok sa mga kasanayan bilang bahagi
ng kultura, relihiyon at pagmamahal sa mga kaanak.
4. Kita – ang pagtaas ng sahod sa trabaho o kita sa negosyo ay magbubunga sa pagtaas din ng
kakayahan ng mamimili na magtamo ng ga produktong naisin higit pa sa mga pangangailangan.
5. Pagtaas ng mga produktong kaugnayan – ang pagtaas ng presyo ay magtutulak sa mga
mamimili na humanap ng mga katulad ng produktong sasapat sa kanilang kakayahan na bumili.
6. Kagustuhan – ang pagnanais ng mga tao na sumubok ng mga bagong produkto ay magdudulot
ng pagbaba sa demand ng produktong dati nilang binibili.
4.5 Paglalapat 1. Ano-ano ang mga salik sa pagtaas ng mga pangangailangan sa pamilihan?
2. Bakit dapat nating malalaman ang pag-alam sa materyales, kagamitan at pamamaraan sa
minuto pagbuo ng produkto?
3. Paano ito makakatutulong sa paglaki ng kita sa negosyo?
4. Paano nakakaapekto sa presyo ng isang produkto para maging malago ang negosyo?
5. Bakit mahalaga ang pag-alam sa materyals at kagamitan sa isang produkto?
5. Pagtataya A. Tukuyin kung aling pangunahing materyales ang tinutukoy sa bawat pahayag.
Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon at isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
minuto

A. Saing C. Water lily E. Kabibe


B.Tabla D.Tikiw F. Niyog

1. Ito ay matatapuan sa sapa at ilog na kapag pinatuyo sa aray ay mainam gawing


bag at tsinelas.
2. Ito ay isang prutas na may matamis na bunga at malambot na katawan, ngunit ang
pinatuyong saha nito ay magandang gamiting pangdisenyo ng Plorera, bag, at iba pa.
3. Matatagpuan ito sa pampang ng anyong tubig gaya ng ilog, sapa, at dagat.
Maganda ito ay mula sa mga namatay na yamang tubig gaya ng suso, tulya,
sulib, at iba pa.
4. Ito ay kadalasang ginagamit upang makagawa ng kagamitang pantahan tulad ng
upuan, aparador, lamesa, at iba pa.
5. Ito ay kilala sa tawag na “puno ng buhay” sapagkat mula sa ugat hanggang sa dahon
nito ay maaaring gawing iba’t ibang uri ng produkto tulad ng walis, gam0t, sabon,
table, langis, at marami pang iba.
6. Takdang -
Mananaliksik ng mga makabagong materyales, kagamitan at pamamaraan sa pagbuo ng isang
Aralin
magandang produkto, at ipahiwatig ang kahalagahan nito sa pamayanan.
minuto
7. Paglalagom Tumawag ng dalawang mag-aaral na magbubuod sa kanilang nalalaman sa naging talakayan.

minuto
DETAILED LESSON PLAN

Inihanda ni:

Pangalan: Francisco C. Gaon Jr. Paaralan: Bogo Central School I


Posisyon/Designasyon: Teacher 3 Sangay: Bogo City Division
Contact Number: 09976277811 Email address: Francisco.gaon001@deped.gov.ph

You might also like